• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 6th, 2021

Debut ni Kai Sotto sa Gilas team nakatakda na sa Feb. 18 vs Korea

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Plantsado na ang debut ng 7-footer na si Kai Sotto sa seniors team ng Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ngayon ng FIBA ang full schedule ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Al-Gharafa Sports Club Multipurpose Hall sa Doha, Qatar.

 

 

Unang makakalaban ng Pilipinas sa third window ng torneyo ang mahigpit na karibal na Korea sa February 18 alas-10:00 ng gabi.

 

 

Kabilang sa makakasama sa line up ni Sotto ang mga PBA veterans na sina Kefeir Ravena at CJ Perez gayundin ang mga Gilas cadets na sina Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, at Justine Baltazar.

 

 

Ang ikalawang game ng Philippines ay kontra naman sa Indonesia sa Feb. 20.

 

 

Sa Feb. 22 naman ang ikalawang banggaan ng Gilas at Korea.

 

 

Kailangan lamang ng isang panalo ng Pilipinas sa tatlong games para mag-qualify sa 2021 Fiba Asia Cup na gaganapin naman sa Indonesia sa buwan ng Agosto.

 

 

Nito lamang nakalipas na araw ay dumating sa bansa si Kai Sotto at hindi.na ipinagpatuloy ang paglalaro sa NBA G-League sa Amerika para lamang makasama sa Gilas Pilipinas.

The Flash Meets the Heroes of The Past in ‘Justice Society: World War II’ Trailer

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IGN and Warner Bros. Animation have just debuted the first trailer for the new DC animated film, Justice Society: World War II.                                                     

 

 

In this upcoming film, the modern-day Flash, Barry Allen, travels back in time and meets the classic Golden Age superhero team Justice Society of America.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=14I0DejYo54&feature=emb_logo

 

 

The plot synopsis: Justice Society: World War II finds modern-day Barry Allen – prior to the formation of the Justice League – discovering he can run even faster than he imagined, and that milestone results in his first encounter with the Speed Force.

 

 

The Flash is promptly launched into the midst of a raging battle – primarily between Nazis and a team of Golden Age DC Super Heroes known as The Justice Society of America. Led by Wonder Woman, the group includes Hourman, Black Canary, Hawkman, Steve Trevor and the Golden Age Flash, Jay Garrick.

 

 

The Flash quickly volunteers to assist his fellow heroes in tipping the scales of war in their favor, while the team tries to figure out how to send him home. But it won’t be easy as complications and emotions run deep in this time-skipping World War II thriller.

 

 

Directed by Jeff Wamester, the film features the voices of Stana Katic, Matt Bomer, Armen Taylor, and Darin De Paul.     

 

 

This is the first film in the DC Universe Movies series — of which this film will be No. 42 over the past 14 years — to feature the Justice Society. Produced by Warner Bros. Animation, DC and Warner Bros. Home Entertainment, Justice Society: World War II is set for release on Digital and home entertainment later this year. (ROHN ROMULO)

Pagpapatupad ng child car seat law pinagpaliban

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicle Act habang tinatapos pa ng Land Transportation Office (LTO) ang guidelines ng nasabing batas.

 

 

Parehas na umayon ang DOTr at LTO na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng batas dahil na rin sa pandemic at upang mapagaralan ng mabuti ang edad at taas ng mga bata na sasailalim sa child car seat law. Pag-aaralan din ang tamang standard ng seat at mga multa na ipapataw sa mga hindi susunod at mahuhuling sumasaway sa batas.

 

 

Sinabi ni Transportatio Assistant Secretary Goddes Libiran na mga anim (6) na buwan ang kanilang kailangan upang magkaron ng malawakang information campaign bago ipatupad ang batas.

 

 

“Secretary Tugade said we must consider the current situation given the pandemic,” wika ni Libiran.

 

 

Ayon pa rin sa DOTr na ang LTO ay nasa proseso ng patapos na pag-aaral tungkol sa mga protocols na kailangan sa nasabing batas lalo na at kailangan ang special training dahil ang mga bata ay kasama sa batas na ito.

 

 

Dapat sana ay nagkaron ng enforcement at communications planning workshop ang LTO sa pagpapatupad ng Child Car Seat Law noong nakaraang March 19, 2020 subalit ito ay hindi natuloy dahil sa quarantine restrictions na pinatupad noong nagkaron ng lockdown sa Metro Manila.

 

 

Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Child Car Seat Law ang may edad na 12 at may taas na 4’11” pababa ay kinakailangan na gumamit ng car seats.

