• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 12th, 2021

National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Lalahok ang mga national fencers sa Olympic Qualifying Tournament sa Abril 26 at 27 sa Uzbekistan kung saan ang mananalo lamang sa bawat kategorya ang makakakuha ng Olympic ticket sa Asian region.

 

 

Sa ibang kontinente ay ginamit ng International Fencing Federation ang world rankings para sa pagbibigay ng Olympic berth.

 

 

Bilang preparasyon sa Olympic qualifying ay ipinasok ni Gomez ang mga national fencers sa isang ‘bubble’ training sa Ormoc City.

 

 

Aasinta ng Olympic slot sina national fencers Jylyn Nicanor at CJ Concepcion sa sabre event, Hanniel Abella at Noelito Jose sa epee at Nathaniel Perez at Samantha Catantan sa foil.

 

 

Naglalaro ang 19-anyos na si Catantan, bronze me­dalist sa women’s individual foil noong 2019 Southeast Asian Games, para sa Penn State University sa US NCAA Tournament.

 

 

Si Nicanor ang kumuha ng gold medal sa individual women’s sabre ng 2019 SEA Games at naging bahagi si Abella ng gold medal winning team sa women’s epee.

Pinto ng NBA open pa rin pala para kay Sotto

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS pa rin ang pinto ng National Basketball Association (NBA) kay prospect Kai Zachary Sotto.

 

 

Pananaw ito ng beteranong basketball columnist/analyst na si Homer Sayson na nakabase sa Estados Unidos.

 

 

Ito ay kaugnay sa sinapit ng 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom, na hindi na nakabalik sa Ignite Team sa 20th NBA G League 2021 bubble tournament sa Orlando, Florida pagkabalik ng ‘Pinas noong Pebrero 2 para tulungan sana ang national men’s basketball team o Gilas Pilipinas sa nakanselang third at final window ng 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa Angeles, Pampanga at Doha, Qatar.

 

 

Sinikap humabol ng tubong Las Piñas na basketbolista sa G League bubble, pero sa kasamaang-palad ay hindi na siya tinaggap sa bubble dahil sa mahigpit na health and safety protocols bunsod ng Coronavirus Disease 2019.

 

 

Hanggang kahapon, wala pa ring bagong balita sa pinagkakaabalahan sa Amerika si Sotto at kung ano susunod na gagawin sa kanyang batang karera sa sport.

 

 

Subalit kumpiyansa ang mga Pinoy basketball fan, maging si Sayson na maaari pa ring makatungtong balang araw sa US major league ang dating Ateneo Blue Eaglets star.

 

 

“Even as we all lay grieving, I refuse to believe that Kai Sotto’s NBA dream is dead for good,” bahagi ng kolum nito lang isang araw.

 

 

“On the contrary, his journey still has more moving parts than Shakira. So shake the doldrums, Kai. Wipe the tears if there are any. You’re way better than this. A whole nation is pulling for you, kid.”

 

 

Sinasang-ayunan ng Opensa Depensa si Sayson. (REC)

Malakanyang, walang panahon para patulan ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni VP Leni

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AYAW pag-aksayahan ng panahon ng Malakanyang ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni Vice-President Leni Robredo.

 

Sa isang kalatas, sinabi kasi ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez na masyadong nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pag-atake sa Pangalawang Pangulo, kaysa tugunan ang mga problema ng bansa.

 

“Well, hindi po, hindi po namin siya pinag-aaksayahan ng panahon. tuloy po ang aming mga pagtatrabaho samantalang si VP Leni po ay namumulitika at nangangampanya na para maging Presidente sa pamamagitan po ng kanyang walang tigil na birada sa administrasyon,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Nakatutok po kami sa trabaho at ang pulitika po is at the very far and at the back … at the end of the mind of the President. Trabaho lang po kami .Patuloy ang paninilbihan,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Nitong Lunes nang gabi binanatan muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Robredo dahil sa umano’y mababa pa ring tiwala ng healthcare workers sa Chinese-vaccine na Sinovac.

 

Kung maaalala, umapela ang bise presidente na padaanin din sa review ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang nasabing bakuna, dahil 50.4% ang lumabas na efficacy rate nito nang pag-aralan sa healthcare workers sa Brazil, ayon sa Food and Drug Administration.

 

Mas mababa ang datos kumpara sa efficacy rate ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca vaccines, na dumaan sa HTAC review.

