• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 12th, 2021

Lobrequito, 3 pa tagilid sa Summer Olympic Games

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SABLAY makipagbuno si freestyler Alvin Lobrequito sa Asian Wrestling Championships sa darating na Abril 12-17 sa Almaty, Kazakhstan bunsod ng kawalang Detailed Service (DS) permit sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Namemeligro na rin ang pagdayo niya sa Sofia, Bulgaria kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel Morada sa World Olympic Qualification sa Mayo 6-9 kasunod sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covd-19.

 

 

Kumpiyansa pa rin naman hanggang Martes si Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary general Marcus Valda, na makakapag-training sa lalong madaling panahon ang apat na mambubuno  upang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong din ng pandemya sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

Buhat sa Berlin 1936 Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang mga nakasabak sa quadrennial sportsfest. Pinahauli nga lang ay noon pang 1988 Seoul Games sa katauhan nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante. (REC)

Task force COVID-19 head Defense Sec. Lorenzana, nagpositibo sa COVID

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.

 

 

Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo.

 

 

Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa isolation ang kalihim batay naman sa quarantine guidelines.

 

 

Kaugnay nito, inabisuhan na rin daw ang mga taong na-expose sa kanya.

 

 

Sa kabila nito, ang Department of National Defense ay magpapatuloy pa rin sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng skeleton workforce upang matiyak ang pagseserbisyo sa taongbayan.

 

 

“The result of my RT-PCR test today, 06 April 2021, came up positive. I will be undergoing isolation, following the quarantine guidelines to avoid infecting others. Those who have been exposed to me have been informed. They have been advised to isolate and get tested for COVID-19 as well,” ani Lorenzana sa statement. “I would like to remind everyone that the threat of the virus is as real as ever, more so now due to the new variants. Let us all cooperate and abide by the prescribed health protocols to help in curbing the spread of COVID-19. Be safe everyone!”

 

 

Kasabay nito, nagpasalamat pa rin si Lorenzana na kahit daw papaano siya ay asymtomatic.

 

 

Kung maalala nito lamang nakalipas na linggo nagpositibo rin sa COVID-19 ang tinaguriang contact tracing czar na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

 

 

Habang ang task force spokesman naman na si Secretary Harry Roque ay kagagaling lamang sa pagpapagaling din sa virus.

 

 

Ang sunod-sunod na pagkahawa ng ilang top officials ng IATF ay sa gitna na rin nang “surge” ng COVID cases sa bansa kung saan noong April 2, 2021 ay naitala ang record breaking na mahigit sa 15,310 na COVID infections. (Gene Adsuara)

KC, nag-celebrate ng 36th birthday kasama ang pamilya ni GABBY; sa beach house inabutan ng lockdown

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA halip magreklamo, natuwa pa si KC Concepcion na inabutan siya ng lockdown sa beach house ng amang si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas.

 

 

Dahil sa ECQ sa NCR at apat pang bayan na malapit sa National Capital Region na hindi pa alam kung muling mai-extend para hindi pa siya makabalik sa NCR ngayon.

 

 

Last April 7, ay 36th birthday ni KC Concepcion at masaya siyang nag-celebrate doon, kasama si Gabby at ang mga sisters niyang sina Samantha at Savanna, at si Tita Genevieve Yatco Gonzales niya, ang wife ng daddy niya.

 

 

Sa Instagram post ni KC, she is making up daw some lost time with her younger siblings.

 

 

“”Happy Easter! Grateful to have this chance to spend time with my little sisters Samantha and Savannah!  Been locked down together and making up for lost time.”

 

 

Sa mga Instagram post pa ni KC, kitang masaya siya sa pagbabakasyon sa Lobo, na pinupuntahan ang mga magagandang lugar doon, plus maganda naman talaga ang vacation house ng daddy niya.  Fresh air, fresh food ang kinakain nila at enjoy siyang kasama ang dalawang young sisters niya.

 

 

Matagal nang naghiwalay ang parents ni KC at caption pa niya, “today they have their own families, who are also my own… I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and giving importance and nurturing relationships between both my families can be tough- always a balancing act.”

 

 

Pawang mga babae ang naging anak ni Gabby sa naging karelasyon niya noon. After KC, sumunod si Garie, si Cloie (na may asawa na ngayon), sina Samantha at Savanna, at sa Mommy Sharon niya, dalawa rin ang sisters ni KC sina Frankie at Miel. May adopted brother sila, si Miguel.

