• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2021

3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon.

 

Ang nasabing tatlong stations ay sinara matapos na  masunog ang 2 power rectifiers o transformers noong October 2019.

 

Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.

 

Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.

 

Dahil sa mga pangyayari ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagpadala ng apat (4) na buses upang isakay ang mga pasahero na walang masakyan ng walang bayad. Nagdagdag rin ng apat (4) na buses ang Philippine Coast Guard (PCG) noong nakaraang Sabado. Kung kaya’t mayron walong (8) buses na kabuohan ang pumapasada mula Santolan hanggang Cubao at vice versa.

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) naman ay nagpalakad din ng 20 modernized public utility vehicles upang isakay ang mga pasahero mula sa Santolan papuntang Cubao.

 

Samantala, nagbigay naman ng rekomendasyon si DOTr Secretary Arthur Tugade sa LRTA na kung maaari ay buksan na ang dalawang LRT2’s East Extension project, ang Marikina at Antipolo sa darating na April 26.

 

“Let us finish it right away so the Filipino people can enjoy these stations,” wika ni Tugade. Sinabi niya ito kay Ambassador Kazuhiko Koshikawa kasama ang iba pang DOTr officials ganon din ang representatives ng project proponents na D.M. Consunji Inc. at Marubeni Corp. at ang partner na Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.

 

Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng  ng karagdagang humigit kumulang  na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)

‘Cinemalaya 2021’, Opens Submission for Its Short Film Category

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2021 is now open for submission of entries for its Short Film Category.   

 

Interested filmmakers must submit their application on or before March 5, 2021 (Friday), 6:00 p.m. to the Film, Broadcast, and New Media Division (FBNMD), 4F Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Blvd., Pasay City.  Only entries by Filipino filmmakers are accepted to the Short Feature Category.

 

Those who are submitting their entries must provide the following: the final work in MP4 format, with violator/watermark, properly labeled with title, production company, address and contact numbers, production date, director’s name, and running time (which should not exceed 20 minutes inclusive of credit titles).  It must be accompanied with the duly completed entry form, synopsis in English, a brief resume and two (2) recent 2×2 photos of the filmmaker/s.

 

Entries must have been produced within the period of February 29, 2020 to March 5, 2021.

 

Entries can be submitted through online portal — just follow the link (bit.ly/CinemalayaShorts2021Form), fill out the entry form and upload your film and filmmaker’s profile.

 

For offline submission, film entry must be submitted in a USB. Entries must be submitted in a long brown envelope properly labeled with the proponent’s name, title of film, and contact details.

 

The ten (10) short feature finalists will be screened online during the 2021 Cinemalaya Film Festival from August 6-15, 2021.

 

For more information and updates, visit the CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) or follow the CCP and Cinemalaya official Facebook pages. (ROHN ROMULO)

PIA, wala pa ring kupas ang ganda at kaseksihan; first time sa Maldives at kasama pa si JEREMY

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagpapakita ng alindog ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa taong 2021.

 

Ang latest ay ang pinost niyang bikini photos na kinunan sa Maldives kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

 

Walang kupas ang ganda at kaseksihan ni Pia. Effortless din ang mga poses niya sa kanyang mga suot na swimsuits.

 

Ni-reveal din ni Pia na ito ang first time niya sa Maldives at nataon na kasama niya si Jeremy.

 

“The first sunset of 2021 @joalimaldives. I’m so lucky @jeremyjauncey takes good pictures,” post ni Pia sa kanyang Instagram.

 

Nag-post din si Jeremy ng isang photo ni Pia habang nakatayo sa pier at nasa background ang ganda ng Maldives.

 

Caption ni Jeremy: “We sat on this pier watching the first sunset of 2021, making plans for our life and all the things we want to achieve this year.”

 

Magkasama noong Pasko at New Year sina Jeremy at Pia sa United Kingdom bago ito nag-total lockdown dahil sa bagong strain ng COVID-19.

 

***

 

PROUD ang aktor na si Neil Ryan Sese sa kanyang panganay na anak na si Kahlia dahil ito ang nagpatakbo ng kanilang seafood delivery business na K&G Seafood noong nasa one month lock-in taping siya para sa Descendants of the Sun.

 

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Neil ang 13-year old daughter sa pagtulong sa kanyang negosyo habang wala siya at nasa taping.

 

“Last November-December, I had a 26 day lock-in taping in Batangas. My daughter, Kahlia, handled and took charge of the orders during this time. So proud of her for taking this on and for assisting me with @k_gseafood. Great job, Kling! Thank you for helping me with our business and Daddy, as always, is really proud of you! I love you, sweet one,” caption ni Neil.

