• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 9th, 2021

Pangangailangan sa pagdaragdag ng hotline para sa mga naghahanap ng ospital, handang i-ugnay ni Sec. Roque sa mga telcos

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na muling makipag- ugnayan sa mga telecommunication companies para maragdagan ang linya na maaaring matawagan ng mga mamamayan na naghahanap ng ospital upang doon madala ang mga kaanak nilang seryosong tinamaan ng virus.

 

Sa harap na rin ito ng ulat na nahihirapang makapasok sa One Hospital Command Center hotline ang mga nais magtanong kung ano- anong mga pagamutan pa ang bakante kung saan maaaring ma- admit ang nakapitan ng COVID-19 na nangangailangan ng atensiyong medikal.

 

Sinabi ni Sec. Roque na maaari siyang muling mamagitan sa mga telecoms provider kung kailangan para sa mas marami pang linya lalo na’t hindi kataka- taka na mas maraming tumatawag sa hotline ng One Hospital Command.

 

“I was instrumental actually in increasing the telephone lines to the One Hospital Command Center if you will remember ‘no in one of my press briefings,” ani Sec.Roque.

 

Importante aniyang masiguro na magiging madali ang access ng ating mga kababayang naghahanap ng pagamutang maaari nilang pagdalhan sa kanilang kaanak na nag-positibo sa COVID.

 

Naniniwala naman si Sec. Roque na hindi problema ang manpower gayong ibinuhos na aniya ng buong byurukrasya maging ng mga private call center operators ang kanilang puwersa para sumagot sa mga inquiry ng mga naghahanap ng pagamutan para sa kanilang kaanak na nadapuan ng corona virus.

 

“I called the telecoms provider ‘no. If we need to contact the telecoms provider again for more lines, we will do it. But as far as manpower is concerned, I don’t think we have a problem with manpower because we are harnessing the entire bureaucracy of government for this purpose, and even the private sector because these are manned actually by private call center operators ‘no.

 

So if the problem is additional telecom facilities, we will make arrangements again to increase the number of lines so that anyone can access the One Hospital Command Center,” ang pahayag nito.

 

“We’ll look into that because I know we’re utilizing private call center’s operators for this purpose who are experienced in dealing with this line of business. But I will check with Usec. Vega what else he needs so that the Palace can give the necessary assistance,” dagdag na pahayag nito.

Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Pero sa huli ay ikokonsidera pa rin ng Pangulo kung sino sa mga nabanggit ang mayroong numero.

 

 

“He will have to choose from Isko, Manny Pacquiao, and Bong Bong Marcos kasi wala naman nang iba,” dagdag ni Roque.

 

 

Malaking bagay aniya ang gagawing pag-eendorso ng Pangulo dahil nananatili pa ring mataas ang approval sa kanya ng publiko.

 

 

Ipinunto pa ni Roque na may makinarya ang gobyerno na magagamit ng kandidatong mapipili nito.

Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

 

 

Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin ang pamamahagi ng Supplemental Amelioration Program sa tinatayang 22.9 million low-income Filipinos.

 

 

“Higit kumulang 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng NCR at mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna na naka-ECQ ngayon ang dapat ma-bigyan ng ayuda sa lalong madaling panahon,” igniit ni Go.

 

 

“Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda. Sa tulong ng mga LGUs, dapat maipamahagi ito sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon,” ayon sa senador.

 

 

Nasa P23 bilyon ang hinugot sa balanse ng Bureau of Treasury sa ilalim ng ‘Bayanihan to Recover as One Act’ kasunod ng apela ni Go na dagdagan ang ayuda sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng ECQ measures.

Duterte fit at healthy, negatibo sa COVID-19 test

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nananatiling fit at healthy ang kasalukuyang kalusugan at kondisyon ng katawan ni Pangulong Duterte.

 

 

Reaksyon ito ng Ma-lakanyang sa kumalat na balita na na-stroke umano ang Punong Ehekutibo.

 

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Filipino na nag-aalala sa kalusugan ng Presidente.

 

 

Sinabi rin ni Roque na patuloy na ginagampanan ng Pangulo ang kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.

 

 

Siniguro rin ni Sen. Bong Go na malakas at hindi tinamaan ng COVID-19 si Pangulong Duterte. Aniya ang swab test ay isinagawa nitong nakaraang Semana Santa.

 

 

Samantala, pinabawasan ng Presidential Security Group ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte matapos mara-ming miyembro ng PSG ang nagka-COVID.

 

 

Ayon kay PSG commander, Brig. General Jesus Durante, hindi muna ipagsasapalaran ng kanilang hanay ang kaligtasan ng Pangulo hanggang nananatiling mataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

 

 

Sa ngayon, naka-lockdown ang buong Malacañang Complex dahil umii­ral ang ECQ sa Metro Manila.

IVERMACTIN, INAPRUBAHAN NA NG FDA

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.

 

Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit  para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19.

 

“May isang ospital na nag-apply for compassionate use at na-grant na nga ng araw na ito”, ayon kay Domingo.

