• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 14th, 2021

Walk-in office ng DFA mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng Abril

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mananatiling sarado ang walk-in office para sa referrals ng assistance-to-nationals (ATN) cases sa Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA OUMWA) hanggang Abril 30.

 

 

Sa isang abiso, inihayag ng DFA ang pansamantalang suspensyon sa kanilang operasyon matapos ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

 

 

Ang hakbang na ito ay ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang ilang kawani ng ahensya na nagpositibo sa COVID-19 na mag-isolate at mag work-from-home, at para na rin maiwasan ng DFA ang panibagong wave ng COVID-19 infections.

 

 

Matatagpuan sa Roberts Street, DFA Main Building sa Pasay City ang walk-in office para sa referrals ng ATN cases sa DFA OUMWA.

 

 

Habang nakasara ang opisina, maaari pa ring ilapit ang mga ATN concers sa pamamagitan ng kanilang hotline na 0999 980 2515.

 

 

Layunin ng ATN office na tulungan ang mga Pilipino sa buong mundo na nahihirapan. Kasama na rito ang pagtulong sa paghahanda ng temporary travel documents, provision ng assistance sa social welfare at medical-related cases, criminal cases, immigration-related cases, paghahanap sa kinaroroonan ng mga nawawalang Pilipino sa ibang bansa at pag-agapay sa kanilang mga pamilya na maghain ng kaso sa korte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

AJ, pinagalitan ng ama na si JERIC dahil nag-post ng topless photo kaya deleted na

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANAK ng dating action star na si Jeric Raval si AJ Raval.

 

 

Itong Death of A Girlfriend ang second film ni AJ after Gusto Kong Maging Porn Star.

 

 

Dahil mas may experienced si Diego Loyzaga sa acting kumpara kay AJ, malaki raw ang naitulong ng actor para maging comfortable si AJ sa mga eksena nila, especially sa mfa sexy scenes.

 

 

“Diego is a gentleman. Mabait siya katrabaho and he guides me sa mga scenes naming dalawa,” pahayag ng dalaga.

 

 

Hindi naman daw siya nahirapan sa mga eksena nila dahil very helpful ang binata.

 

 

AJ plays the girlfriend of Diego sa mystery-love story na may kakaibang twist in the end.

 

 

Nagalit pala ang daddy Jeric niya kay AJ dahil nag-post ito ng topless photo niya sa Instragram. The photo had been deleted.

 

 

Pero pagdating daw sa mga sexy scenes ay game na game si AJ. Okay naman sa kanya kahit anong eksena basta kailangan sa pelikula.

 

 

“Depende sa kailangan ng story, willing ako to do anything. Pero mabait naman si Direk Yam kasi inalagaan niya ang mga intimate scenes naming ni Diego sa movie.”

 

 

Ibinalita rin ni AJ na siya raw ang bida sa remake ng Scorpio Nights.

 

 

***

 

 

MAY second wind sa kanyang career si Diego Loyzaga, thanks to Viva Entertainment.

 

 

Bida si Diego sa bagong movie ni Direk Yam Laranas titled Death of a Girlfriend kung saan katambal niya si AJ Raval.

 

 

Lahat tayo deserve to have a second chance, whether sa career, sa lovelife and thankful si Diego dahil sa muling pagbubukas ng pinto ng showbiz sa kanya.

 

 

Maganda ang pasok ng 2021 sa anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga kaya masaya ang binata dahil unti-unti na siyang nakababawi sa naunsiyaming takbo ng kanyang career.

 

 

“I am reintroducing myself again,” sabi ng Viva actor.

 

 

At this time ay mas seryoso at focused na siya sa career. Wish ni Diego when he signed up with Viva last year na sana may dumating na movie offer sa kanya. At nagkatotoo naman ang kanyang wish.

 

 

“I am happy kid dahil sa mga nangyayari sa career ko ngayon. Kumbaga, bumabawi ako in terms of lost opportunities after my career went on a halt. Kung mayroon man akong wish for my birthday, sana matapos na ang pandemic para makabalik na tayo sa normal lives natin,” sabi ni Diego.

 

 

“I want do things right this time. This is a comeback for me and I don’t want to waste this chance.”

