• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 23rd, 2021

‘Yellow Rose,’ Which Stars Eva, Princess and Lea Will Be Streaming in the Philippines

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

YELLOW Rose, which stars Eva Noblezada and Lea Salonga, will be available for streaming on KTX.ph and iWantTFC, as well as on Cignal Pay-Per-View and Sky Cable Pay-Per-View starting January 29.

 

 

This is 2 years after the film premiered at the 2019 Los Angeles Asian Pacific Film Festival.

 

 

Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=6oI5sUWvFWo&feature=emb_logo

 

 

The drama film follows Rose, a 17-year-old Filipino-American who dreams of becoming a country music icon. This dream is hindered when her undocumented mother is arrested by immigration officers, leaving her to live and survive alone.

 

 

It marks Eva Noblezada’s film debut, following her roles in stage productions Miss Saigon and Hadestown.

 

 

Also joining her in the cast are Lea Salonga and Princess Punzalan, playing Rose’s aunt and mom, respectively. American country singer Dale Watson also makes an appearance in the film.

 

 

Yellow Rose comes from director Diane Paragas, who took inspiration from her experiences as she grows up in Texas. The film also won numerous awards in film festivals, including the Grand Jury Prize at the 35th Los Angeles Asia Pacific Film Festival.

 

 

Yellow Rose will be streaming KTX.phiWantTFCCignal Pay-Per-View, and Sky Cable Pay-Per-View starting January 29. (ROHN ROMULO)

4 NAGPOSITIBO SA 3 ARAW NA DRIVE THRU SWABBING SA QUIRINO GRANDSTAND

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

APAT ang naitalang nagpositibo  sa Covid-19 sa inilunsad na Drive  thru  swab testing ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.

 

Ito ay sa loob lamang ng tatlong araw,  batay  na rin  sa datos ng Manila Health Department (MHD).

 

Sa kabuuan , nasa  242 katao na ang sumailalim sa libreng swab test sa Quirino Grandstand mula Enero 18 hanggang Enero 20, 2021.

 

Sa nasabing bilang, 238 ang negatibo ang resulta habang ang apat ay positibo sa sakit.

 

Sa apat na ito, non-Manilans ang tatlo habang  taga Maynila naman ang isa.

 

Ayon kay  Manila Public Information Office Chief Julius Leonen, nakikipag-ugnayan na ang MHD sa LGUs ng origin ng mga non-Manilans na   nagpositibo  sa virus upang sila naman ay madala sa quarantine facility.

 

Bukod sa drive thru sa  Quirino Grandstand, may libreng “walk-in” swab testing din ang lokal na pamahalaan para sa mga residente at hindi residente ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital at Delpan Quarantine facility.

 

Kailangan lamang makipag-ugnagan sa  Manila Emergency Operation Center ang indibidwal na  nais sumalang sa swab test  para makapag-schedule ng appointment.

 

Maaaring kumontak sa mga numerong 09052423327; 09983226367; 09636023177; at 09555875976 upang makakuha ng inyong schedule ng swab test.

 

Samantala, sa  pinakahuling datos ng MHD, umabot na  393 ang naitalang aktibong kaso sa lungsod ng Maynila.

 

Pumalo naman sa kabuuang 25,911 ang nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 24,742 naman ang tuluyang gumaling sa nasabing sakit. (GENE ADSUARA)

Mangrobang balik karera

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.

 

 

Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete kasama ang isa pang male athlete sa takbong muli ng mga karera umpisa sa Marso 15 sa hangad na makapasok sa world’s top 75 para makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.

 

 

Sakaling sumblay sa World Triathlon top 75 rankings,  tanging pag-asa ng ‘Pinas na makapagpadala pa rin ng triathlete sa quadrennial sportsfest ang via wildcard entry. Nasa 137th sa WT sa ngayon si Mangrobang.

 

 

Bumalik ng Portugal nitong Enero 11 ang dalaga para sa patuloy nap ag-eensayo at paghahanda sa mga karera sa Europe at ilan pang lugar. (REC)

Ads January 23, 2021

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isang saludo sa Fineguard mask

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ILALARGA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Fineguard Sport National Half-Marathon Virtual Challenge upang mabigyan ng aktibidad ang komunidad na patuloy na nalilimitahan sa mga galaw dahil sa Covid-19.