 

 

At 36, nanatili pa ring single si KC, kahit na gustung-gusto na ng mommy niya na mag-anak na siya.

 

 

***

 

 

WAGI ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman bilang Best Supporting Actor sa 4th Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap noong April 4.

 

 

Pinarangalan si EA para sa kanyang pagganap bilang si Neb sa pelikulang Coming Home.

 

 

Ibinahagi ni EA na hindi niya inaasahan ang pagkilalang ito. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

 

 

“Oh, my God! Unexpected,” aniya sa kanyang speech.

 

 

“Unang-una gusto kong magpasalamat kay Lord for the talent and the passion. ‘Yung every project na ibinibigay N’ya sa akin, andoon ‘yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi n’ya iniiwan bigla kundi binibigay N’ya. Thank you sa lahat ng bumubuo sa The EDDYS, sa SPEEd, ito ang kauna-unahang award ko sa inyo and this means a lot to me.”

 

 

“Idini-dedicate ko po itong award ko sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa lahat ng aking mga inspirasyon, sa mga sumusuporta, sa mga nagmamahal, sa GMA Network family, Artist Center, and ALV family, maraming salamat po,” dagdag pa ng Kapuso star.

 

 

Samantala, abangan si EA sa Heartful Café na malapit nang mapanood sa GTV at Agimat ng Agila sa GMA-7.

 

 

***

 

 

FIVE years ago, naging mag-sweetheart sina Kapuso stars Lovi Poe at Rocco Nacino, nang gawin nila sa GMA Network ang teleseryeng Beautiful Strangers na kasama rin nila si Benjamin Alves. 

 

 

The two called it quits, pero ngayon ay muli silang magkakasama sa romantic-comedy series ng GMA Public Affairs, ang Owe My Love na may special performance si Rocco as Dr. Kenneth Paul.

 

 

Si Doc Kenneth ba ang sisira sa maganda na sanang relasyon nina Dr. Migs (Benjamin) at Sensen (Lovi)?.

 

 

Nagpaalam daw ba si Rocco sa wife niyang si Melissa Gohing na maggi-guest siya sa serye at muli niyang makakatrabaho si Lovi?  Nang sinabi raw niya iyon kay Melissa, siya pa nagsabi na ituloy ko na, magandang trabaho.

 

 

“Kaya  nang pumasok na ako sa serye, kinusap ko muna si Lovi at si Benjamin, para sa aming mga roles, at malalaman ng mga viewers kung bakit nagngitngit si Doc Migs kay Dr. Kenneth. 

 

 

Masaya ang set na pinasukan ko at marami akong kasama na first time kong makatrabaho.  Sana po gabi-gabi ay panoorin ninyo ang love triangle nina Sensen, Doc Migs at Doc Kenneth.” Dagdag pa ni Rocco.

 

 

Napapanood gabi-gabi ang Owe My Love sa GMA-7 pagkatapos ng I Can See You. (NORA V. CALDERON)

SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NAKAMIT NG NAVOTAS

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasungkit muli ng Navotas ang Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation para sa pangatlong magkakasunod na taon.

 

 

Natanggap ng lungsod ang recognition sa ginanap na 14th National Educational Summit.

 

 

Dalawang local government units lang sa National Capital Region ang nabigyan ng ganung karangalan.

 

 

Pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang sektor ng edukasyon ng lungsod at lahat ng mga kasosyo at stakeholder nito.

 

 

“We are grateful to our teachers, parents, local school boards, school governing councils and all of our education stakeholders for their steadfast commitment to give Navoteño youth the best education possible, whatever the circumstances are,” ani Tiangco.

 

 

Noong nakaraang taon, namigay ang Navotas ng 49,000 NavoSchool-in-a-Box (NavoBox) na isinagawa ng Department of Education’s Learning Continuity Plan for 2020-2021. Ang NavoBox ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, worksheets, lesson guides for parents/guardians, school supplies, at hygiene kits.

 

 

 

Kinilala ng Department of Education ang NavoBox bilang isang modelo para sa blended learning delivery at ginamit bilang benchmark ng iba pang mga lungsod sa buong bansa.

 

 

 

Ang Navotas Schools Division Office ay inilunsad din ang Hatid-Aral Project, kung saan ang mga barangay opisyal at mga miyembro ng school governing councils ang tumulong sa paghatid ng NavoBox sa bahay ng mga estudyante para hindi na ito kunin ng mga magulang.