 

Nagkaroon ng K&G Seafood si Neil noong simula ng pandemic bilang paraan para kumita habang wala pa siyang showbiz projects dahil sa lockdown. Ang aktor din ang nagde-deliver gamit ang kanyang bike.

 

“Walang taping, one month akong nasa bahay lang, wala namang income so labas ka lang ng labas ng pera. Medyo mauubos ‘yung ipon mo. So naisip ko na magtayo ng negosyo. Parang, ano ba ‘yung needs ng tao?    “Ano ba ‘yung bibilhin nila? Naisip ko puwede ‘yung seafood kasi naalala ko na may kaibigan ako na seafood dealer. ‘Yun kinausap ko siya and nakipag-tie up ako sa kanya,” kuwento ni Neil.

 

Unti-unting nag-expand ang business ni Neil at nakapag-hire pa ng ibang riders na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

 

“Unang-una nakakataba talaga sa puso kasi natutulungan ko silang mga riders. Kasi noong una talaga, ‘yung first few weeks nila, ‘yung isa naluha pa kasi malaki na yung nakuha niya. Mga PhP850, parang ganun. Ang sarap lang nung feeling na nakakatulong ka sa tao.”

 

***

 

MAS lalo raw tumatag ang pagsasama nila Nick Jonas at Priyanka Chopra bilang mag-asawa dahil sa ongoing pandemic.

 

Sey ni Priyanka na mas nakilala nila ni Nick ang isa’t isa dahil sa ilang buwan na naka-quarantine sila. Unlike noon na may kanya-kanya silang mga lakad parati.

 

“Quarantine gave us the ability to spend a lot of time together, which I’m really blessed by. Because with both of our careers it’s hard to find that kind of time.”

 

Bago magkaroon ng COVID-19 pandemic, natapos ni Priyanka ang mga eksena niya sa pelikulang The Matrix 4 sa Berlin, Germany at Text For You sa London.

 

Last December ay nag-celebrate sina Nick at Priyanka ng kanilang second wedding anniversary. Naging extra special daw dahil silang dalawa lang ang nag-celebrate in London.

 

“It’s so comforting to find a person who is in your corner. Whatever I may be in my professional life or how the world perceives me, I’m just a girl trying to live her life in the best way possible, and I’m so grateful to have a partner in doing that,” sey ni Priyanka. (RUEL MENDOZA)

Hindi pa nakakapasok ang UK variant ng COVID-19 sa Metro Manila

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila.

 

Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hanggang kahapon, Enero 11, 2021, ay wala pang na-detect na UK variant, o anumang bagong variant ng SARS-COV-2 sa mga positive samples na kanilang sinuri.

 

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila.

 

Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hanggang kahapon, Enero 11, 2021, ay wala pang na-detect na UK variant, o anumang bagong variant ng SARS-COV-2 sa mga positive samples na kanilang sinuri. (Daris Jose)

POKWANG, nag-react sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang ‘dating app’; manggagantso, planong ireklamo sa NBI

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-REACT si Pokwang sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang dating app.

 

At tila plano nitong ireklamo sa N.B.I. (National Bureau of Investigation) ang pangyayari.

 

Pinost nga niya sa kanyang Instagram account ang post ng isang netizen na may pangalan sa kanyang Facebook na Marl B. Mendoza at tila miyembro o baka admin o kung ano man ng Facebook group na Filipino Women looking for Foreign Husband.

 

Ginawa niyang example si Pokwang at ang partner nito na si Lee O’ Brian na diumano’y nagkakilala through the dating app,www.filipino2meet.com. Kumbaga, ginawang parang endorsers na rin ang dalawa ng naturang dating site.

 

At pinalabas pa ng netizen na ito na “friend” niya ang komedyante.

 

Pinost ito ng buo ni Pokwang at saka sinabi na, “hindi ko po siya friend at hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian sa movie po kmi nagkakilala ang Edsa Woolworth na produced ng TFC at directed by @johndlazatin mga mag gagantso!!! wag ganoon!!! Attention #NBI sino po pwede kausapin para ipahanap ito? Wooohoo”

 

***

 

SA unang pagkakataon ay magtatambal ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz sa upcoming drama series na Nagbabagang Luha sa GMA Network.

 

Ang serye ay adaptation ng classic ’80s movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.

 

Kahit nasa Ireland pa ay pinaghahandaan na ni Glaiza ang serye kung saan gagampanan niya ang role ni Lorna na si Maita.

 

Ayon kay Glaiza, “Siyempre nando’n ‘yung feeling na malaking responsibilidad kasi kahit papaano na-familiarize na kami do’n sa pelikula at nakita naming ‘yung performances nina Ms. Lorna. So, parang kailangan talagang todohin.”

