• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 5th, 2020

Pagtatanggal sa mga corrupt sa PHILHEALTH, mas magiging madali kung matutuloy ang pagbuwag dito – Malakanyang

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa Malakanyang, mas madaling tanggalin ang bulok sa PHILHEALTH sa sandaling matuloy ang pagbubuwag dito.

 

Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng inaasahang malawakang sibakang gagawin sa ahensiya dahil sa isyu ng korupsiyon.

 

Ani Sec. Roque, kapag na- abolish na ang PHILHEALTH ay mas madali nang magtanggal partikular ang mga may bahid ng iregularidad.

 

Sa kabilang banda’y kung hindi naman aniya maa- abolish ang PHILHEALTH, mas magiging matagal ang pagpo-proseso ng pagtatanggal.

 

Daraan aniya sa proseso ng screening ang mga kawani ng PHILHEALTH at mula duon ay malalaman kung sino ang ma- reretain sa bagong titindig na ahensiya habang sa kabilang banda’y maasunto ang mga bugok at tiwali sa tanggapan. (Daris Jose)

8 sangkot sa droga nadamba sa buy-bust

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta din sa pagkakabuwag sa isang hinihinalang drug den sa Valenzuela city.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at Divine Mallari.

 

Ayon kay Col. Ortega, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Msgt Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Ronald Sanchez sa 308 Dulong Tangke St. Brgy. Malinta na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan naaktuhan ang ilan sa mga ito na sumisinghot ng shabu.

 

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang P500 buy-bust money, P340 bill at limang plastic sachets ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone at ilang drug paraphenalias.

 

Samantala, balik kulungan si Ralph Raniel Laquindanum, 23 matapos maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PEMS Noel Barnedo sa buy-bust operation sa 1 st St. Brgy, Marulas, Valenzuela city.

 

Nakuha sa kanya ang 3 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, P200 cash at cellphone. (Richard Mesa)

4 na tulak timbog sa shabu at damo

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

APAT na hinihinalang drug pushers ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Venchito Cerillo ang buy-bust operation kontra kay Jan Bryan Arizala, 34, at Anthony Cyrel Sayson, 28, sa Camia St. Brgy. Maysilo.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Ani SDEU investigator PMSg Randy Billedo, nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 11.00 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at buy-bust money.

 

Sa Pampano St. Brgy. Longos, nadamba din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation si Jhardy Escaran, 29, at Rommel Ortiz, 26, alas-3:45 ng madaling araw.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 13 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 23 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa P2,760 ang halaga at P500 buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa naarestong mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Ads October 5, 2020

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi kailangan ang license, registration ng e-bikers

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na hindi kailangan ang registration papers ng mga electronic bikes at scooters na may maximum speed ng 25 kilometers kada oras upang tumakbo sa lansangan.

 

Ayon din sa LTO na hindi rin kailangan ng mga drivers ng smaller category of e-bikes na magkaron ng driver’s license mula sa LTO.

 

Subalit kahit na ang riders ng e-bikes at scooter ay exempted sa pagkakaron ng licenses at registration, ang mga sasakyan na ito ay limited lamang sa mga barangay roads at bicycle lanes na tinalaga ng mga authorities.

 

Sinabi rin ni LTO chief Edgar Galvante na ang guidelines ay nasa Department of Transportation na para kanilang repasuhin at pag-aralan.

 

“The one submitted to us is an initial draft that is yet to be reviewed by the DOTr Road Sector, Legal Affairs, and the Office of the Secretary,” wika ng DOTr.

 

Dati pa ay sinabi ni Galvante na may administrative order na binubuo na para sa guidelines ng e-scooter at e-bike at hinihintay na lang approval ng DOTr.

 

“The regulation of e-scooters and e-bikes would be based on the category depending on weight and specifications and aimed at pro- tecting the vulnerable sector,” sabi ni Galvante.