 

 

Itinatag din nito ang Project: Teach-a-Learning Child (Project TLC), kung saan isang volunteer tutor ang tumutulong sa isang mag-aaral sa mga worksheet sa NavoBox. (Richard Mesa)

Ochoa atat na sa bunuan

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GIGIL nang magbalik sa praktis si 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s jiujitsu -45-kilogram gold medalist Margarita ‘Meggie’ Ochoa para sa preparasyon sa mga balak sabakang kompetisyon sa taong ito.

 

 

May isang taon na ang patuloy na pamiminsala ng Coronavirus Disease 2019 kaya nabulilyaso ang training at international, national competition ng mga national jiu jitsu artist na kagaya ng dalaga.

 

 

“I think makakabalik naman it’s just a question of when,” bulalas Lunes ng 30-anyos na brown belter Brazilian martial practitioner. “Hindi natin alam kung kailan pero ang sport namin is very flexible, nag-a-adjust sa mga sitwasyon.”

 

 

Pasok muli ang jiu jitsu sa 31st SEA Games 2021 sa Nobyembvre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Positibo si Ochoa na masasama sa mga unang mabibigyan din ng Covid-19 vaccine ang mga national athlete para makabalik agad sa training sa lalong madaling panahon.

 

 

Plano ng Jiu jitsu Federation of the Philippines (JFP) na isailalim din ang mga atleta sa isang ‘bubble’ training din katulad ng mga patungong Olympic Qualifying Tournament.

 

 

Isang four-time world jiujitsu queen din ang Pinay miex martial artist. (REC)

DEREK, ipinagdiinang pinasadya at ‘di ex-deal ang diamond ring na binigay kay ELLEN

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAWANAN pero pinatulan din naman ni Derek Ramsay ang tsismis na pinagpasahan na raw ng mga ex-girlfriends niya ang ibinigay na engagement ring kay Ellen Adarna.

 

 

Sey ni Derek, “There’s tsismis na pinagpasahan daw ‘to ng mga exes ko which is so funny. My mom was going to give me a 7.8 karat diamond ring to give to Ellen. I was like, Mom, I can’t take that from you and like, parang a 7 carat diamond is just way too big, I think for an engagement ring.

 

 

     “Sabi ko, no, I want to purchase this one, this diamond. So, I learned about diamonds.”

 

 

Pinasadya niya raw talaga ang ibinigay na engagement ring kay Ellen. Kaya paano raw na magiging pinaglumaan o pinagpasahan na ng mga exes niya.

 

 

His exes includes, of course, Angelica Panganiban and Andrea Torres among the celebrities.

 

 

Kuwento pa ni Derek, sobrang na-stress pa nga raw siya dahil dumating na ang ring, sa mismong araw na ng proposal niya.

 

 

    “I cancelled everything, I was just going to throw a surprise birthday party for Ellen, and the night before, like late, mga 9 o’clock, the ring was going to arrive. So, it actually was in my hand the day of the proposal.”

 

 

Sulit naman daw kahit na-stress siya muna dahil nang makita raw niya ang singsing, natupad daw kasi ang talagang gusto niya.

 

 

“It was perfect. It was how I imagined it,” sey pa ni Derek.

 

    “When I saw it, it was just really beautiful. I wanted the stone to speak for itself.”

 

At isa pang nilinaw niya, hindi rin daw ito ex-deal.

 

“There’s no ex-deal here, nothing of a sort. My God, ang cheap naman pag ganu’n.”

 

At binigyang diin din niya na fully-paid na ang diamond ring.

 

“Of course! This is me getting married, this is me proposing. Hindi ko nga tinanggap yung 7.8 karat from my mom.”

 

 

May mga hula na nasa 7.8 carats daw ang sukat ng diamond ring, pero ayaw na itong sabihin pa ng actor.  Sa IG Live with G3 San Diego nagpa-interview ang dalawa at dito rin nila kinumpirma na ang kanilang wedding ay ngayong taon na rin magaganap.

 

 

***

 

 

KAHIT pangalawang beses na naming napanood ang vlog ni Ivana Alawi kunsaan, nagpanggap siya at humingi ng tulong randomly sa mga nakita sa kalsada para bigyan siya ng pamasahe at makabalik siya ng Baguio.

 

 

Pinalitan ni Ivana ng x P1,000 ang ano mang ibibigay sa kanya. Pero yung kuwento ni Tatay na isang kutsinta vendor ang nagpaantig ng puso nito at nagpaluha.

