• April 7, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 13th, 2025

‘Mananambal’ topbills by National Artist Nora Aunor, a testament to the rich heritage and artistry of Filipino cinema

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATIONAL Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor topbills ‘Mananambal,’ a riveting new horror masterpiece from director Adolf Alix, Jr., which also stars versatile young actress Bianca Umali.

Set in Siquijor, ‘Mananambal’ follows a group of ambitious content creators who journey to Sitio Cambugahay in search of Lucia (Aunor), the “mananambal” whose extraordinary healing powers have recently gone viral. A “mananambal” is a Filipino practitioner of traditional medicine, who is also capable of performing sorcery.

Their pursuit leads them to Alma (Umali), Lucia’s strong-willed daughter, who refuses to follow her mother’s path and is eager to live life on her own terms. The group’s persistence to use Alma as their way to Lucia crosses dangerous lines, leaving Alma broken and betrayed.

Upon returning to Manila, the content creators find themselves engulfed in a nightmare of inexplicable and horrifying events, with death relentlessly chasing them.

Are they victims of a mananambal’s curse, or is something far darker at play? One thing becomes terrifyingly clear: violating sacred boundaries comes with a steep price. And if there’s one rule they ought to learn—never mess with a mananambal and their kin.

Philippine cinema’s “Superstar” said that her decision to accept ‘Mananambal’ was driven by her admiration for the film’s compelling narrative and the team behind it: “Maganda ang istorya. Mababait rin ang mga tao sa production,” she shared in an interview.

Aunor’s portrayal of Lucia—a mother grappling with her duties as a healer and her protective instincts for her daughter—promises to be one of the highlights of her legendary career.

The film, rooted in Filipino culture, has already received international acclaim, having been showcased at the Jinseo Arigato International Film Festival in Japan in May 2024. At the festival, Umali was honored with the Best Dramatic Actress award for her powerful performance as Alma.

“This means the world to me,” Umali said in her acceptance speech. “This award acknowledges all of the hard work and dedication that I have poured into my craft and in this project.”

Umali also dedicated the award to the one and only La Aunor: “Karangalan ko po na makatrabaho kayo and I hope that you are here with me, maraming maraming salamat po.”

‘Mananambal’ is a testament to the rich heritage and artistry of Filipino cinema. Don’t miss this roller coaster of terror and suspense that will leave you questioning the power of curses and the price of justice. Also stars Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzales, and Martin Escudero. 

In cinemas nationwide on February 19, produced by BC Entertainment Productions and distributed by Viva Films.

(ROHN ROMULO)

First time niyang makakatambal si Jillian: MICHAEL, nakatanggap ng magandang advice mula kay JOEY ALBERT

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA unang pagkakataon ay magka-loveteam sina Michael Sager at Jillian Ward sa GMA Public Affairs series na ‘My Ilonggo Girl.
At para kay Michael ay mahalaga ang totoo at authentic na chemistry at rapport sa pagitan ng magka-tandem.
May mga fans na sini-“ship” na sana ay maging magkarelasyon sila sa tunay na buhay.
“I think sa industry naman po natin, it’s actually great kasi we’re evolving,” sinabi ni Michael. 
I mean, marami ding nagpa-partner na lang as leading man, leading lady. Yung pagdyo-jowa, I feel like for me, it’s far from my goals right now and her din kasi parang importante kasi, focus muna sa work.
Kasi pag nahahalo yun, baka mawala yung priorities.” 
Wala bang takot na iniisip si Michael, kasi uso ngayon ang mga real and reel tandems na nagbe-break at naghihiwalay.
Pakli niya,“Well, I want to live in the present naman po and I think what I can do siguro is hope for the best, is just take care of her, take care of what we have, and make sure, iwas na lang sa issue, and masaya lang palagi.
“And I think that’s what’s important lang, na we enjoy the company and the times we’re on in the set.”
” It’s hard, this showbiz thing, it’s difficult talaga po.
“But again, with the advice I was given before, I just want to be kind kahit galit sila sa akin. Why share the negativity when you can spread positivity? 
“And working with the veterans, that’s actually one of the advices I listen to the most, is how I deal with co-actors, with co-people in the industry and lagi si Tita Connie, Miss Joey Albert, even iyon nga, si Jill.”
Napag-alaman namin na ang female singer na sumikat noong Dekada Otsenta, si Joey Albert ay matalik na kaibigan ng pamilya ni Michael.
“Si Joey Albert po, close family friend namin in Canada. 
Bago ako umuwi, sabi niya sa akin, ‘The people you know on the way up are the same people you know on the way down’.
“That hit me kasi sabi ko, grabe ‘no, yung showbiz talaga small world lang and we have to be nice to one another.
“Production man yan, castmates, staff, and crew. So ayun po, kung merong mga naiinggit or ganun, sana wala, but if there are, I just focus on myself, stay in my lane, and I don’t want to get in trouble.”
Napapanood ang ‘My Ilonggo Girl’, Mondays through Thursdays, 9:35 p.m. sa GMA Prime, at sa GMA Pinoy TV abroad.
(ROMMEL L. GONZALES)

