• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 16th, 2024

Pagreserba ng isang tao sa public parking space, ipagbabawal

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAKAPALOOB ito sa inihaing House Bill 11076 o Mindful Parking Act na inihain ni Akbayan Party List Rep. Percival Cendana.
Ayon sa mambabatas, isa sa mga kinakaharap ng mga pinoy ang lumalaking bilang ng kakulangan sa parking space kasabay na rin sa pagdami ng sasakyan.
Noong 2018, napa-ulat na ang vehicle density sa Metro Manila ay nasa 1,895 sasakyan per kilometer of road, kumpara sa Singapore na 230 sasakyan kada kilometer of road.
Noong 2017, sa pag-aaral na kinomisyon ng Uber, nabatid na ang Metro Manila ay nangangailangan ng carpark na doble ang laki sa Makati City upang ma-accommodate ang lahat ng sasakyang bumibiyahe sa kalsada dito.
Dahil sa kakulangan ng mapaparadahan, may mga pagkakataon na ilang indibidwal ang tatayo, ookupa, magrereserba o haharang sa isang parking spcae upang hintaying makapagparada ang kanilang sasakyan at maharangan ang iba na magamit ito.
Hindi na aniya nasusunod ang prinsipyong first come- first served basis bukod pa sa maglalagay sa panganib sa indibiwal na tatayo para hadlangan ang ibang sasakyan na makaparada sa parking space.
Sa panukala, ipinagbabawal ang physical occupation ng parking space na may multang P2,000 sa unang opensa; P5,000 at suspension ng driver’s license sa loob ng 6 na buwan sa ikalawang paglabag at P10,000 at revocation ng driver’s license sa ikatlong paglabag.
Ang mga private establishments ay dapat magpatupad ng kanilang sariling polisiya sa pagpapatupad ng parusa o multa.
Habang ang LTO naman ang siyang mayroong administrative jurisdiction sa mga paglabag. (Vina de Guzman)

Bagong pinuno ng PTFoMS

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAY bago nang  pinuno ang Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS sa katauhan ni Joe Torres na dating Director General ng Philippine Information Agency (PIA).
Si Torres ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inanaunsyo ito sa kanyang talumpati sa ika-50th KBP Top Management Conference sa Tagaytay.
Si Torres ay isa ring beteranong mamamahayag.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang PTFoMs na paigtingin ang operasyon bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.
Inatasan din ng Pangulo ang ahensya na tutukan ang pagprotekta sa mga miyembro ng media para matiyak na walang banta laban sa kanilang buhay, kalayaan at seguridad. GENE ADSUARA

P42-M tulong sa typhoon-stricken Caviteños

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes ang distribusyon ng financial assistance na nagkakahalaga ng P42.33 million sa mga magsasaka at mangingisda sa Cavite province na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Super Typhoon Leon (Kong-rey).
May kabuuang 4,233 benepisaryo mula 21 munisipalidad sa lalawigan ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa.
“Patuloy ang ating pagsusumikap maibalik sa normal ang kalagayan ng mga Caviteño at mga karatig na probinsya ng Calabarzon,” sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang aid distribution sa Tagaytay International Convention Center.
Nangako naman ito na tutulungan ang mga biktima ng Kristine at Leon na makabangon mula sa epekto sa lalong madaling panahon.
Nakiisa rin sa event ang Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment para magbigay ng tulong.
Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga Caviteños na manatiling determinado at huwag mawalan ng pag-asa sa pagharap sa mga hamon, tiniyak naman ng Pangulo na patuloy na susuportahan ng gobyerno ang mga ito.
“Hinihikayat ko kayong lahat na manatiling matatag, magtulungan po kayo, at huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang pamahalaan ay kasama ninyo sa bawat hakbang ng inyong pagbangon,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)

JOHN LLOYD, ipinakita kay JASMINE ang pagiging simple tulad ng karaniwang tao

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING natutunan si Jasmine Curtis-Smith mula sa mahusay na actor na si John Lloyd Cruz, na unang beses nilang nagsama sa pelikulang ‘Moneyslapper’ na bahagi ng QCinema International Film Festival. 

 

Lahad ni Jasmine, “Magpakatotoo ka talaga pagdating sa pagtatrabaho mo kasi I think sa tagal niya rin sa industriya he really knows what he wants to get out of the industry now, at this stage of his career.

 

“And ako napapansin ko I’m very lucky, kasi early on ko yun na-discover sa sarili ko and sa career ko din so iyon yung mas gusto ko ding bigyan ng pansin, ng oras, ng effort.

 

“Kasi lahat na ng aspeto ng industriya natin meron na siyang sariling spotlight, meron na siyang sariling movements.

 

“So actually hindi na tulad noon na iyon nga, kapagka sa pelikula di ba bihira mapanood ang indie.

 

“Pero ngayon tingnan mo naman, he’s also investing in an indie film. He’s one of the producers of the film. So iyon yung aking pinaka natutunan talaga.

 

“If you want to look for a film like that, gusto mong magkaroon ng pelikulang ganun, why not gawin mo?