 

“Instead of helping, the Vice President muddled up everything, thereby I said creating uncertainty and doubt in the minds of the people. I hope next time, if she has nothing good to say, she should just maybe shut up… I did not get irritated. I got angry at you because I said, what is this? Time is running out to convince people,” ayon sa pangulo.

 

Pare-parehong nabigyan ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Sinovac.

 

Sa kabila nito, iginiit ng ilang opisyal na hindi na kailangan dumaan sa HTAC ng dumating na 600,000 doses ng Sinovac vaccine dahil donasyon ito at hindi binili ng pamahalaan.

 

Gayunpaman sinabi ng tagapagsalita ni Robredo, na imbis na solusyunan ng pamahalaan ang mga issue, nakakatuwa na isinisi pa rin ng Palasyo ang lahat sa bise presidente.

 

“Kulelat tayo sa pagkuha ng bakuna? Awayin si Leni Robredo. Mabagal ang pagtugon sa bagyo at baha? Siraan si Leni Robredo. Milyon milyon ang nawalan ng trabaho? Insultuhin si Leni Robredo. Tapos sila daw ang hindi namumulitika?”

 

“Sa kanila na yang puro paninisi, itutuloy na lang namin ang trabaho.”

 

Batay sa tala ng Department of Health, as of March 7, mayroon nang 35,669 healthcare workers na naturukan ng unang dose ng bakuna.

 

Target ng gobyerno na maturukan ang tinatayang 1.8-million na frontline healthcare workers ngayong buwan hanggang Abril. (Daris Jose)

3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city.

 

 

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang huli at isang batang lalaki.

 

 

Nang makita ng biktima, tinangka nitong umawat subalit humablot ang galit na suspek ng isang bote ng beer saka binasag at iwinasiwas sa biktima na naging dahilan upang magtamo ito ng malalim na sugat sa kanang hita.

 

 

Isinugod ang biktima sa San Lorenzo Ruiz Womens Hospital at kalaunan ay inilipat sa Valenzuela General Hospital kung saan ito patuloy na ginagamot habang nadakip naman ang suspek.

 

 

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Ronald Gutierrez, residente sa naturang lugar matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan malapit sa lugar kung saan naganap ang kaguluhan na kinasangkutan ng mga menor-de-edad.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Samantala, dakong 11 ng gabi, nakaupo sa kanyang pedicab habang naghihintay ng pasahero sa harap ng Master Garden, Brgy. San Agustin ang 36-anyos na pedicab driver na si Elmer Delos Angeles nang komprontahin at sapakin saka saksakin sa leeg ng kapwa pedicab driver na si Joey Lacson, 32.

 

 

Matapos nito, tumakas ang suspek subalit sumuko naman kalaunan sa Brgy. San Agustin habang isinugod naman ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan. (Richard Mesa)

Kawatan timbog sa entrapment sa Malabon

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasakote sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang isang 31-anyos na kawatan nang tangkain ipatubos ang ninakaw na mobile phone at relos sa dalawang biktimang kanyang ninakawan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Hindi na nakapalag si Ronald Lamigas, walang hanapbuhay at residente ng Block 37 Lot 17, Phase 2, Area 2, Dagat-Dagatan, Navotas City nang arestuhin siya ng mga tauhan ni P/Capt. Arguillo Zoilo, hepe ng Malabon Police Sub-Station 5 matapos makipag-tipan sa kanyang mga nabiktima dakong alas-7:30 ng gabi sa isang lugar sa North Bay Boulevard South (NBBS) sa Navotas city.

 

 

Sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Julius Mabasa, pinasok ni Lamigas ang tinutuluyang bahay nina Ronnie Neulid, 25, at Wilfredo Redulme, 59 sa Block 20-B Lot 31, Phase 2 Area 4 Brgy. Longos dakong alas-4 ng madaling araw ng Miyerkules at tinangay ang mahahalagang gamit sa loob ng kanilang bag, kabilang ang mamahaling cellular phone at wrist watch.

 

 

Natuklasan ng mga biktima ang pagnanakaw nang magising na sila kaya’t inireport nila ang nangyaring pagnanakaw sa Brgy. Longos.

 

 

Dakong alas-3 ng hapon nang makatanggap ng mensahe sa kanyang mumurahing mobile phone si Redulme na hindi tinangay ng suspek at ipinatutubos ang kanyang mamahaling relos, pati na rin ang cellular phone ni Neulid.