 

 

Dagdag pa ng LTO na hindi muna sila manghuhuli ng mga hindi susunod sa batas sa loob ng anim (6) na buwan o hanggang August sapagkat itutuon muna nila ang kanilang priority sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Child Car Seat Law sa mga drivers at magulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers at iba pang paraan ng kuminikasyon.

 

 

“We will not imposing fines and penalties on violators immediately. What we are doing now is focusing on a massive information campaign,” saad ni LTO chief Edgar Galvante.

 

 

Ang batas ay nagpapataw ng multang P1,000 para sa unang offense at P2,000 sa ikalawang offense hanggang P5,000 naman para sa ikatlong offense at isang (1) taon na pagsuspendi ng driver’s license depende sa ginawang offense.

 

 

Dapat sana ay ipapatupad na ang batas noong nakaraang Martes subalit ito ay ipinagpaliban muna.

 

 

Ayon naman sa mga senators dapat sana ay bigyan muna ng LTO ang mga car owners ng sapat na pagkakataon upang ang mga private car owners ay makakuha ng child car seats bago ipatupad ang batas.

 

 

“I signed a resolution urging the DOTr and LTO to defer the enforcement of the Child Car Seat Law until the necessary guidelines are put in place,” wika ni Senator Majority Leader Juan Miguel Zubiri.  (LASACMAR)

PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa  Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng 15 habang ang bansa ay nahaharap  sa   COVID-19 pandemic.

 

Ayon pa kay  Nograles na batid ng administrasyon na mayroon na lamang kulang-kulang dalawang taon si Pangulong Duterte sa kanyang termino.

 

“We have only one remaining budget to be discussed, which is the budget for 2022. Given these realities and limitations, siyempre we had to temper kung ano yung makakayanan lang po natin.” ang pahayag ni Nograles.

 

“And the realistic number that was discussed was possibly 15. This number is an indicative number lang po. It also has a lot to do with the negotiations,” dagdag na pahayag nito.

 

Noong  Enero  22, sinabi ni Pangulong Duterte sa tropa sa Sulu na nais niyang makumpleto ang decommission ng lahat ng Huey helicopters sa Philippine Air Force’s (PAF) inventory dahil sa madalas na pagkakadawit nito sa fatal crashes, kabilang na ang insidente sa Bukidnon noong Enero 16.

 

Bago pa ang naging pahayag ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mayroon na itong  existing procurement program para i- modernize  ang fleet of helicopters ng PAF.

 

Kamakailan lamang, nag- commissioned  ito ng  first six ng 16 Polish-made Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters  na inorder noong  2019.

 

Ang natitirang 10 units ay inaasahang ide-deliver  sa loob ng first quarter ng 2021. (Daris Jose)

Valdez, MILO Philippines may paehersisyo sa mga kabataan

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSANGGANG dikit ang Milo Philippines at Department of Education (DepEd) sa pagpapahalaga sa pisikal na kalusugan ng mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng social media o socmed.

 

 

Ipinahayag nitong  Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media, ang bagay ni Milo Sports Executive Luigi Pumaren.

 

 

Ayon sa opisyal, magpapatuloy ang programang ‘Milo Champion Habit’ na inilunsad noong Disyembre.

 

 

Nakapaloob sa six-minute exercise video na nakatutok sa bilis, liksi, lakas at kakayahan tampok sina volleyball player Alyssa Valdez at taekwondo coach John Paul Lizardo.

 

 

Mapapanood na ito sa Youtube para sa pagpapasigla ng katawan at isipan ng mga batang sa bahay lang sa nga mga nag-aaral dahil sa COVID-19. (REC)

Cabinet members ni Pangulong Duterte, handang makasama sa priority list ng COVID vax kung nanaisin ng president

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda umano ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasama sa priority list ng COVID-19 vaccination kung magiging daan ito upang magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna.

 

 

Paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi sila kasama sa priority list dahil ang talagang pinaka-unang prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ay ang mga medical at health frontliners.

 

 

Ayon kay Nograles, ayaw nilang maakusahan na sumisingit sa pila kung kaya’t iniiwasan nila na makasali sa priority list, subalit kung hihilingin umano na mauna silang makatanggap ng bakuna upang makatulong sa vaccine confidence ay nakahanda naman daw sila.

 

 

Bukas din aniya ang kalihim na magpabakuna ng anumang brand ng COVID-19 vaccine basta’t dumaan ito sa local regulator’s evaluation.

 

 

Handa raw si Nograles na gawin ito upang maipakita sa taumbayan na ligtas ang ipamamahaging bakuna ng gobyerno.

 

 

Batay sa vaccination plan ng bansa, mauunang makatanggap ng bakuna ang mga frontline health workers, ikalawa ang mga senior citizens, susundan ito ng mga indigent population, uniformed personnel at iba pang vulnerable population groups.

