• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 21st, 2024

Usher in the Yuletide Cheer at Greenfield District’s “Christmas for Generations” 2024

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

The most wonderful time of the year is just right around the corner! This holiday season, Greenfield Development Corporation (GDC) invites families, friends, and communities to celebrate “Christmas for Generations,” an annual tradition that has brought warmth and joy to the city of Mandaluyong since 2014. Happened last November 15, 2024, the event promises an unforgettable evening marked by festivities, merriment, and the lighting of Greenfield District’s iconic Christmas tree.

 

 

A Magical Evening of Holiday Joy

 

 

Visitors can immerse themselves in the holiday spirit as Greenfield District lights up a towering Christmas tree adorned with angel-inspired decor, symbolizing peace, hope, and the timeless essence of Christmas. The tree lighting ceremony will be accompanied by a breathtaking fireworks display, filling the night sky with colors that reflect the joy and warmth of the season.

 

Visitors can also enjoy a heartwarming Santa meet-and-greet, where families can capture special moments with Santa Claus. As a tribute to classic holiday celebrations, a live chorale will perform Christmas carols, adding a melodious touch to the evening and inviting everyone to sing along to familiar tunes that spark fond memories of Christmases past.

 

For Atty. Duane A.X. Santos, Executive Vice President of Greenfield Development Corporation (GDC), this year’s event encapsulates the true meaning of the holidays. “Christmas is a time for connection, and through our annual traditions, we hope to bring families closer together. At Greenfield District, we’re not just building places; we’re creating experiences that resonate through generations, allowing families to share in joyful moments that transcend time,” he said.

 

Running until December 31, the “Christmas for Generations” celebration is open to the public and free of charge, encouraging everyone to embrace the spirit of togetherness. Greenfield District will feature various food and goods merchants, offering visitors a chance to indulge in holiday treats while exploring the vibrant open spaces that make it a unique wellness-centered destination in the city.

 

Nestled in the heart of Metro Manila, Greenfield District offers more than just a destination for festivities. Known as a wellness-oriented community, it provides visitors with a space to unwind, connect, and enjoy meaningful holiday traditions surrounded by lush, green spaces. The open-air design of Greenfield District reflects its commitment to wellness, making it an ideal venue for families and friends to gather, celebrate, and create lasting memories together.

 

Located at the corner of EDSA and Shaw Boulevard, Greenfield District is accessible through major routes from Metro Manila, making it easy for everyone to join the celebration. This holiday season, Greenfield District welcomes everyone to experience the joy, peace, and beauty of Christmas with loved ones, in a space designed for gathering, wellness, and community.

 

“Greenfield District is more than a place; it’s a lifestyle that balances the convenience of city living with a wellness-focused environment,” says Atty. Santos, “Through ‘Christmas for Generations,’ we’re extending this experience to everyone, offering a space to celebrate the holidays joyfully with loved ones. This event is about creating special moments that embody the spirit of the season.”

 

Level up this year’s holiday merry making at Greenfield District. To learn more about its other holiday events, visit greenfield.com.ph. # # #

 

Star-studed ang line-up of guests ng singer-songwriter: JUAN KARLOS, makakasama ang mga kapwa OPM stars sa first solo concert

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo, na kilala din bilang si juan karlos, para sa isang importanteng yugto sa kanyang karera na mangyayari sa SM Mall of Asia Arena sa darating na Nobyembre 29, sa kanyang first major concert na ‘juan karlos LIVE.’

 

Sa ilalin ng stage direction ni Paolo Valenciano kasama si Karel Honasan bilang musical director, pangako ng show na once-in-a-lifetime experience ito para sa mga tagahangga ni JK.

 

Binuhos ni JK ang kanyang puso’t kaluluwa sa paghahanda sa milestone na ito, habang idinidiin niya ang kahalagahan ng pag-enjoy sa proseso sa bawat detalye ng concert.

 

“Right now, I’m just trying to really enjoy the process, focusing on the flow of the whole show and focusing on the things I do have control over, like the setlist. Mas magiging nervous ako habang papalapit na ang concert,” sabi ni JK.

 

Nakipagtrabaho si JK kina Valenciano at Honasan upang siguraduhin na maipapamalas sa concert ang bagong aspeto niya bialng isang performer.

 

Sabi pa niya, “We’ll be performing songs that we haven’t performed before, and I’m also going to share the stage with the people I’ve released songs with.”

 

Makakasama ni JK sa spotlight ang kanyang stellar lineup of guest performers. Una si Paolo Benjamin Guico ng beloved folk-pop band na Ben&Ben. Kilala sa kanyang deeply personal songwriting, nakipag-collab si Guico collaborated kay JK sa “Tapusin Na Natin ’To” nuong 2023 – isang track tungkol sa toxic relationships.

