• March 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 13th, 2024

Gilas Pilipinas inilabas na ang manlalaro na sasabak sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS ng Gilas Pilipinas ang 15 manlalaro nito na sasabak para sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na Nobyembre 21 at 25 sa Mall of Asia Arena.

 

 

Pinangunahan nito ni June Mar Fajardo, Ange Kouame, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Japeth Aguilar, Mason Amos, Justin Brownlee, Aj Edu, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao,Dwight Ramos, Kai Sotto, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

 

 

Sinabi coach Tim Cone na maaring mayroong mabago depende aniya sa pagsisimula ng kanilang training camp.

 

 

Magugunitang unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Nobyembre 21 habang susundan ito ng Hong Kong sa darating na Nobyembre 24.

Quiboloy nanikip dibdib, isinugod sa ospital

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUGOD sa Philippine Heart Center si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy nang makaramdam ng paninikip ng dibdib.

 

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa press briefing kahapon sa Kampo Crame.

 

Ayon kay Fajardo, Huwebes, Nobyembre 7 nang dumaing ng paninikip ng dibdib at pagkahilo si Quiboloy, dahilan para magsagawa ng medical examination ang PNP General Hospital.

 

Lumabas sa resulta ng medical exam na mayroon itong irregular heartbeat na maaa­ring maikonsidera na life threatening.

 

“Marami po ‘yong kailangang gawin sa kanya…just to make sure po na hindi po malalagay sa alanganin po ‘yong kanyang buhay po at ‘yong kanyang medical condition po,” ani Fajardo.

 

 

Dahil dito, inirekomenda ng PNP General Hospital na masuri ito nang maigi ng mga eksperto, dahil baka ito ay posibleng maging seryosong kondisyon.

 

Sinabi ni Fajardo na dinala sa PHC nitong Biyernes, November 8 si Quiboloy alinsunod sa utos ng Pasig Regional Trial Court. Dapat ding naibalik kahapon ng tanghali si Quiboloy sa PNP Custodial Center.

 

Subalit ayon kay Fajardo, kahapon din ay nakatanggap ang PNP Custodial Center ng kopya ng utos ng Pasig RTC na pinapalawig ang hiling na medical furlough ng kampo ni Quiboloy hanggang sa November 16, alas-5 ng hapon para makumpleto ang iba pang medical examination nito.

 

Tiniyak naman ni Fajardo na heavily-guarded ang kwarto ni Quiboloy at limitado lamang ang pinapayagan makabisita rito. Sa ngayon anya ay nasa maayos ang kondisyon ni Quiboloy.

 

Nakapiit si Quiboloy sa PNP Custodial Center bunsod ng kasong qualified human trafficking at sexual abuse charges. (Daris Jose)

Dahil sa kinanselang iskedyul ng pagdinig sa war on drugs: Digong Duterte, pupunta pa rin ng Kongreso para harapin ang mga miyembro ng Quad comm

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na tuloy ang pagpunta nila ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Nobyembre 13 sa Batasang Pambansa.

 

Kokomprontahin kasi ni dating Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Quad Committee dahil sa ginawang pagkansela ng mga ito sa 10am scheduled hearing ukol sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

 

“PRRD and I will go to Batasang Pambansa tomorrow at 10 a.m. and confront the Quad Committee members why after demanding his presence and accepting their invitation and coming here last night, they will just cancel it without prior notice,” ang sinabi ni Panelo.

 

Hindi palalampasin ni Digong Duterte ang pagkakataon na maharap ang mga miyembro ng House quad-committee na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs at uriratin ukol sa kanselasyon ng scheduled hearing matapos niyang (Digong Durete) na tanggapin ang imbitasyon ng komite.

 

Sa katunayan, hahamunin pa ng dating Pangulo ang quad-comm members ng isang “marathon hearing.”

 

“He will ask them to schedule a marathon hearing of ten days,” ang sinabi ni Panelo.

