• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2024

Mahigit P1.15B na calamity loan inilabas sa halos 70K miyembro – SSS

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P1.15 bilyong halaga ng calamity loan assistance ang ipinagkaloob sa halos 70,000 typhoon-affected members sa ilalim ng Social Security System (SSS).

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang halaga ay ipinalabas sa mga kinauukulang miyembro, dalawang linggo sa programa.
“The series of extreme weather conditions have immensely affected our members’ financial well-being. In response, many have quickly availed of our calamity loan assistance to replace or repair their damaged properties. We hope that loan privileges provided by SSS will support their full recovery, just in time for the Holiday season,” ayon kay SSS Acting Head for Public Affairs and Special Events Division Carlo C. Villacorta.
Binuksan ng SSS ang calamity loan program sa mga kuwalipikadong miyembro sa lugar na apektado ng tropical cyclones Kristine, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.
Ang loan ay ipinagkaloob sa mga miyembro ng SSS na nakatira sa calamity-hit areas na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi pa ni Villacorta na ang mga miyembro ay mayroong hanggang Disyembre 21, 2024 para magsumite ng kanilang calamity loan applications sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.
At upang maging kuwalipikado para sa calamity loan assistance, ang mga typhoon-affected members ay dapat na:
-mayroong 36 monthly contributions, anim mula rito ay naihulog sa loob ng 12 buwan bago pa ang buwan ng paghahain ng aplikasyon
-naninirahan sa deklaradong calamity area
-hindi pa sumasampa ng 65 taong gulang sa panahon ng loan application
-walang ‘final benefit claim’ gaya ng permanent total disability o retirement
-walang dating utang sa SSS Short-Term Member Loans
– walang outstanding restructured loan o calamity loan
“Meanwhile, individually paying members such as self-employed, voluntary, and land-based Overseas Filipino Worker members must have at least six posted monthly contributions under the current membership type before the month of loan application to qualify for the calamity loan,” ang winika ng SSS.
Matatandaang, sinabi ng SSS na maaaring magbayad ang mga miyembro nito ng kanilang calamity loan sa loob ng dalawang taon o 24 equal monthly installments na may annual interest rate na 10%. (Daris Jose)

Higit P.3M shabu, nasabat sa 3 drug suspects sa Caloocan

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Valaue Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Pual Jady Doles ang naarestong mga suspek na sina alyas “Michael”, alyas “Ardy”, at alyas “Alvin”.

 

 

Ayon kay Col. Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Michael kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay 28, dakong alas-7:01 ng umaga.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 56 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P380,000, at buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang oagsisikap ng mga operatiba. “This operation is a clear demonstration of our relentless pursuit to dismantle drug syndicates in the region. The NCRPO remains steadfast in its commitment to combating illegal drugs and ensuring the safety and well-being of our communities.” aniya.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

PBBM, nagbigay ng P60M para sa mga biktima ng Bulkang Kanlaon— OCD

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKALOOB si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P60-milyon na tulong para sa mga biktima ng mga aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

 

 

 

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na nagbigay si Pangulong Marcos ng tig-P30 million para sa Canlaon City at Negros Oriental Province.

 

 

Ang pag-turnover ng tulong ay pinangunahan ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr. sa isang miting kasama ang mga lokal na opisyal at mga kinatawan mula sa disaster management.

 

 

Ayon sa ulat, naharap sa matinding hamon ang Negros Oriental provincial government sa pagdeklara ng State of Calamity dahil sa legal restrictions dahilan para maapektuhan ang dalawang lungsod o munisipalidad.

 

 

Habang ang lokal na pamahalaan naman ng Canlaon City ay naiulat na makakukuha lamang ng suporta para sa internally displaced persons para sa tatlo hanggang apat na araw at ang naturang tulong ay mula sa national government.

 

 

“The city recommended that further funds be allocated specifically for response efforts affecting the six local government units involved. Current conditions were complicated by low signal bandwidth in Canlaon City, hindering communication and coordination efforts,” ayon sa OCD.

 

 

“Additionally, the Quick Response Fund (QRF) for Canlaon City was already depleting, impacting its ability to provide necessary support,” ayon pa rin sa nasabing ahensiya.