 

Una nang sinabi na  ang gamot na Ivermectin ay pinahihintulotan lang na gamitin para sa hayop at hindi pinapayagan para panggamot sa tao lalo na para sa panlaban sa COVID-19.

 

Gayunman, nilinaw ni Domingo na ang nasabing “compassionate use” permit sa paggamit ng Ivermectin ay naiiba mula sa nakabinbing aplikasyon ng dalawa ng local na manufacturers  na humihingi ng certificate of product registration para sa Ivermectin. (Gene Adsuara)

IVERMECTIN, LABAG SA PAGBEBENTA

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LABAG ang pamamahagi, pagbebenta at kahalintulad ng mga hindi rehistradong medical products gaya ng Ivermectin,sa ilalim ng Republic Act 9711 of FDA Act 0f 2009  ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ito ni Health Usec Maria Rosette Vergeire, sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa paggamit ng naturang gamot na isang veterinary product .

 

 

Ilan kasi sa mga nagsusulong sa paggamit ng naturang gamot para sa COVID-19 ay ilang mga kongresista na umano’y nakasubok na rin sa Ivermectin.

 

 

Babala naman ng DOH, hindi matitiyak ng gobyerno na ligtas ang naturang gamot lalo’t hindi rehistrado para inumin. Hindi rin umano ito kayang protektahan ang sinuman mula sa anumang sakit.

 

 

Ayon pa kay Vergeire, ang Ivermectin ay wala pang aprubado sa FDA  para sa human consumption o para maaaring magamit o mainom ng tao at lalo para sa  panlaban sa COVID-19.

 

 

Nauna na ring inihayag ng kumpanyang Merck, na siyang manufacturer ng Ivermectin, walang “scientific basis,” ebidensya at kulang pa sa safety data na makakapagsabing epektibo ang Ivermectin kontra sa COVID-19. (GENE ADSUARA)

Mga empleyado ng mga rail lines dumarami ang kaso ng COVID 19

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumarami ang mga empleyado ng tatlong (3) rail lines ang mga nag positibo sa ginagawang malawakang testing ng COVID 19 na pinagutos ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

Mula sa dating datus na 428 noong nakaraang Linggo, pumalo na ang mga positibong kaso sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2, at Philippine National Railways (PNR) ng 478 ang kaso hanggang noong April 5.

 

Sa LRT 2 na may empleyadong 1,696, 592 ang sumailalim sa testing at 143 ang nag positibo.

 

 

Ang MRT 3 naman na may kabuohang empleyadong 3,284, ang nag positibo ay 120 mula sa 709 na mga empleyado na sumailalim sa testing.

 

 

May 94 na empleyado ng LRT 1 ang nagpositibo sa ginawang testing mula sa 281 na sumailalim sa testing. Ang kabuohang empleyado ng LRT ay umaabot ng 1,185.

 

 

Para na man sa PNR, lumabas na mayron itong 121 na positibong kaso mula sa 586 na sumailalim sa testing kung saan ito ay may kabuohang 1,420 na empleyado.

 

 

“DOTr Secretary Arthur Tugade earlier ordered the mass testing of all railway personnel in order to ensure the safety and overall well-being of commuters and rail workers,” wika ni rail undersecretary TJ Batan.

 

 

Ayon kay Batan, ang MRT 3, LRT Lines 1 & 2 ay magkakaron muna ng limitadong operasyon pagkatapos ng nakaraang Semana Santa habang ang PNR naman ay magsisimula ng kanilang operasyon ngayon April 9 upang magbigay daan sa ginagawang mass testing dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19 nitong mga nakaraang linggo.

 

 

“This means that the rail lines will deploy fewer trains. Passenger capacities of each rail line would remain at 20 percent to 30 percent. We will maintain the 20 to 30 percent capacity for each train that will implement during the first week of the ongoing enhanced community quarantine (ECQ). What will be changed is the number of trains that will be dispatched as we will have to make it suitable to the number of available personnel for each line,” dagdag ni Batan.

 

 

Ang MRT 3 ay maglalabas ng sampu (10) hanggang labing-dalawang (12) trains lamang kumpara sa dating average na labing-walo hanggang dalawangpo (20).

 

 

Habang ang LRT 1 naman ay maglalabas ng labing-pito (17) na trains mula sa dating average na dalawangpong-apat (24) sa karaniwang araw habang ang LRT 2 naman ay pipilitin na dati pa rin na limang (5) trains ang mag ooperasyon.

 

 

Samantala, ang PNR naman ay pinupuntiryang maglabas ng sampo (10) train sets o limangpot-lima (55) trips kada araw kung ito ay magsisimula ng mag operasyon ngayon Biyernes. Kumpara sa dating average na labing-isa (11) hanggang labing-dalawa (12) sets at animnapo (60) trips kada araw.

 

 

“Commuters who would be affected by the limited operations of the railways will be served by augmenting buses. Our railway lines have bus routes assigned to them,” wika ng DOTr. (LASACMAR)

Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.”

