• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 5th, 2020

Casimero at Donaire, susunod na target ni Naoya matapos magwagi laban kay Moloney

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NADEPENSAHAN ni Japanese boxer Naoya Inoue ang kaniyang bantamweight belt laban sa challenger na si Jason Moloney.

 

Naging susi ang matinding suntok ng 27-anyos na boksingero sa kanang kamay na nagbunsod sa pagbagsak ni Moloney sa ikapitong round.

 

Mula pa kasi sa unang round ay pinaulalanan na ng suntok ang kalaban nito.

 

Dahil sa panalo ay napanatili ng tinaguriang “Monster” ang kaniyang IBF, WBA at The RING bantamweight titles.

 

Target naman nito na makuha ang WBC at WBO ng 118 ponds belt.

 

Hinamon naman nito sina Filipino boxer Johnriel Casimero na may hawak ng WBO belt at ang sinong manalo sa pagitan nina Filipino Flash Nonito Donaire at Nordine Oubaali.

 

Magugunitang nakansela ang laban ni Casimero kay Inoue noong Abril dahil sa COVID-19 pandemic habang natalo naman si Donaire kay Inoue noong Nobyembre 2019 sa laban nila na ginanap sa Saitama, Japan.

Angelica, ‘di napigilang patulan ang nagmalditang basher

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Angelica Panganiban sa kanyang IG ng photo kasama ang kanyang ina na si Annabelle Panganiban at may caption na, “Mamalab” kasama ang dalawang purple hearts at two hearts emojis.

 

Pero may isang netizen, na si @lovelove20191983 na nag- maldita at nag-comment, “Sad she raised a MALDITA daughtER SAD SAD SEE HER FACE..”

 

Na agad naman nag-react ang mga ibang netizen sa basher ni Angelica.

 

Sabi ni @rovijaneasor,

 

“@lovelove20191983 sad that your parents raised you with bad attitude, don’t judge a person unless you knew her personally.”

 

Sabi ni @biane1204, @lovelove20191983 close kau ni angel teh?”

 

Sumagot naman si @ l o v e l o v e 2 0 1 9 1 9 8 3 , “@rovijaneasor pag sinabi ko sau oo.”

 

“@rovijaneasor atleast im not maldita. Im telling the truth.”

 

Comment naman ni @mommy.menchie, “I pity your parents for having someone like you. Surely they did not raise you to be the person who judges others without knowing anything but knows only what’s superficial. But then, may God bless and purify your heart and soul that is full of hatred.”

 

Hindi naman napigilan ni Angelica na patulan ang basher, comment niya,

 

“@lovelove20191983 mas gusto kong siya ang nagpalaki sakin. Kesa ikaw maging kapamilya ko.”

 

Sabad naman ni @charmzzzzzzzzzzzzz, “kung close kayo bat nka dummy act ka. Sus takot ka lang kay angel. Hindi pla takot.. inggit pala.”

 

Ilan sa pa comments bilang pagtatanggol kay Angelica.

 

@joysy11.21, “awwww sad for you malungkot buhay mo ano, wag na mandamay.”

 

@hbloveatics10, “kulang ka sa aruga?”

 

@luisa.catro, “napaka sad talaga ng buhay mo at napaka walang swerte ng mga magulang mo na hindi mo natututunan ang magagandang asal. Kilala mo si Angelica? Bakit ayaw mong ipakita yung mukha mo? Bakit nakatago ka?”

 

@isabela.bennet, “sa ginawa mong iyan at sa comment mo, ikaw yata ang maldita. Kung ayaw mo sa kanya unfollow nalang kesa mang bash ka ng ibang tao. Kawawa ka naman.”

 

@ p r i n c e s s . a l b e r t o , “@iamangelicap true enough! Who the hell that judgemental person for her say that!”

 

@chncrystl, “wala kang nanay siz?”

 

@vannieblue16, “di bagay sayo IG name mo, mukha kang hate hate eh. Di ka lab ng mama mo teh?”

