• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2024

DA, tinitingnan ang pagbubukas ng Kadiwa sites sa Pepito-hit areas

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagbubukas ng Kadiwa sites sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Super Typhoon Pepito (international name: Man-yi) upang maging mas accessible ang mas maraming affordable agricultural commodities.

 

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na makikipagtulungan sila sa regional at local officials.

 

“Doon sa mga areas na naapektuhan talaga lalo na nitong Super Typhoon Pepito, nakikipag-usap na tayo sa mga regional field offices na ma-asistehan itong mga areas na ito na malagyan ng mga Kadiwa,” ang sinabi ni de Mesa.

 

Ang Kadiwa ay government program na pinapayagan ang mga magsasaka at food producers na direktang ibenta ang kanilang mga paninda na hindi na kailangan pa ang intermediaries o mga tagapamagitan.

 

Sinabi pa ni De Mesa na matapos ang sunud-sunod na weather disturbances, ang presyo ng mga gulay, partikular na iyong mga low-land vegetables, maaaring manatiling mataas ang presyo para sa ilang oras kontra sa karaniwang two-week recovery time.

 

Most likely,mananatiling elevated iyong presyo ng gulay. Sabi natin noon, madaling maka-recover, pero kung wala na kasunod na bagyo. Kaya lang sunud-sunod kaya it will take some time bago maka-recover,” ang sinabi pa rin ni De Mesa.

 

Ang mas pinaka-apektadong lugar ay ang Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Southern Luzon, Calabarzon at Bicol region.

 

“Medyo kakaiba iyong nangyari ngayon. Nangyari naman ito before na sunud-sunod na bagyo, pero hindi sunud-sunod na typhoon, super typhoon. Iyong dati may bagyo, may low-pressure area, nakakahinga. Ngayon talaga medyo ang hirap kasi sunud-sunod na ang lalakas,” aniya pa rin.

 

Para sa mga lowland vegetables, mino-monitor ng DA-Bantay Presyo ang patuloy na pagtaas ng presyo sa Metro Manila mula sa Oct. 31 prices.

 

“Bitter gourd (ampalaya) now ranges from P130 per kilogram to P200/kg, higher than P80/kg to P180/kg.; eggplant at P150/kg to P220/kg from P110/kg to P130/kg; and tomato, which now ranges from P140/kg to P230/kg, higher than P130/kg to P210/kg,” ayon sa DA-Bantay Presyo.

 

“For highland vegetables, green and red bell pepper logged the highest price spike — green at P190/kg to P500/kg from P220/kg to P370/kg; and red at P280/kg to P450/kg from P370/kg. White potatoes also increased to P140/kg from P110/kg,” ayon pa rin sa DA-Bantay Presyo.

 

Bina-validate naman ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ang mga report ng epekto ng bagyong Pepito.

 

“Nasa more than PHP10 billion na iyong damage before pa si(The damage has already surpassed PHP10 billion even prior to) Pepito,” ang sinabi ni De Mesa.

 

Nauna rito, iniulat ng DA na may P9.8 bilyong halaga ng pinsala kasunod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (Trami) at Typhoon Leon (Kong-rey), at halos P250 million mula sa epekto ng Bagyong Nika (Toraji) at Super Typhoon Ofel (Usagi).

 

Para sa interbensyon, naglaan ang DA ng P541.02 milyong halaga ng agricultural inputs kabilang na ang rice at vegetable seedlings, fertilizers, at biologics para sa mga apektado ng Kristine at Leon; at P84.88 million para sa Nika at Ofel-affected agri sectors.

 

Kasama rin ang P667 million indemnification fund para sa mga insured farmers; P25,000 loanable amount kada farmer payable sa loob ng tatlong taon na may zero interest; deployment ng Kadiwa trucks; patuloy na distribusyon ng calamity rice mula sa National Food Authority; at paggamit ng P1 billion quick response fund, bukod sa iba pa. (Daris Jose)

Tim Cone hindi nababahala sa bagong coach ng New Zealand; Quiambao may malaking papel sa laban ng Gilas Pilipinas

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Hindi nababahala si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa bagong stratehiya na maaring ipagana ng bagong coach ng New Zealand.

 

 

Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao.

 

 

Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na ipahiram ang 6’10” na si Quiambao na makapaglaro laban sa New Zealand at Hong Kong.