 

“Why not you produce it,” ang nakangiting pahayag ni Jasmine.

 

Kumusta bilang producer si JLC?

 

“Actually hindi ko masyadong naramdaman e,” ang nakangiting pakli ni Jasmine.

 

“Maybe he kept it na wala sa set? Yung ganung… producer hat niya.”

 

Mas nag-uusap raw bilang producer sina John Lloyd at direktor ng Moneyslapper na si Bor Ocampo.

 

May mga nagsasabi na may pagka malalim si John Lloyd bilang isang artist; naranasan o naramdaman ba ito ni Jasmine habang ginagawa nila ang pelikula?

 

Napaisip muna si Jasmine bago sinabing, “Oo… I think so naman. I think, well I think na-experience ko yung tunay na pagkatao niya.

 

“I mean merong isang gabi noon na going back from the set we were able to pass by, malapit lang sa amin, nakita ko siya na kumakain ng pares sa tapat ng 711 somewhere.

 

“Yung may cart lang. So sabi ko, ‘Parang nainggit naman ako ng ganun!’

 

“Ang sarap, it’s 11 PM, walang tao, nasa Pampanga kami, tapos walang may kakilala sa kanya, so nainggit ako, sumali ako sa kanya!

 

“Bumaba ako from my car tapos naglakad na lang kami pabalik ng hotel.

 

“So it’s more of yung mga ganung small moments, like I guess in-expect ng mga tao na susyal siya, magarbo siya, being the John Lloyd Cruz na status niya.

 

“Pero ako I’m grateful na-experience ko yung simple, real self niya.”

(ROMMEL L. GONZALES) 

Kampanya kontra-dengue, pinaigting

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
LALO pang pinaigting ng lokal na pamahalaan  ng Maynila ang kampanya kontra dengue upang maiwasan na tumaas pa ang kaso.
Bukod sa paglilinis ng paligid sa lungsod, namahagi rin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga Larvicide sa iba’t ibang barangay.
Ilan lamang ang mga lugar na may naitatalang kaso ng dengue ang  Brgy sa 704, 704, 715, 719, at 720.
Ang lungsod ng Maynila ay isa sa syudad na nasa epidemic level kasama ang Pateros, Quezon City at Marikina.
Kalimitan din umanong tinatamaan ng dengue ay ang mga nasa edad 5 hanggang 9-anyos kung kaya’t patuloy ang paalala ng Manila LGU sa mga residente ng mag-doble ingat at palagian malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang nakamamatay na sakit. (GENE ADSUARA)

PBBM, ipinag-utos ang rebisyon ng flood control masterplan ng Pinas

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na rebisahin ang flood control masterplan ng bansa para makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo.
Ang Flood Control Masterplan ng bansa ayon sa Pangulo ay dapat na marebisa kasabay ng climate change na gumagatong para maging malakas ang tropical cyclones.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Marcos na inatasan na niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para i-redesign ang flood control masterplan para tugunan ang pagbabago sa weather patterns.
“Ang bagyo ngayon ay iba na. May mga flood control tayo pero dahil sa mas madaming tubig na dulot ng pag-ulan, hindi na nakakayanan,” ang sinabi ng Pangulo sa naging talumpati nito sa Abada College Gymnasium sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Ang Chief Executive ay nasa Oriental Mindoro para pangunahan ang ceremonial distribution ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng kamakailan lamang na pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Super Typhoon Leon (Kong-rey).
“Kaya inatasan ko na rin ang DWPH, ang DENR at iba pang ahensya na rebisahin ang flood control masterplan upang makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo,” dagdag na wika nito.
Inatasan din ng Pangulo ang DILG at DENR na hikayatin ang local government units (LGUs) na gumamit ng geohazard maps ng DENR-Mines and Geosciences Bureau sa pagtukoy sa landslide-prone at flood-prone areas.
Inatasan din ng Chief Executive ang DPWH, Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) at LGUs na tiyakin na ang mga lansangan tulay at iba pang imprastraktura ay “of high quality, safe and disaster resilient.”
Samantala, nanawagan naman ang Punong Ehekutibo ng ‘public cooperation’ para mabawasan ang paulit-ulit na pagkawala ng buhay kapag mayroong tropical cyclones.
“Hinihimok ko rin ang ating mga kababayan na sumunod sa mga babala ng inyong lokal na pamahalaan para sa inyong kaligtasan, lalo na po roon sa mga kinakailangang lumikas. Batid namin na mahirap maiwan ang inyong bahay, mga pag-aari, ngunit huwag na pong mag-atubili na lumikas kung ito ay sasalba sa inyong buhay,”aniya pa rin. (Daris Jose)

Ads November 16, 2024

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Testimonya ni Duterte, maaaring gagamitin para sa posibleng drug war charges- PBBM