Strength talaga ng GMA ang comedy at game shows: MICHAEL V. at DINGDONG, nagbahagi ng kahulugan sa kanila ng ‘More Tawa, More Saya’

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NGAYONG 2025, patuloy na nagdadala ng walang limitasyong tawanan at saya ang GMA Network sa mga manonood sa pamamagitan ng award-winning at top-rating comedy at game show nito.
Inilunsad kamakailan ng GMA Entertainment Group’s Comedy, Infotainment, Game, at Reality Productions ang campaign na “More Tawa, More Saya”.
Ang isang pangunahing highlight ng kampanya ay ang paglabas ng isang orihinal na kanta na may parehong pamagat, na isinulat at inayos ng comedic genius na si Michael V. at Aunorable Productions.
Noong Lunes (Pebrero 10), ibinahagi rin ng GMA ang isang mini-documentary, “YouLOL Originals presents: The making of More Tawa, More Saya.”  Sa video, ibinahagi ng mga Kapuso stars at personalidad kung ano ang ibig sabihin ng kampanyang ito.
Ayon kay Michael V., “Ito ‘yung dalawang bagay na pwede mong i-share na hindi kailangan ng pera o materyal na bagay.  Pwede mong i-share ang tawa at saya sa mga kaibigan at pamilya mo, pati na rin sa mga kababayan mo.”
Ipinagdiriwang din ng kampanya ang mga milestone ng Network.
Dagdag pa ni Bitoy, “Parang nag-align ‘yung stars eh.  75th anniversary ng GMA, 30th anniversary ng Bubble Gang, tapos 15th anniversary ng Pepito Manaloto.  Pinaghahandaan na ng Bubble Gang ang isang malaking celebration at sa Pepito Manaloto naman, magkakaroon ng extension ang buhay ng mga character sa show kaya kaabang-abang ‘yan.”
Samantala, excited na ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa ikatlong anibersaryo ng “Family Feud.”
Pahayag ni Dingdong, “Talagang more tawa, more saya sa Family Feud lalo na kapag may kasama tayong nanonood sa bahay, nakikipagkulitan tayo at nagpapagalingan tayo kung sino ang tamang sagot.”
Ang “The Boobay and Tekla Show,” sa kabilang banda, ay nasa ika-7 taon na ngayon sa isang espesyal na buwanang pagdiriwang ng anibersaryo ngayong Pebrero.
Sabi ni Tekla, “Napakapalad namin ni Boobay, hindi namin akalain na magiging ganito kalaki at tatagal ang TBATS.”
Sey naman ni Bobay, “Pinakahinihintay talaga nila ang magiging guests namin, kaya lalo nilang dapat abangan ‘yan sa aming celebration this month.”
Higit pa rito, ipinapaalala ng Creative Director Caesar Cosme sa audience na narito ang GMA comedy at game show para magbigay ng entertainment sa mga panahong ito.
Lahad pa niya, “Strength talaga ng GMA ang comedy at reminder ito sa mga tao na kalimutan muna ang mga problema, tawanan lang natin, at malalagpasan din natin kung ano man ‘yan.”
Panoorin ang mini-documentary na “More Tawa, More Saya” sa YouLOL’s Facebook, YouTube, at TikTok accounts at sa social media platforms ng Bubble Gang, Pepito Manaloto, at The Boobay and Tekla Show. (ROHN ROMULO)

Naghihintay rin sa magiging apo kina Arjo at Maine: RIA at ZANJOE, hinihiritan na ni SYLVIA na sundan agad si SABINO