 

 

Sa unang window kasi ng 2025 FIBA Aisa Cup Qualifiers ay nagtala ng 15 points, tatlong rebounds, dalawang assists at isang steal si Quiambao.

 

 

Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao.

 

 

Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na ipahiram ang 6’10” na si Quiambao na makapaglaro laban sa New Zealand at Hong Kong.

 

 

Sa unang window kasi ng 2025 FIBA Aisa Cup Qualifiers ay nagtala ng 15 points, tatlong rebounds, dalawang assists at isang steal si Quiambao.

 

 

Sa panig ng New Zealand ay magkakaroon ng sila ng bagong coach na si Jude Flavell.

 

 

Pinalitan ni Flavell si Pero Cameron na nagretiro matapos na tanggapin ang alok na maging coach ng Ningbo Rockets sa Chinese professional league.

 

 

Makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa araw ng Huwebes habang ang Hong Kong naman sa araw ng Linggo.

Miss Universe Philippines Chelsea Anne Manalo receives Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS – The prestigious Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award was recently bestowed upon none other than Chelsea Anne Manalo, the Philippines’ shining star in the recently concluded Miss Universe 2024 pageant during the Gawad Gintong Kabataan Awards held at The Pavilion in Hiyas ng Bulacan Convention Center here last Friday.

 

 

Aside from Manalo, other outstanding youth that were recognized include Mary Vianney J. Sato of Plaridel town (Secondary) and Mahmooda Aziza Bhatti from the City of San Jose Del Monte (College) for Gintong Kabataan sa Kagalingang Pang-Akademya at Agham; Timothy N. Dionela from Guiguinto (Individual) and the BulSU Hyper Dynamics Dance Troupe of Bulacan State University (Group) for Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura; Anthony L. Mancao of the Municipality of Pandi for Gintong Kabataang Entreprenyur; Paul John D.R. Hernandez from Marilao (Individual) and the Samahan ng Ibinuklod na Kabataang May Layong Angat Bayan (SIKLAB) of the City of San Jose Del Monte (Group) for Gintong Kabataan sa Larangan ng Paglilingkod sa Pamayanan; Yusoph A. Maute from Hagonoy (Professional Worker), Reinel L. Morelos from Bulakan (Government Worker), and Sheila Delos Santos from Bocaue (Skilled Worker) for Gintong Kabataang Manggagawa.

 

 

Moreover, the awardee for this year’s Gintong Kabataang SK Federation President was Hon. Riann Maclyn L. Dela Cruz of the City of Malolos, while the Gintong Kabataang SK Barangay Council award were given to Sangguniang Kabataan ng Barangay Frances of Calumpit and Sangguniang Kabataan ng Barangay Look 1st of Malolos City.

 

 

Eight individuals also received Special Citation in recognition of their success in their chosen fields including David Vaughn C. Datuin (Guigguinto), Chrisandro A. Natividad (Malolos City), Alethea R. Ambrosio (San Rafael), Euwenn Mikael C. Aleta (Meycauayan City), Dominick R. Fajardo (Malolos City), Maxine Denielle T. Gonzaga (Meycauayan City), Sherina Alexandra B. Baltazar (Malolos City), and Trishia G. Espiritu (Hagonoy).

 

 

Further, the late Dr. Eliseo S. Dela Cruz from the City of Malolos was also awarded the Natatanging Gintong Kabataan (Posthumous Award) for his years of service and invaluable contribution as the department head of the Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office.

 

 

The awardees took home P10,000, trophy, and medal for individual awards; group awardees got P20,000, trophy, and medal; Special Citation recipients received P2,000 and plaque; and the Natatanging Kabataang Bulakenyo winners were given a plaque.

 

 

Governor Daniel R. Fernando congratulated all the awardees and highlighted the significant role of the youth as future leaders of the province but reminded them to never abuse their power.

 

 

“Isa lang po ang aking bibitawan sa ating mga kapwa Bulakenyo na bibigyan ng pagkilala. Ating gamitin ang ating talino, ating gamitin ang kapangyarihang ipagkakaloob sa atin ng ating Panginoon.

 

 

Huwag nating abusuhin ang ibinigay sa atin na maglingkod kundi ibigay po natin ito nang may laya at demokrasya, at siyempre pagmamahal sa ating mga kapwa Bulakenyo,” he said.

 

 

Meanwhile, Yusoph A. Maute, GKA 2024 awardee for Professional Worker, emphasized during his response on behalf of all the awardees that GKA symbolizes not only victories but a reminder that dreams, through determination, always pay off.

