• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 16th, 2021

Pontillas dagdag lakas sa Sta. Lucia Lady Realtors

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN ng armas ang Sta. Lucia Lady sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mayo sa pag-anib ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Aiza Maizo-Pontillas.

 

 

Isiniwalat nitong Biyernes ng Lady Realtors ang paglambat sa bagong sandala na aayuda kina stalwarts Mika Aereen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Amy Ahomiro.

 

 

“We are proud and excited to welcome you into the team!” pagbubunyag ng Realtors sa social media accounts. “Your leadership, skills, and character will be a boost to our 2021 campaigns! Let’s get it! #thisisStaLucia.”

 

 

Pinakahuling hinambalusan ni Pontillas, 33, at 5-10 ang taas, ang Petron Blaze Spikers sa 8th PSL Grand Prix 2020 na kinansela pagkraan sanhi ng Coronavirus Disease 2019.

 

 

Ang iba pang bagong dating sa Realtors ay sina Jonah Sabete at Kai Baloaloa. Lumipat na rin ang team mula PSL pa-PVL na magti-training camp bubble na sa Abril. (REC)

Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members.

 

 

Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid ng People’s BALITA Biyernes kay Commissioner Wilfrido Marcial bilang ayuda ng PBA sa PH squad na kakakampanya sa International Basketball Federation (Fiba) 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

 

 

“All out ang suporta natin sa mga sasali sa OQT. Sigurado na ‘yun, mag-a-allot tayo ng oras para makapag-ensayo ang 3×3 players,” giit ng opisyal ukol sa apat na basketbolista na sumungkit ng PH 30th Southeast Asian Games 2019 gold medal.

 

 

Top two 3×3 players ng bansa sina Munzon at Pasaol base sa FIBA database kung saan ang Fil-Am slasher ay world No. 105, habang ang dating University of the East Red Warrior scorer ay 148th sa men  o open division.

 

 

Kahanay ang Pin oy dribblers sa OQT Pool C ng Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic. Kailangang mag-top two finish ito sa group stage para makausad sa playoffs.

 

 

Ang gold-silver-breoze medalists lang ang mga aabante sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang ng pandemya sa darating na Hulyo 23-Agosto 8 kung saan binyagan ang 3×3 event . (REC)

Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant.

 

 

Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na tatlong returning Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bulacan na positibo sa bagong variant ng COVID-19 kung saan dalawa dito ay may UK variant at isang may South African variant nang sila ay dumating sa bansa galing sa Middle East noong Pebrero 2021.

 

 

Dalawa sa kanila ang walang sintomas o asymptomatic at ang isa ay may mild o bahagyang sintomas na ubo at sipon. Sila ay na-quarantine pagdating sa bansa sa pamamagitan ng OWWA Quarantine Operations.

 

 

“Nakatapos na ng quarantine ang mga returning OFWs nang lumabas ang resulta ng genome sequencing o ang proseso na isinasagawa upang malaman ang COVID-19 variant”, ani Celis.

 

 

Dagdag pa niya, “Kahit na recovered ang mga ito, mabilis paring naisagawa ang contact tracing at na-identify ang close contact at ang muling pag-quarantine sa mga returning OFWs gayundin ang pagsasagawa ng RT-PCR test sa mga close contact kung saan negatibo ang lumabas na resulta ng karamihan sa mga ito. Habang ang isang nagpositibo na close contact ay isasailalim din sa genome sequencing.”

 

 

Kaugnay nito, nakatakdang i-swab ulit ang dalawang pasyente na nagkaroon ng UK variants sa ika-15 at 19 ng Marso bilang pag-take ng extra precaution.

 

 

Ani Gob. Daniel R. Fernando, “sinusubaybayan natin ang sitwasyon dito sa bulacan at mahigpit na minamatyagan ang mga kaso lalu na sa mga bayang malapit sa Metro Manila. Magpapatuloy din ang ating selective lockdown sa mga pook o sitio na magtatala ng mataas na kaso. Ito ay isinasagawa lamang natin alang-alang sa kaligtasan ng publiko.”