 

Sey naman ni Rayver, na gaganap sa dating role ni Gabby na si Alex, looking forward na siyang makatrabaho si Glaiza sa serye.

 

“Si Glaiza lagi ko ‘yan kasama sa ‘AOS’ (All-Out Sundays) pero iba kasi ngayon pa lang kami magwo-work sa isang show, so excited ako.”

 

Makakasama rin ng dalawa sa Nagbabagang Luha sina Claire Castro, Mike Tan at Myrtle Sarroza.

 

Kung si Janine ay wala na sa Kapuso network, ang boyfriend na si Rayver naman ang tila humahataw ngayon bilang Kapuso. (ROSE GARCIA)

Top 10 worst traffic situation ng ‘Pinas kayang burahin sa loob ng isang taon

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA ang Malakanyang na sa loob ng isang taon ay mawawala na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang sitwasyon ng traffic sa buong mundo.

Batay kasi sa Numbeo 2020 traffic index report na nag-sagawa ng pag- aaral sa may 81 bansa, pinakaworst o pinakamalala ang kondisyon ng trapik sa Pilipinas sa South East Asia at pumang- siyam sa buong mundo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, infrastructure projects ang sagot sa problema na ginagawa na ng pamahalaan na malapit ng matapos.

Nandiyan na aniya’t tapos na ang NLEX- SLEX connector, Cavitex project habang kaliwat kanan pang mga proyekto ang tinatapos gaya ng MRT- LRT expansion project na tatagos hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Bukod pa sa nandiyan din aniya ang subway project na nasimulan na din habang may tuloy- tuloy pa ang road, iba pang mass transport at infrastructure projects na tiyak ani Roque na magpapatanggal sa Pilipi kahit man lang sa top 20 ng mga bansa sa buong mundo na may pinakagrabeng traffic situation. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Maging leksiyon sa lahat!

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASUGATAN  sa unang linggo ng buwang ito si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho.

 

Buhat ito sa pagpa-prank holdup ng 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño.

 

Sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television host, nasa likuran aniya nang biruin at magpanggap na holdaper ni Cariño sa escalator.

 

“Holdap ito huwag kang gagalaw. Amina ang mga gamit,” biro niya sa kasama sa trabaho.

 

Pero buo ang loob ni Cariño na siniko sa tiyan para mawalan ng balanse, sumubsob sa sahig na tinukod ang kamay para masugatan, dumugo ang isa kanyang daliri.

 

Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ng dating manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mula sa Ateneo de Manila University-Quezon City, na magaling na ang sugat at huwag na aniyang mag-aalala si Jorge.

 

At ang payo ni Ms. Ho? Mag-ingat sa pagpa-prank lalo na aniya sa mga war-trained reporter gaya ng kasamahan.

 

Iginagalang ng Opensa Depensa ang pananaw ni Gretchen.

 

Pero para sa pitak na ito, huwag na lang tayong mag-prank sa alanganing mga sitwasyon o lugar. Mapuwera na lang na pinagplanuhan talaga o marami para pasayahin ang isang tao.

 

Mahirap na ang maaksidente sa panahon ngayon.

 

Matuto tayo sa kaganapang ito. Maging leksiyon sana ito sa ating lahat.

 

***

 

Belated happy birthday kina Enrique ‘Toto’ Valera ng Paco, Maynila at Belinda Ignacio ng Santa Ana, Manila na mga nagdiwang nitong Lunes, January 11 at at Linggo, Jan. 3, ayon sa pagkakasunod.

 

Ang pagbati ay mula sa Fernando Maria Guerrero Elementary School Batch 1982 at Manuel Acuña Roxas High School Batch 1986. (REC)

BAGO SANA ang NEGOSYO, AYUSIN MUNA ANG SISTEMA!

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kabila ng maraming tanong mula sa mga motorista ay tuloy na ang operasyon ng ilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) providers.  At gaya ng inaasahan, kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.  Ayon sa ilang motorista na dumulog sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ganito ang kanilang karanasan:

 

