• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 19th, 2024

Transport Group umapela na kay PBBM dahil sa pagdami ng motorcycle taxi

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPASAKLOLO na ang malalaking transport group sa bansa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdami ng mga motorcycle taxi sa Metro Manila at iba pang urban areas, na anila ay kumakain na ngayon ng hindi bababa sa 50 porsiyento ng kanilang kita araw araw.

 

 

Sinabi ni ALTODAP President Boy Vargas na ang masamang epekto ng inilarawan niyang hindi makontrol na pagdami ng mga motorcycle taxi ay isa na ngayon sa mga pangunahing alalahanin hindi lamang sa loob ng kanilang organisasyon kundi maging sa iba pang transport groups.

 

“Padami ng padami ang mga motorcycle taxi hindi lang sa Metro Manila dahil ito ay sinusubaybayan din ng aming mga miyembro sa ibang malalaking syudad sa ating bansa at talagang matinding epekto ang idinudulot nito sa ating mga tsuper at operator,” ani Vargas.

 

“Lumalabas kase na parang wala ng ipinapatupad na regulasyon dahil kahit sino na lang na may motor ay puwede na. Yung iba ngang nabalitaan namin ay kumukuha ng hulugang motor para lang maging motorcycle taxi,” dagdag pa nito.

 

Nanawagan din si Vargas kay House Speaker Martin Romuladez na tulungan ang transport group kahit man lang sa pag-regulate ng mga motorcycle taxi.

 

“Hindi lang ito gagamit ng epekto sa atin ng mga transport groups, ito rin ay isyu ng trapik at kaligtasan ng mga pasahero lalo na at marami din sa mga motorsiklo na ito ay iligal na namamasada,” ani Vargas.

 

Ayon sa LTFTRB, tatlong motorcycle ride-hailing company lamang ang pinapayagang mag-operate ngunit sinabi ng mga transport group na ang pagdagsa ng mga motorcycle taxi ay manipestasyon ng kahirapan o pagkabigo sa regulasyon.

 

Idinagdag pa ng transport group ang pagdami ng mga motorcycle taxi ay nangyayari sa panahon kung saan ang gobyerno ay dapat na magsasagawa ng pilot study sa posibilidad nito.

 

 

“Kung pilot study pa lang bakit andami na at hindi na makontrol? Hindi ba dapat kung pinag-aaralan pa lang ay dapat kontrolado ang bilang ng mga ito.,” ani Vargas.

 

 

“Sana stick na lang tayo sa kung anong numero ngayon ng motorcycle taxi,” dagdag pa nya.

 

Kaugnay nito hinimok ng mga transport group ang LTFRB na ihinto ang pag-accredit ng mas maraming motorcycle taxi dahil mas maraming accredited ang mga motorsiklo, mas malaki ang epekto nito sa iba’t ibang transport groups.

 

Nanawagan din sila ng masusing konsultasyon sa lahat ng stakeholders hinggil sa operasyon ng mga motorcycle taxi. (PAUL JOHN REYES)

Matapos na sumailalim sa lung surgery… Vocalist ng Aegis na si MERCY, pumanaw na dahil sa cancer

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang isa sa vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot dahil sa sakit na cancer.

 

Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa official Facebook page ng banda nitong Lunes ng umaga, ilang araw matapos humingi ng dasal si Mercy sa publiko para sa kaniyang paggaling.

 

“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest,” saad sa pahayag ng OPM band.

 

Ayon sa Aegis, ang tinig ni Mercy ay nagdulot ng “comfort, joy and strength to so many.”

 

“She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts,” dagdag ng banda.

 

“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed,” patuloy nito.

 

Si Mercy ay isa sa mga bokalista ng Aegis, kasama ang kaniyang mga kapatid na si Juliet at Stephanie.

 

Si Stephanie, nagpalit ng black and white na larawan ng kandilang may sindi sa kaniyang profile sa Facebook at Instagram matapos ianunsyo ang pagpanaw ni Mercy.

 

Nitong weekend, humingi ng panalangin sa publiko si Mercy para sa kaniyang paggaling matapos na sumailalim sa lung surgery.

 

Kabilang sa mga hit song ng Aegis “Sinta,” “Luha,” “Basang-basa sa Ulan,” at marami pang iba.

 

Paalam, salamat sa mga awitin, Mercy.

 

***

 

AGREE ang dalawang stars ng ‘Wicked’ na sina Ariana Grande at Cynthia Erivo na mahusay pagdating sa kantahan ang mga Pinoy.