 

 

Dagdag pa niya, “sa araw na ito, ako ay mahigpit na nananawagan ng sama-samang panalangin sa ating makapangyarihang Diyos. Una sa lahat, habang di pa completely natatapos ang pagbabakuna, paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health standards, mag-ingat po tayo at huwag na huwag magpabaya. Huwag pong ipagwalang bahala ang minumum health standards (face mask, face shield, physical distancing). Sa patnubay ng Diyos, ang health protocols na ito ang nagligtas sa ating buhay at ang pagpapabaya dito ay mangangahulugan ng ating kapahamakan.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

 

 

Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin nang naitatalang surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay Sotto, hindi dapat na maging kampante ang mga mamamayan lalo na aniya at marami pa tayong hindi alam hinggil sa mga variant ng COVID-19 na natutuklasang nakapasok na rin sa bansa.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak din naman ng alkalde na hindi sila nagpapabaya at ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

 

 

Aniya, kabilang sa mga hakbang na kanilang ipinatutupad ay ang pag-revisit sa mga protocols dahil na rin sa mga bagong impormasyon hinggil sa virus, gaya aniya ng adjustments sa mga Centralized Quarantine Facility, dahil sa rin sa iba’t ibang variant ng sakit.

 

 

Sinabi ng alkalde na may hiwa-hiwalay na gusali o silid na silang ginagamit para sa mga kaso ng variant ngunit isang hamon rito ay kinakailangan munang maghintay ng kumpirmasyon kung anong variant ang bawat kaso.

 

 

Patuloy pa rin naman aniya ang reinforcements para sa human resources ng kanilang healthcare system at mahigit 70% na ng kanilang mga hospital staff ang nabakunahan sa ngayon.

 

 

Naibalik na rin aniya ang kanilang alternative work arrangement sa city hall at tulad nang napagkasunduan ng Metro Manila Council, ini-adjust na rin ang curfew hours ng mula 10PM hanggang 5AM.

 

 

Samantala, kasalukuyang naka-isolate at naka-quarantine si  Mayor Sotto matapos pumanaw ang kanyang driver  dahil sa Covid-19 noong Sabado. Menashe ni Mayor Vico sa kanyang Twtitter account, “Last Saturday we lost a good friend , Kuya Vener to Covid-19.

 

 

“Following DOH protocol, I’ll be in quarantine until March 24  WHEN HE LAST DRIVE FOR ME).

 

 

Dagdag niya “ Will continue working  via zoom and pjone. Thank you for your kind  messages. Pls pray especially for his family.

 

 

Na-test na raw lahat ng kanyang close  contacts. Mamayang hapon ang resulta. Wag mag-alala okay naman po kaming lahat… walang sintomas

 

 

“Pero kahit mag-negative ay tatapusin ko ang quarantine alinsunod sa DOH guidelines. Posible kasing nagi-incubate pa lang ang virus kaya negative.”

TANGGAPAN NG IMMIGRATION SA INTRAMUROS, SARADO NG LUNES AT MARTES

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SARADO ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros Manila kahapon (Lunes) at ngayon (Martes) upang bigyang daan ang pagdi-disinfect sa buong gusali kasunod ng biglaang pagtaas ng  kaso ng Covid 19 sa Metro Manila.

 

 

Sa kanilang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang lahat ng transaksiyon sa kanilang tanggapan ay pansamantalang suspendido sa loob ng dalawang araw kung saan ipinag-utos nito ang “thorough sanitation and disinfection”.

 

 

Sinabihan din ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado na manatili sa loob ng kanilang bahay, bagama’t isang skeletal force ng kanilang mga personnel particular sa mga nagtratabaho sa support services at kanilang security.

 

 

Dagdag pa ni Morente na maaari silang pumunta sa kanilang mga tanggapan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang BI SM North Satellite Office at BI SM Aura Satellite Office at iba pa.

 

 

Sa mga may online appointment nitong Lunes at Martes ay maaari nilang ipa-reschedule ang kanilang appointments pag nagbukas ang kanilang tanggapan sa Miyerkules o i-check sa kanilang website sa www.immigration.gov.ph  at mga social media accounts para sa iab pang anunsiyo at advisory. (GENE ADSUARA)

SARAH, mukhang nakipagbati na kay MOMMY DIVINE; MATTEO, pinayuhan ng netizens na magpa-good shot

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG nagkabati na sina Sarah Geronimo at Mommy Divine.

 

 

Nag-react nga ang netizens at Popsters sa latest post ni Sarah sa kanyang Instagram Stories na kung saan ipino-promote ng singer-actress ang mga organic products na nagmula sa farm ni Mommy Divine sa Tanay, Rizal.