 

 

Kahit kami, sobrang nabaitan kay “Tatay” na walang kaalam-alam na si Ivana ang kausap niya, pero ramdam mo sa kanya ang genuine na pagtulong, pag-aalala at generosity sa kabila ng kahirapan lang din.

 

 

Sa kabila ng napaka-inspiring na prank vlog na ito ni Ivana sa kanyang You Tube account na may 12.6 million subscribers at kunsaan, natanggap na nga niya ang kanyang Diamond Play button, may naging isyu pala ito at may nagbabanta raw na kasuhan ang actress.

 

 

Hindi malinaw sa amin bakit siya idedemanda, kesyo may nilabag daw si Ivana sa prank video niya na ito sa street.

 

 

Sinagot ito ng sexy actress sa latest vlog niya. Ayon dito, “Kung may nilabag akong batas, eh, ‘di kasuhan na lang nila ko, haharapin ko yun, lalaban ako. 

 

 

    “Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko is to help and inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong sinaktan na tao and masaya ako sa video ko and I will do it again.

 

     “Ngayon, kung may nilabag akong batas, eh ‘di kasuhan na lang ako.”

 

May na-realize din daw si Ivana sa nangyari. Aniya, “Na-realize ko sa buhay, no matter what you do, may gagawin kang maganda, may gagawin kang hindi maganda, palaging may masasabi sila.

 

    “And I’m okay with that. Kaya nga dine-deadma ko yung mga nangyayaring gano’n. Naku, talagang okay lang sa akin. Pero yung ‘wag lang yung gagamit-gamitin niyo lang ako as a content. Na trending siya at gusto ko siyang kunin para magka-views. That’s so wrong.”

 

 

At sa kabila man na may gano’ng threat pala kay Ivana, tinupad nito ang pangako kay Tatay.  Kasama ng kutsinta vendor ang kanyang misis, pina-swab niya muna ito, nagkuwentuhan pa over meals, binilhan ng ilang appliances at ang pinaka-bongga binilhan ng pangarap na motor para mas mapadali ang kanyang hanap-buhay.

 

 

Kung hindi na makapaniwala si Tatay nang palitan ni Ivana ng P20,000 ang binigay nitong P20 sa aktres, mas lalo itong umiyak at hindi mapaniwala sa motor at iba pang surpresang natanggap mula nga kay Ivana.  (ROSE GARCIA)

NCR ‘Plus,’ inilagay na sa MECQ mula April 12 hanggang April 30, 2021

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang dalawang linggong pagbalik sa enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang lugar sa bansa, ibinaba na muli ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR (National Capital Region) at apat na karatig probinsya.

 

 

Sa anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Linggo ng hapon, epektibo ang MECQ sa tinaguriang NCR Plus simula Lunes, Abril 12, hanggang sa katapusan Abril 30.

 

 

Sakop ng NCR “Plus” ang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

 

 

Nasa kaparehong quarantine classification din ang Santiago City, Isabela, Quirino province at Abra.

 

 

Samantala, bukas na umano tatalakayin ng Palasyo ang malinaw na kaibahan ng MECQ sa GCQ (general community quarantine).

 

 

Una nang kinumpirma mismo ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na naka-admit siya sa isang pagamutan dahil sa Coronavirus Disease, patunay na mas nakakahawa na ang nasabing sakit kaya kinakailangan ang mas ibayong pag-iingat.

 

 

 

Magandang linggo ng hapon Pilipinas. Inaprubahan po ngayong araw ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong AITF na ilagay ang mga lugar na ito sa corresponding na community quarantine.

 

 

Under modified enhanced community quarantine ang Metro Manila kasama ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite. Under MECQ din po ang city of Santiago, Quirino at ang Abra.

 

 

Mapapasailam naman po sa general community quarantine ang CAR, Region 2 ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, sa Region 4A ang probinsya ng Batangas; sa Region 8, Tacloban City; sa Region 10, Iligan City; sa Region 11, ang Davao City; sa BARMM, Lanao del Sur, at ang Quezon mula April 12 to 30. Ang lahat po ng parte ng Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa MGCQ. Now, inaprubahan din po ng inyong IATF ang rekomendasyon ng National Economic Development Authority na gamitin ang autmatic contract tracing sa pamamagitan ng Smart Messaging System.

