• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 6th, 2021

Mary; Luke 1:49

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

He who is mighty has done great things for me.

Slaughter magbababalik na sa Barangay Ginebra San Miguel

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGBABALIK  na sa Barangay Ginebra San Miguel para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9 ang kontrobersiyal na si Gregory William ‘Greg’ Slaughter.

 

 

Kinumpirma ni Earl Timothy Cone ang bagong kaganapan sa Gin Kings sa pamamagitan ng Twitter nitong Miyerkoles ng gabi.

 

 

“No answers yet, except that Greg is signed,” tugong ng coach ng alak sa pag-uusisa ng isang netizen sa social media.

 

 

Sumagwa ang relasyon ng BGSM at ‘Gregzilla’ nang magpasyang basta na lang magtungo sa Estados Unidos para maglimayon ang una pagkawakas ng lumang kasunduan sa San Miguel Corporation franchise noong Enero 2020.

 

 

Idinahilan niyang hindi siya kinausap ni SMC Sports Director, Ginebra Governor at Team Manager Alfrancis Chua para sa sa ekstensiyon ng kasunduan pagkakampeon noon ng koonan sa Governors’ Cup.

 

 

Pero sinopla siya ng opisyal at giniit na responsibilidad ng 32-year-old, seven-foot cager na ipaalam sa kanya ang kalagayan ng player, kagaya sa pagkapaso ng dati niyang kasunduan sa koponan. (REC)

RICKY GUMERA, umani ng papuri kaya sulit kahit may ‘frontal nudity’

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY si Ricky Gumera, isa sa mga lead stars ng Anak ng Macho Dancer, sa magandang feedback ng netizens sa kanilang pelikula na nagkaroon ng digital screening last January 30.

 

 

Pero ikinalungkot din niya na na biktima ng piracy ang Godfather Productions dahil maraming nag-download ng copy ng Anak ng Macho Dancer at ibinenta ito online.

 

 

“Hindi naman po tama na i-pirate nila ang pelikula na hindi naman sa kanila. Piracy is a crime kaya sana ay ihinto na nila ang pag-pirate sa pelikula namin,” sabi ng baguhang sexy actor na umani ng papuri sa kanyang performance sa Joel Lamangan film.

 

 

Kwento ni Ricky, hindi raw siya ang dapat na lalabas sa role na eventually ay sa kanya napunta. Kaya lang nag-backout ang newbie na unang napili sa role upon learning na may frontal nudity.

 

Nabasa daw niya ang script at nagulat siya na mas magandang role pala ang naibigay sa kanya. Yun nga lang, may frontal nudity na kailangan.

 

Hindi naman nagdalawang-isip si Ricky dahil nagandahan siya sa script at sa kanyang role. Plus factor din na ang premyadong si Direk Joel is the one calling the shots. Kaya wala na siyang kiyeme at tinanggap ang role kahit na may frontal nudity.

 

Very thankful ang baguhang actor sa papuring kanyang natanggap. Mahusay raw ang acting niya at umaarte ang kanyang mga mata.

 

Nagulat nga si Ricky sa positive feedback sa kanyang performance pero alam naman daw niya na marami pa siyang dapat na matutunan pagdating sa acting.

 

Kaya naman promise ng binate na gusto pa niyang mag-acting workshop in preparation sa kanyang first solo starrer na Anak ni Totoy Mola.                                     

 

Napanood daw niya ang Totoy Mola at humanga siya sa acting ni Jay Manalo. Kaya gusto niyang paghandaan ang kanilang pagsasama sa naturang pelikula.

***

 

 

ARTISTA na rin si Angelina Cruz, ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.               

 

“I am super grateful to be given this project,” wika ni Angelica na part of the cast of the new CIGNAL TV and TV 5 sitcom na John en Ellen.                                                

 

“I am excited to work sa sitcom and be with Tito John (Estrada) and Tita Ellen (Adarna) na napapanood ko lang dati pero now kaeksena ko na sila.”         