 

 

Sa mga litrato ng fruits and vegetables nilagyan niya ng caption na, “Freshly harvested organic fruits and vegetables from my Mama’s farm. Order now.”

 

 

Ito nga ang first IG post ni Sarah after ng sikreto nilang civil wedding noong February 20, 2020 ni Matteo Guidicelli, na pinagmulan ng matinding hidwaan ng mag-ina, na kung saan napasugod si Mommy Devine sa Shangri-La The Fort.

 

 

Ilan nga sa naging komento ng netizens na umaasang matuldukan na talaga ang samaan ng loob ng mag-ina:

 

“Woow! This is good news!!”

“Inalagaan din naman talaga siya ng Mama niya kaya siya Sarah G now. May part din si nanay.”

“Sarah is so kind!”

“Happy for them. Di rin nila natiis ang isa’t isa.”

“Talagang Mother knows best. Lagi mong tatandaan Yan Miss Tala or sa unboxing ang patutunguhan mo.”

“Anong mother knows best? Mommy Divine loves Sarah but with a controlling and suffocating kind of love. Sarah is in her 30’s and should be free to choose whom to love. Matteo may not be the perfect one for Sarah but he genuinely loves her and she seems to be happy with him.

“Hindi lahat ng pagkakataon “mommy knows best.” My mom made some bad decisions and investments in life. Mommy Divine should have let Sarah get married at the age of 30, and let Sarah learn on her own. I’m happy to learn Sarah and her family are reconciling.”

“This is happy news for her family!”

“As the saying goes Blood is thicker than money and Business is mightier than the pen.”

“Mukhang nagpadala si mommy para sa anak.”

“It’s actually YOUR farm, Sarah! God bless you and your family.”

“Dapat pa good shot si Matt and gawin nyang supplier ng resto nya yun farm ni Mommy D.”

“Aw! Naiyak ako pramis..”

“Thanks God, sana unti unti maging ok na lahat lahat the G’s and Geronimo fam.Happy for them.”

“This is the best news this week.”

“At the END OF THE DAY , Family pa din is Always FIRST!”

“Nakakahappy naman. Hindi nagsalita si sg ng kahit ano tungkol sa nangyari hanggang sa nagkabati… nakatulong sa pagkaka-ayos.”

“Sarah’s Mommy Divine! love love love!”

“wow sakto sa concert.”

 

(ROHN ROMULO)

Ads March 16, 2021

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Presidential Spokesperson Harry Roque positibo sa COVID-19

Posted on: March 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumpirmadong nahawaan ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19) ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si presidential Spokesperson Harry Roque, kanyang pagbagbalita, Lunes.

 

 

Aniya, kakukuha lang niya ng resulta ngayong umaga mismo — ilang oras bago samahan si Duterte mamaya.

 

 

“As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po ako para sa COVID,” sambit ni Roque sa isang press briefing kanina.

 

 

“Itong test ko kung saan tayo nagpositibo, ito po ay kahapon lamang, para nga po sana ngayon, para sa pagpupulong kay Presidente mamaya, at dito po lumabas na tayo po ay positibo.”

 

 

Asymptomatic o hindi naman daw nakararamdam ng sintomas ng COVID-19 si Roque, dahilan para maging “shocked” at surprised” siya sa resulta.

 

 

Bago ito, nag-negatibo naman daw sa COVID-19 testing si Roque noong ika-10 ng Marso bago niya samahan si Duterte sa Dumaguete noong Huwebes.

 

 

Samantala, iginigiit naman ni Roque na hindi niya naging close contact si Digong kung kaya’t wala naman daw dapat ikabahala sa kalusugan ng pangulo.

 

 

“Negative po tayo for the Dumaguete trip and I did not have any close contact with the President. Hindi po ako nakalapit sa kanya, just from afar,” sambit niya pa.

 

 

Plano na raw ni Roque magtungo sa isang isolation facility lalo na’t may comorbodity ang kanyang misis.

 

 

Nagpapa-test na rin daw ang kanyang asawa lalo na’t kasama silang matulog. “If she turns out also positive, mag-a-isolate na po siguro kaming magkasama. Pero if she turns out negative today, I intend to go to an isolation facility also because we have to walk the talk,” saad pa niya.

 

 

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, umabot na sa 621,498 ang tinatamaad ng COVID-19 sa Pilipinas. 12,829 sa bilang na ‘yan ang patay na. (Daris Jose)