ANG South Korean girl group na BLACKPINK na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa, ang official brand ambassador ng Globe.
Dapat pala, last Friday evening, January 22, ay may kick-off event sa Bonifacio Global City, na ang aim ng Globe ay, to “reinvent the world” of Filipino BLINKS fans by staging “The Opening Act,” na magpi-feature sila ng series of skylight displays, sa pamamagitan ng paggamit ng drones, bilang pagbibigay-pugay sa popular K-pop group.
Pero nabigo ang Globe at ang mga BLINKS na mapanood ang show dahil nag-fluctuate ang signals bago magsimula ang 7PM countdown. Hindi nag-normalize ang mga drones at nawala ang GPS at satellite signals, kaya napilitan na silang hindi ituloy ang show, bigo silang ma-regain ang access sa mga signals.
Two hours na naghintay ang mga fans kaya nag-issue ng statement ang Globe: “Due to circumstances that are beyond our control, we will need to shift gears and reschedule The Opening Act to a later date. To express our appreciation for all of you who stayed with us tonight, we will be giving away 1000 The Show tickets so you can catch the girls live on January 31.”
BLACKPINK’s The Show first ever livestream concert is slated to go on air on Sunday, January 31. Please follow Globe’s official page and the Kmmunity PH page on Facebook for more information about the concert and how to get tickets.
***
NGAYONG graduate na si Jolo Estrada, eldest son ng actor-politician na si Senator Jinggoy Estrada, nag-decide na rin siyang ituloy ang pagpasok sa showbiz.
Tinapos muna ni Jolo ang kursong Entrepreneurship sa Ateneo de Manila bago siya pumirma ng management contract sa talent manager na si Leo Dominguez ng LVD Management.
Pero bago nag-sign ng contract, nag-work out muna si Jolo dahil medyo lumaki siya noong nag-aaral pa siya. Ngayong tuloy na siya sa showbiz, hindi naman daw niya sasayangin ang pinag-aralan niya. May itinayo na siyang barber shop sa San Juan at soon ay magbubukas na siya ng boxing club, ang Ultrabox, na dapat daw ay last year pa niya ginawa kaya lamang dahil sa pandemic, ay hindi muna niya itinuloy.
Si Jolo ang second sa four children nina Sen. Jinggoy and Precy Ejercito. Minsan nang nag-try ng acting si Jolo, nang isama siya ng ama sa comedy movie nilang Ang Tatay Kong Sexy, at noon pa man ay nakatanggap na siya ng offers pero hindi niya tinanggap dahil gusto nga muna niyang magtapos ng studies niya.
From Leo: “I really saw so much star potential in him, pang-leading man. So nagpurigi akong makuha siya, until finally, pumayag na siya.”
Anong role ang gusto niyang gampanan?
“Any role, basta it’s a good and challenging role. Kumuha na ako ng acting workshops noon with Star Magic and Director Jo Macasa, at nang makita ng daddy ko ang acting videos, sabi niya mas magaling daw ako sa kanya.” (NORA V. CALDERON)