 

@majestic_yasmine, “d ka cguro mahal ng mama mo.”

 

@eiramesor.12, “ghorl napakawalang kwenta ng comment mo. Wlang masama sa taong maldita kysa sa mabait na ngbait.baitan lng pero plastik nmn.”

 

@cruzvhia, “@iamangelicap tama ka baka demonyita kana kung sya. Sa tabas p lang ng salita alam n di maganda ugali may sungay. mukha may inggit s katawan.”

 

Muling sumagot si @ l o v e l o v e 2 0 1 9 1 9 8 3 , “@eiramesor.12 shes not mabait din.”

 

“@vannieblue16 hindi po hate mam. Sabi lang po ako totoo.”

 

Dagdag pa niya, “May mga bagay na hindi nakikta sa camera same happend to PHIL AMBASSADOR TO BRAZIL…iba ang awra pag nasa harap ng tao.”

 

1dReply

 

“@eiramesor.12 so masama po ang nagsasabi ng totoo?”

 

“@chncrystl bakit mali magsabi ng totoo. Hindi lahat nakikita ng camera te.”

 

Comment naman ni @ v a n n i e b l u e 1 6 , “@lovelove20191983 kasama mo ba si @iamangelicap sa bahay para masabi mo yan? Saka ano naman sayo kung maldita sya? Ikaw ba never nagmaldita sa buhay mo? Wawa sayo.”

 

@ e i r a m e s o r . 1 2 , “@lovelove20191983 wag kag epal at wla kang paki if ganun ang tao. Bakit ikaw ba nagpakain sa kanya pra e judge mo ang tao. Wag ka magmalinis sariling mong budhi na fake nman. Don’t judge the book by its own cover.period.

 

“nagmalinis kapa…lahat ng tao oi maldita..bakit sa ginawa mo.d ba yan ka malditahan? Did your own mother raised you the way you judge her mum , the way she raised her…ayusin mo ugali mo before ka magsalita sa ibang tao…don’t me.”

 

Sabi naman ni @iamrhodesrn,

 

“@iamangelicap don’t be bothered Angge, you are beautiful inside out.”

 

Tira naman ni @escabarte_azenette, “@iamangelicap buti alam mo! Baguhin mo ugali mo! Hindi puro batikos sa gobyerno! Puro ka dada!” (ROHN ROMULO)

POGO worker, minaltrato, kinidnap at idinitene

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY sampung araw nang nakadetine sa loob ng isang bahay ang isang POGO worker na kinidnap matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 nang magpaalam na magre-resign sa pinagtatrabahuhan online gambling at uuwi na sa China sa Las Pinas.

 

Nabatid kay NBI OIC Director Eric Distor , inabutan ng mga ahente ng NBI, ang biktima sa No.51 Aurora Pijuan St., Brgy. Talon Dos, Las PinÞas City,kung saan naaresto ang apat na Chinese national na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong , Shi Qi, at Zhao Jian Wei at dalawang Filipino na sina Christopher Belarmino at Darnel Volante na unang kumidnap sa isa pang Chinese national na nakalaya matapos magbayad ng ransom.

 

Ayon sa biktima nakadetine siya sa bahay mula pa noong Oktubre 20 at siya umano ay nagta trabaho sa online gambling firm sa Wanhe Building, Vista Mall.

 

Ayon sa biktima hindi siya pinapasuweldo ng tama at kung minsan ay talagang walang ibinibigay na suweldo sa kanya kaya ipinasya niya na huminto na sa pagta-trabaho at bumalik na lamang sa China.

 

Nang ipaalam niya sa kanyang boss at assistant nito na sina Pang Zi at Liang Zi hiningan siya ng P240,000 para ibalik sa kanya ang kanyang passport at payagan na makabalik sa China.

 

Nang hindi siya makapagbigay ng pera , itinali umano siya ni Liang Zi sa kanilang sasakyan at hinataw ng hinataw ng stick kasama si Xiao Yao na isa pang assistant at saka dinala sa bahay kung saan siya sinuntok at pinagsisipa hanggang hindi na siya makagulapay.

