• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 9th, 2025

Ads April 9, 2025

Posted on: April 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Pag-aresto ng Tsina sa 3 Filipinos kinondena ng ABP Party List at 6 pang grupo

Posted on: April 9th, 2025 by people's balita No Comments

NAGSANIB puwersa ang iba’t ibang grupo sa pagkondena sa illegal na pag-aresto ng Tsina sa tatlong Filipino na umano’y kinasuhan ng espiya.

Ayon sa  Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist, kasama ang anim civic-oriented na grupo na – Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) – Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement – People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER),- Liga Independencia Pilipinas (LIPI), -Isang Bansang Pilipinas (IBP) at ang Kalipunan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL) na ang hakbang na ito ay  isang propaganda tactic upang ilihis ang totoong isyu ng sigalot na lumalala kaugnay ng pag-aangkin sa West Philippine Sea.

Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, ang unang nominado ng ABP partylist at siya ring Chairman Emeritus ng ABKD at FDNY Movement, ito ay isang hayagang anyo ng pananakot ng pamahalaang Tsino at isang diversionary tactic upang bigyang-katwiran ang iligal na pagkakakulong ng tatlong Pilipino — sina David Servanez, Albert Endencia, at Natalie Plizardo — na inaresto sa China dahil sa umano’y paniniktik para sa intelligence ng Pilipinas.

 

Ayon pa sa kanya, ang tatlo ay mga masunuring mamamayang Pilipino na dumaan sa screening ng pamahalaang Tsino bago sila tinanggap bilang mga iskolar sa ilalim ng Hainan government scholarship na nakapaloob sa sisterhood agreement sa pagitan ng mga lalawigan ng Palawan at Hainan.

Nagpahayag naman ng pagdududa ang tatlong grupo sa diumano’y pag-amin ng mga naarestong Pilipino, at sinabing ito ay ginawa sa ilalim ng matinding pressure, batay sa pahayag ng pamahalaang Tsino kung saan binanggit ang “Philippines Intelligence Agency” o “Philippine Spy Intelligence Services” — mga ahensyang hindi umiiral sa gobyerno ng Pilipinas.

“Ang mga alegasyong ito ay walang basehan at pawang kasinungalingan lamang, bahagi ng isang planadong smear campaign kasunod ng pag-aresto ng mga pinaghihinalaang Chinese spies ng mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas sa Pilipinas nitong mga nakaraang buwan. Nagdudulot ito ng seryosong pangamba na ang hakbang na ito ay isang kalkuladong hakbang ng pagganti,” ayon kay Goitia.

 

Naniniwala siya na ito ay isang uri ng pressure upang patahimikin ang gobyerno ng Pilipinas hinggil sa mga isyu sa rehiyon, lalo na sa West Philippine Sea.

“Inaaresto nila ang ating mga kababayan, nagpapakalat ng propaganda, at pilit na pinapalabas na sila ang biktima, pero sa katunayan ay sila ang nagkakalat ng kasinungalingan at pananakot.”

 

Sinusuportahan din ni Goitia  ang panawagan na tiyaking ang tatlo ay mabibigyan ng due process, makatarungang pagtrato, at paggalang sa kanilang mga karapatan alinsunod sa batas ng China at hiniling ang agarang pagpapalaya sa tatlong Filipino.

Ipinagtanggol din ng anim na grupo si Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), laban sa mga batikos ni dating Press Attaché Ado Paglinawan, na inaakusahan si Tarriela at iba pang opisyal ng pambansang seguridad na nasa impluwensya ng Estados Unidos at kinukuwestyon ang lehitimidad ng mga maritime patrol ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). (Gene Adsuara)

 

Nag-sorry si Ogie sa kanila ni Doc Mike sa naging opinyon: KRIS, never naging pasaway; ‘i am NOT a ‘diva’ patient’

Posted on: April 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ni Kris Aquino na na-offend ang kanyang ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan nang mabasa ang naging opinyon ni Ogie Diaz sa kanilang paghihiwalay.
Nagbahagi rin si Kris ng mga bagong litrato sa kanyang IG post na kung saan makikita ang muli niyang pagbisita sa ospital para sa mga bagong procedure na kailangan niyang gawin.
Panimula ni Kris, “My pareng Ogie had an opinion that Doc Mike found offensive. Since coming home i only reached out to my kumpare yesterday. He was very gracious and said: ‘Mare, sorry na-stress ka pa. Dr. Padlan sorry dahil naging masama ang dating ng kumento ko sa yo. Nakakapanghinayang, sa ‘kin unang umamin si Mare na may boyfriend syang duktor at nasabi nyang YOU MADE HER FEEL SAFE.
‘Para mas mabilis ang paggaling mo na pinagdarasal ng marami- hindi ko na sya pag-uusapan. Sorry talaga, Mare, hindi mo kailangan ng stress- bagong opera ka pa man din,’”
Nagpasalamat din si Kris kay Doc Mike dahil present pala ito habang sumasailalim siya sa PICC line change.
Kuwento ni Kris, “I thought i was still dreaming unsure about who i saw when Dr. Cricket my anesthesiologist, was waking me up. But he was there. We didn’t get to speak, THANK YOU Dr. Mike Padlan, i was told i was sedated when you entered the OR.
“I am sad that you declined to remain as 1 of my lead physicians but i do understand what you meant when you said to ‘LET ME GO‘ – mahirap talaga kapag magkaibang mundo ang pinanggalingan at nakasanayan.
“In time i still hope your anger will lessen and we shall both have PEACE IN OUR HEARTS. i’m almost there because i appreciate all i have & everyone who pray for me & make the effort to express their concern and compassion.”
Pagmamalaki pa ni Kris hindi raw siya naging pasaway na pasyente, “Yesterday i had my PICC line changed, contrary to what you may assume, i am NOT a ‘diva’ patient.
“I asked vascular surgeon Dr. James which hospital he was most comfortable to do my PICC Line change in and he chose Makati Med.
“My medical team has grown because my diagnosed autoimmune diseases have now grown to 9. 5 of them can cause my death. That has been hard to process. But slowly i am learning to leave everything to God’s will because He knows best.”
Sa bandana huli ng kanyang IG post, nagpasalamat siya sa mga kaibigan na nagpapadala sa kanya ng kanyang mga paboritong pagkain na kung saan bumabalik na raw ang kanyang appetite.
”@annebinay sent me delicious turon and chocolate chip cookies. @drkatcee found very good avocados- my nurses make me avocado shakes using carabao milk from my new friend Jing.”
Dagdag pa ni Kris, “Jessica Soho is so caring & is a real friend- weekly she sends me mangoes, i eat a minimum of 3 a day. Chef Jessie for me makes the best angus Bistek Tagalog & her pistachio sans rival is superb.
“AMARE in Royce hotel, Clark has the best carbonara. I am now 88 pounds, that’s a WIN. Because God helps those who help themselves.”
Patuloy pa rin nating ipagdasal si Kris na sana nga ay gumaling at habaan pa ang ang buhay…