 

Samantala, sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade na hindi siya inclined na pangasiwaan ang e-scooter habang ang bansa ay nasa ilalim pa ng pandemic.

 

Ayon kay Galvante na ang LTO at DOTr ay hinihikayat ang publiko na gumamit ng ibang alternative modes ng transportation ngayon panahon ng pandemic at kahit na sa normal na panahon.

 

“These alternatives will help save the environment by lessening gas emission from traditional modes of transportation,” wika ni Tugade. (LASACMAR)

DepEd: Late enrollees tatanggapin

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.

 

“Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.

 

Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.

 

Ayon sa ahensya, maaari pa ring magpalista ang mga estudyanteng hindi pa enrolled hanggang Nobyembre.

 

“With this, there is no need for parents to physically go to school for enrollment. Instead, they can call the schools directly to facilitate the enrollment of their children,” dagdag nito.

Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng 826 Interior Naval St. Brgy. Sipac-Almacen ay dahil sa ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation ng mga tauhan ng Warrant Section.

 

Sinabi pa ni Col. Balasabas na ang naarestong suspek ay matagal ng wanted mula ng 2015 matapos ang ginawang sexually abused sa kanyang 16-anyos na pamangking babae.

 

Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Carlos M. Flores ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, para sa kasong paglabag sa Sec 5 (b) ng R.A. 7610 o Child Abuse.

 

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Belista sa Navotas City Police Station habang hinihintay ang commitment order na i-isyu ng Malabon RTC. (Richard Mesa)

Bagong mansion ni LeBron James nagkakahalaga ng $36-M

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKABILI ng bagong mansion sa Beverly Hillis si Los Angeles Lakers star LeBron James.

 

Ang $36.75 million na mansion ay pag-aari dati ni soap opera legend Lee Philipp Bell.

 

Si Bill na pumanaw na noong nakaraang mga buwan sa edad 91 ay siyang nasa likod ng mga soap opera na “The Bold and the Beautiful” at “The Yound and Restless”.

 

Mayroong laki itong 2.5 acre at ang main home nito ay may laking 9,100 square feet na mayroong 2 guest homes.

 

Ito na ang pangatlong bahay ng NBA star dahil mayroon na itong dalawang bahay sa Brentwood.

REGISTRATION PARA SA NATIONAL ID SYSTEM, SISIMULAN SA OKTUBRE 12 – PSA

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG simulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mass registration para sa National ID System sa darating na Oktubre 12.

 

Ito ay matapos na hindi natuloy ang mass registration noong Hulyo dahil sa COVID- 19 pandemic.

 

Sinabi ni PSA Asec. Rosalinda Bautista na prayoridad nila sa registration ang 5 million na low-income households mula sa listahan ng Department of Social Welfare and Development.

 

Ayon kay Baustista, magbabahay- bahay ang mga PSA personnel para kunin ang impormasyon ng mga pre-registrants.

 

Sa ganitong paraan aniya ay mapapabilis ang proseso dahil hindi na kailangan pang maghintay ng matagal ng mga pre-registrants kapag sila ay pupunta sa mga registration centers sa November 25 para naman sa kanilang biometric capture.

 

Tinukoy ni Bautista na karagdagang 4 million katao pa ang ise-schedule nila para sa registration.

 

Sa susunod na taon, target naman nilang maitala ang 45 million katao, at karagdagang 42 million pa sa 2022.

 

Nilinaw naman ng opisyal na libre ang registration at ID na ibibigay.

‘US spy plane nagpanggap na PH aircraft nais subukan ang China; PH codes ‘di dapat gamitin’ – Esperon

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr, na nais lamang subukan ng United States kung ano ang magiging reaksiyon ng China ng magpanggap ang US Air Force surveillance aircraft na Philippine aircraft at ginamit nito ang pass code habang dumadaan sa Yellow Sea.

 

Ayon kay Esperon hindi dumadayo ang mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Yellow Sea para magsagawa ng surveillance dahil maaari itong pagmulan ng hinala.