• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2020

Klase sa lahat ng antas sa Bulacan, sinuspinde ni Fernando vs COVID-19

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa rekomendasyon ng Provincial Health Office-Public Health at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinuspinde ni Gob. Daniel R. Fernando ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Bulacan kahapon (Martes) bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease, na kilala bilang COVID-19.

 

Ang suspensyon ay alinsunod na rin sa Proklamasyon Blg. 922 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdeklara ng state of public health emergency sa buong bansa sanhi ng COVID-19 matapos ianunsyo na may apat na bagong kaso ang naitala mula sa West Crame, San Juan, Santa Maria, Bulacan, at Project 6, Quezon City dahilan upang maging 24 na ang kumpirmadong kaso nito sa Pilipinas.

 

“Ang ating mga mag-aaral ay inaasahang mananatili sa kani-kanilang tahanan. Hinihiling ko din po na maging mahinahon at patuloy na mag-ingat ang lahat,” ani Fernando.

 

Samantala, nag-anunsyo naman ang Kagawaran ng Kalusugan na dahil sa kumpirmasyon ng localized transmission sa bansa at sa antisipasyon ng posibleng tuluy-tuloy na hawahan sa komunidad, itinaas na ang COVID-19 alert system sa Code Red (alert level 4) sublevel 1. Ang Code Red ay bunsod ng pagkakaroon ng kahit isang kaso ng lokal na pagsasalin ng nasabing sakit.

 

Bukod dito, base sa tala ng PHO-PH nitong Marso 9, lahat ng 10 na patients under investigation ay nagnegatibo na sa pagsusuri habang 57 naman mula sa 64 persons under monitoring, ang wala na sa listahan.

 

Dagdag pa rito, kanselado na rin ang ilang mga gawain sa Bulacan kabilang ang Renewal of Vows sa Lungsod ng San Jose del Monte ngayong araw (Marso 11); Scholars’ General Assembly ng programang Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo sa Marso 12; lingguhang iskedyul ng Bola Kontra Droga at Damayan sa Barangay, at Gawad Medalyang Ginto 2020 sa Marso 13. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Binigyang katiyakan ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate ang TV Giant ABS-CBN kahit pa man mapaso na sa Mayo 4, 2020 ang kanilang legislatve franchise.

 

Ang pagtiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga mambabatas sa isinagawang pulong ng House Committee on Legislative Franchises kung saan inilatag ang magiging ground rules sa pagdinig ng mga petisyon para sa ABS-CBN legislatve franchise renewal.

 

“The NTC will follow the latest advice of the DOJ and let ABS-CBN continue operations based on equity. We will likely issue a provisional authority to the broadcast company,” ayon kay Cordoba.

 

Aniya, humingi sila ng opinyon sa Department of Justice (DOJ) patungkol sa pagbibigay ng provisional authority sa ABS-CBN at naging positibo ang sagot dito ng ahensya.

 

“Based on the foregoing discussion, there is sufficient equitable basis to allow broadcast entities to continue operating while the bills for the renewal of their respective franchise remain pending with Congress,” paliwanag ni Cordoba sa naging desisyon ng Department of Justice (DoJ).

 

Tumanggi naman si Cordoba na talakayin ang ilang legal matters dahil sa umiiral na sub-judice rule bunsod ng nakatakdang pagtalakay ng Korte Suprema sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor Genera.

 

Sa naging pulong ng komite ay napagdesisyunan naman na mayroon hanggang Abril 15, 2020 ang mga mambabatas na magsumite ng kanilang position papers kung ito ay pabor o tutol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

 

Bagama’t wala pang itinakdang petsa para sa susunod na pagdinig, una nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaaring sa darating na buwan ng Mayo na ito isasagawa.

 

Kahapon (Martes) ang huling sesyon ng Kongreso para sa kanilang Lenten break at sila’y magbabalik sesyon sa Mayo 4. (Ara Romero)

Graduation rites, suspendihin na muna

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAS makabubuti na isuspinde ng Department of Education (DepEd) ang graduation rites sa elementarya, sekondarya at senior high school upang maiwasang kumalat ang Coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatchalian.

 

Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, na kailangan nang suspendihin ng DepEd ang graduation rites sa buong bansa matapos ideklara ang state of public health emergency.

 

Nauna nang ipinanawagan ni Gatchalian na sundin ng DepEd ang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO) na iwasan ang pagsa-sagawa ng public gatherings tulad ng graduation rites pero sinabi na dahil may local transmission na ng virus, kailangan nang suspendihin ang mga paparating na seremonya.

