• April 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Ads February 28, 2025

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

OSCAR-WINNING “PARASITE” DIRECTOR BONG JOON HO AND ROBERT PATTINSON TALK ABOUT WHAT DREW THEM TO “MICKEY 17”

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments
DIRECTOR Bong Joon Ho, who won Academy Awards in 2020 for writing and directing “Parasite,” is back in the director’s chair with the hotly anticipated “Mickey 17,” starring Robert Pattinson.
Just from the summary of the original novel, “Mickey 7” by Edward Ashton, Bong says he was “instantly captivated” and got more engrossed in the story as he read page by page. “I thought that it had such a unique concept, which is human printing, and that’s very different from human cloning,” says the filmmaker. “It’s like you’re printing out humans as if human beings are just pieces of paper, documents to be printed out. And I thought that human printing – even in the expression itself – we could sense the tragedy of that condition and that profession. And so, I started thinking about what it would be like to actually be that person being printed out. All these thoughts came to me and I was completely in that world instantly.”
Robert Pattinson in Bong Joon Ho’s “Mickey 17.”
Photo credit: Warner Bros. Pictures
The character of the “captivating and appealing” Mickey also helped draw the director in. “Even in the original novel, Mickey is quite an average person… but I wanted to make him even more average, even lower class, even more of a loser,” says Bong. “And so, all these ideas for adapting the story came to me instantly. I was fascinated by the concept of human printing and just captivated by the character of Mickey, who is not a superhero, who is this everyman, normal, average man going through this crazy journey.”
The passion and talent of Bong Joon Ho are part of what attracted Robert Pattinson, who plays Mickey Barnes in the film, to the adaptation. At the film’s press conference in Seoul in January, Pattinson said that Bong is “a filmmaker every actor dreams of working with.”
Robert Pattinson in Bong Joon Ho’s “Mickey 17.”
Photo credit: Warner Bros. Pictures
Talking about Bong’s script, Pattinson says, “It’s one of those scripts where I haven’t read anything like it in a long time, and I don’t think I’ll ever read anything like it again. Then to know that it’s someone with his level of pedigree coming to this script which, in some ways, is also like a sci-fi farce.
“Actually, I have no idea how to describe it to people at all. Even just the beginning: ‘So, it’s about a pastry chef in the future. He has a macaron shop. And he takes out a very risky loan with loan sharks and then he gets onto a mission to space, where he gets reprinted over and over again.’ [Laughs] You go off the rails almost immediately trying to describe it. At first, I thought it was a risk, but as soon as I started doing it, it didn’t feel like a risk at all. Bong just has such extreme certainty about what he wants to shoot and so much confidence that you get into his rhythms really quickly.”
Director Bong Joon Ho at the “Mickey 17” World Premiere at Cineworld Leicester Square on February 13, in London, England.
Photo credit: Warner Bros. Pictures
From the Academy Award-winning writer/director of “Parasite,” Bong Joon Ho, comes his next groundbreaking cinematic experience, “Mickey 17.” Unlikely hero Mickey Barnes (Pattinson) has found himself in the extraordinary circumstance of working for an employer who demands the ultimate commitment to the job… to die, for a living.
Also starring Naomi Ackie, Steven Yeun, Toni Collette and Mark Ruffalo, “Mickey 17” opens in cinemas March 5.
About “Mickey 17”
Written and directed by Bong Joon Ho, “Mickey 17” stars Robert Pattinson (“The Batman,” “Tenet”), Naomi Ackie (“Star Wars: Episode IX – The Rise of Skywalker”), Academy Award nominee Steven Yeun (“Minari,” “Beef”), with Academy Award nominee Toni Collette (“Hereditary”), and Academy Award nominee Mark Ruffalo (“Poor Things”).
The film is produced by Dede Gardner and Jeremy Kleiner (Oscar winners for “Moonlight” and “12 Years a Slave”), Bong Joon Ho and Dooho Choi (“Okja,” “Snowpiercer”). It is based on the novel Mickey 7 by Edward Ashton. The executive producers are Brad Pitt, Jesse Ehrman, Peter Dodd and Marianne Jenkins. The director of photography is Darius Khondji (Oscar nomination for “Bardo: False Chronicle of a Handful of Truths,” “Okja”). The production designer is Fiona Crombie (Oscar nomination for “The Favourite,” “Cruella”). It is edited by Yang Jinmo (Oscar nomination for “Parasite,” “Okja”). The music is by Jung Jaeil (“Parasite,” “Squid Game”). The visual effects supervisor is Dan Glass (“Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”). The costume designer is Catherine George (“Okja,” Snowpiercer”).
Warner Bros. Pictures presents A Plan B Entertainment Production, An Offscreen Production / A Kate Street Picture Company Production, A Film By Bong Joon Ho: “Mickey 17.” The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, and will open in Philippine cinemas March 5, 2025.
Join the conversation online and use the hashtag #Mickey17. (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Pare-parehong mahuhusay umarte: JENNYLYN, nagbigay na naman ng good vibes kasama sina DENNIS at SAM