 

Makakasama din ni JK si Zild Benitez. Sumikat si Zild bilang bahista at bokalista ng IV of Spades at ngayon meron na itong matagumpay na solo career. Ang kanyang collaboration kasama si juan karlos sa “Gabi” mula sa Sad Songs and Bullshit Part 1 album, na lumabas nuong 2023, ang siyang nagpatibay ng kanilang Samahan bilang mga songwriters. Ang isa pa nilang collaboration, ang “Lunod” — na track na gianwa nila kasama ang Ben&Ben nuong 2021 — ay tungkol sa emotional turmoil at mental health, at standout ito sa Ben&Ben’s Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno album.

 

Featuring din si Janine Berdin sa concert, na unang sumikat bilang winner ng Tawag Ng Tanghalan second season sa It’s Showtime. Kilala sa kanyang emotional performances at powerful vocals, may collab din sina Janine at JK sa awiting “Pancit” nuong 2022, na bahago ng three-track Drop 1 project ni JK.

 

Isang playful tale of puppy love, paired with an Alice in Wonderland-inspired music video, ang nagbigay daan para ito ay maging fan favorite. Maliban sa kanyang performance bilang guest, si Janine din ang front act ng juan karlos LIVE, setting the tone para sa isang di malilimutan na gabi.

 

Makakasama din ni JK si Moira Dela Torre naman, na kilala din bilang isa sa pinakamahusay na songwriters ng kanyang henerasyon. Ang kanyang collab kasama si JK sa awiting “Medyo Ako” mula sa Sad Songs and Bullshit Part 2 album ay tungkol sa paghihiwalayan. Highlighted sa kanta ang blending ng kanilang mga boses, na live mapapanood sa concert.

 

Kasama rin ang OPM icon na si Gloc-9. Nuong 2020, nag-collab sila ni JK sa “Sampaguita,” isang awitin tungkol sa mga emotional struggles at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Pinagsanib ng awitin ang soulful vocals ni JK at ang mga berso ni Gloc-9 – na alay sa mga paghihirap ng mga OFW.

 

Ang paglalakbay ni juan karlos na nagsimula nuong siya ay 13-year-old finalist sa ‘The Voice Kids’ nuong 2014 hanggang siya ay naging isa sa pinaka-matagumpay na artists ng OPM ay talagang kamangha-mangha.

 

Matapos ang dalawang solo albums, binuo niya ang bandang juan karlos, na siyang naglabas ng “Buwan” na isang modern OPM classic. Maliban sa music, nagmarka din si JK bilang isang aktor sa kanyang paglabas sa mga seye gaya ng ‘Hawak-Kamay’, ‘Pangako Sa ’Yo’, ‘A Love to Last’, at ‘Senior High’ sa ABS-CBN.

 

Ang kanyang paganap sa ‘High Street’ at sa Netflix film na ‘Lolo and the Kid’ ay nagpamalas din ng kanyang versatility bilang isang artist.

 

Ang juan karlos LIVE ay produced ng Nathan Studios, at minamarkahan nito ang unang pagsabak ng studio sa live entertainment ngayong 2024. Kilala ang Nathan Studios sa cutting-edge content nito gaya ng MMFF entry na ‘Topakk’ at mga series gaya ng ‘Cattleya Killer’ at ‘The Bagman’. At sumabak na din ang studio sa mga live concerts. Sa tulong ng record label ni JK na Universal Music Group, layunin din ng concert na baguhin ang standards ng mga OPM performances.

 

Tickets to juan karlos LIVE range from PHP 750 (General Admission) to PHP 8,500 (SVIP). The latter comes with exclusive perks, including a shirt, tote bag, photo opportunity, and signed poster.
Sa paghahanda ni juan karlos, siguradong ipagdidiwang nito ang kanyang journey at ipapakita nito ang kanyang puwesto at ambag sa OPM.

DOJ, nakikipag-ugnayan sa pag-uwi ni Veloso

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang proseso sa pagpapauwi sa Pilipinas sa Filipina OFW na si Mary Jane Veloso na nasa death row matapos maibaba ang kanyang hatol sa life sentence sa pamamagitan ng ilang beses na apela ng gobyerno ng Pilipinas .

 

Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nakahanda na ang DOJ sa pagbabalaik bansa ni Veloso.

 

Aniya inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumundo kay Veloso sa paliparan kung saan sasailalim muna sa medical check-up bago ideretso ito sa Women’s Correctional.