 

“Filipinos are the best singers in the world. Honestly, they have the best voices, too,” sey ni Ariana na dalawang beses nang nag-concert sa Pilipinas in 2015 and 2017.

 

Napanood nila ang isang video kunsaan effortless na inawit ng dalawang Filipino singers ang “Defying Gravity” mula sa Broadway musical na Wicked.

 

Nasabi lang ni Cynthia ay: “That’s amazing, that’s gorgeous, wow!”

 

Dagdag pa ni Ariana na very warm, loving and caring ang mga Pinoy at looking forward siya na ma-meet ulit ang kanyang Pinoy fans soon.

 

Si Cynthia naman daw ay gustong mabisita ang Pilipinas dahil may nagsabi sa kanya na masasarap ang pagkain dito at magaganda ang mga beaches.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pinas, binawi na ang pagbabawal na umangkat ng ‘domestic and wild birds, kabilang ang poultry products mula Denmark

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI na ng Pilipinas ang temporary import ban o pansamantalang pagbabawal na umangkat ng ‘domestic at wild birds, kabilang na ang poultry products, mula Denmark halos dalawang taon matapos ipag-utos ang naturang direktiba.

 

Nagpalabas si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Memorandum Order. No. 50, pagbawi sa temporary import ban na ipinag-utos noong December 2022.

 

Ang temporary import ban ay binawi matapos na ipaalam ng Danish Veterinary and Food Administration sa World Organization for Animal Health na ang lahat ng kaso ng ‘highly pathogenic avian influenza’ sa European country ay naresolba na, at walang karagdagang outbreaks ang naiulat mula noong September 12, 2024.

 

Saklaw ng import ban na ipinag-utos ng DA ay ang ‘domestic at wild birds at kanilang produkto, kabilang na ang ‘poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen’ na nag-trigger kasunod ng ulat ng avian flu outbreak sa Denmark.

 

Ang pagbabawal ay pinagtibay para protektahan kapuwa ang consumers at local poultry industry, ayon sa Agriculture Department.

 

Sinabi ni Tiu Laurel na ang pinakabagong kautusan ay kagyat na magiging epektibo subalit ang lahat ng import transactions ay dapat na sumunod sa regulasyon at alituntunin ng departamento na may kinalaman sa agricultural food imports. (Daris Jose)

INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED)

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED) na maging alerto upang agarang tumugon sa pangangailangan ng mga Batang Kankalo sa sandaling tumama ang bagyong ‘Pepito’ sa Metro Manila. Ininspeksyon din niya ang mga rescue equipment bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyo. (Richard Mesa)

‘Bawal Judgemental Bill’, isinusulong

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ng isang mambabatas ang panukalang magbabawal sa pagpapatupad ng mahigpit na dress codes para sa publiko na kumukuha ng serbisyo mula sa gobyerno.

 

Sa House bill 11078 o Bawal Judgemental Bill na inihain ni Akbayan Party List Rep. Perci Cendaña, sinususugan nito ang pagkakaroon ng accessibility ng marginalized communities na nagnanais na magkaroon ng simpleng transaksyon sa government offices na nagbibigay ng frontline services.

 

Ayon sa mambabatas, walang kinalaman ang pagpapatupad ng mahigpit na dress code sa ibinibigay na serbisyo ng gobyerno.

 

“Sadly, yung policy na strict na dresscodes ay nagreresulta sa pagtataboy sa mga marginalized communities. Gusto natin tanggalin yung pagiging judgemental sa dress or attire lalo na kung hindi naman konektado sa nasabing serbisyo yung pananamit,” paliwanag ni Cendaña.

 

Ang House Bill 11078 na tinawag na Open Door Policy Act ay magbabawal sa mga tanggapan ng gobyerno na may frontline services na magpatupad ng dress codes sa publiko na nangangailangan ng simpleng transaksyon. (Vina de Guzman)

Malabon, binahagi sa Germany conference ang mga estratehiya ng LGU para mapabuti ang paghahatid ng serbisyo

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SI MALABON City Administrator Dr. Alexander Rosete na nagsilbi bilang speaker sa Executive Program in International Relations and Good Governance: Constructing World conference at Karlshochschule International University sa Karlsruhe, Germany ay ibinahagi sa mga lider ng industriya ang mga estratehiya ng Pamahalaang Lungsod kung paano mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga residente tungo sa mas magandang kinabukasan ng lungsod.

 

“The City of Malabon demonstrates a solid commitment to improving the lives of its residents through comprehensive public service delivery, health and education initiatives, community engagement, and sustainable development. By focusing on the needs of Malabueños, the city government strives to create a thriving, resilient, and empowered community that can confidently face current and future challenges,” ani Dr. Rosete.

