• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 12th, 2021

PH COVID-19 cases umabot ng 541,560; new deaths, 114: DOH

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umabot na sa 541,560 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nadagdagan ngayong araw ng 1,345 new cases ang coronavirus tally.

 

 

“4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 9, 2021.”

 

 

Sa ngayon nasa 30,188 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling.

 

 

Nadagdagan din ng 276 ang numero ng mga gumaling, kaya ang total recoveries ay umabot na ng 499,971.

 

 

Habang 114 ang bilang ng bagong naitalang namatay, na nagpaakyat sa total deaths na 11,401.

 

 

“12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 were recovered cases.”

 

 

“Moreover, 9 cases previously tagged as deaths were reclassified as recoveries while 59 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

 

 

Una nang sinabi ng DOH na ang mataas na bilang ng bagong namamatay kamakailan ay dahil sa “data harmonization” nila ng Philippine Statistics Authority.

 

 

Wala pang paliwanag ang ahensya tungkol sa higit 100 bagong death cases ngayong araw.

Delay sa allowance ng mga health workers mula sa tatlong pampublikong pagamutan, sisilipin ni Sec. Roque

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ng validation si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa ulat na may umaalmang mga health workers bunsod ng pagkaka-antala ng kanilang allowance.

 

Batay sa impormasyon, mula umano ito sa tatlong government hospitals.

 

Ani Sec. Roque, makikipag-ugnayan siya sa DOH Finance upang malaman ang katotohanan sa napaulat na delay.

 

Aniya pa, dati ng nagalit si Pangulong Duterte nang nalaman nitong hindi nari-release ang bayad sa mga medical frontliners.

 

Kumbinsido si Sec. Roque na kung totoo man ang napabalitang muling delay sa allowance ng mga health workers ay may balidong dahilan at hindi papayag ang mga nasa likod ng pagri- release ng budget na muli silang masita ni Pangulong Duterte.

 

“Let me validate po muna itong impormasyon na ito dahil kung naalala ninyo ‘no si Presidente mismo ang nagalit noong nalaman niya na hindi nari-release itong mga bayad ng ating medical frontliners. Kampante naman po ako na dahil—na minsang naboldyak na ng Presidente iyong dapat boldyakin sa pag-delay ng release ng ganitong benepisyo sa medical frontliners ay mayroon sigurong very valid reason kung totoo ‘no,” ayon kay Sec. Roque

 

” But let me validate, Jam, first ‘no. Right after this program, I’ll get in touch with the DOH finance people,” aniya pa rin. (Daris Jose)

“Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic.

 

 

Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking.

 

 

Batay sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, sinabi ni Vargas na halos 50 ang pekeng Facebook accounts na nabistong nagsasagawa ng online adoption.

 

 

Ayon sa DWSD, nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation o NBI upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng mga social media account.

 

 

Pero giit ni Vargas, dapat ay umaksyon ang pamahalaan at ang kongreso upang mapigilan na ang ganitong uri ng kalakaran at maprotektahan ang mga bata laban sa mga kriminal.

 

 

Hindi rin aniya dapat hayaan na may mga nagsasamantala sa kahirapan ng mga tao ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

 

 

Apela naman ni Vargas sa mga magulang, kung talagang desidido silang ipaampon ang kanilang anak ay idaan ito sa legal at tamang paraan, gaya ng sa pamamagitan ng agency adoption at pino-proseso ng DSWD o kaya’y pagpapapa-ampon ng bata sa kaanak (na hanggang ika-apat na degree ng consanguinity). (ARA ROMERO)

558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang calamity assistance na nagkakahalaga ng P3,000 para sa housing materials ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses ay donasyon ng Bagong Henerasyon Partylist sa pangunguna ni Kinatawan Bernadette Herrera-Dy.

 

 

Samantala, ang 258 indibidwal na pinagkalooban ng burial assistance na nagkakahalaga ng P2,000 ay kabilang sa 550 benepisyaryo ng trust fund ng probinsya mula sa Regional DSWD.

