• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Metro’ Category

3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan

Posted on: December 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, died-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang si Pinurla ay tumilapon sa tulay at bumulusok sa ilog kung saan narekober kalaunan ang kanyang katawan sa Tullahan River sa C-4.

 

 

 

Ang dalawa pang katao na kinilalang sina Shielo Escamillas, 44 ng 89 Gen. Luna St. Brgy. Concepcion, driver ng Ford Lynx at Ericson Lala, 50 ng 18 Paez St. Brgy. Concepcion, pasahero ng Honda City ay napaulat na sugatan at ginagamot sa hindi nabanggit na hospital.

 

 

 

Kinilala naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang driver ng Mitsubishi Xpander (NPD-8114) na umararo sa mga nasabing sasakyan bilang si Kim Russel Sioco y Santos, 26, ng 28 jnterior F. Nicolas St, Niugan, Malabon City.

 

 

 

Sa inisyal na report, habang tinatahak ng tricycle na minamaneho ni Pinurla ang kahabaan ng Lambingan Bridge dakong alas-3:35 ng madaling araw nang masakop umano ang kabilang linya ng mabilis ang takbo na Mitsubishi Xpander na patungong Brgy. Catmon at mabangga nito ang tricycle bago inararo ang dalawa pang sasakyan na Ford Lynx at Honda City.

 

 

 

Ang insidente ay nakuhanan ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa naturang lugar. (Richard Mesa)

PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

Posted on: December 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.

 

Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes.

 

Layon ng pamahalaan na muling buksan ang lahat ng paaralan sa Enero 2022.

 

“I’m glad that they have thought of this. Just dahan-dahan lang, ‘wag masyadong mabilis kasi just the better part of prudence,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

Sinabihan ng Pangulo ang mga estudyante at guro na hindi nakasama sa programa na: “Do not be dismayed kung hindi sa inyo muna because these are all experimental and pilot projects.”

 

“Doon muna titingnan natin kasi andoon lahat ng resources ng government, and iyong mga official andoon at makita agad, and they keep posted on what is happening,” pagpapatuloy ng Pangulo.

 

Ang muling pagbubukas ng klase sa capital region ay pagpapalawak ng trial ng 100 schools sa lower-risk areas na nagsimula noong nakaraang buwan.

 

Kailangang manatili ang pag-iingat para sa mga estudyante gaya ng ang class sizes ay dapat lamang na hanggang 15 upang maiwasan ang overcrowding. (Daris Jose)

2 DRUG SUSPECT TIKLO SA P374K SHABU SA VALENZUELA

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG hinihinalang drug personalities kabilang ang 49-anyos na ginang ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Joven Palileo, 39, ng Gumamela St. Gen. T. De Leon at Rosa Flora Gatus, 49 ng Yakal St. Old Prodon, Gen. T. De Leon.

 

 

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Urutia St , Bgry. Gen. T. De Leon kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P9,000.00 halaga ng shabu.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000.00, marked money na isang tunay na P1,000 bill at walong pirasong P1,000 boodle money at mobile phone.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

AMA, GINAWANG PARAUSAN ANG ANAK, KULONG

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang isang padre de pamilya nang nabuking  na ginagawang parausan ang kanyang 11 taon gulang na anak sa Sta.Ana, Maynila.

 

 

 

Kasong Qualified Rape sa ilalim ng  Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault na inamiyendahan sa Article 8353 na may ugnayan s  Section 5 ng Republic Act 7610 ang kakaharapin ng suspek na si Jefferson  ng Pedro Gil St., Sta.Ana, Manila.

 

 

 

Sa  ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., Station Commander ng MPD- Station 6 , Martes ng gabi nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni  Hon. Roy Gironella , Presiding Judge ng  Regional Trial Court Br 43, ng Manila.

 

 

 

Batay sa rekord ng pulisya, may isang taon na umanong  parausan ng suspek ang anak na babae na inamin naman ang ginawang kahalayan sa biktima nang hiwalayan siya ng kanyang asawa.

 

 

 

Aminado rin ang suspek na nalulong  ito sa shabu.

 

 

 

Bagama’t hiwalay na ang nanay ng biktima sa suspek, nang malaman ang kahayupang ginawa sa anak ay agad itong  humingi ng tulong  sa tanggapan ni P/ Lt.Col.Mirando kaya ito ay naaresto. GENE ADSUARA

P576K halaga ng marijuana nasabat sa Malabon, 4 timbog

Posted on: November 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Prea Enate, 21, ng Caloocan, Lyndon Regino alyas “Dodong”, 27 ng Brgy. Tonsuya, Mark Carlo Fortes, 20 ng Navotas city, at Jarwin Gamalog alyas “Aweng”, 20 ng Caloocan city.

 

 

 

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Salinas St., Brgy. Longos.

 

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer kay Enate at Regino ng P16,000 halaga ng marijuana.

 

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang brick ng marijuana ay agad silang sinuggaban ng mga operatiba, kasama si Gamalog at Portes.

 

 

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 4.800 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P576,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 16 pirasong boodle money, motorsiklo, back pack bag, green plastic bag at eco bag.

 

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

40,000 KAPSULA NG ANTI COVID, NAI-DELIVER NA SA MAYNILA

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang 40,000 kapsula ng anti-Covid drug na Molnupiravir.

 

Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idiniliber sa Sta.Ana Hospital kung saan mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang nanguna sa symbolic turn-over  ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 Field Hospital sa Luneta noong Martes ng umaga.

 

Sinasabing 50 porsyentong nakagagamot ng COVID-19 ang Molnupiravir.