 

Ang kaganapan, na pinangunahan ng Syntax Savvy Sprachen, isang language consultancy company sa Germany na nag-aalok ng mga komprehensibong serbisyo sa language certification, consultation, cultural education, at leadership ay naglalayong ikonekta ang mga lider ng industriya upang harapin ang iba’t ibang mga paksa tungkol sa pamumuno at makakuha ng mga insight, palakasin ang international relations, at palawakin ang kanilang network.

 

Sa kanyang presentation, ibinida ni city administrator na ang Malabon LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval ay nagpapatupad ng mga sistema tulad ng one-stop-shop at online portal upang gawing mas accessible, episyente, at nakatuon sa customer, at transparent ang services/processes. Hindi na kailangan maghintay sa mahabang pila ang mga residente dahil pinapabilis nito ang pagproseso sa pagbabayad ng buwis at business renewal gamit ang kanilang mobile devices, at naiiwasan ang katiwalian.

 

Ibinahagi rin niya ang tungkol sa pagpapatupad ng Malabon Ahon Blue Card, isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Jeannie, na nagbibigay ng tulong pinansyal at medikal sa mga mahihirap na residente, partikular na ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at iba pang marginalized sectors.

 

Sinabi rin ni Dr. Rosete na ang pamahalaang lungsod ay nagsasagawa ng Walang Tulugan Serbisyo Caravan, isang makabagong community outreach program na direktang naghahatid ng mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng lungsod, lalo na sa mga liblib na lugar na kulang sa serbisyo.

 

Para sa disaster at emergency response at kaligtasan ng publiko, sinabi niya na nakatutok ang lungsod sa mga programang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) na naghahanda sa mga opisyal at residente ng barangay sa panahon ng kalamidad para sa kaligtasan ng mga residente.

 

Dagdag niya, ang lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng mga pampublikong konsultasyon at mga pagpupulong sa barangay upang hikayatin ang mga residente sa paggawa ng desisyon at makipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon at pribadong sector. Ginagamit din aniya ng LGU ang social media upang epektibong makipag-usap sa mga residente.

 

Aniya, naglunsad din ang lungsod ng iba’t ibang programa para sa social welfare, livelihood, employment, skills development, housing, health, at education para makapagbigay ng mas magandang serbisyo para sa mga Malabueño. (Richard Mesa)

Pagprotekta sa Sierra Madre, dapat isama sa disaster mitigation plan ng gobyerno

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Atty. Benjamin Abalos Jr. ang pamahalaang nasyonal na isama ang proteksyon sa bulubundukin ng Sierra Madre sa disaster mitigation plan nito, lalo na sa harap ng mas malalakas na bagyong tumatama sa bansa.

 

 

Ang Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas ay nagsisilbing mahalagang natural na harang na nagpoprotekta sa milyon-milyong tao sa Luzon mula sa mga sakuna.

 

 

“Now more than ever, we are seeing how important it is to preserve Sierra Madre’s ecosystems. Might as well we call it the lifeblood of our country’s environmental and disaster resilience as time and time again, Sierra Madre has proven that it is not just a mountain range but our shield, our defense against powerful storms which cause floods, landslides, and storm surges,” ani ni Abalos.

 

 

Ang bulubundukin, na may taas na 6,283 talampakan, ay umaabot ng mahigit 540 kilometro mula sa probinsya ng Cagayan sa hilaga hanggang sa probinsya ng Quezon sa rehiyon ng Calabarzon sa timog.

 

 

Tinatawag itong “backbone” ng depensa ng bansa laban sa napakalalakas na bagyo. Ang taas nito ay nagsisilbing harang na nagpapabagal sa mga bagyong nagmumula sa Karagatang Pasipiko, habang ang magagaspang nitong dalisdis ay nagpapahina sa lakas ng hangin bago pa man ito marating ang mga panloob na lugar. Tumutulong din ito sa pantay na distribusyon ng ulan.

 

 

“Without the Sierra Madre, many communities along the eastern seaboard would face even greater risks from typhoons and heavy rainfall. This mountain range is not only a physical barrier but a symbol of our resilience,” dagdag ni Abalos.

 

 

Bilang dating Kalihim ng DILG, tiniyak ni Abalos na mahigpit na sinusunod ang Presidential Proclamation 413 na nagdedeklara sa Setyembre 26 ng bawat taon bilang Sierra Madre Day.

