• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 5th, 2021

Pagsasapinal ng supply agreement na Johnson & Johnson, ilalatag na

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISASAPINAL na ngayong araw ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson.

 

Makikipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha din ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer.

 

Maliban sa Johnson & Johnson’s ay tinatrabaho din ani Galvez nila na maisapinal na din ang kasunduan sa kumpanyang Gamaleya na siya namang manufacturer ng Sputnik V.

 

Samantala, apat na mga vaccine manufacturers ang natapos nang makapirmahan ng pamahalaan para sa supply agreement at ito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Novavax.

 

Tiiwala naman si Galvez na pagdating ng Abril ay pulido’t tapos na ang lahat ng kailangang kontrata sa lahat ng mga kumpanyang target na angkatan ng bansa ng bakuna kabilang dito ang Pfizer.

 

“Magkakaroon po kami ng meeting tomorrow and hopefully we can finalize the supply agreement po. Iyong supply agreement po ng lahat po ng ating—ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna and Novavax had been finalized and we will be finalizing iyong supply agreement po namin sa Johnson & Johnson’s and the Gamaleya,” ayon kay Galvez.

 

“We have also a meeting with Pfizer this morning and hopefully all of these contracts will be finished this coming first week or second week of April,” dagdag na pahayag ni Galvez. (Daris Jose)

Ex-President Estrada patuloy na inoobserbahan ang kalusugan

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa COVID-19.

 

 

Ayon sa anak nitong si Jinggoy Estrada na inilagay sa high flow oxygen support ang dating pangulo at ito ay nasa Intensive Care Unito ng pagamutan.

 

 

Nagpasalamat na lamang ang dating senador dahil hindi na kailangan na lagyan pa ng ventilator ang dating pangulo.

 

 

Pinapakalma rin ito para hindi na maapektuhan ang kaniyang puso na magpapagrabe pa ng kaniyang kondisyon.

 

 

Magugunitang noong Marso 29 ng itakbo sa pagamutan ang dating pangulo matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Tab Baldwin humanga sa galing ni Kai Sotto

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi maitago ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang paghanga nito sa galing ni Kai Sotto.

 

 

Kahit na naging maiksi ang pagsali nito sa ensayo ng national team noong nakaraang mga linggo ay ipinakita ng bagitong player na kaya nitong makipagsabayan.

 

 

Dagdag pa ni Baldwin na habang tumatagal ay nagkakaroon ng magandang improvements ang mga laro nito.

 

 

Naging malapit na rin aniya ang 18-anyos na Sotto sa mga miyembro ng national teams kaya maganda aniya ang kanilang game chemistry.

Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration  sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5.

 

 

Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, Texas noong Disyembre 10-14 kung lumagay sa pitong magkakatabla sa ika-13 puwesto at mapremyuhan ng $96,800 (₱4.6M) si Saso. Nagkasya lang si Pagdanganan sa $4K (₱192K) sa pagmintis sa cut.

 

 

Ang paligsahan ang ikaapat na para sa taong ito sa 19-anyos at isinilang sa San Ildefondo, Bulacan pagkalipas sumala sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020-21 15th leg at tumabla sa sumunod na mga bahagi sa ika-12 at ika-50 posisyon para sa mga grasyang  ¥1,080M (₱480K) at  ¥400K (₱178K) sa unang tatlong linggo ng nakalipas na buwan.

 

 

Kabubuhat lang ng 23 taong-gulang  at tubong Quezon City na si Pagdanganan sa pitong lumanding sa ika-34 na katayuan  na may $1,061 (₱51K) sa unang laro sa 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship ntiong Marso 26-28 sa Beaumont, California.

 

 

National teaamte sina Saso at Pagdanganan nang mapasakamay ng una ang ndividual gold at ang huli ang bronze bukod pa sa gold team event ng  ‘Pinas sa Indonesia 2018 Asian Games. (REC)

Ads April 5, 2021

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ayuda sa Abril 6 masisimulang maibigay – DILG

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan.

 

 

 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga local government units (LGU) sa loob ng tinaguriang NCR Plus.

 

 

 

Ayon kay Malaya, makabubuti kung financial aid na lang ang pamamaraang gamitin ng mga LGUs dahil mas matagal ang proseso na pagdadaanan kapag “in kind” pa ang ibibigay sa mga low-income families.