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KASALUKUYAN ng palabas sa mga sinehan ang pelikulang “Everything About My Wife.” 
Pero isa kami sa nakapanood nito sa premiere night at ang masasabi lang namin, napatawa niya kami ng bongga.
Matagal na, since hindi na nga namin matandaan kung kailan kami huling tumawa ng todo sa pelikulang napanood namin, kaya natuwa kaming talaga na halos mula sa umpisa, nabigyan kami ng good vibes nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Sam Milby.
Pare-parehong mahuhusay umarte. Hindi na nakapagtataka kay Jennylyn na forte naman talaga ang romcom. Pero sina Dennis at Sam, both surprisingly good with their roles.  
Sigurado kami, hindi pwedeng hindi tatatak kung ano ang ginawa ni Dennis sa “sunflower” at si Sam naman, sa pagkopya nito kay Gong Yoo.
Nakausap pa namin sina Dennis at Jen bago ang premiere. Kahit na ilang beses na nakagawa ng pelikula, inamin ni Dennis na kinakabahan siya. 
Kabado siya dahil aniya, hindi naman daw lahat ng movie na nagagawa nila, pang-Best Picture at bukod dito, kung panonoorin ba dahil until now, struggling pa rin talaga na mapapasok sa sinehan ang mga manonood.
Sey naman ni Jennylyn, “Actually, hindi naman ako kinakabahan. Pero nang malaman ko kay Dennis na kinakabahan siya, kinabahan na rin ako.”
In fairness, punong-puno ang SM Megamall Cinema 3 at isa sa all-out ang suporta sa kanila ay ang Beautéderm C.E.O. and President na si Ms. Rei Anicoche-Tan. Hindi nakapagtataka dahil parehong mga proud Beautéderm babies sina Sam at Jennylyn. Habang si Dennis naman, wait, wait na lang natin, huh!
Para sa amin, sulit ang ibabayad sa sinehan sa “Everything About my Wife na mula sa Creazion Studios at GMA Pictures.
***
PastedGraphic-1.png


ALDEN, walang statement sa estado ng relasyon nila ni KATHRYN at may pasaring gumagawa ng isyu
WALANG makuhang statement mula kay Alden Richards sa totoong status na sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo. 
Marami na ang umaasa na after ng successful movie nila na “Hello, Love, Again” ay magiging magkarelasyon na silang talaga.
Sinubukan naming tanungin si Alden, pero gets at nauunawaan namin kung bakit mukhang mas pinipili na lang niya na manahimik.  Hindi man niya sabihin, siguradong alam ni Alden na kahit ano naman ang isagot niya, pipiliin pa rin ng netizens kung ano ang gusto nilang paniwalaan.
Indirectly, pero mukha naman na ang Instagram story niya na “Mind your own business” ay pasaring na niya sa mga gumagawa ng iba’t-ibang ispekulasyon sa kanila ni Kathryn.
From our reliable source, okay pa rin daw sina Kathryn at Alden. Meaning siguro, sa kabila ng ingay, maayos pa rin ang samahan ng dalawa. 
Career-wise, magkaiba sila ng focus ngayon. Si Kathryn sa pagiging isa niyang hurado ng Pilipinas Got Talent habang si Alden naman, napakarami raw pasabog ng kanyang sariling production, ang Myriad.
 