 

Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon, walang hinihingin kapalit ang bansang Indonesia sa pagpapa-uwi kay Veloso at ang DFA na ang bahalang makipag-usap sa Indonesia.

 

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang DOJ sa walang patid na apela ng administrasyong Marcos para mailigtas ang kababayan na si Veloso na nasa death row dahil sa kasong drug trafficking.

 

Naaresto si Veloso, humigit-kumulang 14 na taon na ang nakalilipas at unang hinatulan ng kamatayan ng firing squad noong Abril 2015.

 

Matapos ang serye ng mga diplomatikong diyalogo at mas matibay na ugnayan sa ating mga internasyonal na kasosyo, lalo na sa Indonesia, nagawa ng gobyerno ng Pilipinas na ipagpaliban ang pagpataw ng hatol na kamatayan nang sapat upang makamit ang isang mas mahabaging desisyon na pabor sa ating kababayan.

 

Naninindigan ang DOJ na kaisa ng PBBM sa muling pagpapakita sa mundo na walang maiiwan sa ilalim ng administrasyong Bagong Pilipinas, kung saan ang bawat buhay ay pinangangalagaan at iginagalang anuman ang katayuan, na pinatunayan sa inaasahang paglaya ng ating kababayan na si Mary Jane Veloso na may basbas ng pamahalaan ng Indonesia. GENE ADSUARA

P1M pabuya ukol sa misteryosong ‘Mary Grace Piattos’

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALOK ang ilang lider ng Kamara ng P1 milyong pabuya para sa impormasyon sa isang “Mary Grace Piattos,” na siyang lumitaw na pangalan sa kahina-hinalang liquidation documents kaugnay sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong government funds ni Vice President Sara Duterte.

 

“Kami sa Blue Ribbon Committee at Quad Committee, aming binibigyan ng importansya na kailangan dumating ‘yung mga ipinatawag natin, lalong-lalo na pati ‘yung mga pumirma sa acknowledgment receipts,” ayon kina Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V.

 

“So nag-usap-usap kami, boluntaryo, na magbibigay kami ng pabuya na P1 milyon sa kung sinumang makakapagsabi o makakapagbigay ng impormasyon kung sino si Mary Grace Piattos,” dagdag ng mga ito.

 

Naging palaisipan sa mga mambabatas ang tunay na pagkatao ni Mary Grace Piattos, na maihahalintulad sa pinagsamang pangalan ng isang sikat na restaurant at isang local snack brand.

 

Sinabi ni Khonghun na si Piattos umano ang nakatanggap ng pinakamalaking bahagi ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) noong December 2022.

 

“Si Mary Grace Piattos kasi ‘yung may pinakamalaking nakuha dun eh. We want to set an example, we want to know the truth. Kasi it follows na ‘pag wala si Mary Grace Piattos, sigurado halos lahat ng tao na nandun is fictitious na,” dagdag ni Khonghun.

 

Kaugnay ito sa 158 acknowledgment receipts na nakasama sa liquidation reports na isinumite ng the OVP sa Commission on Audit (COA). Pinagsususpetsahan ng mga mambabatas na dinoktor o madaliang iprinepara ang naturang mga resibo para mabigyang paliwanag ang P125 million confidential funds naginastos sa loob lamang ng 11 araw.

 

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Committee on Good Government and Public Accountability kung papaano ginamit ng OVP at Department of Education ang total na P612.5 million na confidential funds noong 2022 at 2023, sa ilalim ng pamunuan ni Duterte bilang Vice President at Education Secretary. (Vina de Guzman)

Ginang na wanted sa pagtay sa asawa, timbog sa Valenzuela police

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang 39-anyos na ginang na nasa likod umano ng pagpatay sa kanyang asawang Pakistani nang matunton ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas “Jenna”, residente ng South Balintawak sa Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nasa Top 4 Most Wanted Female Fugitive ng Police Regional Office (PRO) 3 ang akusado kaya nang makatanggap sila ng impormasyon na madalas siyang mamataang nagtutungo sa Brgy. Maysan, agad ikinasa nila ang operasyon ng mga operatiba ng Valenzuela Police Intelligence Section (SIS).

 

Alas-2:50 ng hapon nang maaresto ang akusado ng mga operatiba ng SIS sa Maysan Road, Brgy. Maysan, katuwang ang mga tauhan ng Dinalupihan Police Municipal Station, Bataan Provincial Police Office, MDIT-RIU-NCRPO, Northern MARPSTA sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 13, 2024 ni Dinalupihan, Bataan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Lourdes Eltanal Ignacio ng Branch 5 para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

 

 

“This is a significant step in ensuring justice for the victim and his family. The apprehension of Jenna demonstrates our relentless pursuit of wanted criminals, regardless of the time that has passed or where they attempt to hide. The joint forces involved in this operation are to be commended for their dedication and coordination,” pahayag ni P/Col. Cayaban.