 

 

Sa kabilang ako, pinasalamatan naman ni OCD Central Visayas chief at Regional Task Force Kanlaon vice chairperson Joel Erestain si Pangulong Marcos para sa tulong para sa ‘displaced population.’

 

 

“This funding will significantly ease the burdens of those affected by the Kanlaon eruption, especially the IDPs who will spend the holiday season in evacuation centers. It is a crucial step in ensuring that our communities receive the support they need during this challenging time.”aniya pa rin.

 

 

Winika pa ni Erestain na itinaas ng OCD Central Office ang fuel allocation para sa QRF sa P1 million kada buwan para suportahan ang pangangailangan ng Canlaon City.

 

 

“This fuel will be used for relief operations, including transportation, the use of heavy equipment for clearing operations, and generators. In total, this will provide approximately 4,450 liters of gasoline and around 13,350 liters of diesel,” aniya pa rin. (Daris Jose)

DepEd, ikakasa ang bagong wave ng PPP projects para sa 15K classrooms sa 2025

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong maglunsad ng bagong wave ng Public-Private Partnership (PPP) projects na ang layunin ay idisenyo, pondohan at magtayo ng 15,000 silid-aralan para sa 1,600 eskuwelahan sa iba’t ibang lugar sa 9 na rehiyon simula sa susunod na taon.

 

 

 

Sinabi ng DepEd na ang inisyatibang ito ay inaasahan na mapakikinabangan ng mahigit sa 600,000 mag-aaral sa buong bansa.

 

 

Inanunsyo rin ng DepEd ang partnership nito sa PPP Center para tugunan ang classroom backlog sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Nauna rito, tinintahan ni Education Secretary Sonny Angara ang isang USD 1 million Technical Assistance Agreement kasama ang PPP Center para tugunan ang bahagi ng 165,000-classroom shortage sa mga public school.

 

 

Sinabi pa ng DepEd na ang kasunduan ay magbibigay ng technical support para sa pagtatayo ng 15,000 silid-aralan sa 2025 sa ilalim ng PPP for School Infrastructure Program Phase III (PSIP III).

 

 

Ang paliwanag pa ng DepEd, ang Project Development and Monitoring Facility na iginawad ng PPP Center ay naglalayong “streamline the planning and implementation of PSIP III, ensuring a more effective approach to addressing the country’s classroom backlog.”

 

 

Sinabi pa ni Angara na magugustuhan ng Pangulo ang “partnership today because it aligns with his directives, as it will not only improve the quality of education but also enhance the learning environment.”

 

 

Binigyang diin pa ng departamento na ang “creating safe, conducive learning environments” ay nananatiling top priority nito bilang bahagi ng 5-Point Reform Agenda nito.

 

 

Upang talakayin ang mga hamon na ito, sinabi ng DepEd na muli nitong bubuhayin ang PPP initiatives para sa school infrastructure habang ginagalugad o sinisiyasat ang innovative PPP models para sa ibang educational facilities, gaya ng “bundled campus development, school libraries, at iba pang essential infrastructure.”

 

 

“PPPs are a critical component of the reform agenda in basic education, which includes decentralization and digitization,”ang tinuran ng DepEd.

 

 

Samantala, nakiisa naman sa signing ceremony sina PPP Center Executive Director Ma. Cynthia Hernandez, NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Department of Finance Usec. Catherine Fong, Private Sector Jobs and Skills Corporation President Josephine Romero, at senior DepEd officials.

 

 

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Angara kay Balisacan para sa “recommending this partnership” at sinabi na anghuli ay “still has future plans” para tulungan ang sektor ng edukasyon.

 

 

“Thank you [Sec. Balisacan] for your initiative. We look forward to working with you. We appreciate all the time you’ve given us,” ayon kay Angara.

 

 

At upang mapaganda at madagdagan ang kapakinabangan ng mga nasabing silid-aralan bilang epektibong ‘learning environments’, sinabi ng DepEd na kinokonsidera nito ang construction packages na kinabibilangan ng “sustainable energy solutions, internet connectivity, furniture, at water systems.”

 

 

Samantala, sinabi ng DepEd na itatampok ng mga silid-aralan ang “sustainability and climate resiliency elements” gaya ng solar panel systems at rainwater catchments para tugunan ng pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. ( Daris Jose)