 

Pangkaraniwan kasing duma-dalo ang mga Overseas Filipino workers, na magulang o kaanak ng magsisipagtapos, sa graduation rites at maaaring manganib ang kaligtasan ng mga estudyante, titser at lahat ng tauhan ng paaaralan sa okasyon.

 

Nanawagan din si Gatchalian na kanselahin ang iba pang aktibidad o non-academic projects tulad ng field trips, film showing, at iba pang events nan itinakda ng ilang eskuwelahan bilang requirement sa graduation o completion.

 

Sa taong ito, inihayag ng DepEd na hindi dapat mas maaga sa Marso 30 o hihigit sa Abril 3 ang graduation sa lahat ng antas ng basic education.

 

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 Alert System tungo sa Code Red sublevel 1 kasunod ng nakumpirmang local transmissiohn at posibilidad na community transmission.

 

Ayon sa DOH, tugon sa ganitong estado kabilang ang masugid na contact tracing, home quarantive para sa may close contact ng COVID-19 positive patients, pinalakas na Severe Acute Respiratory Illness surveillance, at activation of laboratories sa labas ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

 

Isasagawa lamang ang community-level quarantine o lockdown kabilang ang suspensiyon ng trabaho at klase, kung mayroong “sustained community transmission” stage kapag hindi matukoy ang link sa pagdami ng bilang ng local cases.

 

“Huwag na nating hintayin pang magkaroon ng kumpirmadog kaso sa ating mga mag-aaral, mga magulang, guro, at iba pang mga kawani sa paaralan. Upang masiguro natin ang kanilang kaligtasan, mainam na ipagpaliban muna natin ang mga seremonya ng pagtatapos, pati ang mga mala-laking pagtitipon na maaaring magdulot ng mas malaking panganib”, ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

 

Hinikayat din ni Gatchalian ang DepEd na itaas ang antas ng pagmamatyag at kahandaan sa pamamagitan ng pagmonitor ng mga taong nasa panganib at magbigay ng sapat na-interventions at treatment facilities.

 

“All these steps should be done in close coordination with local health officials and health care providers while classes still remain,” giit ni Gatchalian. (Daris Jose)

P1M premyo sa LGBA Cocker of the Year – Crisostomo

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IHAHATAG pa rin ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Pasay City Cockpit sa susunod na Lunes, Marso 16, tampok ang 7-bullstag derby na may premyong P1M.

 

“Asinta ng mga kalahok na umabante pa sa COTY series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000,” kahayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo.

 

Nasa trangko sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line na may 6.5 puntos nang magkampeon sa first leg noong Pebrero 28.

 

May 6-1 (panalo-talo) sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, lawyer Jun Caparroso ng Jungle Wild at may dalawang lahok na sina Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

 

Nakatutok sina Sonny Bello/Rommel Manalo at Carlos Tumpalan (5.5 points), Boy Gamilla, Hector Magpantay, Jimmy Gosiaco, Bok de Jesus, Dok Percy Modomo, Mel Lim, Pinggoy Lagumbay, Pros Antonio at Arnold dela Cruz (5 pts.).

 

Samantala, larga ang RCB Basilan 4-Cock Derby sa PCC sa Biyernes, Marso 13.

 

Ang iba pang detalye ay na kina Erica at Ace na mga makokontak sa 09454917474, 09394724206, 88431746 at 88166750. (REC)

Balandra sa unang tropeo ni Tautuaa

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HALOS walang pagsidlan ng tuwa si Moala Tautuaa sa buwena-manong individual trophy na nakamit sa may limang taong paglalaro sa iba’t ibang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Sa Leopoldo Awards Night na nagbukas sa ika-45 taon ng propesyonal na liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City, ang San Miguel Beer center ang nag-uwi ng Most Improved Player award trophy.

 

Kumayod ng game-high 20 points, 11 rebounds, 2 assists, 2 blocks at 1 steal para bidahan ang Beermen sa 94-78 demolisyon laban sa Magnolia Hotshots sa pagtaas ng kurtina ng Philippine Cup.

 

Paglabas ng dugout ng Big Dome game na game niyang pinagbandahan mula sa gym bag ang Leopoldo trophy.
“I finally got something, you know, I was proud of,?” tuwang-tuwa niyang bulalas. “I mean, I worked hard, and I just wanted to get something from last conference, making sure to award myself. To let myself know to keep going.”
Isang Top pick ng TNT noong 2015 ang 6-foot-8 slotman, nalagak sa GlobalPort noong 2018 saka nai-trade sa serbesa ang 30-anyos na Fil-Tongan noong October sa Governors Cup kapalit ni Christian Standhardinger.