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KAALIW ang mga kuwento ng premyadong aktres at producer na rin na si Sylvia Sanchez, na tutok na tutok ngayon sa Nathan Studios Inc., at kasalukuyan ngang pinalalabas sa mga sinehan ang animated film na ‘Buffalo Kids’.
Natanong kasi si Ibyang tungkol sa kanyang unang apo na si Sabino.
“Masaya, kaya lang hindi ko palaging nakikita ang apo ko, kasi sobrang busy kami sa promo ng movie.
“Pumupunta lang ako every Sunday, katulad ngayon after nitong screening ng ‘Buffalo Kids’ pupunta kami,” say niya.
“So, hinahayaan ko muna kina Zanjo at Ria ‘yun anak nila, na sila ang mag-alaga.  Pero once na maglakad na yan at nagsasalita na, nakakausap at nakakaintindi na, akin na ‘yan, ha ha ha.
“Alam naman nila ‘yun at wala silang magagawa ha ha ha.
“Kaya ang sabi ko sa kanila, gumawa agad sila, para sa akin itong si Sabino,” dagdag pa ni Ibyang.
“Gusto ko kasi ng maraming apo, kaya ‘yun talaga ang sabi ko kina Ria at Zanjoe, para makuha ko ‘yun baby nila.”
Enjoy na enjoy raw si Ria sa pag-aalaga sa kanyang anak na very hands on.
“Pinapabayaan ko sila, ayokong talagang makialam sa pag-aalaga nila.  Hands-on talaga sila, lalo na si Ria.
“Pinaghandaan talaga niya ‘yun at hindi siya nataranta.”
Inaabangan na rin ng netizens kung kailan naman siya magkaroon ng apo kina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza na magto-two years nang kasal sa July.
Hindi ba siya nagtatanong tungkol dito?
“Hindi naman, kasi nirerespeto ko ang gusto nila.  Kasi kinausap naman nila ako na may time sila kung kailan nila gustong magka-baby.
“Kaya sabi ko, bahala kayo, buhay naman nila ‘yun eh.  Kaya hindi ako puwedeng makialam,” paliwanag ng aktres.
Natatawang dagdag pa niya, “pero sabi ko rin sa kanila ‘pag lumabas ang anak n’yo, akin din ‘yun ha ha ha.”
Speaking of Arjo at Maine, wala pa ba sa plano na magsama ang mag-asawa sa movie at I-produce ng Nathan Studios?
“Ayaw nila eh,” pag-amin niya.
“At kung gusto naman nilang gumawa ng movie, sila na lang ang mag-produce.
“Para magawa nila ang gusto nilang concept, kaya bahala na sila dyan, hindi rin ako makikialam.
“Marami nga ang humihingi sa akin para sa magkasama sila sa isang project, pero hindi pa ito ang right time.”
Dahil involved ang buong pamilya niya sa Nathan Studios, nakakatulong din ba si Maine?
“Si Maine hindi ko pa ginugulo para dito, pero nakakatulong siya dito sa Nathan.  At silang magkakapatid, nagtutulungan.
“Pero ang nakatutok ngayon dito ay ako talaga, pero sabi ko, later on, kayo na yan.
Kailangan ko lang itayo ang Nathan at ayusin.
“Pag meron akong binibili, tinatanong ko sila kung okay ba, kung maganda ba ito.  Pinapa-approve ko rin sa kanila, nagko-consult din ako sa kanilang lahat.”
Samantala, sa hindi pa nakakapanood ng Topakk ang matagumpay na filmfest entry ng Nathan Studios sa 50th MMFF, magkakaroon ito ng special run sa UPFI Film Center Videotheque simula sa Thursday, Feb. 20 at 11 a.m. & 5 p.m.
Ang iba pang date and time: Feb 21 Fri 2 p.m.; Feb 26 Wed 2 p.m.; Feb 27 Thurs 2 p.m. at sa March 1 Sat 2 p.m. Ang ticket ay Php 200 regular at Php 150 naman pag discounted.
Kaya sugod na at wag palampasin ang pagkakataong ito.
 
(ROHN ROMULO)

Nagsalita na ang taumbayan: Itigil na ang paninira sa ayuda

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMAPELA ang tatlong mambabatas sa mga kritiko ng gobyerno na itigil ang pagtuligsa sa social welfare o programang ayuda matapos na magsalita na ang publiko na nakakatulong sa kanila ang ibinibigay na ayudad ng pamahalaan.

 

Ang apela ay kasunod na rin sa lumabas na pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia na mayorya ng mamamayan — 8 hanggang 9 sa 10, o 80% hanggang 90% — ang nagdeklara na nakatulong ng malaki sa kanilang ang nasabing ayuda ng gobyerno.