 

Nagsimula umanong magtago hanggang sa manirahan sa naturang ang akusado matapos matuklasan ng pulisya na sangkot siya sa pagpatay sa kanyang negosyanteng asawa na isang Pakistani national.

 

 

Sa record ng pulisya, pinagbabaril ang dayuhan ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo na nagpanggap na customer sa loob mismo ng kanyang resort sa Brgy. Payumo, Dinalupihan, Bataan noong nakaraang taon sa lalawigan ng Bataan.

 

 

Nakatakas ang mga suspek subalit, sa pagsisiyasat ng pulisya ay natuklasan na ang mismong kanyang asawa na Pinay na si alyas Jenna ang nasa likod ng pamamaslang. (Richard Mesa)

Pinay futsal team bigo kontra sa Vietnam 6-1

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakalasap ng pagkatalo ang Philippine women’s national futsal team laban sa Vietnam sa score na 6-1 sa ASEAN Women’s Championship na ginaganap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.

 

 

Ito na ang pangalawang magkasunod na pagkatalo ng The Pinay na una ay sa Thailand.

 

 

Sa unang laro ng Pinay 5 ay nagresulta sa draw kontra sa Myanmar.

 

 

Tanging si Pinay 5 forward Alisha del Campo ang nakapagtala ng consolation goal sa 24 minuto ng laro.

 

Subalit pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Vietnam.

 

 

Susunod na makakaharap ng Pilipnas ang Indonesia ngayong Miyerkules ng ala-7 ng gabi.

Iskul sa Quezon City ‘tinaniman’ ng 15 bomba

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABULABOG at nagka­tensiyon sa Batasan National High School sa Barangay Batasan Hills, Quezon City Martes ng umaga nang kumalat ang post sa Facebook page ng paaralan ang umano’y mga nakatanim na bomba na umaabot sa 15.

 

Kasunod nito, agad na sinuspinde ng pamunuan ng nasabing paaralan ang face-to-face classes upang matiyak na ligtas ang mga guro at kanilang mga mag-aaral.

 

Mabilis ding rumes­ponde ang bomb squad kung saan agad na kinordon ang paaralan.

 

Ayon kay PLt. Col. Ramil C. Avenido, Ground Commander ng Quezon City Police District (QCPD) dakong alas-11 ng umaga nang may post sa Facebook page ng paaralan na may nakakalat na 15 bomba sa nasabing paaralan.

 

Ang bomba ay sasambulat bandang alas-2 ng hapon.

 

Subalit nang inspeksiyunin at galugarin ng QCPD bomb squad at bomb sniffing dog ang buong paaralan, wala kahit isang bomba ang natagpuan.

 

Dahil dito nagpatupad ang paaralan ng mga asynchronous na klase sa hapon.

 

Gayunman, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Kaya deserving na maging ‘Miss Universe-Asia’: CHELSEA, nakuha ang highest score sa Asian countries sa preliminary round

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng ng statement si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group, na current owner ng Miss Universe, tungkol sa himutok ng Thai pageant fans.

 

Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City, ang nakakuha ng Miss Universe-Asia, na umabot sa Top 30 pero hindi nga nakapasok sa Top 12.

 

Pinagtatalunan nila na mas deserving daw sicMiss Thailand Suchata “Opal” Chuangsri, na nagtapos naman sa beauty pageant bilang 3rd runner-up.

 

Paliwanag ni Khan Anne, “To inform you, the Philippines is an Asian country with the highest score from the preliminary round. It was clear from the beginning that we had four Queens from each region.

 

“Before the Top 30 Semifinals, we decided to announce this after the coronation to avoid influencing the judges scores.”

 

Dagdag pa niya, “Once again, this is not a placement but a promotion. The other four people were with us before the finals, and we knew them by their spirit, soul, attitude and sincerity as women.“

 

Dahil dito mas marami ang natuwa sa parangal na ito para kay Chelsea, dahil deserving talaga na mag-represent ng Asia. At marami talaga ang naniniwala na dapat ay nakapasok siya sa Top 5.

 

Usap-usap din ngayon sa pageant world, ang nahagip na tsikahan sa media presentation ng new Miss Universe na si Victoria Kjær Theilvig na mula sa Denmark at 4 Continental Queens.

 

Gandang-ganda raw sila sa face ni Chelsea at sa tingin nila ang limang reyna na iniharap sa kanila ang ‘real Top 5’ ng Miss Universe.