 

Sinabihan umano ang biktima na mananatili siya sa loob ng bahay hanggang hindi siya nakakapagbayad ng P240k.

 

Nakita rin niya ang Chinese national na nagreklamo sa NBI na dinala sa bahay na nakaposas noong Oktubre 26 pero pinalaya rin ng nabanggit na araw matapos na makapagbayad ng ransom.

 

Nakakumpiska pa ang mga ahente ng NBI ng isang Taurus.40 cal.pistol, na may isang magazine na may 11 bala,1sang Glock 22 na may 10 bala, posas at iba’t ibang dokumento.

 

Nabatid na ang mga naaresto ay dinala sa NBI Detention Fa- cility para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (Gene Adsuara)

Julie Anne, tuwang-tuwa sa magandang opportunity na dumating

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang fans ni Julie Anne San Jose dahil napili ang Kapuso singer and TV host na umawit ng theme song ng Netflix animated film na Over The Moon.

 

Ang Netflix Philippines mismo ang nag-announce na si Julie ang umawit ng “Rocket to the Moon” ang theme song cover ng Over The Moon at may music video pang ginawa si Julie.

 

Noong September dumating ang project kay Julie at tuwang-tuwa ito sa magandang opportunity.

 

“I have a friend who messaged me randomly, kinuha yung contact details ko. I gave my manager’s contact details and then after a few weeks, tinawagan ako ng management and told me Netflix reached out and invited me to be part of this project. Nagulat ako! I’m so honoured they chose me to do a cover song of ‘Rocket to the Moon’. Ang ganda talaga ng song. It’s very catchy. I find it really interesting and very dreamy and inspiring.”

 

Ang original na umawit ng “Rocket To The Moon” ay ang Filipino-Chinese actress Cathy Ang na nag-voice sa lead character na Fei-Fei sa naturang Netflix animation.

 

“I admire how the song portrayed the character build-up of Fei Fei. The first part of the lyrics was full of self-doubt, then as the song goes on, you can now feel the determination and confidence of her character. Doing the song cover of ‘Rocket to the Moon’ brought me back to the days where I was just a kid who had big dreams. Sana nabigyan ko ng justice yung song. Sana magustuhan ng mga tao,” sey pa ni Julie.

 

*****

 

HANDA na raw talikuran ng aktres na si Dionne Monsanto ang showbiz para sa tahimik na buhay sa ibang bansa.

 

Mukhang desidido na ang former Pinoy Big Brother housemate na tumira sa Switzerland kasama ang kanyang Swiss- Italian boyfriend na nagngangalang Ryan.

 

Sa isang interview kay Dione, ready na raw siya mag-settle down at napagkasunduan nila ni Ryan na sa Switzerland sila mamuhay.

 

“Taga roon kasi siya and I’ve been there. Tahimik at maganda ang buhay ng mga tao roon. Kaya we decided to build our life there together,” sey ni Dionne.

 

Matagal na nga ang relasyon nila Dionne at Ryan. Kahit na nagkaroon sila ng LDR (long distance relationship) dahil sa COVID-19 pandemic, mas lalo raw tumibay ang kanilang relasyon.

 

Pinost pa ni Dionne sa kanyang Instagram ang isang poem na kinompose niya para kay Ryan: “You, love & respect personified, are my first thought at daylight, and my last thought at night. Thank you for making me realize that when you truly love right, you are truly loved right.” – Excerpt from Love Right, Loved Right (Poem I wrote for Ryan)”

 

Napanood kamakailan si Dionne sa isang fresh episode ng Wish Ko Lang.

 

*****

 

KINSAL na ang Black Widow star na si Scarlett Johansson sa kanyang longtime fiance at Saturday Night Live comedian na si Colin Jost.

 

Kinumpirma via Instagram ng Meals on Wheels America na officially newlyweds na sina Scarlett at Colin.