 

“Pakinggan natin ang ating mga kababayan. Suportado nila ang mga social welfare program at nakakatulong ang mga ito sa kanila. Tama na at itigil na ang paninira,” pahayag ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

 

Sa pagkakaalala ni Gonzales ay walang ibang government program ang nakakuha ng ganitong lebelo ng acceptance at support mula sa publiko.

 

Ikinatuwa naman ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ang resulta ng magkahiwalay na SWS at Pulse Asia surveys. Aniya sa ilalim ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ay isinulong ang AKAP (Ayuda para sa Kapos ang Kita Program) sa national budget noong nakalipas na taon.

 

“We knew from the very start that it was helpful, and that is why we decided to continue to fund it in the 2025 budget, though some senators tried to scrap it,” anang mambabatas.

 

Para naman kay Majority Leader Manuel Jose Dalipe, ang naturang social welfare programs ay isang pamamaraan upang maipamahagi ang benepisyo ng economic growth sa marginal sectors ng populasyon.

 

“These programs are funded by taxpayers’ money, which Congress is putting to good use by helping the poor and those whose income is not enough for their daily needs,” paliwanag ni Dalipe.

 

Sa SWS survey, 90% ng respondents ang nagsabing nakatulong sa kanila ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) habang nasa 88% naman ang nagsabing nakatulong sa kanila ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

 

Ang 4Ps at AKAP ay ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development, habang ang TUPAD ay ipinatutupad naman ng Department of Labor and Employment.

 

Habang sa Pulse Asia survey, lumitaw na 82% ng respondents ang nagsabing 4Ps ay nagpabuti sa financial stability ng mga Pinoy sa lower social class. (Vina de Guzman)

Bagong Commissioner ng COMELEC, nanumpa na

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PORMAL nang nanumpa bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) si Atty. Noli Avelino Pipo.

 

Si Atty. Pipo ay papalit sa nabakanteng puwesto ng nagretirong si Commisioner Marlon Casquejo.

 

Magiging miyembro ng 2nd division ng poll body si Pipo na naging Director din ng Comelec sa Ilocos Region.

 

Pinalitan din ng Comelec legal department head Atty. Maria Norina Tangaro- Casingal ang nagretirong si Commissioner Socorro Inting.

 

Kumpleto na ang anim na commissioner ng Commission on Elections na tututok sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 2025.

 

Si Commissioner Casingal ay naglingkod sa komisyon ng mahigit 2 dekada habang si commissioner Pipo naman ay mahigit 3 dekada na sa serbisyo.

 

Sa pagkakatalaga ng dalawang bagong commissioner,  nakumpleto na ang anim na commissioner ng poll body na tututok sa halalan 2025.

 

Sinabi ni Comelec Chairma George Garcia na naging lamang nina Casingal at Pipo sa 200 aplikante ang pagiging insider .

 

Umaasa naman ang dalawang bagong commissioner na lulusot sa plenaryo ng Commission on Appointment o COA ang kanilang  ad interim appointment. (Gene Adsuara)

2 HVI targets, nadakma ng DDEU-NPD sa Caloocan

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LAGLAG sa selda ang dalawang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasnag buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr. kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Nunong”, 25, at alyas “Ver”, 46, kapwa residente ng lungsod.

Ani Lt. Col. Aniway, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA at Police Sub Station 9 ng Caloocan police matapos magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan.

Dakong alas-8:20 ng gabi nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek sa Daniel Street, Tierra Nova, Phase 1, Bagumbong, Barangay 171, matapos tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon kay P/Capt. Regie Pobadora na nanguna sa operation, nakumpiska nila sa mga suspek ang nasa 55 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value P374,000 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng DDEU sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Electrician, isinelda sa panunutok ng baril sa nakaalitan sa Malabon

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadalakan ng 29-anyos na electrician matapos tutukan ng baril ang kanyang naka-alitang welder sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, mahaharap sa kasong Grave Threat, Illegal Possession of Firearms and Ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code ang suspek na si alyas “Regie”, residente ng Kadima, Brgy. Tonsuya

Ani Col. Baybayan, nagpapatrulya ang mga tauhan ni P/Maj. Johnny Baltan, Commander ng Police Sub-Station 5, sa Block 4, Kadima, nang humingi ng tulong ang biktimang si alyas “John-John”, 39, ng nasabi ring barangay dakong alas-9 ng gabi dahil sa ginawang panunutok ng baril sa kanya ng suspek nang magkaroon umano sila ng argumento.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek makaraang naaktuhan nilang may hawak itong baril.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .45 pistola na may kargang pitong bala sa magazine at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa legalidad nito ay walang naipakita si alyas Regie.

Pinuri naman ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Malabon police sa kanilang mabilis na aksyon at pagresponde. (Richard Mesa)

American national, nahulog sa condo dedo

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DEDBOL ang 59-anyos na American national matapos umanong mahulog mula sa ika-walong palapag ng isang condominium sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Robert”, American national at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 819, Tower A Condominium, Isabelle de Valenzuela, Brgy. Marulas sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos bumagsak sa lobby ng naturang condo.

Lumabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente Lunes ng alas-9:40 ng umaga bagama’t nito lang Miyerkules ng madaling araw nakapaglabas ng ulat ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban dahil kinakailangan pa nilang ipabatid sa Foreign Liason Division ng Embahada ng Estados Unidos ang malagim na sinapit ng dayuhan para maipaalam sa kanyang pamilya ang nangyari.

Sa pahayag sa pulisya ng 52-anyos na lady guard ng condominium na si alyas “Anita”, residente ng University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon City, ginagampanan niya ang kanyang tungkulin nang laking gulat niya nang bumagsak sa kanyang tabi ang katawan ng biktima.

Kaagad naman niyang ipinaalam sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 ang insidente.

Sinabi ni Col. Cayaban na isasailalim pa nila sa autopsy examination ang bangkay ng dayuhan upang matiyak ang sanhi ng kanyang kamatayan habang patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagsisiyasat para mabatid kung sadyang tumalon sa kanyang kamatayan ang dayuhan o aksidenteng nahulog mula sa tinutuluyan niyang unit. (Richard Mesa)

LTO, nakipag-ugnayan sa Valenzuela City para matugunan ang backlog sa plaka

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIPAG-UGNAYAN ang Land Transportation Office (LTO) sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para sa pagpapatupad ng isang proyekto na naglalayong matugunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyang pag-aari ng lokal na pamahalaan at mga tricycle na ginagamit sa pampublikong transportasyon.

 

Nagpahayag ng pasasalamat si LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa kanyang tiwala at kumpiyansa sa LTO, na naging daan upang maisakatuparan ang kasunduang magpapabilis sa pagpapalabas ng mga plaka.

 

“Nagawa natin ito sa Quezon City at nagawa natin ito sa Marikina City. Walang dahilan para hindi natin magawa ito sa Valenzuela City sa lalong madaling panahon,” ani Asec Mendoza.

 

Batay sa kasunduan, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ng project action officer na si Konsehal Sel Sabino-Sy, ay magbibigay ng kinakailangang suporta sa LTO para sa mabilisang pagproseso ng mga plaka. Magsisimula ito sa pagtukoy ng lahat ng sasakyang pag-aari ng pamahalaang lungsod.

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Gatchalian kay Asec Mendoza at sa LTO team sa kanilang pagpupulong na dinaluhan nina LTO Executive Director Atty. Greg G. Pua Jr., LTO Valenzuela Chief Johnny Dog-E, LTO-NCR Operations Chief Hanzley Lim, at Chief ng Plate Unit ng LTO NCR na si Lito Pandi.

 

“Sa simula, ang proyektong ito ay tututok muna sa mga sasakyang pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela bilang bahagi ng kasunduang gobyerno sa gobyerno. Ngunit kalaunan, palalawakin ito upang maisama ang mga Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) sa Valenzuela City,” ayon kay Mayor Gatchalian.

 

Ang kasunduang ito ay isinulong kasunod ng matagumpay na pagtugon sa backlog ng plaka ng mga tricycle sa Quezon City noong nakaraang taon at sa Marikina City kamakailan at binigyang-diin ni Asec Mendoza ang kahalagahan ng suporta at tiwala mula sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang proseso.

 

Sa patnubay ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, at sa pangunguna ni Asec Mendoza, malayo na ang narating ng LTO sa paglutas ng backlog sa plaka na nagsimula pa noong 2014.

 

Sa loob lamang ng anim na buwan mula nang maupo si Asec Mendoza bilang pinuno ng LTO, natugunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyang may apat na gulong matapos makapagprodyus ang ahensya, sa tulong ni Secretary Bautista, ng humigit-kumulang 800,000 plaka kada buwan.

 

Ayon kay Asec Mendoza, nasa tamang direksyon ang layunin ng ahensya na matugunan ang backlog sa plaka ng mga motorsiklo ngayong taon. (PAUL JOHN REYES)