• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 7th, 2021

James Gunn, Confirms ‘Guardians of the Galaxy Vol. 3’ Will Start Filming This Year

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR James Gunn confirmed via Twitter that the third part of his cosmic trilogy will begin filming this year.

 

 

Starting filming this year would put the movie on track for its announced 2023 release, and also bodes well for the Guardians of the Galaxy Holiday Special, which will be shot during filming of Guardians of the Galaxy 3, and is set to stream on Disney+ in 2022.

 

 

Director Gunn assured in 2018, inquiring minds that Guardians of the Galaxy 3 would be released in 2020. But those plans crumbled to dust and blew away like victim of the blip.

 

 

The first delays came after Gunn was briefly fired by Disney — just long enough for him to be scooped up by Warner Bros. to write and direct The Suicide Squad. Then of course the global COVID-19 pandemic also pushed the film’s start date even further back.

 

 

As reported by collider.com, all of those delays have apparently impacted the planned storyline, as Guardians star Dave Bautista told EW back in December: “I believe it’s okay to say that we will go into production late next year,” Bautista says.

 

 

“I saw a script early on when we were all on schedule and James Gunn was attached before everything went nutso. I believe because [Marvel’s] whole calendar has changed [due to the pandemic shutdown and Guardians’ production delays], that storylines have changed, and they won’t intersect like originally planned.”

 

 

In addition to the third Guardians of the Galaxy, their holiday special, and The Suicide Squad, Gunn is also making a Peacemaker series for HBO Max.

 

 

As for what Gunn plans to do after the third Guardians of the Galaxy is completed, things seem very much up in the air.

 

 

Guardians of the Galaxy 3 is set for a 2023 release. (Rohn Romulo)

Pinay volleyball star Jaja Santiago inalok na maging naturalized player ng Japan

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inalok si Filipina volleyball star Jaja Santiago ng koponan na sa Japan na maging naturalized player nila.

 

 

Ayon sa 25-anyos na middle blocker na mula pa noon ay pinili na niya ang Japanese team na Saitama Ageo Medics.

 

 

Paliwanag niya na may mga alok ang ibang bansa na maglaro sa kanilang koponan gaya sa Turkey at China subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay kaniya na nitong tinanggihan.

 

 

Dagdag pa nito na sinabihan siya ng coach ng koponan na si Antonio Marcos Lerbach na may magandang plano sa kaniya ang koponan.

 

 

Sakaling maging naturalized player na ito ay makakapaglaro na siya bilang local sa nasabing liga.

 

 

Isa rin aniyang pangarap niya ang makapaglaro sa Olympics kaya napapaisip na kagatin na lamang ang alok para maging naturalized player ng Japan.

 

 

Sa kasalukuyan ay nakatutok ito ngayon sa paglalaro sa Premier Volleyball League.

Knott itinakbo ang silver sa Littlefield Texas Relays

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMAKASANG pumangalawa para masakote ang silver medal sa 93rd Clyde Littlefield Texas Relays 2021 women’s 100-meter dash nitong Marso 25-28 sa Mike A. Myers Track & Soccer Stadium ng University of Texas sa Austin sa USA si 32nd Summer Olympic Games 2020 Tokyo, Japan hopeful Kristina marie Knott .

 

 

Nagtala ng 11.54 segundo ang 25-anyos na Pinay-Kanang sprinter at PH national record holder, na humarabas sa huling bahagi ng hagaran para malampasan ang tatlong iba pang mga karibal na sprinter sa eight-player finale.

 

 

Sinikwat ang gold ni Kiara Parker sa 11.20 clockings habang nakuntento sa bronze si Crystal Manning na may tuiyempong 12.52.

 

 

Kakasa pa ang PH 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Knott sa Pure Athletics sa Clairemont, Florida sa Abril 3, Miramar Invitational sa Florida pa rin sa Abr. 10 at high-level competition sa Gainesville, Florida sa Abr. 17.