 

           

Aminado si Angelica na may nerbyos siyang nung first time niya mag-taping. Hindi pa kasi siya comfortable sa kanyang Tagalog.

 

 

“But I am working on it. Nagpapaturo ako sa Mom ko to speak Tagalog better,” sabi pa ng dalaga.

 

Since her parents are both actors, hindi naman dapat masurpresa kung maging interesado rin siyang mag-artista. Actually, Angelica started out as a singer. Unang sabak niya sa acting ang John en Ellen. (RICKY CALDERON)

RIA, muli na namang napasabak sa pagbabalik-‘MMK’ kasama si JAKE, aabangan din sa series na ‘Viral’

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULI na namang napasabak sa pag-arte si Ria Atayde sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) after more than two years.

 

 

Makakatambal niya si Jake Cuenca at makakasama nila si Malou de Guzman sa natatangi nitong pagganap sa episode ngayong gabi na may titulong “Monster In Law.”

 

 

Si Jake ang gaganap na anak ng beteranang aktres at Ria naman ang manugang niya.

 

 

Magiging matamis pa nga ba ang maasim na samahan ng mag-biyenan?

 

Tikman ang sarap ng pagmamahal ngayong Sabado ng FEB-IBIG.

 

Napapanood ang MMK tuwing 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (free live-streaming), iWant TFC (on-demand streaming), at A2Z Channel 11 (free and digital TV in Mega Manila).

 

 

Isa lang ito sa apat kuwento na matutunghayan sa MMK sa buwan ng FEB-IBIG. Kasunod ng episode nina Ria at Jake ang “Love and Adulting” nina Charlie Dizon at Jameson Blake (Pebrero 13), “Love Scam” nina Dimples Romana at Ketchup Eusebio (Pebrero 20), at “Millennial Queer Women” nina Nathalie Hart at Jane Oineza (Pebrero 27).

 

 

Unang sumabak ni Ria sa MMK noong May 28, 2016 sa episode na ‘Puno ng Mangga’ kasama sina Matt Evans at Joseph Marco, na kung saan nanalo siya ng Best New TV Personality sa Star Awards for TV.                    Sa MMK episode na ‘Damit’ noong July 22, 2017, gumanap naman si Ria bilang Hershey Hilado na kung saan napalaban siya sa matinding dramahan.

 

 

Kasama rin siya cast ng ‘Portrait’ noong April 14, 2018 na pinagtambalan nina Ian Veneracion at Angel Aquino.

 


Bago matapos ang taon, nangyari na nga ang kauna-unahang pagsasama ng real life siblings na sina Ria at Arjo Atayde, sa episode na ‘Korona’ na pinalabas noong December 8, 2018. Ginampanan nila ang Sibuyan siblings na sina Armin at Rosedel na kung saan pareho silang pinuri.

 

 

Anyway, pagkatapos ng kani-kanilang episode sa MMK, magkakasama pala sina Jake Cuenca, Ria, Charlie, Jameson at Dimples sa Kapamilya series na Viral na malapit na ring mapanood sa Kapamilya channels at A2Z Channel 11.

 

 

Ka-join din sa cast sina Markus Paterson, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Kaila Estrada, Vance Larena at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

Valdez, Gumabao, Daquis nagsilbing coach kay Alex G.

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMAKTONG indoor volleyball coaches sina stars Alyssa Valdez at Michele Therese Gumabao ng Premier Volleyball  at Rachel Anne Daquis ng Philippine SuperLiga.

 

 

Kaugnay ito sa latest vlog ni celebrity vlogger at host Alex Gonzaga na pinaskil niya sa social media

 

 

May 15-minute video na tinituluhang  “Playing Volleyball by Alex Gonzaga” na masisilayan sa YouTube. Makikita ang tatlong beteranang balibolista at celebrity sa ilang sport moves bago bumanat ng aktuwal na laro.