 

 

Patuloy na bawal ang mga aktibidad na nagtitipon sa maramihang tao at hindi pa posible ang malalaking running event dahil sa pandemya. Kaya isasagawa ng asosasyon ang 21 kilometrong takbuhan gamit ang kanilang mga pansariling pagtatala.

 

 

“The PATAFA came up with this idea, through the influence and lead of our mother international federation, the World Athletics,” wika kamakalawa ni PATAFA president Philip Ella Juico.

 

 

Batid ng PATAFA na maaari pa ring masiyahan ang mga mananakbo sa pakinabang ng karera sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanila ng teknolohiya at pagbibigay insentibo sa ilang uri ng kompetisyon.

 

 

Makakatulong ng PATAFA rito ang Fineguard sport mask na kaparehong tatak na ginamit ni pole vaulter Ernest John Obiena sa regular Italy training camp para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatras lang ngHulyo 2021.

 

 

Ito din ang sport performance mask na opisyal na gamit ng ng Philippine Athletics Team. Inaasahang makakasama rin ang Fineguard mask sa paparating na training bubble ng pambansang koponan sa New Clark Sports Complex sa Capas, Tarlac.

 

 

Sinasaluduhan ng OD ang face mask na ito na tumulong sa PATAFA para makapagdaos ng Online 21K roadrace. Mabuhay po kayo riyan. (REC)

10 hanggang 65 taong gulang pinapayagan nang lumabas ng bahay

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibidwal na may edad na 10 hanggang 65 taong gulang.

 

Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1 , 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakapaloob sa IATF Resolution No. 95 na ang sinuman na may edad na 10 taon pababa at mahigit 65 taong gulang ay kinakailangan pa ring palagiang manatili sa kanilang bahay.

 

Sa ilalim pa rin ng IATF Resolution No. 95, ibinaba ang age-based restrictions sa sampung taon mula sa dating 18 years old.

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng IATF ang Local government units (LGUs) na i-adopt ang kahalintulad na relaxation ng age-restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ).

 

Niratipikahan din sa idinaos na 95th IATF meeting ang National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19, na siyang magsisilbing guide para sa vaccination implementers, gaya ng LGUs.

 

Ang naging kahilingan naman ng Professional Regulation Commission na magsagawa at mangasiwa sa licensure examinations para sa professionals na itinakda para sa buwan ng Enero hanggang Marso 2021 ay aprubado.

 

Samantala, inamiyendahan naman ng IATF ang nauna nitong resolusyon, “IATF Resolution No 92, on all foreign travelers covered by travel restrictions because of the new COVID-19 variants by specifying those exempted, such as foreign nationals with valid visas, which include personnel of accredited international organizations, and spouse and minor children of Filipino citizens traveling with them. Those who arrive for medical and emergency cases, including their medical escorts, if any, are now subject to applicable testing and quarantine protocols as prescribed by the Department of Health (DOH). ”

 

Mula sa mahigpit na obserbasyon ng 14 day facility-based quarantine period para sa mga mamamayang Filipino na magmumula sa mga lugar kung saan ang umiiral ang travel restrictions, inamiyendahan ito ng IATF para magtakda ng testing at quarantine protocols.

 

Idagdag pa na ang mga mamamayang Filipino na dumating naman para sa “highly exceptional or medical reasons at local diplomats ay “subject to applicable quarantine protocols” na itinakda ng DOH.

 

Hinggil naman sa testing at quarantine protocols para sa mga pasahero na manggagaling o bibyahe mula sa bansang may nakataas na travel restrictions dahil sa bagong COVID-19 variants, ang mga incoming passengers ay susuriin kaagad sa kanilang pagdating at ika-quarantine hanggang ang resulta kasunod ng test na pinangasiwan sa ikalimang araw ay ipinalabas.

 

Samantala, inamiyendahan din ang seksyon na may kinalaman sa hotels o accommodation establishments sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na ipinanukala ng Department of Tourism.

 

Matatandaang, nauna nang inirekomenda ng DTI ang pagluluwag sa harap ng target ng pamahalaan na mas mapalakas pa ang takbo ng mga negosyo sa bansa. (Daris Jose)

Tolentino na gbabu na sa Ateneo at UAAP

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAKAYOD na para sa Choco Mucho Flying Titans ng Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas sa Abril si Fil-Canadian Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino na nakalabas na sa 14 araw na quarantine at nasa bansa na buhat sa Canada.