 

 

Kapag nanalo siya sa 2025 senatorial elections, nangako si Abalos na magpapatupad ng mas mahigpit na enforcement ng mga batas para sa proteksyon ng kalikasan sa rehiyon ng Sierra Madre.

 

 

Nanawagan din siya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng imbestigasyon kung may illegal logging na nagaganap sa lugar at agarang pigilan ito dahil nakakasira ito sa integridad ng bulubundukin.

 

 

Hinikayat din ni Abalos ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang mga kagubatan ay maayos na napapamahalaan at naibabalik ang sigla.

 

 

Ayon kay Abalos, ang paggamit ng sustainable practices sa agrikultura, pagmimina, at turismo ay makakatulong sa pangmatagalang pangangalaga sa bulubundukin.

 

 

“We cannot afford to ignore the threats that illegal activities pose to our natural defenses. The Sierra Madre must be safeguarded against all forms of exploitation,” aniya (PAUL JOHN REYES)

Aminadong excited sa next challenging role: RHIAN, nagulat sa balitang lilipat na dahil may bagong serye sa GMA

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULDUKAN na mismo ni Rhian Ramos ang umikot na balitang aalis na siya sa GMA at lilipat na sa ABS-CBN.

 

 

Sey ni Rhian, “Yes, yes… ah officially po… actually ano e, narinig ko lang yung tsika nung pagbalik ko na from New York.”

 

 

Galing si Rhian at ang boyfriend niyang si Sam Verzosa sa Amerika para sa New York City Marathon kamakailan.

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “So, para bang may sumagot na din pala on my behalf which is my manager Michael Uycoco.

 

“Never ko nabalitaan yung tsismis na yun nung nandoon ako.

 

“Nagulat na lang ako pagbalik ko at parang nasolusyunan naman din na.

 

“But yes, I would just like to confirm that it’s absolutely not true,” pakli ni Rhian.

 

“I am doing a project with the Kapuso Network it’s called ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’, I’m very excited!

 

“They gave me, yet again, another very challenging, very big, very beautiful role that I’m so proud to have and I’m happy where I am,” ang nakangiting pahayag pa ni Rhian nang makausap namin sa mediacon ng “Huwag Mo ‘Kong Iwan” na pagbibidahan nila nina Tom Rodriguez at JC de Vera.

 

Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan, mapapanood ang family drama sa Nobyembre 27 sa mga sinehan.

 

Nasa cast din sina Pinky Amador, Rita Avila, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Lloyd Samartino, Nella Dizon, Simon Ibarra, Tanya Gomez, Marcus Madrigal, Panteen Palanca, Mygz Molino, Felixia Crysten, at King David Arce.

 

Samantala, sinabi si Rhian na ikinalungkot niya ang pagre-resign ni Mark Reyes bilang direktor ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre”.

 

Ang pumalit kay Direk Mark ay sina Rico Gutierrez at Enzo Williams.

 

Ang ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ ang upcoming fantasy drama series ng GMA-7 na pinangungunahan nina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva.

 

Pahayag pa ni Rhian, “Well I was very surprised, sobrang… I didn’t see it coming. Yeah, I was just shocked because I found out from a screenshot from one of my castmates just telling me the news and we were so shocked!

 

“On the other hand, it’s also very sad in a sentimental way because eversince naman this has been direk Mark’s baby, all the Encantadia Chronicles, di ba?

 

“Eversince has always been his baby and I know he takes care of it talaga, like it’s his child, he really cares about what kind of quality will come out.

 

“And then iyon, it’s a mix of emotions. Kasi I trusted the network, I trusted my bosses, all of my recent past projects have been, you know, the best decisions for me.

 

“So I think, di ba with all their experience I think they have their reasons and they know what they’re doing.”

 

Hindi raw alam ni Rhian ang dahilan ng pagre-resign ni direk Mark at hindi raw niya ito nakakausap.

 

Aniya, “Actually parang from this whole cast kasi I’m the newest member? A lot of the cast who has been part of the other Encantadia Chronicles, you know, they know a little more, I guess.

 

“I was just surprised because I found out about it last week or the week before?”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

37 na Chinese na nagtatrabaho sa construction site, inaresto

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 37 na mga Chinese national na nagtatrabaho sa isang construction site sa Cotabato City sa Mindanao ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).

 

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga Chinese national ay nakitang nagtatrabaho sa isang construction sa isang mall sa Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

Sila ay inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni Viado makaraang nakatanggap ng impormasyon mula sa government intelligence sources na ang itinatayong construction building ay mga dayuhan ang nagtatrabaho.

 

Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines, the National Bureau of Investigation, at Philippine Army.