 

 

Lumampas na sa 2,100,000 ang views sa ngayon ng vlog na kinaaliwan naman ng mga sport fan.

 

 

Magbabalik sa aksyon sa buwang ito ang semi-professional PSL sa pamamagitan ng Beach Volleyball sa Challenge Cup sa Subic, Zambales.

 

 

Nasa radar naman ng PVL na isa ng pro, na mag-training camp bubble mula sa Abril sa Calamba, Laguna bago mag-Calambubble tournament sa Mayo.

 

 

Magkatropa sa Choco Muchong  FlyingTitans sina Valdez at beauty queen Gumabao, samantalang sa Cignal HD Spikers humahambalos si Daquis. (REC)

Maraño may kondisyon sa pagpagupit ng buhok

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SABAY tayo!

 

 

Ito ang ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Marano ng F2 Logistics Cargo Movers sa nobyong si Philippine Basketball Association (PBA) Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort Batang Pier.

 

 

Kaugnay ito sa kontrahan nila sa pagpapaputol ng buhok ng 28-anyos, 5-9 ang taas at Ilongga middle hitter.

 

 

Giniit ng dalaga na babalik lang siya sa dating shorty hairstyle kapag nagpaahit din ng bigote’t balbas ang 27- taong-gulang at may taas na 6-1 na combo guard.

 

 

“Sinasadya kong asarin si Roberta (Robert Bolick),” iritableng pag-amin ni Marano sa Volleyball nitong isang araw. “Prefer niya mas maiksi ang buhok kasi naiirita siya kapag natutulog. Paahit muna siya bago ko magpaputol.” (REC)

CATRIONA, nai-record na ng ‘Bagani’ na gagamitin sa unveiling ng Metropolitan Theater ng NCAA

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS ng kanyang 14-day quarantine, hinarap agad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isang recording session.

 

 

Post ni Queen Cat on Instagram: “First day out of quarantine went something like.”

 

 

Si Jungee Marcelo ang kanyang music producer at and nire-record na awit ni Catriona ay ang song na “Bagani” na composition ni Roel Rostata.

 

 

Pinuri ni Marcelo ang husay ni Catriona sa pag-awit: “This girl can saaaang, galing!”

 

 

Ayon sa YouTube page ng PhilPop MusicFest Foundation, “Bagani” is a “product of the PhilPop Bootcamp 2019 and is in partnership with the National Quincentennial Committee, the National Historical Commission of the Philippines, and the National Commission for Culture and the Arts.”

 

 

Isang reason kung bakit ni-record ni Catriona ang “Bagani” dahil siya ang magli-lead sa unveiling ng newly renovated na Metropolitan Theater this February in celebration of National Arts Month.

 

 

Si Queen Cat ang ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at ang gagawin nilang event ay may temang “Alab-sining, Alay-sigla.”

 

 

Nagpasalamat ang NCAA kay Catriona dahil tinanggap nito ang pagiging ambassador for free.

 

 

“We thank her for helping us. Actually we cannot afford her talent fee. It’s just that she genuinely loves the arts and believes in what we’re doing because she’s also an artist. I’m really impressed with her, maka-Pilipino talaga, truthful, mababa ang loob and she loves people. I’ve met a lot of beauty queens pero pambihira si Catriona,” sey ni NCCA chairman Nick Lizaso.

 

 

***

 

 

NILABAS na ang official nominees ng 78th Golden Globe Awards na naka-schedule ang virtual awarding on February 28 on NBC.

 

 

Sina Amy Poehler at Tina Fey ang magiging host ng ceremony sa magkaibang locations. Si Amy sa Los Angeles at si Tina sa New York.

 

 

Dahil sa COVID-19 pandemic, ang usual na January date ng Golden Globes ay na-push sa February. Ang annoucement of nominees tuwing December ay nitong February 3 lang naganap. Sina Sarah Jessica Parker at Taraji P Henson ang nag-host ng virtual event.