(ROSE GARCIA)

Kasama sa napiling ‘People of the Year 2025’: KRIS, first time na nagpakita sa publiko para suportahan si MICHAEL LEYVA

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PINAG-USAPAN ang first public appearance ni Queen of All Media Kris Aquino pagkatapos ng maraming taon.
Dumalo si Kris sa awarding ng ‘People of the Year 2025’ ng PeopleAsia magazine na kung saan kasama sa pinarangalan ang kanyang malapit na kaibigang fashion designer na si Michael Leyva, kaya sinuportahan niya at personal na i-congratulate.
Makikita nga ang mga larawan at video na pinost ng Cornerstone Entertainment at PeopleAsia sa kani-kanilang Instagram page noong Martes, Pebrero 25.
Sinamahan si Kris ng kanyang anak na si Bimby, doktor at tatlong nars.
Nakasuot siya ng dilaw na blouse na may katernong facial mask, floral na mahabang palda at fuchsia pink na blazer.
Kapansin-pansin na mukhang naman masigla si Kris habang nakipagkuwentuhan sa mga dumalo at sa mga miyembro ng press.
Ang kauna-unang pagpapakita publiko ni Kris na kahit sandali lang ay nasabay din ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, isang makasaysayang kaganapan hindi lamang para sa bansa kundi para sa kanyang pamilya.
Tungkol naman sa espesyal pagkakaibigan nila ni Leyva, ayon sa interview kay Kris, “actually Michael is acting like dad to Bimb and Kuya (Josh), Bimb said, his parents are here.
“So it’s really more than just a friend, he’s really the younger brother I never had.”
“There are people who would say ‘I’ll be there for you,’ or ‘Maaasahan mo ako’ but Michael has proven so many times, and in so many ways,” dagdag pa niya.
Patuloy ngang nakikipaglaban si Kris sa autoimmune diseases mula noon 2018, medyo nahuli siya sa event dahil nahihirapan daw siyang gumising dahil sa isang bagong gamot, kaya aminadong nahihilo siya sa naturang paglabas ng bahay.
Kaya patuloy pa rin nating siyang ipagdasal na magtuloy-tuloy na ang kanyang paggaling nang sa ganun ay makabalik na rịn siya sa pagtatrabaho.
***

𝗠𝗧𝗥𝗖𝗕, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗩 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞, 𝗙𝗜𝗟𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗘𝗥, 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗢𝗥, 𝗔𝗧 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗞𝗘𝗛𝗢𝗟𝗗𝗘𝗥𝗦

NAGING maayos at makabuluhan ang isinagawang Responsableng Paggabay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Martes, Pebrero 25, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang TV Networks, producers, distributors, at iba pa mula sa industriya ng paglikha.
Pinangunahan ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang naturang gawain. Kasama nito sina MTRCB Executive Director II Roberto Diciembre at Board Members Eloisa Matias, JoAnn Banaga, Bobby Andrews, at Katrina Angela Ebarle.
Ang naturang aktibidad ay parte ng consultation meeting ng ahensya hinggil sa ilang mga polisiya na nais ipatupad nito upang mas mapaigting ang kampanya tungo sa #ResponsablengPanonood.
Patuloy namang tinitiyak ng MTRCB na kami ay kasama at kaagapay ng industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas para sa mas responsableng paglikha at panonood tungo sa mas maunlad at progresibong #BagongPilipinas.
(ROHN ROMULO)

Bukod sa comeback project niya sa GMA: VINA, pinaghahandaan din ang mga shows abroad

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HINDI lang pala sa comeback project niya sa GMA abala si Vina Morales kundi pati sa paghahanda sa mga gagawin niyang shows abroad.