 

 

Puntirya ni Knott na mag-qualify sa Olympics na inurong COVID-19 sa parating na Hulyo 23-Agosto 8. (REC)

LOVI, sa La Union nag-Holy Week at inabutan na ng ECQ; ex-bf na si ROCCO muling nakasama sa serye

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA La Union nagbakasyon  noong Holy Week si Kapuso actress Lovi Poe at doon na siya inabutan ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs. 

 

 

Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na kasama niya ang aso niyang si Max, taking  a walk sa tabing dagat.

 

 

Mga co-stars ni Lovi sa Owe My Love ang nagsasabing ‘we miss you.’  Isa si Rocco Nacino na may special participation sa romantic-comedy series. Bale reunion nina Lovi at Rocco ang serye.

 

 

Si Rocco ba ang sisira sa love ni Doc Migs (Benjamin Alves) kay Sensen (Lovi).

 

 

Napapanood ang high-rating serye gabi-gabi sa GMA-7, pagkatapos ng I Can See You: #Future nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

***                                                  MASAYA si Andi Eigenmann at ang kanyang family nang makakuha na ng 2 million YouTube subscribers ang kanilang Happy Island Fam vlog at Instagram, na naglalaman ng reasons bakit nagsimula sila ng kanilang YouTube vlog.

 

 

   “2M on youtube,” caption ni Andi.        “We posted our first vlog last January of 2020 because Philmar thought it would be fun to share snippets of our island life to everyone, here in Siargao.”

 

 

Ginawa raw nila iyon para ma-influence ang ibang tao to care for our environment. Gusto rin daw nilang ipakita kung paano ang simpleng pamumuhay ay makapagbibigay ng kaligayahan, at hindi kailangang laging sa mga extravagant things manggagaling.  Little acts of kindness could definitely go a long way.

 

 

Sa pamamagitan din ng vlog, naipakikita ni Andi ang kaibahan ng living in the city, nang isilang niya sa Manila ang bunso niyang si Koa at ang paninirahan nila sa Siargao island.

 

 

Matagal-tagal na ring naninirahan sa Siargao si Andi with her fiancé Philmar Alipayo kasama ang mga anak niyang sina Ellie (love child nila ni Jake Ejercito), Lilo at youngest boy nila ni Philmar, si Koa.

 

 

Si Ellie ay kinukuha rin ng amang si Jake kapag nami-miss na ang anak, para naman makasama niya sa Manila.

 

 

***

 

 

REPLAY na rin muna ang mga episodes ng longest running noontime show na Eat Bulaga simula Lunes, April 5, dahil na-extend pa muli ng isang linggo ang ECQ, na dapat natapos last Sunday, April 4.

 

 

Dati kasi Mondays to Wednesdays ay taped ang EB at live at taping na sila from Thursdays to Saturdays, pero hindi na nga sila nag-tape para sa ipalalabas sana ngayong April 5 to 7, bilang pagsunod na rin sa health protocols ng IATF.  Malalaman natin kung next week, ay magtatapos na  ang ECQ, at pwede na silang mag-live muli.

 

 

Kahit ang ibang live shows ng GMA Network ay inatasan ding mag-replay na lamang ng kanilang mga previous episodes. (NORA V. CALDERON)

Ardina bumawi sa ST 2nd leg, biniyayaan ng P221K

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASIRA si Dottie Ardina sa third at final round sa likod nang malamyang four-over par 74 pa-three-under 213 aggregate upang humilera anim para sa ikalimang puwesto na may $4,558 (₱221K) bawat isa sa pagtiklop nitong Lunes ng 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship – sa Morongo Golf Club-Tukwet Canyon sa Beaumont, California.

 

 

Palaban ang 27-anyos na dalagang tubong Laguna nang makatabla sa opening hanggang sa second round para sa ikalawang puwesto sa pagkaiwan lang ng one stroke bago nagging malamya sa pinale.

 

 

Pero maiging panresbak na rin niya ito buhat sa pagmintis sa cut at walang kinita sa ST opening leg $200K Carlisle Arizona Women’s Golf Classic nitong Marso 18-21 sa Mesa, Arizona.