 

 

“Ang parangal na ito ay hindi lang sumisimbolo ng tagumpay ngunit isang paalala sa bawat kabataang Bulakenyo na ang ating mga pangarap at pagsusumikap ay may patutunguhan,” Maute said.

 

 

Also present in the event were Vice Governor Alexis C. Castro, Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad, Atty. Nikki Manuel S. Coronel, chairperson of GKA 2024 selection board, and Bulacan SK Federation Treasurer Hon. Louie Marvin Tomacruz, who represented their president, Hon. Casey Tyrone E. Howard.

DBM, pinalabas na ang P5-billion assistance para sa mga biktima ng bagyo

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P5 billion para palakihin ang assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga Filipino na apektado ng mga bagyo.

 

Ayon sa DBM, ang pagpapalaki sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ay nakalinya sa direktiba ng administrasyong Marcos na agarang tugunan ang pangangailangan ng disaster-affected communities.

 

“We cannot deny the severe impact of the climate crisis here in the Philippines. Typhoons Nika, Ofel, Pepito, and many more have come and will continue to come. This additional funding for the DSWD is for our fellow citizens affected by the crisis,” ang sinabi ni Pangandaman.

 

“Through this, we are sustaining support for vulnerable and marginalized communities. We are bridging the resource gap required for extensive disaster recovery and sustained support throughout the nation,” ang winika ng Kalihim.

 

Sinabi ng DBM na ang AICS program ay mahalagang serbisyo ng DSWD, nag-aalok ng medical, burial, transportation, education, at food assistance, at maging ng financial aid para sa mga indibidwal at pamilya na nahaharap sa emergency.

 

Ang alokasyon ng nasabing karagdagang pondo ay nakahanay sa special provisions ng 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa paggamit ng Unprogrammed Appropriations (UA).

 

Pinapayagan ng mga probisyon ang pondo na gamitin para sa mahalagang ‘infrastructure at social programs’ kabilang na ang financial aid para sa low-income citizens, lamang ay kung mayroong bago o sobrang revenue collections.’ (Daris Jose)

Experience ‘Secret Level’ on Prime Video, an exciting animated anthology celebrating video games; drops official trailer

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Prime Video has unveiled the official trailer for its highly anticipated adult-animated anthology series, Secret Level. Produced by Amazon MGM Studios and Blur Studio, the series delivers captivating original stories inspired by some of the most beloved video games.

 

 

 

Premiering exclusively on Prime Video on December 10, Secret Level will be available in over 240 countries and territories, with new episodes rolling out until December 17.

 

 

 

Secret Level features an impressive ensemble cast, including:

 

Arnold Schwarzenegger (The Terminator Franchise)

 

Kevin Hart (Jumanji)

 

Keanu Reeves (John Wick)

 

Temuera Morrison (The Book of Boba Fett)

 

Ariana Greenblatt (Barbie)

 

Emily Swallow (The Mandalorian)

 

Gabriel Luna (The Last of Us)

 

Ricky Whittle (American Gods)

 

Claudia Doumit (The Boys)

 

Laura Bailey (The Legend of Vox Machina)

 

This star-studded lineup promises to immerse audiences in a rich blend of storytelling, action, and nostalgia.

 

 

The series, created by Tim Miller (LOVE, DEATH + ROBOTS), celebrates gaming culture through unique, game-inspired narratives. With each episode offering its own distinct story, Secret Level is a tribute to gamers and the universes they love to explore. Dave Wilson serves as the supervising director, ensuring a visually stunning and narratively engaging experience.

 

Mark your calendars! Starting November 18, fans can access episode-specific content on Secret Level’s official social media channels.

 

To celebrate the series premiere, U.S. Prime members can enjoy 10% off select digital gaming currencies for 48 hours. Participating brands include Secret Level partners Xbox and Epic Games. Deals will be available directly on Amazon.

 

Prepare for an unforgettable journey into the worlds of your favorite video games. Stream Secret Level exclusively on Prime Video starting December 10. Whether you’re a gamer, an animation fan, or just love great storytelling, this series promises to unlock a whole new level of entertainment.

 

 

(ROHN ROMULO)

PBBM sa mga pinoy, alalahanin ang mga biktima ng bagyo ngayong Pasko

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Filipino, araw ng Lunes na alalahanin ang mga biktima ng bagyo at paghihirap ng mga ito ngayong Kapaskuhan.