 

 

Kinansela ang 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20 sa nakalipas na Marso sanhi ng Covid-19 kaya nagbalik sa Vancouver ang 25-year-old, 6-foot-2 Ateneo Queen Eagle makasama ang pamilya.

 

 

Lunes, Enero 18 ng gabi, lumabas siya buhat sa sa 14-day quarantine at ang kapatid na kasabay na bumalik dto na si Philippine Basketball Association (PBA) Vince Tolentino ng Rain or Shine.

 

 

Pinasya niyang mag-pro (PVL) at iwanan ang isang taong alok na liga na papaglaruin pa ang mga ‘super senior’, pero hindi na rin matutuloy ang pagdaraos ng 83rd UAAP 2020-21 bunga pa rin ng pandemya. (REC)

Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021.

 

 

Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig.

 

 

Binigyang diin ni Baguio City Rep. Mark Go ang pangangailangan na maipasa ang mga panukala, lalo na ang HB 8317, na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco, na naglalayong gawaran ng kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin ang nakabinbing pagtataas ng kontribusyon sa SSS.

 

 

“Ang panukala ni Speaker Velasco ay nagsasaad na bibigyan natin ng kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin ang implementasyon ng pagtataas ng kontribusyon sa SSS na sa palagay ko ay dapat nating agad na aksyunan. Dahil kung hindi ay nakatakda nang itaas ang bayad nito ngayong Enero 2021,” ani Go.

 

 

Para kay Act Teachers Party-list Rep. France Castro, isa sa mga may akda ng HB 8310, ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS ay magdudulot ng mas lalong kahirapan sa mga Pilipino dahil sa kasalukuyang kalagayan sa bansa at kahit “walang maayos na pagpapabuti sa epektibong koleksyon ng SSS.” (ARA ROMERO)

MAINE, masayang kasama si ARJO sa wedding entourage ng kapatid; wish ng marami na magkatuluyan

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL na naman sa social media ang mga photos nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

 

 

Kuha ang mga larawan sa wedding ng brother ni Maine na si Nico at sister-in-law na si Krisha na kung saan kasama ang love birds sa wedding entourage, na in-upload sa fan account online na @everythingarmaine.

 

 

At based sa mga pictures, kitang-kitang ang kaligayahan nina Maine at Arjo at marami ang nagsasabi na perfect for each other sila and hopefully, mauwi rin sila sa kasalan.

 

 

Nag-post din si Maine sa kanyang IG account na mga photos, dalawang solo pic at dalawang rin na kasama si Arjo,  na may caption na, “Yesterday’s look for my brother’s wedding” at marami talaga ang natuwa.

 

 

  • Narito naman ang ilan sa comment ng netizens:

 

“Next na ang Armaine.

 

“Sana nga talaga para maka move on na mga Delulus at tigilan na si Alden kasi siya pa yung lagi sinisisi sa mga gawain ni girl.

 

“The Aldub freaks are again saying edited, please move on, it is 2021, been 6 years ago. Enough.

 

“Not an aldub/maine/alden/arjo fan ha? Pero wala naman ako nakikitamg comments na nagsasabi edited yung pic lol. Girl ikaw ang mag move on ha!

 

“Ikaw nalang may sabi niyan.. wala nang paki mga fans ni yayadub noon na nagpasikat sa kanya sa lovelife niya ngayon.

 

“dami pa ding comments from delulus sa IG and twitter. FAKE and

 

“EDITED, not to mention sarzuela daw ang lahat. Yung iba naman sabi gate crasher si Arjo at ang totoong kasama ay si Alden at ang dalawang anak nila.

 

“nasa twitter kasi lahat ng delulu. Hindi ka naman nag check ng twitter so natural wala ka makikita.

 

“I think (he/she) is pertaining to those fans on Twitter not necessarily here sa comment section. In case you’re not aware marami pa rin nauuto ng mga accounts na puro imbento yung mga tweets about Alden and Maine. They are the same people na nagpapakalat na kasal at may anak na daw yung dalawa.

 

“Sarap sa feeling pag legal on both sides tapos nakakasali sa family events ni jowa. #relatemuch.