 

Araw ng Lunes, tinanggap ni dating Pangulong Duterte ang imbitasyon na dumalo sa pang- 11 pagdinig ng quad-committee na naka-iskedyul, araw ng Miyerkules, Nobyembre 13.

 

Subalit makikita sa website ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang House committees on dangerous drugs, public accounts, public order and safety, and human rights na ang itinakdang pagdinig para sa nasabing araw ay kanselado.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dadalo si Digong Duterte sa House quad-comm’s hearing hinggil sa di umano’y extrajudicial killings sa panahon ng kanyang termino na may kinalaman sa ‘war on drugs campaign.’

 

Matatandaang, hindi dumating si Digong Duterte sa pang-10 pagdinig ng komite noong Nov. 7 matapos kuwestiyunin ang integridad ng ilang mambabatas.

 

Noong nakaraang buwan, sa halip ay dumalo ang dating Pangulo sa kahalintulad na pagdinig sa Senado. (Daris Jose)

PBBM sa TYPHOON-WEARY PINOYS: Handa ang gobyerno para sa bagyong ‘NIKA’, iba pang bagyo

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga typhoon-weary Filipino na ‘fully mobilized’ ang local at national government para protektahan ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

 

Sa sidelines ng Seatrade Cruise (STC) Asia 2024 Welcome Reception sa Parañaque City, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang government response teams ay ‘on the ground’, nililinis ang mga kalsada at naghahanda para maghatid ng tulong sa mas higit na kinakailangan.

 

“Kahit na may bagyo, kahit na malakas ang hangin nasa labas sila dahil kaya pa naman. Kaya pa naman daw. They can still work to clear trees that fell. ‘Yung mga poste na nahulog para may daanan ang mga relief goods natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sinabi pa nito na ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay naka-monitor sa Severe Tropical Storm Nika, na humina subalit patuloy na nakaaapekto sa Ilocos Sur at kalapit lugar nito.

 

“The government has prepositioned equipment and relief supplies, ready to respond as soon as conditions allow,” ang winika ni Pangulong Marcos sabay sabing “We are now monitoring what’s happening.”

 

“We’ve done the usual standard procedure where we have sent, prepositioned our equipment and our relief goods. And we will just have to see where the areas are that will be particularly hit,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na ang lahat ng kaugnay na ahensiya “continue to prepare” para sa dalawang iba pang inaasahang bagyo, inihahanda ang lahat ng remedyo upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino.

 

Tinitingnan din ng gobyerno ayon sa Pangulo ang mga pinsala sanhi ng mga bagyo upang masiguro ang kagya’t na tulong.

 

Nanawagan naman ang Chief Executive sa mga mamamayang Filipino na makinig sa LGUs.

 

“As soon as the government can come in, we will come in. Your local government is there – is ready to be the first responders as they always are and the national government will come in as soon as we can,” he said.

 

“In fact, we’re already there and they’re just waiting for the storm to allow them to get to work,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression: PBBM, nais na ipre-position na ng mga pribadong kontratista, na may kontrata sa national government ang kanilang assets

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipre-position na ng mga private contractor, na may kontrata sa national government ang kanilang assets sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression.

 

”Maliwanag sa Pangulo ang kanyang instruction at inuulit niya ito sa mga government agencies na ang bago ngayon ‘yung mga private contractors, ‘yung mga trucks nila, ‘yung mga makinarya nila, ‘yung mga private contractors na may kontrata sa gobyerno, DOTr [Department of Transportation], DPWH [Department of Public Works and Highways], dapat naka-pre-position na,” ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez.

 

Sinabi ni Chavez na inatasan din ng Office of the President (OP) Department of the Interior and Local Government na kung ang Office of the President ay wala pang anunsyo sa ‘work at class suspension’, ang DILG ay maaaring magpalabas ng direktiba para sa local government units.