 

 

Bukod dito, pinangunahan din Gob. Daniel R. Fernando sa pamamagitan ni Rowena J. Tiongson, pinuno ng PSWDO, ang pamamahagi sa may 50 benepisyaryo ng medical at assistive devices kabilang ang nebulizerblood pressure apparatusglucometerwheelchair at iba pa na kaloob naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

 

 

Taus-puso namang nagpapasalamat si Fernando sa mga tumulong at patuloy na nagbibigay ng donasyon para sa mga Bulakenyo dahil malaking bagay ito upang maibsan ang kanilang hirap na nararanasan.

 

 

“Maraming salamat po sa lahat ng mga kababayan natin na may busilak na puso na hindi nagsasawang tumulong sa ating mga kalalawigan. Tunay po na kapag mas marami ang nagtutulungan, mas marami pong buhay ang ating mababago at mabibigyan ng pagkakataong makapagsimulang muli,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association .

 

Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.

 

Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na ito na bahagi ng loan support program ng ahensya sa mga nagtitinda ng baboy.

 

Sinabi ni Sec. Dar na naiinindihan ng gobyerno na marami sa mga meat vendor ang naapektuhan ang kita ngayong panahon ng pandemya at nagkaroon pa ng kaso ng African Swine Fever.

 

Alam din naman aniya ng marami ngayon sa kanila ang may mga utang sa mga wholesaler kaya’t umaasa aniya ang DA na makatutulong ng malaki sa mga nagtitinda ng baboy ang loan support program na ito ng pamahalaan para sa kanila. (Daris Jose)

DURA-DURA GANG ARESTADO

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO  ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na hinihinalang miyembro ng  Dura-Dura Gang nang dakpin ng mga pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong bus.

 

Ang mga naaresto ay sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda Street, Sampaloc, Maynila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila; Richard Moreno, 39, at Erwin Obemio, 36, kapwa ng Matimyas Street, Sampaloc, Maynila.

 

Dakong alas-7:30 ng gabi nang akyatin ng mga suspek ang isang pampublikong bus na patungo sa Liwasang Bonifacioat dahil pumalag ang mga pasahero, nagkaroon ng komosyon.

 

Agad na rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct sa pangunguna ni PMaj Virgilio Platon dahilan para una nilang masukol ang mga suspek na sina Labanin at Bactol.

 

Itinuro naman ng mga suspek  ang kinaroroonan ng kanilang mga kasamahan kaya nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis dakong alas-8 ng gabi sa may Blumentritt sa Sampaloc na nagresulta naman sa pagkakadakip nina Moreno at Obemio.

 

Una rito, nagkaroon pa ng komosyon  nag pumiglas ng isa sa suspek kaya nabitawan  ni  Platon ang kaniyang baril na aksidenteng pumutok at tinamaan siya ng bala sa kaliwang paa dahilan para isugod siya sa pinakamalapit na pagamutan.

 

Ayon sa pulisya, responsable  umano ang mga suspek sa insidente ng panghoholdap at pandurukot sa mga pasahero ng bus at jeep sa Maynila kung saan modus nila ang pagdura sa pasahero para mapatayo ito at kanilang madukutan.  Nahaharap ngayon ang apat na suspek sa kasong Robbery Hold-up sa Manila City Prosecutor’s Office. (GENE ADSUARA)

Zack Snyder’s Justice League Coming To HBO GO This March, Three Teaser Posters Revealed

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. Pictures and DC full-length Max Original feature film Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021.

 

 

The announcement came with the debut of three new teaser posters.

 

 

The release of Zack Snyder’s Justice League will be supported across WarnerMedia and DC platforms, including a soundtrack release on WaterTower Music, a curated collection from Warner Bros. Consumer Products available exclusively at DC Shop at https://shop.dccomics.com/.

 

 

In Zack Snyder’s Justice League, determined to ensure Superman’s (Henry Cavill) ultimate sacrifice was not in vain, Bruce Wayne (Ben Affleck) aligns forces with Diana Prince (Gal Gadot) with plans to recruit a team of metahumans to protect the world from an approaching threat of catastrophic proportions.

 

 

The task proves more difficult than Bruce imagined, as each of the recruits must face the demons of their own pasts to transcend that which has held them back, allowing them to come together, finally forming an unprecedented league of heroes.