 

Ang black & white film na Mank ang most nominated film with six. Nasundan ng The Trial of the Chicago 7 with 5. Sa TV, most nominated comedy series ang Schitt’s Creek with six samantalang and The Crown ang most nominated drama series with six.

 

 

Ang streaming service na Netflix ang nakakuha ng pinakamaraming nominations with 42, samantalang ang Amazon at Hulu ay tig-10 nominations ang nakuha.

 

 

And for the first time in Golden Globes history, tatlong female directors ang nominated: Emerald Fennell (“Promising Young Woman”), Regina King (“One Night in Miami”) and Chloé Zhao (“Nomadland”)

 

 

Narito ang mga nominees:

 

Best Motion Picture, Drama: The Father, Mank, Nomadland, Promising Young Woman, The Trial of the Chicago 7

 

Best Motion Picture, Musical or Comedy: Borat Subsequent Moviefilm, Hamilton, Music, Palm Springs, The Prom

 

Best Director, Motion Picture: Emerald Fennell, “Promising Young Woman”, David Fincher, “Mank”, Regina King, “One Night in Miami”, Aaron Sorkin, “The Trial of the Chicago 7”, Chloé Zhao, “Nomadland”

 

Best Performance by an Actress in a Motion Picture, Drama: Viola Davis, “Ma Rainey’s Black Bottom”, Andra Day, “The United States vs. Billie Holiday”, Vanessa Kirby, “Pieces of a Woman”, Frances McDormand, “Nomadland”, Carey Mulligan, “Promising Young Woman

 

Best Performance by an Actress in a Motion Picture, Musical or Comedy: Maria Bakalova, “Borat Subsequent Moviefilm, Kate Hudson, “Music”, Michelle Pfeiffer, “French Exit”, Rosamund Pike, “I Care a Lot”, Anya Taylor-Joy, “Emma”

 

Best Performance by an Actress in a Supporting Role in any Motion Picture: Glenn Close, “Hillbilly Elegy”, Olivia Colman, “The Father”, Jodie Foster, “The Mauritanian”Amanda Seyfried, “Mank”, Helena Zengel, “News of the World”

 

Best Performance by an Actor in a Motion Picture, Drama: Riz Ahmed, “Sound of Metal”, Chadwick Boseman, “Ma Rainey’s Black Bottom”, Anthony Hopkins, “The Father”, Gary Oldman, “Mank”, Tahar Rahim, “The Mauritanian”

 

Best Performance by an Actor in a Motion Picture, Musical or Comedy: Sacha Baron Cohen, “Borat Subsequent Moviefilm”, James Corden, “The Prom”, Lin-Manuel Miranda, “Hamilton”, Dev Patel, “The Personal History of David Copperfield”, Andy Samberg, “Palm Springs”

 

Best Performance by an Actor in a Supporting Role in any Motion Picture: Sacha Baron Cohen, “The Trial of the Chicago 7”, Daniel Kaluuya, “Judas and the Black Messiah”, Jared Leto, “The Little Things”, Bill Murray, “On the Rocks”, Leslie Odom Jr., “One Night in Miami” (RUEL J. MENDOZA)

Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting.

 

 

Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru bago natapos ang nagdang taon.

 

 

“’Pag may nagsasabi po na next Hidilyn Diaz daw ako, nape-pressure po ako. Pressure kasi parang ang laki na po ng expectation nila sa akin kasi nga next (2016 Rio de Janeiro Olympics silver winner) Hidilyn daw ako. Nakaka-pressure po talaga,” litanya ni Sarno.

 

 

Ang 29-anyos, 4-11 ang taas, tubong Zamboanga City at naghahangad ng ikaapat na sunod niyang Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa darating na Huly, ang pinakamatagumpay na babaing barbelista sa kasayyan ng buhatan sa ‘Pinas.