 

 

Sumang-ayon naman ang dalawa subalit bago sila makipagkita sa suspek sa itinakda nitong lugar sa Navotas city, humingi sila ng tulong kay Capt. Zoilo na siyang nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakabawi sa ninakaw na relos at mobile phone (Richard Mesa)

DOT: ‘Pag-require ng RT-PCR test sa mga turista, nakadepende na sa mga LGUs’

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa kamay na umano ng mga lokal na pamahalaan kung kanilang ire-require ang mga turista na sumailalim sa RT-PCR COVID-19 test bago payagang makapasok sa kani-kanilang mga lugar.

 

 

Ito ang binigyang-diin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa nangyaring distribusyon ng cash assistance sa mga tourism workers sa lalawigan ng Rizal.

 

 

Ayon kay Puyat, mga local government units na rin daw ang bahala kung anong klaseng RT-PCR test – kung saliva o swab – ang kanilang ire-require sa mga biyahero.

 

 

Inilahad din ng kalihim na may mga LGUs ang ayaw pang magbukas kahit na nasa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga ito dahil hindi pa sila handang buksan ang kanilang lugar sa mga turista.

 

 

May ilan din namang LGUs ang gusto nang tumanggap muli ng mga turista at hindi na raw kailangan pang magpa-test bago bumiyahe.

 

 

Sinabi pa ni Puyat na may ilan pa ring mga destinasyon na nag-oobliga pa rin ng RT-PCR test, tulad ng Boracay; Bohol; El Nido, Coron, San Vicente, at Puerto Princesa sa Palawan; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Pangasinan; La Union; Siargao; Siquijor; Dumaguete; at Iloilo.

100 pang frontliners sa Navotas, binakunahan ng AstraZeneca

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isa pang  batch ng100 frontliners ng Navotas City Hospital (NCH) ang nakatanggap ng CoronaVac shot sa lungsod, nitong Martes.

 

 

Sinaksihan ni Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 and testing czar, Sec. Vince Dizon, at DeparTment of Health-National Capital Region Director, Dr. Corazon Flores, ang vaccination sa Navotas Polytechnic College.

 

 

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang national government sa pagbibigay sa Navotas ng 200 doses ng CoronaVac vaccines.

 

 

“We have a surge of COVID cases that’s why I asked our national government to send us 153 more doses to cover the rest of our hospital workers. I am thankful that earlier today, they have sent 320 shots of AstraZeneca, which will cover the first and second doses of the remaining 153 personnel,” sabi niya.

 

 

“We want to make sure that our frontliners are protected as they fulfill their duty and take care of our patients,” dagdag niya.

 

 

Nasa 353 ang empleyado ng NCH at 100 sa mga ito ang unang nakatanggap ng CoronaVac vaccine noong nakaraang Biyernes. (Richard Mesa)

Walastik si Super Sonic

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALANDRA ni Super Sonic ang taglay na tulin sa huling 50 metro upang pamayagpagan ang kahaharurot na Condition Race (16) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

 

Tinutukan ng Presidential Gold Cup winner na SS sa pagrenda ni former Philippine Sportswriter Association (PSA) Jockey of the Year Jessie Guce ang pumailanlang kaagad na si Four Strong Wind, habang bumubuntot sa pangatlong puwesto si Magtotobetsky.

 

 

Pagdating ng home turn lumamang si FSW ng isang kabayo kaya nagpanik ang mga mananaya. Pero nakipagpukpukan si SS at nakalamang ng kalahating kabayo pagdating sa meta.

 

 

Naorasan ang winning horse ng 1:28.6 sa 1,400meter race na hatid ng Philippine Racing Commission  (Philracom). (REC)

Pacquiao nagbalik-tanaw sa 1988 Japanese license

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng isang throwback photo, ginunita ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang kanyang  pro boxing license na inisyu taong 1998 pa ng Japan Boxing Commission (JBC).

 

 

Ipinaskil nitong Miyerkoles ng 42-anyos,6-2 ang taas, tubong Kibawe, Bukidnon,  kasalukuyan ding senador at huling umakyat ng ruwedang parisukat noong 2019 via split decision win kay Keith Thurman ng Estados Unidos upang maagaw ang World Boxing Association (WBA) super welterweight title, ang nasabing litrato sa Facebook account page niya.

 

 

“My boxing license from 1998. What a journey it’s been. Never thought I’d be able accomplish everything God has allowed me to accomplish in and out of the ring. I thank God every day for giving me the strength to make it this far,” wika ng Pambansang Kamao/Pinoy ring icon.

 

 

Binabalak ng hander ni Pacquiao na harapin niya si four-division champion American Mikey Garcia sa muling pakikipagbanatan sa taong ito. (REC)

Ads March 12, 2021

Posted on: March 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments