• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2025

Turn over sa imbestisgador sa nakumpiskang hinihinalang shabu sa Valenzuela

Posted on: March 23rd, 2025 by people's balita No Comments

TINURNOVER ni PCpl John Melo De Paz ng Valenzuela Police Sub-Station 3 ang  na si alyas “Allan”, 40, sa imbestigador na si P/MSg Carlito Nerit Jr sa loob ng opisina ng Station Drug Enforcement Unit nakumpiskang hinihinalang shabu sa suspek(SDEU) ng Valenzuela City Police Station upang dalhin sa NPD Forensic Unit para sa laboratory examination. (Richard Mesa)TINURNOVER ni PCpl John Melo De Paz ng Valenzuela Police Sub-Station 3 ang nakumpiskang hinihinalang shabu sa suspek na si alyas “Allan”, 40, sa imbestigador na si P/MSg Carlito Nerit Jr sa loob ng opisina ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police Station upang dalhin sa NPD Forensic Unit para sa laboratory examination. (Richard Mesa)

BAGONG TANGGAPAN NG  ABP PARTYLIST, BINUKSAN

Posted on: March 23rd, 2025 by people's balita No Comments

BAGONG TANGGAPAN NG  ABP PARTYLIST, BINUKSAN

 

BINUKSAN at binasbasan  nitong Biyernes, Marso 21  ang punong tanggapan ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist sa JW Diokno Boulevard, Pasay City.

Nanguna sa inagurasyon sa kaniang tanggapan ang unang nominado na si Dr. Jose Antonio Ejerrcito “Ka Pep” Goitia kasama  kasama ang iba pang mga nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado, at Howie Quimzon Manga.

Dinaluhan din ang pagtitipon ang iba’t ibang personalidad sa politika at sektor kabilang si dating Laguna Governor na si ER Ejercito na tumatakbong kandidato sa pagka Mayor sa Laguna at mga anak na si Maria Guaddalupe “Jhulia” at Jorge Antonio Genaro “Jerico” na pawang nagpahayag ng suporta sa ABP Partylist na hinulaan na makakakuha ng tatlong milyong boto sa Laguna.

Kabilang din sa mga sumuporta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement), People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia Pilipinas (LIPI),  Isang Bansang Pilipinas (IBP) at ang Kapisanan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL).

Matatandaan na  mula sa ika-14 na puwesto noong Pebrero, umakyat ang ABP Partylist sa ika-12  posisyon, kung saan tumaas ang voter preference nito mula 1.68% patungong 2%  ngayong Marso.

“Narito kami upang ipaglaban ang ating matatapang na bumbero at unang tumutugon, na mga fire rescuers at volunteers   na araw-araw na isinasaalang-alang ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng iba. Misyon naming tiyakin na matatanggap nila ang pagkilala, suporta, at mga mapagkukunan na nararapat sa kanila,” ayon kay Dr. Goitia.

Kabilang sa kanilang mga agenda ay Firefighters’ Welfare and Benefits Act; Fire Equipment Modernization Bill at  Community-Based Fire Prevention Program.

Makakikipagtulungan din  ang ABP sa mga lokal na pamahalaan, pribadong organisasyon, at pandaigdigang kasosyo upang palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa emergncies at pagpapalaganap ng kaalaman sa pag-iwas sa sunog. (Gene Adsuara)

 

Sent from my iPhone