 

 

Bukod sa RDJ Olympics, nakamedalya na rin siya sa World championships, World Cup, Asian Games, Asian Championships, Southeast Asian Games at iba pang mga paligasahan sa loob at labas ng bansa. (REC)

RESUMPTION O IPAGPAPATULOY LIMITADONG FACE- TO-FACE CLASSES NG UNIVERSITY OF STO TOMAS, TULOY NA

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  para sa partial resumption ng face to face classes sa  University of Santo Tomas ay tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na  masusunod ang  itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa corona virus disease o covid 19.

 

 

 

Ito ang  pahayag ng pamunuan ng UST na lumabas sa official student newspaper na The Varsitarian kung saan sinisigurong masusunod ang  itinatakdang protocol ng  Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease at ng Commission on Higher Education o CHED  .

 

 

 

Sa ilalim ng partial resumption of classes, kabilang sa magsasagawa ng face-to-face classes ay ang internship, clerkship, practicum sa mga sumusunod na kurso: medicine, medical technology, physical therapy at nursing.

 

 

 

Sa naturang publication, ipinunto ng UST na higit na maihahanda ang mga estudyante

 

 

 

lalo ang mga doktor at health professional na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga pasyente sa hinaharap at makapagliligtas ng maraming buhay.

 

 

 

Nakasaad rin sa naturang post na magpapalabas na ng tamang  guidelines ang UST sa stakeholders sa sandaling maaprubahan na ito ng IATF at CHED. (GENE ADSUARA)

Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon

Posted on: February 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol Compound dito kaninang umaga.

 

 

May temang “Gat Blas F. Ople: Huwaran ng Kabataan, Ama ng Kabuhayan at Kaalaman”, binuhay ng mga Bulakenyo ang dakilang buhay ng ‘Ama ng Overseas Employment’ sa isinagawang unang bahagi ng programa.

 

 

Inalala rin ni Fernando ang mga ginawa ni ‘Ka Blas’ sa kanyang panahon at kung paano niya inialay ang kanyang buhay sa serbisyo.

 

 

“Binago niya po ang kahulugan ng pagiging pulitiko at lingkod bayan. Siya ay hindi kailan man naging gahaman sa kapangyarihan at siya ang naglingkod ng tahimik at buong kababaang loob hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay,” anang gobernador.

 

 

Sinundan ito ng seremonya ng opisyal na pagpuputol ng laso ng tatlong palapag na PESO building na may training rooms at lecture at conference rooms na nagkakahalagang P20 milyon na magbibigay ng iba’t ibang kasanayan, kabuhayan at trabaho sa mga Bulakenyo.

 

 

Sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal, pinuri ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre H. Bello III ang PESO Bulacan para sa kanilang pagnanais na palawigin ang kanilang serbisyo at hinamon sila na magkaroon pa ng mas mahusay na oportunidad para sa mga Bulakenyo.

 

 

“Labis kong ikinagagalak na hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin natitinag ang inyong kagustuhan na palawigin ang kalidad ng inyong pagsisilbi sa publiko. I challenge the Provincial PESO to push forward with the full institutionalization of the demeaning LGU-based public employment service offices in your province as we ascend in the new and better normal and journey towards bridging quality employment opportunities for all,” ani Bello.

 

 

Sinabi rin ng gobernador na mahalaga ang araw na ito para sa pagkakamit ng bagong tagumpay para sa lalawigan.

 

 

“Isa rin itong mahalagang araw para sa pagpapasinaya ng ating bagong PESO Building dito sa ating lalawigan. Makahulugan po ang araw na ito dahil ito ay katuparan ng isa sa mga hangarin ng ating Pamahalaang Panlalawigan tungo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Bulakenyo,” ani Fernando.

 

 

Si Ople ay isang kampeon ng International Labor, tagabuo ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangulo ng senado mula 1999 hanggang 2000 at kalihim ng Ugnayang Panlabas mula 2002 hanggang sa kanyang pagkamatay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)