 

Inilagay naman ni Sec. Andanar ang malaking “fake news” sa harap mismo ng nasabing screen shot bilang caption upang pabulaanan ang nasabing pekeng balita.

 

Kapansin-pansin naman na hindi na makita ang nabanggit na post ng Maharlika.tv na kung saan ay iniugnay nito ang balitang heart attack ni Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng kanyang public address sana kagabi ng Chief Executive at nitong nagdaang Lunes. (Daris Jose)

45 miyembro ng PSG, positibo sa Covid -19

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa, hindi rin nakaligtas ang Presidential Security Group mula sa virus.

 

Sa katunayan ay nakapagtala na ito ng 126 na bilang na nagkaroon ng infection ng virus. Mula sa nasabing bilang ay 45 na ngayon ang naitalang active cases at nagpapagaling.

 

Bagama’t ganito ang situwasyon ay patuloy naman na ginagampanan ng mga PSG personnel ang kanilang mandato sa mga presidential engagements at routine security operations.

 

“We protect our VIPs; guard the PSG compound, the residence and the whole Malacañang Complex 24/7, where civilian residents are also situated, thus, exposure to the virus is inevitable,” ayon kay PSG Commander BGen. Jesus P. Durante III.

 

Giit at tiniyak ni Durante na wala ni isa man sa mga PSG personnel na infected ng virus ang direkta at malapitang naka- detailed kay Pangulong Duterte.

 

Lahat aniya ng mga ito ay asymptomatic at hindi nakaranas ng kahit na anumang adverse symptom.

 

“Hence, rest assured that the President is safe and in good health,” diing pahayag ni Durante.

 

Gayundin, ang PSG sa pamamagitan ng Task Force COVID-19 at ang medical staff ay patuloy na mahusay at epektibong pinamamahalaan ang situwasyon upang matiyak na ang mga nag-positibo sa covid 19 ay makukumpleto ang kanilang quarantine protocols at maayos na na-proseso.

 

Idagdag pa na ang lahat ng health at safety protocols ay mahigit na ipinatutupad sa lahat ng PSG personnel at kanilang dependents.

 

“Despite the challenges posed by the virus, PSG continues to perform its mandate. As earlier mentioned, we have established protocols to contain the spread of the virus and we will continue to enforce it so that the President is kept safe and secured from all forms of threats at all times,” giit ni Durante. (Daris Jose)

Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19.

 

Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute.

 

Tinatayang nasa, 80 mga kuwarto ang sinisikap ng gobyerno na mailaan para sa mga taga-PGH, 20 kuwarto para sa mga taga- East Avenue ganundin para sa mga taga- Lung Center at NKTI.

 

“Monday na Monday ay kasama ko po si Sec. Vince, talagang binisita namin iyong East Avenue Medical Center, Lung Center at saka iyong NKTI and then also nabisita ko na rin iyong PGH at hinihiling nga po na magkaroon po ng extra hotels iyong ating mga COVID-affected nurses and doctors.

 

So sa ngayon po we are negotiating for 80 rooms para sa PGH, sa East Avenue po mga 20 rooms, and then also sa Lung Center ay 20 rooms at saka NKTI – with the total of 280 beds,” anito.

 

Ani Galvez nais nilang matiyak sa mga health workers na naririto ang gobyerno at nakahandang ibigay ang suporta sa kanila lalo’t sakali mang matamaan sila ng virus.

 

“Iyon po ay inano po namin na in-assure po namin na talagang tutulungan po ng gobyerno ang ating mga afflicted na mga health care workers at saka po talaga nagpu-provide po tayo ng support na at least iyong ano po, ma-ease up po iyong kanilang mga pressure.”

 

“Nakita ko po sa East Avenue at saka sa Lung Center at saka sa NKTI, high morale po iyong ating mga health care workers kahit nakita po namin ang pagod nila, ang dedication po nila nakaka-inspired po ang dedication ng ating mga health care workers. At ako po ay talagang humahanga po talaga sa kanila kasi talagang halos… dito po sa PGH more than 200 po ang affected na nagkaroon po ng COVID pero talagang tuluy-tuloy pa rin po ang kanilang pagbabakuna, tuluy-tuloy ang kanilang pag-aano sa mga emergency room at tuluy-tuloy rin po ang talagang pag-agapay nila po sa kanilang mga talagang naghihirap po natin na mga ibang mga pasyente at talagang tinutulungan po nila,” litaniya nito.

 

Samantala, nagpahayag ng paghanga si Galvez sa mga health workers na personal niya aniyang nasaksihan ang dedikasyon na sobrang nakapagbibigay ng inspirasyon.

 

“So ako po ay talagang saludong-saludo sa ating mga health care workers at sinasabi nga po nila na gusto nga po nila na magkaroon po ng message ang ating mahal na Presidente para sa kanila. And then I gave them iyong message na pinagawa po ng RTVM at maraming, maraming salamat po,” pahayag ni Galvez. (Daris Jose)