 

Congrats pa rin kay Chelsea at dapat lang na maging proud sa kanya ang buong bansa. Deserve din niya na mabigyan ng grand homecoming parade sa pagkakahirang bilang first ever Miss Universe-Asia.

 

***

 

LUMAGDA ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Victorias City, Negros Occidental, para mas mapalawig pa ang kampanya ng “Responsableng Panonood Tungo sa Bagong Pilipinas.”

 

Pumirma para sa MTRCB si Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio at si Mayor Javier Miguel Benitez ng Victorias sa seremonya noong Nob. 17, 2024, kaharap ng ilang MTRCB Board Members at opisyales ng Victorias LGU.

 

“Ang pagtutulungan ay misyon ng MTRCB na maitaguyod ang responsableng panonood at tamang pagpili ng palabas ng pamilyang Pilipino na nakatuon sa interes ng kabataang manonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio.

 

Parte ng kasunduan ang pagpapalabas ng infomercial na siyang makatutulong sa mga magulang at nakakatanda pagdating sa responsableng paggabay sa mga bata sa pagpili ng palabas na angkop sa kanilang edad.

 

“Napakahalaga po ng partisipasyon ng mga magulang pagdating sa responsableng paggabay sa inyong mga anak at kabataang Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio. “Tayo, bilang mga magulang at guardian, ang magsisilbing unang proteksyon nila laban sa mga mapanganib na content sa pelikula, telebisyon o social media na posibleng makaapekto sa musmos nilang kaisipan.”

 

Sinabi naman ni Benitez na handa ang kanyang pamahalaan na sumuporta sa mga adhikain ng MTRCB tungo sa responsableng panonood.

 

“Kaisa po ang Lungsod ng Victorias sa MTRCB na maging isang responsableng Pilipino ang ating mga kababayan pagdating sa panonood at paggamit ng media,” sabi ni Benitez.

 

Lumagda rin noong Nob. 16 ng isang MOU ang Cadiz City LGU at MTRCB para sa kahalintulad na misyong isulong ang responsableng panonood sa Lungsod ng Cadiz.

 

Ang dalawanag MOUs ay alinsunod sa “Tara, Nood Tayo!” campaign ng administrasyong Marcos na layong mapalakas ang industriya ng pelikula at ang paigtingin pang lalo ang tamang pagpili ng panonoorin ng pamilyang Pilipino.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Registration sa Social Media accounts, di pinalawig

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pagpapalawig sa deadline ng registration sa social media accounts ng political parties ,party-list groups at aspirants para sa kanilang kampanya para sa 2025 polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong martes.

 

Ayon sa Comelec resolution No.11064-A, ang social media registration ay dapat sa/o bago ang Disyembre 13.

 

Pinaalalahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga concerned parties na sumunod sa bagong guidelines ng Comelec upang hindi ma-delete ang kanilang mga posts o platforms.

 

Ang social media account registration ay bahagi ng regulasyon ng digital election campaigning. Layon nitong i-regulate ang paggamit ng artificial intelligence at ipagbawal ang paglaganap ng disinformation at maling impormasyon.

 

Ayon pa sa Comelec resolution No.11064-A, inamyendahan din ng poll body ang patakaran sa mga tuntunin sa social media sa pag-alis sa probisyon na ang mga accounts ng mga pribadong indibidwal ay dapat irehistro at i-regulate.

 

Sinabi ng komisyon na ang pag-amyenda ay layong itaguyod ang Kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ng mga pribadong mamamayan. GENE ADSUARA

Final 12 ng Gilas Pilipinas na haharap sa New Zealand iaanunsiyo

Posted on: November 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ILALABAS na ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang final 12 na mga manlalaro na isasabak sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2023 qualifiers.

 

 

Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na nitong Martes ay nagkaroon ng exhibition game ang Gilas mula sa isang koponan sa PBA na ginanap sa kanilang training academy sa Laguna.

 

 

Nakita nito ang ilang mga improvements ng halos lahat ng mga manlalaro na dumalo sa nasabing ensayo.

 

 

Ilan sa mga hindi pa matiyak ngayon na makasama ay sina AJ Edu at Jaime Malonzo na kapwa may iniindang injury.

 

Ikinalugod naman nito ang presensiya ngayon ni Scottie Thompson na gumaling na mula sa injury na itinuturing ni Cone na may malaking tulong sa Gilas Pilipnas.

 

 

Magkakaroon ng malaking adjustments si Cone sa pagpili na final 12 na isasabak kontra sa New Zealand sa araw ng Huwebes habang maaaring maiba din ang line up sa pagharap nila kontra sa Hong Kong sa araw ng Linggo.