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA KABILA ng tanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang extrajudicial killings (EJKs) sa drug war ng nakalipas na administrasyon ay nananatiling ‘unanswered’, sinabi ng Chief Executive na ang testimonya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa congressional inquiry, araw ng Miyerkules ay “will be taken in” sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) sa drug war killings.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga nasabing pahayag ay ia-assessed ng DOJ para sa posibleng case build-up.
“All of the testimony that was given yesterday really – will be taken in and will be assessed to see what – in legal terms, what is the real meaning and consequence of some of the statements made by PRRD (Duterte),” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa media interview, araw ng Huwebes.
“Now, if that will result in a case being filed here in the Philippines, we will just have to see. The DOJ will have to make that assessment.”aniya pa rin.
Sinabi pa niya na hinihintay niya ang PNP report hinggil sa imbestigasyon ng di umano’y drug war killings.
“We are always monitoring all of these things because the question on EJK has not yet been answered,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Nagpakita si Digong Duterte sa House of Representatives quad committee, nag-iimbestiga sa madugong drug war ng kanyang administrasyon, tumagal ng apat na oras, araw ng Miyerkules.
Sa isang pagkakataon, hinamon ni Digong Duterte ang International Criminal Court (ICC) na madaliin ang imbestigasyon sa kanyang war on drugs hinggil sa di umano’y ‘crimes against humanity.’
At nang tanungin ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kung handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon, sinabi ni Digong Duterte, “I am asking the ICC to hurry up and if possible, they can come here and start the investigation tomorrow.”
At nang hingan ng komento, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magpapartisipa ang gobyerno sa ICC subalit hindi pipigilan ang dating Pangulo kung nais nitong i-subject ang kanyang sarili sa imbestigasyon ng tribunal.
“If ‘yun ang gugustuhin ni PRRD (Duterte] ay hindi naman kami haharang doon sa mga ICC. Hindi lang kami tutulong. Ngunit kung pumapayag siya na makipag-usap siya o magpa-imbestiga siya sa ICC ay nasa kanya ‘yun. Wala na kaming desisyon doon,” ayon sa Pangulo.
Makailang ulit naman na inulit ni Pangulong Marcos na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas matapos na kumalas ang Pilipinas sa statute noong 2019, binigyang-diin na ang local courts ay gumagana.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang gobyerno ay obligadong sumunod kung hangad ng International Criminal Police Organization (Interpol) na arestuhin si Digong Duterte.
“We have obligations to Interpol and we have to live up to those obligations,” ani Pangulong Marcos.
Nauna rito, muling inulit ng Department of Justice (DOJ) na mananatili ang Philippine government na obligadong kilalanin ang terms ng membership ng Interpol.
Naglabas ang DOJ ng kalatas na may kaugnayan sa report na ang ICC ay maaaring makahingi ng tulong sa Interpol upang makuha ang hurisdiksyon na imbestigahan ang war on drugs ng Duterte administration.
“Allow us to reiterate the DOJ’s position for clarity, the Secretary (Jesus Crispin Remulla) has repeatedly said that despite the withdrawal of the Philippines from the Rome Statute, the country remains a member country of the Interpol,” ang sinabi ng justice department.
“Thus, when requests are made by the ICC through the Interpol and Interpol, in turn, relays such requests to our country, the Philippine government is legally obliged to accord due course to the same, by all means,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas, kailangan

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA PAGTINDI ng mga bagyong tumatama sa bansa, kailangan ng mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas.
Dala na rin sa pagdating ng mga matitinding bagyo sa bansa, naniniwala si Camsur Rep. LRay Villafuerte na panahon na upang maglagay o magtayo ang gobyerno ng mga mega evacuation centers (ECs) lalo na sa mga tinuturing na high risk areas na gagamiting pansamantalang tuluyan ng mga apektadong pamilya.
“It’s time for the national government to work with LGUs (local government units) in putting up permanent climate-proof and fully-equipped mega ECs in elevated places  to ensure that evacuees have safe and fully-equipped temporary shelters to go to whenever typhoons and other natural calamities strike especially our high-risk communities with ever increasing ferocity and frequency as a result of planet heating,” ani Villafuerte.
Ayon sa mambabatas, malapit na itong maipatupad kasabay na rin sa tinatapos ng dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang “Ligtas Pinoy Centers Act” na isusumite kay Pangulong Marcos.
Sa panukala na inihain ni Speaker Martin Romualdez at co-authored ni Villafuerte sa kamara, inaatasan nito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makipagtulungan sa LGUs sa pagtukoy sa mga flood-prone cities o municipalities na dapat bigyang prayoridad sa pagpapatayo ng permanenteng ECs o paggamit at pag-upgrade ng pasilidad na gagamiting evacuation shelters para sa mga evacuees kapag panahon ng kalamidad. (Vina de Guzman)

Tim Cone inaming nahihirapang makahanap ng final 12

Posted on: November 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.Streaming service
Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame.
Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo de Manila University star ay isa sa mga back-up kay Brownlee dahil sa kabisado na nito ang mga galawan ng Gilas.
Base kasi sa FIBA ruling ay isa lamang dapat na naturalized player ang maaring maglaro sa bawat bansa.
Umaasa rin ang Gilas coach na magiging malusog at walang anumang injury ang mga manlalaro nito sa pagsisimula ng laro nila sa darating na Nobyembre 21 at 24.