 

 

Nawala rin sa porma ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Bianca Isabel Pagdanganan sa worst round na  76 pa-218 at makabilang sa pito sa ika- 34 na puwesto na may katapat lang na $1,061 (₱51K) sa unang laro niya sa Symetra.

 

 

Mabuti-buti na rin kaysa sa muling na-cut sa kakulangan lang ng isang palo sa second round ng Pinay US-based na si Clarissmon Guce kaya bokya sa gantimpala sa iakalawang sunod na linggo. Inabot din siya ng cut din sa unang torneo sa taong ito ST. (REC)

Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19. 

 

“Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“We want to see you healthy and we want you to take part in the public life of the country for a very long period of time,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Sa ulat, kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang aktor at dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Estrada, ayon sa kanyang pamilya.

 

Ang balita ay inanunsyo ng kanyang mga anak na sina dating Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa social media ngayong Lunes.

 

“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital,” ani Ejercito sa kanyang Twitter post ngayong umaga.

 

“Please pray for all those who are likewise fighting this virus.”

 

Ayon kay Jinggoy, isinugod si Erap sa ospital Linggo ng gabi dahil sa kahinaan ng katawan.

 

“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” ani Jinggoy sa Facebook.

 

Kilalang mabagsik ang COVID-19 lalong-lalo na sa mga senior citizen. Si Estrada ay 86-anyos na.

 

Matapos mamayagpag sa pinilakang tabing lalo na sa larangan ng aksyon, matatandaang nagsilbi si Estarada bilang senador mula 1987-1992 hanggang naging bise presidente noong 199-1998.

 

Umupong pangulo si Estrada noong 1998 ngunit agad ding na-impeach noong Nobyembre 2000 dahil sa paratang kaugnay ng “bribery, corruption, betrayal of public trust” at “violation of the Constitution” — hanggang sa tuluyang lisanin ang Palasyo matapos ang Ikalawang Pag-aalsa sa EDSA noong Enero 2001.

 

Matapos makulong nang maraming taon, matatandaang nakalaya si Estrada mula sa kanyang detention quarters sa Tanay, Rizal noong Oktubre 2007. Sinubukan niya uling tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 ngunit natalo ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

Nagpaabot naman ng kanyang mga panalangin kina Ejercito ang dati niyang kasamahan sa senado na si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng nasabing mga kaganapan. (Daris Jose)

Quincentennial anniversary rites of 1st Holy Mass sa PH maayos na nairaos – Sinas

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mapayapa at matagumpay naidaraos ang quincentennial anniversary rites ng First Holy Mass sa Pilipinas na isinagawa sa Limasawa, Leyte, kahapon, March 31, 2021.

 

 

Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, pinaigting ng PNP region 8 ang seguridad sa lugar para mapanatili ang peaceful and orderly culmination ng ika- 500th Year of Christianity celebration sa isla ng Limasawa.

 

 

Sinabi ni Sinas walang naitalang mga untoward incident habang isinagawa ang misa at isang maikling programa.

 

 

Nasa 500 mga katao lamang ang pinayagan para dumako sa nasabing misa bilang tugon sa public health restrictions.

 

 

Highlight sa nasabing event ang isinagawang fluvial parade ng Santo Niño De Cebu sa Brgy. Magallanes, Limasawa.

 

 

Para matiyak na maayos at mapayapa ang nasabing aktibidad, ang PNP ay nagdeploy ng limang High Speed Tactical Watercraft.

 

 

Ginamit din ang nasabing water assets para ibiyahe ang nasa 339 na mga tropa na siyang magbibigay seguridad sa nasabing aktibidad.

Ads April 7, 2021

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Janssen Pharmaceuticals naghain ng EUA application sa Pilipinas – FDA

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghain na rin ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang kompanyang Janssen Pharmaceuticals, na nasa ilaliim ng Johnson & Johnson.

 

 

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo, noong Miyerkules nang magpasa ng EUA application ang kompanya para sa kanilang single-dose na bakuna.

