Itinanggi ni Philhealth President Ricardo Morales ang mga iregularidad sa ahensyang nasasakupan.
Kasabay nito ay hinamon din ng opisyal si Thorrsson Montes Keith, anti-fraud officer na nagbitiw sa pwesto na patunayan ang sinasabing “widespread corruption.”
“[Aabot sa] 50,000 transactions ang hina-handle ng PhilHealth araw-araw, palagay ko naman kung hindi corruption ‘yung mga inefficiencies diyan, mali ‘yung pasok [ng entries], kulang. Pero iyong sinasabi na korapsyon na may sindikato, may mafia, wala hong ebidensiya,” lahad ni Morales sa isang panayam.
“Kung may alam siyang corruption, ilabas niya. Mag-aantay pa siya ng August 31 [for his resignation to become effective]? Gawin na niyang Lunes o ngayon, kasi detrimental na ‘yung ano niya… it would compromise the corporation for him to stay, for him to have access to the resources of the corporation,” dagdag pa nito.
Lahad ni Morales, hindi nag-e-exist ang posisyong sinasabi ni Keith.
“Wala namang ganung position. Pumunta sa akin ‘yan noong isang araw, naga-apply sa position na hindi siya qualified, gusto palitan si Laborte. Hindi ko siya kilala, eh position of confidence iyong executive assistant,” paliwanag ni Morales tungkol sa posisyong Executive Assistant Etrobal Laborte.
“Hindi naman siya qualified roon kasi kailangan ng training, attitude,” lahad pa nito.