“Good morning Atty Inton. Bago na po ang I.T. Provider ng LTO ngayon, DERMALOG na po, pero ginagamit pa rin po nila yung dati nilang I.T. Provider na Stradcom dahil inaayos pa ng Dermalog ang kanilang connection. Ang PMVIC po connected na dapat sa Dermalog. Ang ginagamit naman ng PETC ay Stradcom. Nang magstart po ang PMVIC especially sa Angeles City last November, hindi po sila naka online sa LTO kaya ang ginawa ng LTO-Angeles kahit na may PMVIC-result na ang sasakyan, pina-patest pa nila sa PETC, sa kadahilanan po na hindi nila mairerehistro ang sasakyan dahil wala sa system nila ang result pag ang gagamitin nila ay Dermalog. Hindi naman po nila magamit ang Stradcom dahil PETC po ang naka-connect dun. Hanggang ngayon po problema yan, lalo na sa LTO Mabalacat, Mabiga, Cabanatuan. Kaya last Jan. 4, nag issue ng memo ang LTO na gagamitin na muna nila ang PETC ITF ng Stradcom.  Regarding naman po sa inspection fee, ang light vehicles po, P1800 and P900 for motorcycles.  May re-inspection fee po na less 50% kung makakabalik ka within 5 days, that was last December. Pero ngayon po parang sinuspend nila yan.”

 

Kung ganito pa kagulo ang sistema marahil ay dapat muna i-extend ang waiver ng re-inspection fee dahil sa MVIS operator naman ito mapupunta.  Bago sana ang negosyo nila ay aayusin muna ang sistema para sa kapakanan ng mga motorista. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

GINA, interesadong mag-audition sa hinahanap na Filipino lola para sa isang ‘Disney’ movie

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGANNOUNCE ang Walt Disney Company na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng Disney movie, kaya narito ngayong sa bansa ang casting team. 

 

Kaya naman ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareno, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role.

 

Tweet ni Gina, “pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney? RETWEET IF YOU AGREE!”

 

Sumagot agad ang mga followers at fans ni Gina at nag-retweet sila and tagged Disney’s Twitter pages, at wish nilang i-consider nila ang veteran actress for the role.

 

Ang iba nga ay natuwa at naniniwala raw sila na perfect choice kung pipiliin nila si Gina.  Ang ibang fans ay nag-share pa ng ilang eksena ni Gina mula sa mga nagawa na niyang proyekto sa movies at TV.

 

Ayon sa Sarah Finn Casting team ng upcoming Disney film, hindi raw kailangan ang professional acting experience.

 

Kailagan lamang magpadala ang mga interesado, ng short video with a self-introduction part in English, i-share nila ang tungkol sa kanilang family or favorite activity, in whatever Filipino language or dialect they prefer.

 

Isa rin sa requirements, dapat ang mapipiling Filipino lola ay papayagang magtrabaho sa United States, dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.

 

Good luck, Ms. Gina Pareno!

 

***

 

LABIS pa rin ang pasasalamat ni Xian Lim na mga gamit lamang niya sa kanyang bahay like TV sets, computers at iba pang gadgets ang kinuha ng sa palagay niya ay apat na taong pumasok doon.

 

Pero nasabi rin niya na natatakot siya para sa kanya at sa mga kasama niya sa bahay.

 

“Yes, I feared for my life, my mom, lola and lolo….as time passed by, I became grateful that no one was hurt,” sabi ni Xian.

 

“At this point, I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin at magamit ninyo ang perang  yan para mapakain nang husto ang pamilya ‘nyo.  Diyos na ang bahala sa inyo.”

 

***

 

LAST Sunday, January 10, sa YouTube vlog entry ni Kapuso actress Heart Evangelista, pinost ng husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, na wala siyang planong sumama sa 2022 presidential race.

 

Saad pa ni Gov. Chiz, “no money, no resources, not my time, and I’m happy where I am.”

 

Pero kung tatakbo daw siya sa 2022 polls, may three choices siya, run for Governor again, not run, or run for the Senate if he has the numbers.

 

Mukha ngang masaya nang maglingkod si Gov. Chiz sa kanyang mga constituents lalo pa at lagi niyang kasama ang wife niyang si Heart at ang twins niyang sina Quino at Chessi. 

 

At tiyak na susuportahan ni Gov. Chiz si Heart at ang GMA Network team na doon magla-lock-in taping ng bagong weekly series ni Heart na I Left My Heart in Sorsogon. (NORA V. CALDERON)

2 pang games kinansela ng NBA dahil sa COVID protocols

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues.

 

Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna.

 

Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics.

 

Una nang na-postpone rin ang ang game ng Miami Heat versus Boston Celtics kasunod nang contact-tracing issues sa team ng Miami.

 

Sinasabing umabot lang kasi sa walo ang players ng Celtics makaraang isailalim sa quarantine ang pitong mga players.

 

Sa ngayon nasa apat na mga games na ang kinansela ng NBA o tatlong araw na sunod-sunod na merong postponement ng laro.

 

Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang National Basketball Players Association at NBA kung kailangan pang ayusin ang health at safety protocols sa gitna na rin nang paglaganap pa ng deadly virus.