 

 

Now united, Batman (Affleck), Wonder Woman (Gadot), Aquaman (Jason Momoa), Cyborg (Ray Fisher) and The Flash (Ezra Miller) may be too late to save the planet from Steppenwolf, DeSaad and Darkseid and their dreadful intentions.

 

 

Download HBO GO at the App Store or Play Store on your device and enjoy a free trial.

 

 

You can also access HBO GO via Cignal or at https://www.hbogoasia.com/HBO GO can be accessed via Android TV, Apple TV, LG TV and Samsung Smart TV – and comes with AirPlay and Google Cast functionality. (ROHN ROMULO)

Nanawagan sa mga magdiriwang ng Chinese New year na mahigpit na sundin ang mga health protocols

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na February 12.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa mga health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang Covid -19.

 

Sa kabilang dako, inanunsyo rin ni Sec. Roque na kasabay ng mahalagang pagdiriwang na ito ng mga kababayan nating Filipino-Chinese, binigyan na rin ng pahintulot ng Inter-agency Task Force (IATF) ang isang mall, na malapit sa Manila Bay na magkaroon ng fireworks display.

 

Ayon kay Sec. Roque, pupuwede naman aniyang ipagdiwang ang Chinese New Year basta’t siguruhin lamang ang kaligtasan laban sa Covid-19 lalo na’t nalalapit na ang pagdating ng bakuna kontra virus.

 

Batid naman ayon kay Sec. Roque ng karamihan na pawang mild at asymptomatic ang mga dinapuan ng sakit na ito subalit nagkaroon aniya ngayon ng kaunting pagtaas sa bilang ng mga pumapanaw kaya’t marapat lamang na pangalagaan at pakaingatan ang buhay ng bawat isa. (Daris Jose)

Robredo: ‘Dapat matapos ang pagbabakuna sa lahat ng Pilipino bago mag-2023’

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na sikaping mapabilis ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa buong populasyon ng bansa.

 

 

Pahayag ito ng pangalawang pangulo matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na posibleng abutin pa ng 2023 bago maturukan ng bakuna ang lahat ng Pilipino.

 

 

“Dapat ‘yong goal natin better than 2023. Nakakapag-alala ‘yon kasi as of now, ang daming naghihirap na mga Pilipino, ang dami nang nawalan ng trabaho, so dapat ‘yong goal natin the faster na mabakunahan ang mas maraming tao,” ani Robredo.

 

 

“Dapat gan’on. Para mas mabilis na makaka-recover ‘yong economy natin. So dapat pagtulung-tulungan talaga natin.”

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na plano ng gobyernong mabakunahan ang target na populasyon pagdating ng 2023.

 

 

“So that we have that wide margin if in case the delivery will not be on time,” ayon sa DOH official sa panayam ng ANC.

 

 

Ayon sa bise presidente, handa siyang magpaturok ng bakuna para mahikayat ang mga Pilipinong tumanggap ng COVID-19 vaccine.

 

 

Ito ay kahit mayroong itinakdang priority list ang gobyerno para sa mga unang matuturukan ng bakuna.

 

 

“Mayroong inilabas na ‘yong IATF na parang prioritization. Susundin natin ‘yon. Ang priority natin, healthcare professionals at elderly.”

 

 

“Pero kung kinakailangan na magpabakuna tayo una, in public, para ma-encourage ‘yong tao magpabakuna gagawin natin ‘yon.”

VisMin sasaklolo sa basketbol

Posted on: February 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUNTIYRA ng Pilipinas VisMin Super Cup na mabigyan ng magandang buhay, mapaangat ang playing career ng mga manlalaro sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang propesyonal na liga ng basketbol sa bansa.

 

 

“We will be very happy kapag marami na sa aming mga player ang makikita namin na kukunin para maglaro sa Manila dahil ang objective namin ay mabigyan ng maayos na trabaho, magandang career at may magandang buhay ang mga player sa South,” ani League Ambassador Donaldo ‘Dondon’ Hontiveros nitong Miyerkoles.

 

 

Dumadalangin din ang ex-pro na nakapaglaro sa San Miguel Beer at Alaska Milk sa PBA, na magiging balon ng talento at susi sa kailangang players hindi lang ng PBA kundi pati sa national team sa lalong madaling panahon. (REC)