 

 

“They submitted the application last Wednesday. Evaluation now ongoing,” ani Domingo sa isang text message sa Bombo Radyo.

 

 

Kinumpirma rin ng Department of Health ang paghahain ng aplikasyon ng Janssen.

 

 

Sinabi ni Domingo na aabutin lang ng 21 araw ang proseso ng evaluation ng ahensya sa aplikasyon ng kompanya.

 

 

Batay sa datos ng US Centers for Disease Control and Prevention, gawa sa viral vector ang single dose na bakuna ng Belgium-based firm.

 

 

Ayon naman sa World Health Organization, mayroong 85.4% efficacy rate ang bakuna laban sa paglala ng COVID-19 infection at hospitalization.

 

 

“A dose of Janssen Ad26.COV2.S was found in clinical trials to have an efficacy of 66.9% against symptomatic moderate and severe SARS-CoV-2 infection.”

 

 

Mayroon nang emergency use authorization mula sa European Medicines Agency at US FDA ang naturang bakuna.

 

 

Sinabi ng US CDC na kabilang sa mga adverse reaction o side effect na naitala sa paggamit ng Janssen vaccine ay ang karaniwang pananakit at pamamaga sa injection site, pagkapagod, pananakit ng ulo, sipon, lagnat, at pagsusuka.

 

 

“These side effects usually start within a day or two of getting the vaccine. Side effects might affect your ability to do daily activities, but they should go away in a few days,” ayon sa US CDC.

 

 

“In clinical trials, side effects were common within 7 days of getting vaccinated but were mostly mild to moderate.”

 

 

Nakasaad sa datos ng US CDC na 3.5% mula sa mga sumailalim sa clinical trial ng Janssen vaccine ang may lahing Asian. Habang 0.3% ang mga Pacific Islander, na parehong kinabibilangan ng lahing Pilipino.

Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.

 

 

Nitong Marso 28, 2021, nakapagbigay na ng 85.57% mula sa kabuuang alokasyon na katumbas ng 20,195 na unang dose, kung saan 1,765 ay Sinovac at 18,430 ang AstraZeneca.

 

 

Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na habang sinusunod ng Pamahalaang Panlalawigan ang aprubadong listahan ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang masiguro na lahat ng Bulakenyo ay mababakunahan laban sa nakakamatay na sakit.

 

 

“Just when we finally started to vaccinate against COVD-19, medyo makakahinga na sana tayo, tsaka naman dumating ‘yung mga bagong variant, kaya naman hindi talaga tayo pwedeng kumampante. Nakakatuwa na unti-unti nababakunahan na ang mga healthcare workers natin at sa awa ng Diyos matatapos din tayong bakunahan lahat, dahil ito naman talaga ay para sa lahat, hindi pwedeng may maiwan,” ani Fernando.

 

 

Base sa listahan ng prayoridad ng pagbabakuna, kabilang sa priority eligible group A ang frontline health workers, mahihirap na senior citizen, iba pang senior citizens, iba pang mahihirap na populasyon, at uniformed personnel; habang nasa group B ang mga guro at social workers, iba pang empleyado ng pamahalaan, iba pang manggagawa, socio-demographic na mga manggagawa at mga higit na mataas ang risk maliban sa mahihirap na senior citizens at populasyon, OFWs, at iba pang mga manggagawa; at Group C para sa mga natitira pang Pilipino.

 

 

Ayon sa daily operational report mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nitong Marso 28, 2021, may kabuuang bilang na 17,103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, walang naitalang probable suspected na mga kaso habang 13,672 ang gumaling, nasa 512 naman ang nasawi.

 

 

Samantala, ayon sa World Health Organization, nagtala ang Pilipinas ng 712,442 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, 13,159 ang namatay nitong Marso 28, 2021 at sa tala naman noong Marso 19, 2021, nasa 292,667 na ang doses ng bakunang naibigay.

 

 

Kasalukuyang nasa ilalim ng isang linggong enhanced community quarantine ang Bulacan kasama ang iba pang nasa NCR plus bubble kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)