Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.
Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas ito at masira ang ebidensiya.
“As a [former] trial fiscal, there’s one issue that he has no problems with: that is pre-trial detention,” ayon kay Sec. Roque.
“He does not feel that the 14-day period is actually a violation of the constitutional provision that a warrant of arrest can only be issued by a judge because the law does not change that constitutional rule,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Ang batas, na inaabangang titintahan ng Pangulo ay naglalayon din na payagan ang pamahalaan na i- wiretap ang mga suspects at arestuhin ang mga ito ng walang warrant, bukod pa sa ibang probisyon.
Sa kabilang dako, nakatakdang magdesisyon ang Pangulo kung lalagdaan o hindi ang batas isang araw o dalawa matapos na matanggap nito ang rekomendasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
“Barring constitutional infirmities, he is inclined to sign it but he wants to see the bill. He wants to make a personal determination,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)