 

Pagdating naman aniya sa budget para sa relief efforts, sinabi ni Chavez na nagbigay na ng katiyakan ang Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo para sa tropical cyclones na inaasahan na tatama sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taon.

 

Nauna rito, tuluyan nang naging typhoon ang bagyong Nika at ito ay patuloy pa ring lumalakas habang papalapit sa boundary ng Isabela at Aurora.

 

Ayon sa 8 a.m. report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong umaga, November 11, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Isabela o northern Aurora.

 

Huli itong namataan sa layong 100 kilometers silangan ng Casiguran Aurora.

 

Taglay nito ang lakas na hanging 130 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 180 kilometers per hour.

 

Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers per hour pa-kanluran.

 

 

Ayon sa PAGASA, ang weather disturbance ay posibleng lumabas ng ating bansa bukas, November 12.

 

Bilang nag-intensify ang bagyo, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa malaking bahagi ng Luzon.

 

Kabilang na riyan ang northernmost portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran), central and southern portions of Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin), Kalinga, Mountain Province, northern portion of Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, Lagawe), central and southern portion of Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Tubo, Danglas, Villaviciosa, La Paz, Licuan-Baay, Pilar, Malibcong, Pe, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub), at ang northern and central portions of Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Santa Maria, Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Narvacan, Quirino, Cervantes, Sigay, Salcedo, Santa Lucia, City of Candon, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Santa Cruz).

 

Nasa Signal No. 3 naman ang central portion of Aurora (Dinalungan), northern portion of Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela), northeastern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong), nalalabing bahagi ng Isabela, southwestern portion of Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat), the rest of Abra, the rest of Ifugao, northern portion of Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), southern portion of Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna), at ang natitirang lugar sa Ilocos Sur.

 

May Signal no. 2 rin sa ilang bahagi ng Luzon at kasama na riyan ang northwestern and eastern portions of Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), the rest of Nueva Vizcaya, the rest of Quirino, the rest of Apayao, the rest of Benguet, the rest of Ilocos Norte, La Union, the northeastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug), central portion of Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler), at northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)

 

Signal No. 1 naman ang Metro Manila, Rizal, Babuyan Islands, the rest of mainland Cagayan, the rest of Pangasinan, the rest of Aurora, the rest of Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern and central portions of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso), eastern portion of Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Pila), northern and eastern portions of Quezon (Infanta, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, Perez, Real, General Nakar, Calauag) kasama na ang isla ng Polillo, at ang northwestern portion of Camarines Norte (Capalonga, Santa Elena, Vinzons, Labo, Paracale, San Vicente, Talisay, Daet, Jose Panganiban). (Daris Jose)

CHELSEA, patuloy na lumalakas ang laban at maiuwi ang korona

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI na ang na-LSS sa bago at masayang Christmas Station ID ng GMA Network na “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.”

 

 

Mula sa premiere nito last November 11, marami na ang tumangkilik at pinusuan ang kanta. Dumagsa na rin ang mga positibong reviews galing sa netizens.

 

 

Ilang oras lang nakalipas pagkatapos ito ma-post sa social media, umabot ng million views ang Christmas Station ID. Sa Facebook, mahigit umabot ito ng 2.1 million views at 24,000 reactions. Sa YouTube naman, pumatak ito ng 200,000 views at 4,000 likes.

 

 

Usap-usapan din ito sa X (dating Twitter) at nag-trending sa Pilipinas ang hashtag #GMAChristmasStationID2024.

 

 

Layunin ng “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ang ipakita at ipaalala sa lahat na ang tunay na Paskong Pinoy ay puno ng pasasalamat, pagmamahal, at saya.

 

 

Ang masiglang Christmas Station ID ay inawit ng mga magagaling na Kapuso artists na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Thea Astley, John Rex, at Sparkle’s youngest P-pop group, Cloud 7.