 

 

“Sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin natin ang ating mga kababayan na nasalanta,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Inihayag ito ng Pangulo sa sidelines ng 49th National Prayer Breakfast sa Palasyo ng Malakanyang.

 

“At kahit papaano sana ‘yung ating (mga relief goods) gawing pamasko, ipamahagi na lang natin sa kanila. Kawawa naman at sila’y naghihirap,” ang sinabi pa ng Chief Executive.

 

 

Aniya pa, nagsisimula na ang gobyerno ng rescue operations habang nagpapatuloy naman ang relief efforts sa mga biktima ng bagyo.

 

Tinuran pa nito na nagsisimula na ang pamahalaan sa ‘rebuilding efforts’ ilang araw na lamang bago mag-Pasko.

 

Labis namang ikinalungkot ng Pangulo ang nag-iisang nasawi sa Camarines Norte sa panahon ng bagyo. (Daris Jose)

Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Maaari ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.

 

 

Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.

 

 

Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.

 

 

Ang dalawa rin ay dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas na ginanap sa Laguna.

 

 

Nagtamo ang dalawa ng injury sa kanilang paglalaro sa mga koponan sa Japan B. League.

 

 

Magpapahinga muna ngayong araw ng Lunes ang Gilas at magsasagawa sila ng dalawang araw na ensayo bago ang kanilang laban sa Huwebes laban sa New Zealand sa lungsod ng Pasay atsa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Hong Kong.

 

 

Kapwa mayroong dalawang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.

Suporta ni Biden para sa Taiwan, ‘a ‘red line’ in ties”- Xi

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Chinese President Xi Jinping sa Estados Unidos na huwag lumagpas o tumawid sa “red line” sa pagsuporta sa Taiwan.

 

Sa kabila nito, sinabi ni Xi sa kanyang counterpart na si Joe Biden na nakahanda ang Beijing na makatrabaho ang incoming administration ni Donald Trump.

 

Nagpulong sina Biden at Xi sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Peru, dalawang buwan bago umupo si Trump sa kanyang tanggapan sa gitna ng alalahanin ng bagong ‘trade wars at diplomatic upheaval.’

 

Giit ng Tsina, itinuturing nito ang Taiwan bilang sarili nitong teritoryo at tumangging pamunuan gamit ang puwersa para sakupin ito habang ang Estados Unidos ay “is the self-ruled island’s main security backer even though it does not recognise Taipei diplomatically.”

 

Sinabi ni Xi kay Biden na “Taiwan issue, democracy and human rights, pathways and systems, and development interests are China’s four red lines that must not be challenged”, ayon sa Chinese state broadcaster CCTV.

 

 

“These are the most important guardrails and safety net for China-US relations,” ang iniulat ng CCTV na sinabi ni Xi.

 

“The separatist actions of ‘Taiwan independence’ are incompatible with peace and stability in the Taiwan Strait,” ang winika pa ni Xi.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng foreign ministry ng Taiwan na “China’s ongoing military provocations near Taiwan are the root cause of destroying regional peace and stability and the major threat to global economic prosperity”.

 

Sinabi pa rin ni Xi kay Biden na ang Washington “should not intervene in bilateral disputes… and not condone or support provocative impulses” sa South China Sea, ayon sa CCTV.

 

Sinabi pa ni Xi ang posisyon ng Tsina sa labanan sa Ukraine ay “open and aboveboard”, at hindi papayagan ng Beijing ang tensiyon sa Korean peninsula upang “descend into conflict or chaos”, ang iniulat ng CCTV.

 

Samantala, inanunsyo ni Xi na Tsina ang magho-host ng susunod na APEC summit sa 2026.
Ang pag-uusap ay naglalayon na “unite Asia-Pacific countries to champion open economic and trade cooperation while rejecting protectionist and confrontational trade tactics”.

 

Ngunit sinabi ni Xi na ang China ay “strive for a smooth transition” sa relasyon sa Estados Unidos at handa na makatrabaho ang incoming Trump government.