Inamin ni Vina na na-miss niya ang mag-concert at gusto niyang magpasaya sa maraming Pinoys abroad.
Pero unahin daw muna niya ang tinanguan niyang teleserye na ‘Cruz Vs. Cruz.’
“Kung ano ‘yung mga projects na meron ako, one at a time. Kasi ngayon siguro mas nagpo-focus ako sa acting, why not ‘di ba?
“And I was also working last year for doing concerts abroad,” sey ni Vina na noong 2023 ay nag-debut on Broadway via ‘Here Lies Love.
Happy rin daw si Vina pagdating sa kanyang personal na buhay.
“I’m very happy with what’s going on with my life. I’m happy that I have my Ceana. Can you imagine, mag-16 na ‘yung anak ko pala, sweet 16. And my family, we’re healthy, ‘yun ang pinaka-importante.”
Makakasama ni Vina sa ‘Cruz Vs. Cruz’ ay sina Gladys Reyes, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Neil Ryan Sese.
***
KAHIT mahusay sa pagganap bilang beki,  never naman daw pinagdudahan ni Mikoy Morales ang sexuality niya.
Pero nagawa raw niyang mag-explore para sa mga ginagawa niyang gay roles.
“Never naman ako naging confused, but I explored. There was a time na I thought I was bisexual.
“Siguro partly related dahil sa puro gay roles ‘yung nakukuha kong roles, so nandoon ako sa exploring my life outside the roles, also, on how to make the roles better. Parang better understanding,” paliwang ng Sparkle actor na napapanood sa ‘Lolong: Bayani ng Bayan.
Engaged na si Mikoy Morales sa non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia. Pinaplano na raw nila ang kanilang magiging dream wedding.
 
(RUEL J. MENDOZA)

PAGTATAYO NG REGIONAL CENTER HOSPITAL SA CAVITE, IPINANUKALA

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI na kinakailangan lumuwas pa ng Maynila ang isang pasyente upang magpagamot kung may nakatayong isang Regional Speciality Center Hospital sa mga probinsiya.

Bunsod nito, sinabi ni  Senator Imee Marcos na pabor siyang  pondohan ang pagpapatayo ng isang  Regional Specialty Center  Hospital sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa Parada ng Bayan at 111th Founding Anniversary  sa bayan ng Tanza, Cavite.

Ayon pa sa Senadora,  makakabuti ang pagtatayo ng Regional Specialty Center  Hospital sa Cavite upang hindi na kinakailangang lumuwas pa ang pasyente sa Maynila o ibang lugar upang magpagamot.

Paliwanag pa ni Marcos ang paga-allocate ng pondo ng gobyerno sa isang State University and Colleges na may kursong Medisina  upang may mga doctors  sa tutulong dito.

Kasabay din ito  sa plano ni Tanza Vice Mayor Archangelo “SM” Matro ang pagpapatayo ng isang pampublikong ospital sa bayan kung saan ang magsisilbing ospital  ang kasalukuyang munisipiyo na plano namang ilipat sa mas maluwag  na lugar upang mapagsilbihan ang mamamayan ng bayan ng Tanza. (Gene Adsuara) 

Kai sumalang na sa magaan na workout

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS ang matagumpay na operasyon, si­mula na sa magagaan na workout si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto upang makabalik sa matikas na porma.

Sa kanyang post sa social media, ipinakita ng 7-foot-3 Pinoy cager na balik na ito sa gym para simulan ang rehabilitasyon nito.

“Loading,” ayon sa caption ni Sotto.