 

“We should always be ahead of Covid infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo rin ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-covid drugs,”pahayag ni Domagoso

 

Sinabi ni Domagoso na marami na ang matutulungan ang 400,000 capsules ng naturang anti-Covid drug kung saan mismong si Doc Willie Wong na kanyang runningmate ang siyang nagrekomenda nito.

 

Ang Molnupiravir (Molnarz) ay available na sa bansa  matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Philippine Food and Drug Administration. GENE ADSUARA

Pedicab driver pinagsasaksak ng kainuman, malubha

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA malubhang kalagayan ang isang pedicab driver matapos pagsasaksakin ng kapitbahay makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mgga saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si John Rey Ibañez, 50 ng R10 tulay ilalim, Pescador, Brgy., Bangkulasi.

 

 

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Wilfredo Diola, 54, fish lagum boy at nakatira din sa naturang lugar.

 

 

Sa ulat ni PSSg Provido Joseph kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa R10 tulay ilalim nang mauwi ang mga ito sa pagtatalo hinggil sa pagpapalaki sa isang apo ng biktima.

 

 

Sa kainitan ng pagtatalo, naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak sa katawan ang biktima.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ng kanyang live-in partner ang biktima sa naturang pagamutan habang naaresto naman ang suspek ng rumespondeng mga barangay tanod at mga pulis subalit, hindi na narekober ang ginamit na patalim. (Richard Mesa)

“DRUG QUEEN” TIMBOG SA P13 MILYON SHABU SA MALABON

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 23-anyos na bebot na binansagan ng mga pulis bilang “drug queen” matapos matimbog sa buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni Malabon police chief Col. Albert Barot kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto kay Herssie Ogoy ng Fatima Street Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City ay nagmula sa impormasyon na ibinunyag ni Alejandro Blancaflor, 46, na unang naaresto ng mga pulis, kasama ng dalawa pa sa buy bust operation sa Don Basilio Blvd. Brgy. Dampalit dakong alas-6:20 ng Biyernes ng gabi.

 

 

Nang isailalim siya sa custodial debriefing, sinabi ni Blancaflor kay P/Lt. Alexander Dela Cruz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagmula sa isang alyas Herssie ang ilegal na droga na kanilang ibinenta sa isang police poseur-buyer, kasama ng 19 grams ng shabu na nakuha sa kanila na naging dahilan upang magsagawa ang mga operatiba ng panibagong buy-bust operation.

 

 

Nagawa ni P/Cpl. Paulo Laurenz Rivera na umaktong poseur-buyer, kasama si P/Cpl Ferdinand Danzal na nagsilbi bilang back-up na makipagtransaksyon ng P50,000 halaga ng shabu kay Ogoy sa Dalagang Bukid St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Narekober sa suspek ang dalawang malaking chinese tea bag at isang knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 2 kilos at 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940,000, buy bust money na limang pirasong tunay na P1,000 bills at 45 pirasong boodle money, pulang eco bag at cellphone. (Richard Mesa)

NCR, mananatili sa Alert level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre

Posted on: November 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILI sa  Alert Level 2 ang  National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.

 

 

Bukod sa NCR, ang mga  lugar ng  Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental at Iligan City sa Region X; at Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental sa Region XI ay nasa Alert level 2 sa kaparehong petsa.

 

 

Idagdag pa, sa ilalim ng Alert Level 2, epektibo Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang  City of Santiago, Cagayan at Isabela sa Region II; Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate sa Region V; Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur sa Region IX.

 

 

Sa kabilang dako, inaprubahan  ng Inter-Agency Task Force,   na ilagay ang  Catanduanes sa ilalim ng  Alert Level 4 epektibo Nobyembre  17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.

 

 

Ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region at Siquijor sa Region VII ay inilagay naman sa Alert Level 3 epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre  30, 2021.

 

 

Inilagay din sa ilalim ng  Alert Level 3 ang Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya sa Region II at ang  City of Isabela at Zamboanga City sa Region IX mula  Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre  30, 2021.

 

 

Samantala, nasa ilalim naman ng  Alert Level 2, “effective immediately” hanggang Nobyembre  30, 2021 ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan at Ilocos Norte sa Region I; Tacloban, Southern Leyte, Samar (Western Samar), Ormoc City, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte at Biliran sa Region VIII; South Cotabato, Sarangani, General Santos City, Sultan Kudarat at Cotabato (North Cotabato) sa  Region XII. (Daris Jose)

Magkapatid na paslit patay sa sunog sa Caloocan

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 7-anyos na batang babae at kanyang 2-anyos na kapatid na lalaki sa naganap na sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Ang sunog na katawan ng mga biktimang sina Jumina Jean Corado at kanyang kapatid na si Brix Tyler, na unang iniulat ng kanilang ina na nawawala ay natagpuan sa debris ng isang bahay na katabi ng kanilang bahay dakong alas-7 ng umaga.

 

 

Ayon kay North Caloocan Fire Station chief F/Insp, Elyzer Ruben Leal, nagsimula ang sunog sa bahay ni certain Lilybeth Dolen dakong 1:05 ng madaling araw sa Ilang-Ilang Street, Brgy. 185 Malaria at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga kabahayan.

 

 

Umabot ang sunog sa unang alarma bago idineklarang under control bandang 1:47 ng madaling araw at tuluyang naapula dakong alas-3:20 ng madaling araw.

 

 

Inaalam pa ng mga Arson investigator ang sanhi ng naging sunog habang tinatayang naman nasa P100,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

 

Ipinag-utos naman ni Mayor Oca Malapitan sa City Social Welfare Department ang agarang tulong, kabilang ang pagkain, kumot, inuming tubig at iba pang relief goods na kailangan ng mga biktima ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa Malaria covered court. (Richard Mesa)