 

 

Isinulat ito nina Christine Autor, Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, Ann Margaret Figueroa, Lorraine Intes, at Samantha Toloza. Binuo rin nito nina Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, at Ann Margaret Figueroa.

 

Present naman sa music video ng “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ang mga paborito at rising Kapuso stars. Kasama rin ang staff at executives ng GMA Network, katulad nina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon at President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr.

 

***

 

SUSTAINABILITY advocate and Jewelmer CEO, Jacques Christophe Branellec proudly shared sa Instagram ang first Filipino-made Miss Universe crown na ia-unveil very soon.

 

“From Palawan to the Universe! Off we go to Mexico City to launch the new crown of Ms Universe by Jewelmer! First time for the Universe to have a crown made in the Philippines adorned by our national gem, the golden south sea pearl! Para sa bayan!,” caption ni Branellec.

 

Maiuwi kaya ng pambato ng ‘Pinas na si Chelsea Manalo ang naturang Miss Universe crown?

 

Yan ang aabangan ng mga Pinoy, lalo pa nga’t patuloy na lumalakas ang laban ni Chelsea.

 

***

 

NAGING open ang star ng Dawson’s Creek na si James Van Der Beek na na-diagnose siya with colorectal cancer.

 

Ayon sa 47-year old ‘90s heartthrob: “I have colorectal cancer. I’ve been privately dealing with this diagnosis and have been taking steps to resolve it, with the support of my incredible family.

 

 

There’s reason for optimism, and I’m feeling good.”

 

Nagpapasalamat si James sa suporta ng kanyang wife na si Kimberly ay ng anim nilang mga anak. Kahit na may sakit siya, tuloy ang pagtrabaho niya.

 

Mapapanood si James, kasama ang iba pang actors, na mag-strip for charity sa ‘The Real Full Monty’ on December 9. Ang two-hour special ay magre-raise ng cash for prostate, testicular, and colorectal cancer testing and research.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Oplan sita tinakasan, rider na walang helmet buking sa baril

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa selda ang isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ dahil walang suot na helmet sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang naarestong suspek na si alyas “Jhon”, 21, ng Bagong Barrio, Caloocan City.

 

Sa report ni PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS1) sa kahabaan ng Lanzones Road, Brgy. Potrero nang parahin nila ang suspek na sakay ng motorsiklo dahil walang suot na helmet dakong alas-9:15 ng gabi.

 

Sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng suspek ang minamanehong motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang makorner sa Orange Road at maaresto.

 

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang cal. 9mm revolver na kargado ng limang bala at nang hanapan siya ng papeles hinggil sa ligaledad nito ay wala siyang naipakita kaya binitbit siya ng pulisya. (Richard Mesa)

JADE RICCIO, proud sa celebrity students tulad nina MICHELLE, RHIAN, MAYMAY, ATASHA at ZIA

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIIMBITAHAN ng Riccio Music & Artistry (RMA) Studio Academy ang lahat na maging bisita nila sa kanilang annual musical recital concert sa Disyembre 1, 2024, ika-6 nang gabi sa The Podium Hall.

 

Sa temang, “Be Our Guest”, titipunin ng konsiyerto na ito ang mga mag-aaral, pamilya, celebrity, at iba pang A-lister na bisita ng RMA Studio Academy na masasaksihan ang sari-saring galing sa musika at pagtatanghal ng mga estudyante ng RMA sa isang grand concert event.

 

Itinatag noong 2020, ang RMA Studio Academy ay ang unang all-in-one na creative hub ng Pilipinas, na may misyon na gamitin ang pinag-isang kapangyarihan ng musika at bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal sa lahat ng edad at background upang tuklasin ang kanilang potensyal sa sining.

 

Itinatag ito ni Ms. Jade Riccio, isang award-winning na soprano, na kilala bilang “Asia’s Jewel”, ang halos dalawang dekada niyang pag-aalay ng sarili sa pagtatanghal sa lokal at internasyonal ay nagbigay inspirasyon sa kanya na lumikha ng isang komunidad ng kahusayan sa RMA.