 

 

 

Mapapalakas at m-improve nito ang paggamit ng staysafe.ph. Para matiyak ang interoperatbility at integration ng lahat ng contact tracing applications integration ng staysafe.ph magkakaroon ng initial beta-testing kasama ang proposed messaging ng smart messaging system sa Pasig City sa a-uno ng Mayo 2021 at beta-testing consortium ng Antipolo at mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Valenzuela sa a-uno rin gn Mayo 2021 with access to Covid-19 document repository system o CDRS. Inadopt din ng IATF ang rekomendasyon para sa immediate completion ng paglilipat ng pagmamay-ari or transfer of onwership sa Department of Health ng CDRS at imemdiate ingeration ng CDRS sa staysafe.ph system at iba pang local contact tracing systems and applications.

 

 

 

Ang Department of Interior and Local Government ang inatasan na maging oevrall lead sa implementasyon. Samantala ang Department of Information and Communication Technology ang mangunguna sa national interoperabilty at ang DOH ay inatasan na tiyakain ang integration of Staysafe.ph sa CDRS. Ang DILG ay tinalaga na bumuo ng action plan na may specific timelines and targets kasama ang DICT at DOH. Kasama rin sa naratipakahan kahapon sa IATF ay ang panukala na iendorso ng Department of Tourism na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino property sa Parañaque City. Dahil sa direktiba ng Pangulo sa PhilHealth na magbayad sa mga hospital na merong mga unpaid Covid-19 claims, marami sa ating mga private, national government at LGU-hosptials ang nagcommitt na dadagdagan ang mga Covid-19 beds lalo na ang mga IC beds sa NCR Plus. Ito ang isa sa mga naging kritical na basehan ng IATF para mag rekomenda na mag luwag ng kaunti at gawing MECQ ang klasipikasyon sa NCR Plus.

 

 

 

Ang mga commitment mula sa mga pribadong at pampublikong ospital, ito ay 104 hospitals sa NCR Plus as of 11 am, april 11, 2021 ay ang mga sumusunod: additional 164 critical ICU beds at 1,157 Covid-19 regular beds for moderate and severe.

 

 

 

Ang iba pang dagdag na capcity na handa na ay mga sumusunod:

-110 beds sa Quezon Institute para sa moderate and sever Covid-19

-960 beds sa National Center for Mental Health para sa moderate Covid-19

-330 beds sa Manila Times College sa Subic para sa mild and asymptomatic

-165 beds sa New Clark City Tarlac para sa mild and asymptomatic

-200 beds, Eva Macapagal Terminal in Maynila, mild and asymptomatic; and

-100 beds sa Orion Bataan Pork Terminal para sa mild and symptomatic

 

 

Eto naman po ang sumatotal na nadagdag na healthcare capac- ity habang tayo ay nasa ECQ: Covid ICU beds, 164; Covid regular beds for moderate and se- vere, 2,227; and Covid isolation beds, 765 (mild and asymptomatic).

 

 

Ang sumatotal po ay 3,156 beds in NCR Plus. Makikita ninyo sa table ang utilization rate kasama na ang mga bagong kama. Makikita niyo po sa Covid ICU beds, ang ating utilization rate ngayon ay 74.34 percent; anga ting Covid ward beds ay 46.04 percent; at ang covid isolation beds ay 59.56 (percent). Ang naaprubahan nga pala po ng ating presidnete na rekomendasyon gn IATF na MECQ sa NCR Plus ay magtatanggal katapusan na po ng Abril.

 

 

 

Yan lang po sa ngayon at bukas po sa ating regular briefing, paguusapan natin muli ang pagkakaiba ng ECQ at ang MECQ. Magandang hapon po sa lahat at enjoy your Sunday.

2 Grab driver timbog sa P272K shabu sa Valenzuela

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kulong ang dalawang Grab driver na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Richard Nicolas, 42, Grab driver ng 17 E. Guniguni St. Manotoc Subd. Brgy. Baesa at Jeffrey Fermin, 38, Grab driver ng Lot 20 Summit Hills, HOA Langka St. Payatas, kapwa ng Quezon City.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Gen T. Road, Gen. T De Leon, (near Tulyahan-Ugong Bridge) kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Francis Cuaresma na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P10,000 halaga.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad nagbigay ng signal si PCpl Cuaresma sa back up na mga operatiba na si PCpl Robbie Vasquez at PCpl Noriel Boco na mabilis namang lumapit saka dinamba si Nicolas at Fermin.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000.00ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong boodle money, P500 cash, dalawang cellphones, coin purse, 3 assorted ID, itim na sling bag, at isang kulay pulang Toyota Vios (NDI1843).