 

 

 

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na halos 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng P1,000 sa ilalim ng “dole out program” ng pamahalaan.

 

 

 

Subalit “discretion” na aniya ng mga LGU kung ang ayudang ito ay ibibigay ng in kind o cash.

 

 

 

Kapag cash, hanggang P4,000 ang puwedeng matanggap ng kada low-income family. (Daris Jose)

‘The Suicide Squad’ Red Band Trailer, Most-Watched In Its First Week

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

JAMES Gunn has revealed on his Twitter account that the red band trailer for The Suicide Squad has already broken the record for most-watched by an R-rated trailer in its first week online.

 

 

“I can’t wait for you to see Harley in her full insane glory & @IdisElba’s intense star power & the madness of King Shark, Weasel & Starro… but I’m maybe most excited about introducing the magic of @MelchoirDaniela as Ratcatcher 2 to the world.

 

 

“I just got word #TheSuicideSquad redband trailer set a new record for most views of a redband trailer in a week, with over 150 million views worldwide. I’m incredibly grateful to all of you for making this happen! THANK YOU!,” says the filmmaker.

 

 

The reboot of the The Suicide Squad, the team of comic book antiheroes has reached over 151 million views since its debuts last Friday (March 26), and now holds the all-time record worldwide.      Officially beating Mortal Kombat’s 116 million views, which by itself shattered the previous tallies set by Fox’s Logan and Deadpool 2.

 

 

Having two in-house trailers set records so quickly is yet another win for Warner Bros. in 2021, with the studio looking increasingly vindicated in the divisive decision to release its entire slate of movies on HBO Max the same day they arrive in theaters.

 

 

The first trailer for The Suicide Squad came on the heels of Zack Snyder’s Justice League too, so the DCEU has been on our minds a lot more than usual.

 

 

Not only is Godzilla vs. Kong on track to smash pandemic-era box office records, but hybrid releases The Little Things and Tom & Jerry both managed to top the domestic charts during their respective opening weekends.

 

 

The first Suicide Squad may have made a lot of money, but it’s hardly regarded as one of the best DC Comics adaptations. Gunn’s built-in popularity from helming the Guardians of the Galaxy duology for Marvel Studios and the wild red band trailer promising all sorts weird, wild, wacky and wonderful shenanigans has seen the second outing for the mismatched misfits generate plenty of buzz.

 

 

And of course, everyone wanted to show up for Margot Robbie’s Harley Quinn, who continues to steal the show with each new iteration of her character from different filmmakers.

 

 

In this Suicide Squad story, she’s donning her more classic red color palette and gets to hang out with Joel Kinnaman’s Rick Flag again, with Jai Courtney’s Boomerang and Viola Davis’ Amanda Waller also returning.

 

 

The crazy massive cast of the film also Idris Elba, Michael Rooker, Alice Braga, Nathan Fillion, Pete Davidson, John Cena and Flula Borg.

 

 

The promise of Sylvester Stallone voicing King Shark and the surprise cameo of Starro at the end of the first promo saw The Suicide Squad seize the zeitgeist, and given his background in the realm of R-rated genre insanity, Gunn is clearly pulling out all of the stops to ensure that the movie is the ideal distillation of his insane vision.

 

 

The Suicide Squad is scheduled for release in theaters and HBO Max on August 6.  (ROHN ROMULO)

YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.

 

 

Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays. 

 

 

Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and First Princess.

 

 

Ngayon ay may sarili ng pamilya ang dalawa at marami ang natuwang makita silang magkasama ulit.

 

 

“Ang tagal na panahon na rin po kasi. Kinasal na po siya, na hindi pa ako nakapunta sa kasal, nagka-baby na siya, tapos ang dami nang nangyari sa buhay niya.

 

 

“Kaya doon napunta sa vlog. Sobrang katuwaan lang po at laugh trip.”

 

 

Ilan sa TV show na pinagsamahan ng Yasmien-Rainier loveteam ay SOP Gigsters, Joyride, Click, Hokus Pokus, Tasya Pantasya, Love To Love, at Bakekang.

 

 

Maraming nagre-request na magsama ulit ang dalawa sa isang teleserye. Pero abala si Rainier sa pamilya at  mga negosyo nito kaya pass daw muna ito sa pag-arte.