 

“Since our inception, RMA has flourished into a highly sought-after music academy, with a team of accomplished coaches and performers providing personalized lessons tailored to each student’s unique goals and aspirations,” sabi ni Ms. Jade.

 

Para sa unang bahagi ng konsiyerto, ang RMA Studio Academy ay magtatanghal ng mga musikal, dahil naniniwala sila na ito ay mabibighani sa kanilang mga manonood pati na rin ipakita ang hindi kapani-paniwalang mga talento ng kanilang mga mag-aaral.

 

Ang musical concert ay magha-highlight din ng napakaraming repertoire, na kinabibilangan ng Pop, OPM, K-Pop, Jazz, P-Pop, Classical, at natatanging fusion performance na may 15 pirasong orkestra.

 

Ang grand musical event na ito ng RMA Studio Academy ay magpapakita rin ng kanilang versatility at commitment sa pagbibigay ng malawak na hanay ng mga music lesson.

 

“This concert is not just a showcase of talent; it demonstrates RMA’s dedication to artistic diversity and excellence,” paliwanag pa niya.

 

“We are also proud to include a wide range of performers, from students aged 6-30’s. Some of our students are high-profile celebrities, while many others are emerging talents ready to shine on stage and as I always say stage is the best teacher,” pagbabahagi pa ni Ms. Riccio.

 

 

Ang dapat makitang kaganapan na ito ay hindi lamang magha-highlight sa musika, ngunit makikinabang din sa mga bata mula sa dalawang istimado na organisasyon – Save the Children Philippines at Autism Society Philippines dahil ang mga bahagi ng ticket sales ay ido-donate sa dalawang organisasyong ito.

 

Ayon kay Ms. Riccio, ang partnership ay sumasalamin sa pangako ng RMA na gumawa ng makabuluhang epekto sa buhay ng mga bata at indibidwal na may autism, na umaayon sa misyon ng RMA na baguhin ang buhay sa pamamagitan ng musika.

 

Isa sa mga kilalang estudyante-artist ng RMA, 2023 Miss Universe Philippines, si Ms. Michelle Dee na nagsisilbing ambassador para sa Autism Society Philippines, ay ginagawang posible ang pakikipagtulungang ito, na nagdaragdag ng mas malalim na kahalagahan sa kaganapan at nagpapatibay sa paniniwala ng RMA Studio Academy sa kapangyarihan ng musika upang lumikha ng positibong pagbabago.

 

“This concert will not only celebrate musical excellence but also contribute to causes that transform lives, demonstrating RMA’s dedication to both artistic and social responsibility,” dagdag pa niya.

 

Maliban kay Michelle ipinagmamalaki ng RMA ang kanilang mga estudyante na bahagi ng entertainment at music industry. Kabilang dito sina Maymay Entrata, Erika Raymundo, Atasha Muhlach, Zia Dantes, Scarlet Belo, Max Collins, Olivia Manzano, Rhian Ramos, John Arcenas, Pepe Herrera, Shanaia Gomez, Caitlyn Stave, Ondrea Sotto, Amari Sotto, Denise Laurel, Vivoree, Brigiding Aricheta, Michelle Garcia, Maria Chantal, Sabine Cerrado, Solenn Heussaff, Ina Raymundo at marami pang iba.

 

 

“At RMA, we remain committed to nurturing and supporting all our students as they grow in their artistic journeys. We believe that with passion and hard work, they can achieve incredible things both on and off the stage. Also, I always believe in the power of collaboration. I like learning from others not only with my fellow musicians but also with my students, that’s why I like and I love teaching,” pahayag ni Ms. Riccio.

 

Pagkatapos ng engrandeng konsiyerto na ito, ipinagmamalaki ng RMA na i-anunsyo na magbubukas sila ng extension branch sa BGC, na magbibigay ng mga klase sa music group (group guitar, violin, o piano lessons). Ang isa pang sangay sa south area ay itatatag sa susunod na taon.