Matatandaang nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si Sotto habang naglalaro ito para sa Koshigaya Alphas sa Japan B.League.

Sumalang si Sotto sa operasyon kamakailan kung saan naging matagumpay ito.

Kasama ni Sotto sa kanyang workout si conditioning coach Mel Lantin.

May hiwalay na post si Lantin sa kanyang sari­ling social media account kung saan aminado itong mahabang proseso pa ang pagdaraanan ni Sotto para makabalik sa aksyon.

“Still far, but it’s a start,” ani Lantin.

Ilang magagaan na workout lamang ang ginagawa ni Sotto bilang panimula upang hindi maargabyado ang bagog opera nitong tuhod.

Dahil sa injury, hindi nakapaglaro si Sotto sa dalawang laban ng Gilas Pilipinas sa final window ng FIBA Asia Cqup Qualifiers.

Malaking kawalan si Sotto kung saan lumasap ang Pinoy squad ng kabiguan sa kamay ng Chinese-Taipei at New Zealand dahilan para mahulog ang tropa sa 4-2 marka para sa No. 2 seed sa Group B.

Umaasa ang Pinoy fans na magiging mabilis ang recovery ni Sotto dahil kailangan ito ng Gilas Pilipinas sa mga laban nito.

Subalit posibleng sa susunod na taon na muling masisilayan si Sotto sa aksyon dahil daraan ito sa ilang buwan na rehabilistasyon.

Tim Cone walang babaguhin sa program ng Gilas Pilipinas

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIS panatilihin pa rin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang ipinatupad nitong programa at mga manlalaro sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup sa buwan ng Agosto.

Ito ay kasunod ng mga pagkatalo sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers at sa 2nd Doha International Cup.

Sinabi nito na mahalaga na panatilihin ang mga manlalaro kahit na aminado nito ng nahirapan siya sa kawalan ni Kai Sotto na nagtamo ng torn anterior cruciast ligament (ACL).

Giit nito na hindi magbabawas o magdadagdag ang Gilas depende na lamang sa mga kasalukuyang manlalaro nito kung nais nilang manatili sa national team.

Ilan kasi sa balakid kapag nagdagdag ng mga manlalaro ay ang budget ganun din ang oras na pagbiyahe para makapag-ensayo.

Magugunitang matapos ang panalo sa Qatar ay nabigo ang Gilas sa Egypt at Lebanon sa nagdaang friendly game sa Doha.

Maging sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers ay bigo sila sa kamay ng Chinese Taipei at New Zealand.

Plano ng DENR na taasan ng may 10 milyong ektarya ang kagubatan sa ilalim ng National Greening Program

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BAKA maging water world tayo.”

Ito ang babala ni Rizal Rep. Fidel Nograles matapos na i-ulat ng Department of Environment and Natural Resources na tanging pitong milyon sa 15 milyong ektarya ng kagubatan sa Pilipinas ang may puno o forest cover.

 

“We have to aggressively restore our forest cover—there is no going around this issue. And we should start now. Hindi maaaring maghintay pa tayo,” anang mambabatas.

 

Bilang tugon sa nakakalbong kagubatan, plano ng DENR na taasan ng may 10 milyong ektarya ang kagubatan sa ilalim ng National Greening Program.

 

Sinabi ni Nograles na kailangan na tumulong ang publiko na palakihin ang kagubatan sa bansa. (Vina de Guzman)

Kaso ng dengue sa Valenzuela, bumaba

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PATULOY ang pagpapaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa kampanya kontra dengue sa lungsod, kabilang na ang misting operation sa iba’t ibang barangay.

Ayon kay Mayor WES Gatchalian, sa latest na ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ay nasa “downward trend” o pababa na ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod.

Hinihimok pa rin ng alkalde ang mga Valenzuelano na makiisa sa paglaban sa dengue sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa mga tahanan at kapaligiran. (Richard Mesa)