 

 

Si Yasmien naman ay paghahanda sa kanyang bagong GMA series na Las Hermanas kasama sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, Jason Abalos, at Albert Martinez.

 

 

***

 

 

HINDI pinalampas ng Kapuso comedian na si Ashley Rivera a.k.a ‘Petra Mahalimuyak’ na gawan ng TikTok video ang nag-viral na lugaw incident na naganap sa Bulacan.

 

 

Kumalat ang video ng isang Grab food rider na magde-deliver ng lugaw sa isang customer sa isang barangay sa Bulacan pero hinarang ng mga tanod dahil hindi raw ‘essential’ ang lugaw.

 

 

Dahil sa ginawang pagtrato ng isang tanod sa Grab food rider, nagkaroon ito ng ingay sa social media at umabot pa ito sa TikTok na may iba’t ibang version.

 

 

Ang ginawang TikTok video ni Ashley tungkol sa lugaw incident ay pumatok sa marami at kasalukuyang nakakuha na ng  4,500 shares, 1,200 comments and 34,000 likes.

 

 

Naglabas naman ng pahayag ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tungkol sa pagiging essential good ng popular na Pinoy delicacy.

 

 

“Sapat ang umuusok sa init na isang mangkok na lúgaw para umampat ng gútom at para pawisan at gisawan ng lagnat ang maysakít. Ngunit ang lúgaw na ginagamit na sabaw o káldo (mula Espanyol na caldo) sa ibang putahe ay may ginisang bawang, sibuyas, at luya.    “Nilalagyan ito ng pinatuyông bulaklak ng kasubhâ para magkulay dilaw ang sinaing na bigas at binubudburan sa ibabaw ng mga tinadtad na muràng dahon ng sibuyas tagalog (leek).”

 

 

***

 

 

NAKAKUHA ng restraining order ang supermodel at reality star na si Kendall Jenner laban sa kanyang stalker.

 

 

According to court documents obtained by TMZ, ipinaalam ni Kendall sa media na ang kanyang alleged male stalker ay may balak ba patayin siya.

 

 

The document read, “[The alleged stalker] expressed that he planned to purchase an illegal firearm, shoot me with that firearm and then kill himself.”

 

 

Wala raw relasyon si Kendall sa naturang stalker at never pa niya itong nakikilala.

 

 

“I was terrified because he traveled across the country for the sole purpose of killing me,” sey pa ni Jenner.

 

 

Nakakaramdam daw ng severe emotional distress and anxiety si Kendall. Kinakatakot pa niya na baka hanapin siya ng stalker kapag nakalabas ng ito ng ospital.

 

 

Kasalukuyang on temporary hold sa isang local hospital’s psychiatric unit ang naturang stalker.

 

 

Due to the restraining order, the man is required to stay 100 yards away from Kendall, her home, and work until the hearing on April 20, 2021. (RUEL J. MENDOZA)

17 nadagdag na nasawi sa pandemya sa CAMANAVA

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labimpito ang nadagdag na binawian ng buhay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) dahil sa COVID-19 batay sa pinakahuling ulat ng mga City Health Offices ng mga nasabing lungsod at 4,272 naman ang active cases sa nasabing bahagi ng Kalakhang Maynila.

 

 

Pito ang patay sa Valenzuela City hanggang 10 pm ng Marso 29 habang 846 ang active cases makaraang 258 ang magpositibo at 259 ang naman ang gumaling.

 

 

Sumampa na sa 12,571 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 11,404 na ang gumaling at 321 na ang namamatay.

 

 

Apat naman ang patay sa Navotas hanggang 6pm ng Marso 28 samantalang 1,299 ang active cases matapos na 167 ang magpositibo at 109 lamang ang maitalang gumaling.

 

 

Umakyat na sa 8,179 ang nagpositibo sa coronavirus sa fishing capital, at sa bilang na ito ay 6,643 na ang gumaling habang 237 na ang namatay.

 

 

Nadagdagan naman ng apat ang pandemic fatalities ng Malabon City nitong Marso 29 at ngayon ay 318 na ang COVID death toll ng siyudad, habang 141 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 9,213 na ang positive cases sa lungsod, 1,075 dito ang active cases.