 

“We’re thrilled to break the news that Scarlett Johansson and Colin Jost were married over the weekend in an intimate ceremony with their immediate family and love ones, following COVID-19 safety precautions as directed by the CDC. Their wedding wish is to help make a difference for vulnerable older adults during this difficult time by supporting @mealsonwheelsamerica.”

 

Na-engage sina Scarlett at Josh noong May 2019.

 

Twice married and divorced na si Scarlett. Una siyang kinasal sa aktor na si Ryan Reynolds noong 2008 at naghiwalay sila noong 2010. Second marriage niya ay kay Romain Dauriac in 2014 at naghiwalay sila noong 2017. May isang daughter sila named Rose.

 

Si Colin naman ay never pang kinasal at dati niyang nakarelasyon ang aktres na si Rashida Jones. (RUEL J. MENDOZA)

METRO MANILA FILM FESTIVAL 2020 ONLINE REVEALS PRICE & PLATFORM

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

EARLIER last month, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that the annual Metro Manila Film Festival (MMFF) will stream online.

 

We all know, watching films from the MMFF lineup has become part of Filipinos’ Christmas traditions.

 

But since we’re well aware of the risks regarding Christmas parties and other social gatherings, we can also expect that going to cinemas with our families just like in the past wouldn’t be possible.

 

Now their plans are further taking shape, having forged partnerships with Globe Telecom and the new streaming platform Upstream.

 

Tickets will be available at Globe’s GMovies and the movies will be streamed via Upstream. For the price of P250, the whole family can already enjoy one film from the entries, which is a steal compared to our annual trips to cinemas.

 

They’ve also revealed four of the films that will be in the lineup, namely: Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, Magikland, Praybeyt Benjamin 3, and The Exorcism of My Siszums. They are eyeing the finalization of all the eight films by the end of November. The Parade of The Stars and the Awards Night that have always been part of the festival will also happen online.

 

Being fully aware of the risks of piracy, Globe also pushes their #PlayItRight advocacy forward. This is to educate viewers on the consequences of piracy, the legal implications, how it deprives the filmmakers and artists of their income, and its bad effects to our film industry in general.

 

For more information regarding MMFF 2020, you may check out their official Facebook page. (ROHN ROMULO)

SIBAKAN SA PHILHEALTH, IMMIGRATION ASAHAN SA DISYEMBRE – DUTERTE

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga empleyado ng PhilHealth at Bureau of Immigration ang masisibak sa trabaho sa Disyembre.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, mayroon pang susunod na round ng sibakan sa Disyembre partikular sa dalawang tanggapan na talamak pa rin ang korupsyon.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, marami pa ang mawawalan ng trabaho, marami ang matatanggal sa gobyerno, marami ang makakasuhan at marami ang makukulong.

 

Ikinadidismaya ni Pangulong Duterte ang “pastillas scheme” sa Bureau of Immigration (BI) kung saan nagbabayad ng pera ang nga Chinese para ilegal na makapasok sa bansa.

 

Pinag iinitan din ni Pangulong Duterte ang P15 billion anomalya sa PhilHealth.

 

“So, mayroon pa. The next round is will be by December. Many will lose their jobs, many will be separated from government, many will face prosecution, and many will go to jail, iyan ang sabihin ko,” ani Pangulong Duterte.

 

Una rito, isa-isang binasa kagabi ni Pangulong Duterte ang pangalan ng 21 na opisyal na ng PhilHealth na sinuspinde habang 44 naman sa Immigration. (Ara Romero)

Ads November 5, 2020

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Underground powerlines at communications cables, kailangan sa mga typhoon-prone sa bansa

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, upang maprotekatahan mula sa malalakas na hangin dala ng bagyo o kalamidad ay dapat na ibaon sa lupa ang kable ng kuryente at komunikasyon.

 

Dapat ding ipasa ang mga panukalang batas ukol sa pagmodernisa o pag-update sa national building code at national land use policy.

 

Karamihan aniya sa mga siyudad, bayan, buildings, at kabahayan ay hindi matatag laban sa mga bagyo, baha at lindol.