 

Karamihan sa mga naaresto ay may working visa subalit naka-petisyon ito na siang paglabg habang ang iba ay tourist visa.

 

Nagbabala si Viado sa mga dayuhan na nagtatangkang magtrabaho sa bansa na walang visa o permits.

 

Lahat ng 37 na mga dayuhan ay nahaharap sa deportasyon at mnanatili sa kustodiya ng BI habang inaayos ang kanilang deportasyon. GENE ADSUARA

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA at pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang kontribusyon ni outgoing Philippine Navy (PN) Flag Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. kasabay ng mainit na pagtanggap sa kanyang successor na si Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta, sa isinagawang change of command at retirement ceremony, araw ng Biyernes.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, binigyang diin nito na si Adaci ay umanib sa PN noong 2022 na may commitment na i-develop ang isang makabago, multi-capable naval force sa gitna ng mapaghamong mga pangyayari.

 

 

“His commitment, leadership, and vision has significantly strengthened our naval capabilities and enhanced our readiness to face the rapidly evolving challenges of today. He was exactly what this country needed: mild-mannered and calm,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“His presence of mind unshakeable despite provocations and attempts to escalate tensions. It is through his leadership that we remain firm in asserting our rights in the maritime domain while keeping to our responsibility of safeguarding lives and promoting regional peace and stability,” dagdag na wika nito.

 

 

Dinetalye rin ni Pangulong Marcos ang “commendable accomplishments” ni Adaci partikular na ang kanyang ‘modernization efforts’ dahilan para malagyan ang naval forces ng advanced assets at teknolohiya, pinagtibay na defense posture at pinalakas na humanitarian assistance at disaster response capabilities.

 

 

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo ang naging papel ni Adaci sa ‘championing regional cooperation and partnership’ sa pamamagitan ng pangangalagaan ang malakas na ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado at kalapit-bansa at i-promote ang pagsisikap na pagtutulungan para sa kapayapaan at katatagan sa maritime zones ng bansa.

 

 

“Aside from improving operations, Vice Admiral Adaci sought to strengthen the Philippine Navy as an institution, lifting the morale of all officers, troops, and civilian personnel,” ang winika ng Pangulo.

 

 

“He is attuned to the needs of his people. He supported their training, their growth, and welfare, ensuring that the women and men of the Philippine Navy remain professional and capable of heeding the call of duty,” aniya pa rin.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang pamilya ni Adaci, kinilala na ang kanilang pagsuporta ay mayroong instrumental role sa pagbibigay inspirasyon dito (Adaci) na magsilbi sa bayan.

 

 

 

“Vice Admiral Adaci, you leave behind substantial reports of your legacy. Even though not everyone will have the opportunity to read them, those words will come alive in the stories shared by those who served with you,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“On behalf of a grateful nation, thank you for your exemplary and passionate service. We wish you fair winds and following seas as you embark onto your next journey,” aniya pa rin.

 

 

Si Adaci ay nagsilbi bilang PN’s Flag Officer-in-Command mula November 2022 hanggang November 2024. Ang mga naging papel nito sa nakaraan ay Commander ng Naval Forces Western Mindanao mula October 2020 hanggang November 2022, at Commander ng Fleet-Marine Ready Force mula March 2018 hanggang October 2020.

 

 

Sa retirement ceremony ni Adaci, pinarangalan siya ni Pangulong Marcos ng Philippine Legion of Honor, Degree of Commander.

 

 

At bago pa matapos ang talumpati ng Pangulo ay mainit na tinanggap naman nito si Ezpeleta, nagpahayag ng kumpiyansa ang Chief Executive sa liderato nito at umaasa na ipagpapatuloy ni Ezpeleta ang mataas na pamantayan na itinakda ng kanyang predecessor na si Adaci.

 

 

“As Vice Admiral Adaci has demonstrated, your predecessors are always difficult acts to follow, but given your competence, your experience, and mental fortitude, I am confident you will continue to lead the Navy with integrity and surpass any challenges that you might confront,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Ezpeleta.

 

 

“I look forward to working with you and I give you my full support as you build on your legacy. Let us work together as we steer the future in the right direction for a more secure, advanced, and prosperous Bagong Pilipinas,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

Bago pa maging Flag Officer-in-Command, si Ezpeleta ay nagsilbi bilang Vice Commander ng naval forces mula August 2024 hanggang November 2024, Chief of Staff ng PN mula August 2022 hanggang August 2024, at Commander ng Naval Forces Southern Luzon mula September 2019 hanggang August 2022. ( Daris Jose)