 

 

Sa kabilang banda, 123 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 7,820 ang recovered patients ng siyudad.

 

 

Dalawa ang patay sa Caloocan dahil sa COVID nitong Marso 29 habang 1,052 ang active cases.  Umabot na sa 17,504 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 15,912 na ang gumaling at 540 na ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)

PDu30, binalaan ang mga magbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga magbebenta ng mga pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.

 

Ayon sa Pangulo, titiyakin niya na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang gagawin o kaya naman ay pupulutin ang mga ito sa kung saan sila dapat pulutin.

 

“Itong nagi-import ng walang ano, walang source tapos peke tapos ang mga tao magpabakuna, magbayad ng hala dahil nga may bakuna available, I’m just warning you, huwag na huwag kayo magkakamali dito na hirap na ang Pilipino tapos dagdagan mo ng ganitong pamamaraan ng hanapbuhay. Pupulutin ka talaga kung saan ,” ayon sa Chief Executive.

 

Aniya pa, ang pagbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines at medisina ay magdudulot ng malubhang karamdaman sa isang tao.

 

“Magpeke na kayo ng candy diyan, huwag itong medisina. I’m warning you, huwag kayo magkamali dito,” anito.

 

Giit ng Pangulo na titiyakin niya na ang distributors ng pekeng Covid-19 vaccines ay maparurusahan sa krimeng kanyang ginawa.

 

“Talagang nasa iyo kung gusto mo na, panahon mo ‘di sige. Hahanapin kita at ibigay ko sayo ano ang dapat para sa iyo ,” aniya pa rin.

 

Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, “the importation, sale and administering of unregistered vaccines has a penalty of a fine or imprisonment.”

 

Samantala, umapela naman si Pangulong Duterte sa publiko na manatiling mapagpasensiya sa gitna ng pambabatikos sa limitadong suplay ng Covid-19 vaccines at mabagal na pag-rollout nito.

 

“We are really doing the best of our best talent getting the vaccine from anywhere para menos menos ‘yung hawaan,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

Aniya, kailangan na maintindihan ng publiko na ang pagbili ng Covid-19 vaccine ay hindi madali dahil sa limitadong global supply.

 

“Stretch your patience and understanding. We are doing our best. We are not a vaccine producing country. Wala tayong expertise, wala tayong knowledge. So naghihintay tayo ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

“Gusto ko nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko. Kung alam lang ninyo ang…Para akong dumadaan ng purgatoryo ngayon hangga’t hindi ko matulungan lahat ng Pilipino ,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, pinangunahan kahapon, Marso 29 ni Pangulong Duterte ang pagsalubong sa pagdating sa bansa ng isang milyong doses ng Sinovac na binili ng Pilipinas sa China.

 

Ang nasabing bakuna ay lulan ng eroplanong PR 361 na galing Beijing, China.

 

Kasama ng Pangulo sa arrival ceremony ng 1 million doses ng biniling Covid-19 vaccines sa Bulwagang Kalayaan, Villamor Airbase, sa Lungsod ng Pasay sina Health Secretary Francico Duque III, accine czar carlito Galvez Jr., Senador Bong Go at Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

 

Ang nasabing bakuna ay binili ng Pilipinas para sa mga medical healthcare workers at iba pang nasa priority list gaya ng senior citizens.

 

Samantala, ang mga in-unload na bakuna ay dadalhin sa Marikina City kung saan matatagpuan ang DOH cold storage facility.

 

Ang dumating na bakuna ay sinasabing first batch pa lamang ng mahigit sa 25 milyong doses na binili ng bansa.

 

Kung matatandaan, Pebrero 28 at Marso 24 dumating ang mga bakunang dinonate naman ng Chinese government.

 

Sa ngayon ay may kabuuang 2 milyong doses na ng Coronavac.

 

Sa ulat, ang unang batch ng donated vaccine ay naiturok na sa ilang healthcare workers at maging sa mga senior citizens.

 

Ang binili naman na bakuna ng Pilipinas ay karagdagang bakuna para mas pamabilis ang vaccination program ng pamahalaan.

 

Samantala, hindi na nakapagbigay pa ng kanyang mensahe o talumpati ang Pangulo sa nasabing event dahil kaagad na pangungunahan din nito ang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF). (Daris Jose)