 

Hindi magiging posible ang konsiyerto kung wala ang aming mapagbigay na mga sponsor: Lily & Matilda, Trident Insurance, Lifestyle Anthology, Yupangco Music, Torre Lorenzo at ang aming mga media partners: Manila Times, Malaya Business Insight at WheninManila.com

 

Para sa mga presyo ng tiket, mangyaring makipag-ugnayan sa mga tiket sa SM.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa musical recital concert ng RMA, mangyaring makipag-ugnayan kay Ms. Veronica Ramos-Baun sa 0918-8133333 / vrbaun@jnbrandingconsultancy.com Maaari mo ring sundan ang aming mga social media page para sa mga update.

 

https://www.facebook.com/rmastudiocademy.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

CICC sa mga na-scam: ‘Huwag magreklamo sa social media’

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HUWAG magreklamo sa social media dahil wala itong maitutulong sa sinumang biktima ng scam.

 

 

Ito naman ang binigyan diin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bunsod ng pagpo-post ng ilang biktima ng scam sa social media.

 

 

Ayon kay CICC exe­cutive director Alexander Ramos, maaring maki­pag-ugnayan o tumawag sa kanila ang mga na-scam upang maimbestigahan ang reklamo at iwasan ilabas sa social media ang reklamo.

 

 

Bunsod ito sa na­ging problema ng isang e-wallet at nag-viral ang hinaing ng mga user sa social media.

 

 

May posibilidad na samantalahin ng mga manloloko ang sitwasyon.

 

 

“We encourage the public to please report to CICC if they were affected by the recent e-wallet loses. We may be able to assist them if they call 1326 so they can be assisted in the investigation instead of posting their loses in social media,” saad ni Ramos.

 

 

Sinabi naman ng CICC na nakikipag-ugnayan na rin sila sa e-wallet app para malaman kung papaano makatulong sa mga naapektuhan ng hindi awtorisadong fund transfer.

 

 

Dagdag ng CICC, kailangan lamang ang koordinasyon at pasensiya ng mga nabibiktima.

Para sa pagba-ban ng POGOs, offshore games, hindi na kailangan na magpasa ng batas- PBBM

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na kailangan na magpasa pa ng batas para ipagbawal ang Philippine offshore gaming, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa.

 

Sa isang chance interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ssidelines ng isang event sa Parañaque City, sinabi ng Chief Executive na “sapat na” ang pagpapalabas ng executive order (EO), pagpapataw ng agarang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operators (POGOs), internet gaming licensees (IGLs), at iba pang offshore gaming licensees.

 

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang mga casino o integrated resorts na ino-operate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay hindi makapago-oprate ng offshore gaming.

 

Nagbigay ng katiyakan ang Pangulo sabay paggigiit na ang mga ito ay “not under the authority of PAGCOR.”

 

“There is just no way because it’s the nature of the operation that we are banning. It’s not because it’s under PAGCOR or not. Basta’t sinabing – basta’t POGO ‘yan, basta’t ganyan ang lisensya nila , it’s banned,” anito.

 

Sa ulat, pinuna kasi ni Senadora Risa Hontiveros ang ilang umano’y mga butas sa EO ni Pangulong Marcos laban sa POGO ops.

 

Ang mga ‘napunang butas’ ng senador sa EO ay ‘mga butas’ na nagbibigay pagkakataon sa mga POGOs na makapagpatuloy ng operasyon sa loob ng mga casino at freeports.

 

Sinabi ni Hontiveros na hindi kasi hayagang idineklara ng Executive Order No. 74, na pirmado ni Pangulong Marcos Jr. noong Nobyembre 5, ang ban sa mga POGO na sakop ang lahat ng mga establisyimento na wala sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor). (Daris Jose)