 

“China is ready to work with the new US administration to maintain communication, expand cooperation and manage differences, so as to strive for a smooth transition of the China-US relationship,” ang sinabi ni Xi kay Biden sa pamamagitan ng isang translator. (Daris Jose)

Gobernador ng Bulacan, bumisita sa pulis na nasugatan matapos ang operasyon, nirekomendang mabigyan ng pagkilala

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMISITA si Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan at inalam ang kundisyon ni PCPT. Jocel Calvario, Hepe ng Intelligence and Drug Enforcement Unit ng Meycauayan City Police, na kasalukuyang nasa Meycauayan Doctors Hospital makaraang lubhang masugatan sa isang police operation kamakailan.

 

 

Sa kanyang pagbisita, pinuri ni Fernando ang hindi matatawarang dedikasyon ni Capt. Calvario sa laban ng probinsiya kontra sa iligal na droga at binigyan ito ng pinansiyal na insentibo.

 

 

Pinagtibay din ng gobernador na bibigyan ng pagkilala ang katapangan at dedikasyon ni Capt. Calvario kung saan kanya itong ineendorso sa pamamagitan ng resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at Provincial Peace and Order Council.

 

 

Ayon sa opisyal na ulat ng pulisya, ang casing at surveillance operation na naganap noong Nobyembre 17, 2024 sa Barangay Malhacan sa Lungsod ng Meycauayan ay naging engkuwentro kung saan 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon ang nakumpiska.

 

 

Sinabi ni Brig. Gen. Redrico Maranan, Police Regional Office-Central Luzon Director, operatiba ng Special Drug Enforcement Unit sa ilalim ng Meycauayan City Police Station, na isinasagawa ang casing at surveillance operation laban sa mga suspek na may mga alyas na “Dan” at “Analyn” ng magpaputok ang mga suspek habang nasa loob ng pribadong sasakyan.

 

 

Napaulat na gumanti ng putok ang mga pulis at sa kabila ng tangka ng mga suspek na tumakas, sila ay napigil at naaresto. Parehong tinamaan ang mga suspek habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang hita si PCPT. Jocel Calvario.

 

 

Tinapos ni Fernando ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng paghimok sa buong puwersa ng kapulisan sa Bulacan na maging matatag sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Picture nila, pinost pa sa page ng American singer: SHARON, tuwang-tuwa na na-meet ang childhood hero na si BARRY MANILOW

Posted on: November 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta nakapanood siya ng concert ng kanyang idol ni Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater, at na-meet pa niya after ng concert.

 

Naisingit talaga ito ni Sharon habang may US-Canada tour ang ‘Dear Heart’ concert nila ni Gabby Concepcion at nagtugma naman na wala silang show.

 

Super happy ngang pinost ni Mega ang photo na makikita na magkasama sila ni Barry sa naganap na photo-op, na labis niyang ikinatuwa at ipinagmamalaking iniidolo niya ang sikat na American singer-songwriter.

 

Caption ni Mega, “When you meet your childhood hero here and are waiting for the email with your photo from his people to come in, then your hero posts your picture on his page!!! Oh. Em. Gee. I love Barry Manilow! And will do so til the day I die!!!❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻 @barrymanilowofficial@chetcuneta @louieocampo.”

 

Sa next IG post niya, kasama ang mga photos habang nasa audience, caption niya, “Me at the Barry Manilow show last night! Singing, dancing, laughing, crying…OMG! @barrymanilowofficial 💖💖💖 Magical!!!”

 

 

May nabasa kaming comment, na lahat na lang daw ay favorite ni Sharon, na parang nagdududa pa sila.

 

Totoo naman idol niya si Barry Manilow na napakaraming love songs noong 70s at 80s na minahal ng mga Pinoy. Kaya sa concerts at TV show ni Sharon, marami na siyang kinantang hits ni Manilow, na naging bahagi na talaga ng kanyang buhay.

 

At bilang patunay sa pagkagusto niya sa mga songs ni Manilow, nag-post si Sharon na kumakanta ng hits nit sa isa niyang concert, mapapakinggan ang medley “Ready To Take A Chance”, “Could It Be Magic?”, “If I Should Love Again”, “Somewhere Down The Road”, “Even Now”, “Looks Like We Made It”, “This One For You” at “I Write The Song”.

 

Samantala, may last three shows pa sina Sharon at Gabby na puwede pang habulin ng ShaGab fanatics: Nov. 21 sa Club Regent Events Center sa Winnipeg, Canada; Nov. 23 sa Hawaii Convention Center at sa Nov. 29 mapapanood naman sa Chandos Pattison Auditorium sa Surrey, BC, Canada.

 

 

Congrats Sharon and Gabby, sa successful concert tour!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)