 

“Sawang-sawa na ang milyung-milyong Pilipino sa epekto ng mga kalamidad, pero wala naman tayong ginagawang permanenteng solusyon, kaya paulit-ulit tayong nagpe-penitensiya tuwing may kalamidad,” anang mambabatas.

 

Ang kailangan aniya ay mga bagong typhoon-resilient designs na mga bahay at buildings at pagpasa ng importanteng mga panukalang batas ukol sa land use management policy at National Building Code. (Ara Romero)

Tokyo Olympics organizers, handang i-refund ang mga tickets

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALOK ng refund ang organizers ng Tokyo Olympics sa mga nakabili na ng tickets sa Japan.

 

Ito ay dahil sa nililimitahan na lamang ang mga manonood sa bawat events dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

Ayon sa Tokyo organizing committee na maaaring mag-refund ang mga taga-Japan na nakabili ng tickets mula Nobyembre 10-30 at Disyembre 1-21 para sa mga nakabili ng Paralympics.

 

Ang mga nakabili naman ng tickets mula sa ibang bansa ay dapat hilingin nila sa mga pinagbilihan nila ng tickets.

 

Umaabot na kasi sa mahigit 4.8 milyon na tickets ang naibenta at halos isang milyon sa Paralympics.

Bulacan PESO, inilunsad ang Virtual Career Expo 2020

Posted on: November 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Upang magbigay ng online job advertisement platform sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho, inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) sa pakikipagtulungan ng Jobs180.com ang Virtual Career Expo 2020 noong Oktubre 23, 2020.

 

Handog ng career expo na may temang “TRABAHO. NEGOSYO. KABUHAYAN: Trabaho para sa Bulakenyo, Hatid ng Provincial PESO” ang higit isang libong trabaho mula sa 100 kumpanya at tatakbo ito hanggang sa katapusan ng taong ito.

 

Inanyayahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang lahat ng mga Bulakenyo na patuloy na makiisa sa napapanahong programa na ito at sunggaban ang oportunidad na makapag-aplay ng trabaho habang ligtas at malusog na nananatili sa tahanan.

 

“Pangako ko na maialay ang bunga ng kaunlaran sa hapag ng bawat Bulakenyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oportunidad sa trabaho, negosyo, at kabuhayan para sa ating mamamayang Bulakenyo. Hindi po kayang tuldukan ng COVID-19 ang ating pangarap na ito. Tayo ay magpapanibagong lakas at inspirasyon upang harapin ang mga hamon ng ating panahon,” anang gobernador.

 

Binanggit rin niya na ang buong proseso ng empleyo mula pre- employment orientation hanggang sa pagpapasa ng Resumé at interbyu ay isasagawa nang birtwal.

 

Upang makasali, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Provincial PESO Bulacan sa https://www.facebook.com/ provincialpesojobfair, para sa registration link, o puntahan ang https://school.jobs180.com/pyspeso.

 

Maaari nang magsimulang gumawa ng kanilang ResumeLink ang mga interesadong aplikante upang opisyal na maghanap ng bakanteng trabaho.

 

Gayundin, nagsagawa ang PYSPESO ng Pre-Employment Orientation (PEO) Webinar noong Oktubre 23, 2020 bilang bahagi ng opisyal na paglulunsad ng Virtual Career Expo na may paksang Effective Resume Writing Tips, Interview in the New Normal, Job Hunting, at Employer-Employee Engagement.

 

Para sa ikalawang sesyon ng PEO Webinars na may tatlong bahagi, tinalakay ang mga paksang After Graduation Checklist, Developing your Communication Skills, Gender Equality in the Workplace, at Motivation and Productivity na ginanap noong Oktubre 29, 2020

 

Para sa mga hindi nakadalo sa mga nakalipas na webinar, mayroon pang paparating na PEO Webinar sa Nobyembre 5, 2020, 2:00 ng hapon sa Facebook live na pag-uusapan ang Top Skills Companies are Looking for, Managing your Budget and Finances, Expectations in the New Normal, at Work Opportunities in Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)