 

“Hindi kagwapohan si Arjo but he looks dashing pero si Maine waley talaga ganda.

 

“Aw. Sana sila na talaga. Kasi mahirap yan pag nag-break, di mabubura sa wedding photos ang ex. Yan ang reason kung bakit sa debut ng pinsan ko isang pinsang lalaki lang din namin ang kinuha nyang escort.

 

Hahaha this is true. Pag di pa sure, wag isama sa official family photos as much as possible.

 

“May mga angle talaga si Maine na hindi appealing. I guess it’s her lips/mouth?

 

“Are you kidding? It is those lips that are MOST appealing. They’re called pillow lips and everyone hopes to have it.

 

“Mas fresh at bata tignan si Arjo kaysa kay Maine.

 

“Si maine and alden daw ang kinasal, edited daw ito hahahahhahaha.

 

“Real pic versus ig pic. Lol.

 

“Eh anong gusto nyo perfect sa ganda pero pangit naman ang kalooban at puros kaplastikan? Atleast kung para sainyo d kagandahan c maine eh dun lang sya sa totoong nagmamahal sknya at kung saan sya masaya. Kesa naman mabuhay sya sa ilusyon ng mga delulu na d naman sya gusto nung lalaki na pinagduduldulan sya. Don na tau sa totoo diba? Magbago na kayo bashers! Maine is happy at wala naman problema sknya, pti real fans supportado sya at family nya. Kayo nalang ang natitirang bittermelons.

 

“Ang tanong… paano gagawin ng mga adn kuno na kasalanan ni Alden na magkasama ang armaine?”

 

Well, sana nga mas marami pa ang matuwa sa relasyon at pagmamahalan nina Arjo at Maine na kaka-celebrate lang ng kanilang second anniversary.

 

(ROHN ROMULO)

‘Mahigpit na implementasyon ng protokol sa kalusugan, sundin’- Gob Fernando

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Muling binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng protokol sa kalusugan at COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions sa kanyang mensahe sa opisyal niyang Facebook page kamakailan.

 

 

“Ipatutupad po natin ng may lalong paghihigpit ang protokol at pamantayan sa kalusugan upang maiwasan ang muling pagkalat ng COVID-19, nais nating matiyak na hindi mawawalang saysay ang mga pinagtiisan at ipinaglaban natin noong ECQ,” ani Fernando.

 

 

Inulit din ng punong lalawigan na disiplina sa sarili ang pinakamabisang panlaban sa COVID-19.

 

 

“May karampatang parusa at multa ang lalabag sa health at IATF protocols dahil ang pinakamabisang panlaban ay disiplina ng bawat isa, ang pagsasagawa ng minimum health standards, kaya ugaliin po natin ang patuloy na pag-iingat at huwag po natin itong balewalain, huwag tayong masanay sa mali,” anang gobernador.

 

 

Aniya, bagaman umani ng mga papuri ang Bulacan mula sa nasyunal na pamahalaan dahil sa pagkakamit ng pinakamababang infection rate at pinakamataas na recovery rate na 96 porsyento at walang namatay sa nakalipas na mga buwan sa mga lalawigang nakapalibot sa National Capital Region, patuloy pa rin ang laban ng lalawigan kontra COVID-19.

 

 

Sinabi din niya na ayon sa mga tala, tumaas ang pagkalat ng COVID-19 nitong nakalipas na panahon ng Kapaskuhan kung kaya nananawagan siya sa lahat na gawin ang kanilang bahagi.

 

 

“Ang bawat isa ay maaaring mag-ambag sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa minimum health standards para patuloy na makabalik ang mga tao sa kanilang pagtatrabaho, maiiwasan ang pag-akyat ng kaso at ‘di mawala ang pangamba sa pagsasara ng mga negosyo at kawalan ng trabaho, at mas magiging mabilis ang pagbubukas ng ekonomiya,” bahagi ni Fernando.

 

 

Ayon sa pinakahuling surveillance update nitong Enero 20, 2021 4PM na sa 11,201 COVID-19 na mga kaso sa Bulacan, 10,090 (90%) ang gumaling, 703 (6%) ang aktibong kaso 408 (4%) ang namatay. Sa kasalukuyan, 52 na mga bagong resulta ang nadagdag sa kabuuang bilang ng mga naitalang beripikadong kaso ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)