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

LeBron James Steps Into the Warner Bros. Multiverse in the First Trailer for ’Space Jam: A New’

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NBA star LeBron James steps into the Warner Bros. multiverse ang team-up with the Tunes Squad in the first trailer for Space Jam: A New Legacy!

 

 

Fans hoping to keep basketball passions alive this summer will be pleased to learn that Warner Bros. just dropped the first trailer for the live action-animated sequel to 1996’s Space Jam for its 25th anniversary and it looks like a slam dunk of fun.

 

 

A sequel to the ’90s film which starred Michael JordanA New Legacy will bring LeBron to the Looney Tunes world where he must team up with the iconic Tune Squad in a wacky, otherworldly basketball game that combines reality with animation, as they try to rescue James’ son who’s sucked into a cyber world called the Warner 3000 “Server-verse.”

 

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=olXYZOsXw_o

 

 

Here’s the official synopsis:

 

“When LeBron James and his young son Dom are trapped in a digital space by a rogue A.I., LeBron must get them home safe by leading Bugs, Lola Bunny and the whole gang of notoriously undisciplined Looney Tunes to victory over the A.I.’s digitized champions on the court: a powered-up roster of professional basketball stars as you’ve never seen them before.

 

 

“It’s Tunes versus Goons in the highest-stakes challenge of his life, that will redefine LeBron’s bond with his son and shine a light on the power of being yourself. The ready-for-action Tunes destroy convention, supercharge their unique talents and surprise even ‘King’ James by playing the game their own way.”

 

 

Influenced from Nike’s clever “Hare Jordan” ads, the original film saw Chicago Bulls legend Michael Jordan and Bugs join forces with the Tune Squad to take down the Monstars, a squad of pint-sized aliens who stole the skills of numerous NBA all-stars.

 

 

Space Jam: A New Legacy is directed by Malcolm D. Lee (Spike Lee‘s cousin) and showcases the dastardly Don Cheadle as the CGI humanoid Al G Rhythm also stars in the film are Zendaya, Khris Davis, Sonequa Martin-Green, Cedric Joe, Jeff Bergman and Eric Bauza plus the cameos by Anthony Davis, Damian Lillard, Diana Taurasi, Chris Paul, Draymond Green, and Klay Thompson.

 

 

Director Lee told EW, “Michael Jordan transcended sports. LeBron is arguably in that category. Now, there’s probably no LeBron without Jordan, and I’m sure he would admit that. But he’s a once-in-a-generation player. I love who LeBron is as a man, as an athlete, as an activist.”

 

 

Arriving in theaters and HBO MAX on July 16, 2021. (ROHN ROMULO)

SISIHAN DITO SISIHAN DOON

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan.

 

 

Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan.

 

 

Ano nga ba ang mga punto ng ilan  nating mga kababayan sa paninisi sa pamahalaan?

 

 

Ang una raw ay kawalan ng mass testing, ang pag antala ng pagdating ng bakuna, at ng mabagal na roll-outed ng bakuna. Nang magbukas ng konti ang ekonomiya  hindi na monitor ng pamahalaan ang mga malls, “Commercial establishments” at mga public transport vehicle kung  sinusunod ng mga ito ang social distancing. Anila, ilang police officer lang ang kailangan o magsama ng ilang police force multiplier para sa monitoring job.

 

 

Ang pamahalaan naman ay sinisisi rin ang taong bayan anila maraming pasaway di sumusunod sa health protocol. Gala ng gala na animoy walang virus.

 

 

Sa ganang akin di makakatulong ang sisihan bakit hindi pakingan ng pamahalaan ang puntong nabanggit baka naman makatulong ito kung mabagal edi bilisan kung walang nagmonitor edi lagyan ng mga taong magmomonitor di naman kailangan ng isang batalyong police para magmonitor sa mga malls at public transport “vehicle”, simabahan, barangay hall, mga public schools pwedeng “gamiting vaccine center” Di po ba kung makikinig lang tayo may solusyon sa bawat problema:

 

 

Ang mamamayan dapat may kooperasyon sa pamahalaan: sumunod sa health protocol, magsuot ng face mask di lang para wag mahuli ng autoridad kundi para proteksyonan ang inyong sarili wala munang galanng walang saysay:

 

 

Sa panahon ngayon ang sisihan ay di makakatulong ang dapat ay ang mamamayan at pamahalaan ay magkakapit bisig sa paglaban sa virus na ito. Ang tagumpay ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19, ay tagumpay din ng bawat isang Pilipino kaya nga po bayanihan ibig sabihin tulungan at hindi sisihan. (MANNY MALDONADO)