 

Maski back up siya kay June Mar Fajardo, itinuloy ni Tautuaa ang magandang larong nasimulan sa Batang Pier para mgbunga ang pagsisikap at determinasyon.

 

“You know, if I keep working, something will come from it,” dagdag niya. “And I finally got something from it. I mean, I keep going now,” satsat nito sa media.

 

May mas malaking papel ang gagampanan niya ngayon sa SMB dahil injured si Fajardo, mawawala sa halos buong taon. Si Tautuaa ang bagong main big ng Beermen. Tanggap naman niya ito, pero mabilis ding isinama sa equation ang mga kakampi.

 

“You saw me today, I was getting the ball quite often,” pangwakas niyang sambit. “Right now, it’s an equal opportunity team. We gotta play together, so yes, it’s the same thing like in NorthPort where they’re gonna give it to the open man and expose what?s working,”

 

Maligayang pagbati sa iyo Moala, Mabuhay ka.

Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa.

 

“Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong dalawang bagong nakumpirma na kaso ng COVID19 at pareho ang Pilipino. Ang virus ay maaaring mabilis na kumalat, lalo na sa mga mataong lugar tulad ng mga paaralan,” aniya.

 

“Kaugnay nito, hinihikayat ko ang DepEd na awtomatikong magbigay ng pagpasa ng mga grades sa lahat ng mga mag-aaral upang hindi na nila kailangang mag-aral pa. Dapat nating gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat upang maprotektahan ang ating mga tao, lalo na ang ating mga anak, mula sa sakit na ito,” dagdag ng alkalde.

 

Sinabi pa ni Tiangco na may isang kagyat na pangangailangan upang maipatupad ang mga proactive measure para maiwasan ang pagdala ng COVID19.

 

Pinaalalahan din niya ang publiko na ugaliin ang wastong paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, at pag-iwas sa matataong lugar. Mag-ingat po tayo at sundin parati ang good hygiene at healthy lifestyle.

 

“Alagaan ang iyong sarili at palaging magsagawa ng mabuting kalinisan at malusog na pamumuhay,” aniya.
Samantala, kinumpirma ng City Health Office na walang mga taong under monitoring or investigation para sa COVID19 sa Navotas.

 

“Ang aming lungsod ay nananatiling COVID19-free. Wala kaming mga kaso ng naturang sakit. Gayunpaman, dapat nating ipatupad ang mga hakbang na pang-iwas upang mapanatiling ligtas ang ating mga tao,” pahayag ni Tiangco. (Richard Mesa)

Austria patok kay Cone sa Coach of the Year

Posted on: March 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

GIRIAN sina Leovino Austria at Earl Timothy Cone para sa 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award sa 26th Annual Awards Night ng PBA Press Corps 2020 sa Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center, Quezon City.

 

May tigatlong CotY award na sina Cone noong 1994, ’96, 2014, at Austria (2015, ’16, ’17). Sa tatlong deretsong taong tuhog ni Austria, siya ang unang coach na pinagkalooban perpetual Dalupan trophy.

 

Sa nakalipas na taon, nirendahan niya ang San Miguel Beer sa panlimang sunod na titulo ng Philippine Cup bago sinikwat ang Commissioner’s.

 

Sumablay sa season sweep ng Beermen nang patalsikin ni Cone at ng Barangay Ginebra San Miguel sa Governors Cup bago nabawi ang kampeonato ng season-ending conference.

 

Bago umupo sa ng Governors Cup, tinrangkuhan muna ni Cone ang Gilas Pilipinas sa gold medal ng 30th Southeast Games PH 2019 noong Disyembre. Ang core ng Gin Kings ang tinapik ni Cone para sa national quintet.

 

Kikilalanin din ng mga sportswriter na regular na nagko-cover ng PBA ang Danilo Floro Executive of the Year.

 

Sa pangalawang sunod na taon, magkakaloob ang PBAPC ng President’s Award, kasama ang Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, All-Rookie Team at Order of Merit para sa may pinakamaraming Player of the Week citations.

 

Kasama rin sa honor roll list ang Scoring Champion, All-Interview Team, Game of the Season at D-League Finals MVP. (REC)