 

 

Inaaral na rin ng pamahalaan na bakunahan sa second quarter ng taong 2021 ang mga tinuturing na “economic frontliners” tulad ng mga drivers at ang mga nagtatrabaho sa food industry. (DARIS JOSE)

2 arestado sa shabu sa Valenzuela at Navotas

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang rider ang arestado ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas city.

 

 

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 12 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Staion 3 sa pamumuno ni P/Major Joebie Astucia sa kahabaan ng Magsaysay St. Brgy. Marulas nang parahin ni PSSg Salvador Estaris Jr. si Glenn Santos, 28, ng 55 Reyes Compd, Marulas na sakay ng isang itim na Mio motorcycle na may plakang 8926XV.

 

 

Gayunman, tumanggi umanong makipagtulungan at pumalag pa ang suspek kaya’t inaresto siya ni PSSg Estaris at nang kapkapan ni PCpl Reynold Panao ay nakuha sa kanya ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinanalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga.

 

 

Bukod dito, natuklasan din ng mga pulis na walang driver lincense ang suspek habang nagmamaneho ng motorsiklo.

 

 

Samantala, ayon naman kay PSMS Nemesio “Bong” Garo, dakong 1:30 ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ni Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ang natanggap na report hinggil sa umano’y riot sa Palengke St. Market 3, Brgy. NBBN, Navotas.

 

 

Pagdating sa lugar, nagtakbuhan ang mga tao subalit, bumangga sa patrol mobile ng mga pulis si Florence Reyes, 30, stevedore at nahulog mula sa kanyang kanang kamay ang isang plastic sachet ng hihinalang shabu dahilan upang arestuhin ito. (Richard Mesa)

COVID-19 death toll sa Phl, halos 11K na: DOH

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,590 mula sa nakalipas na taon.

 

 

Sa ngayon, mayroong 6.2% o katumbas na 32,775 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 91.8% (487,927) na ang gumaling, at 2.07% (10,977) ang namatay.

 

 

Mayroon kasing panibagong naitalang 249 na gumaling at 55 naman ang mga bagong namatay mula sa deadly virus.

 

 

Matapos ang final validation ay tinanggal ng DOH ang siyam na duplicates mula sa kabuuang bilang, kasama na ang dalawang recoveries.

 

 

Umabot naman sa siyam na kaso na dati ay naiulat na nakarekober ang mapag-alamang namatay matapos ang final validation.

 

 

Mayroon namang dalawang mga laboratoryo ang nabigong makapagsumite ng data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT magtulungan ang national at local  government units  upang  mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay  at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa.

 

 

Sinabi  ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III  nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment  Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan.

 

 

Pinasalamatan naman ng kalihim  si  Bulacan  Governor Daniel Fernando sa pagtitiyak na ang programa at serbisyo  ng DOLE ay makakapagbigay ng trabaho sa mga jobseeker sa pamamagitan ng PESO.

 

 

Kasabay nito,. hinamon din ng kalihim  ang Bulacan Provincial PESO na isulong ang buong institusyonalisasyon ng natitirang 17 LGU-based PESO sa kanilang lalawigan.  (GENE ADSUARA)

Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin.

 

 

Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic Committee (POC) sa eleksiyon bago natapos ang 2020

 

 

“For me I think which team you’re on or which side you’re on, we’re all here for sports. We’re all here for PH sports,” bulalas ng 37 taong-gulang at staff sergeant sa United States Army.

 

 

Nagpahatid din siya nang pagbati sa dumaig sa halalang si Richard Gomez na nagwagi sa nasabing posisyon at nagpaabot rin ng suporta kay reelected president Abraham Tolentino at chairman Stephen Hontiveros sa POC.

 

 

Hinirit pa ni Milby na may kapatid ng actor, “It’s not really about the outcome of the elections but what’s really important is that all of us in PH sports unite, get together and we bond together because we’re all in the same side of sports. We might be on different side of different issues or topics but we’re all here to help develop and promote sports and the spirit of Olympism.”

 

 

Ibinunyag din niya na malamang na hindi isama ng host Vietnam ang sport niya sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi sa darating na Nobyembre 21-Disyembre 2.

 

 

Pero susubukan pa ng ‘Pinas at ilang kaalyadong bansa na hikayatin ang Vietnamese na maihabol ang rugby sa 11-bansa, tuwing ikalawang taong paligsahan, pero kung sakaling mabigo aniya sila’y susubukang magdaos ng Southeast Asian Rugby Championship sakaling may bakuna na sa COVID-19.

 

 

Saludo ang Opensa Depensa sa inyong pagiging sport Ms. Ada. (REC)