 

 

Ayon pa kay Diego, maganda ang working relationship nila AJ sa set ng Death of A Girlfriend because they kept the lines of communication open.

 

 

“Mas maganda ang takbo ng work pag open kayo sa isa’t-isa ng partner mo. At least, pwede ninyong pag-usapan kung paano ninyo gagawin ang isang eksena. Pag open kayo, hindi na kayo mahihiya.”

 

 

Diego plays Alonzo in the movie. Girlfriend niya si AJ. Iba ang perception ni Alonzo sa character niya, pati na rin ang pagtingin ng tao sa kanya.

 

 

Death of a Girlfriend is a romance-thriller in the tradition na kilala natin si Direk Yam Laranas.

 

 

Excited na nga si Diego na mapanood ang movie dahil naintriga siya sa kakaibang kwento nito.

 

 

Ipalalabas ang Death of a Girlfriend via streaming sa Vivamax on April 30.

Sen. De Lima pinayuhan si Pres. Duterte na tutukan na lamang ang problema sa COVID-19

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi.

 

 

Sa kanyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung bakit pa rin ito ang kaniyang pinoproblema.

 

 

Inakusahan pa nito ang pangulo na siya ang naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa dahil hindi agad itong nagpatupad ng travel ban sa bansang China na siyang pangunahing pinagmulan ng COVID-19.

 

 

Pinayuhan na lamang nito ang pangulo na tutukan na lamang ang kaniyang trabaho imbes na pagtuunan ang oras sa pagbanat sa mga kalaban sa politika.

 

 

Magugunitang sa kaniyang national address nagalit ang pangulo dahil tila natutuwa pa si De Lima na may karamdaman ang pangulo.

 

 

Magugunitang taong 2017 ng nakulong si De Lima matapos na masangkot sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Pinoy ice skater Michael Martinez sinimulan na ang fundraising activities para sa pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ni Filipino ice skater Michael Martinez ang kaniyang fundraising activities para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 22.

 

 

Sa kanyang social media nagpost ito ng mga larawan at video ng kaniyang training sa US.

 

 

Pinaghahandaan kasi nito ang Olympic qualifying tournament sa NEBELHORN TROPHY na gaganapin sa Setyembre 22 hanggang 25, 2021 sa Germany.

 

 

Kasama niya sa training ang kaniyang coach na si Nikolai Morozov na isang batikang ice skating coach sa mundo.

 

 

Magugunitang nabigo na nakasama si Martinez sa 2018 PyeongChang Olympics ng magtapos ito sa pang-28 sa kabuuang 30 competitors.

 

 

Naging unang Olympic skater mula sa Southeast Asia si Martinez na sumali rin sa 2014 Sochi Olympics.

BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NASABAT SA CLARK AIRPORT

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng mga miYembro ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)  Clark International Airport ang isang papaalis na  biktima ng isang illegal recruitment na patungo sa Dubai.

 

 

Ang biktima na hindi pinangalanan ay tinangka nitong umallis patungo sa Dubai sakay sana ng  Emirates Airlines  sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang Overseas Employment Certificate (OEC) bilang isang Balik Manggagawa, gayunman, nakitaan siya ng kanina-hinala sa kanyang mga dokumento ni  Immigration Officer Vanessa Icban  kaya in-refer nito sa mga miyembro ng BI’s TCEU  para inspeksiyunin at dito nakita na ang biktima ay huling dumating sa bansa noong 2019 at may Dubai work visa.

 

 

Pero noon nagsagawa ng beripikasyon nalaman na ang kanyang work visa ay kanselado na  at nagtataglay ito ng tourist visa.

 

 

Immigration Commissioner Jaime Morente commended the efforts of the Clark immigration officers in intercepting said victim.

 

 

“I know it is a challenge to intercept such cases as they are presenting complete documents and are in the guise of being legitimate OFWs,”  ayon kay BI Commissioner Jaime  Morente.

 

 

“We commend the quick eye of our immigration officers, which allowed them to uncover this modus,” dagdag  pa nito.

 

 

Sa kasalukuyang sistema, ang isang dating OFW na ang visa at kontrata ay napaso na ay bibigyan ng panibagong tourist visa para payagan silang makalabas upang illegal na makapagtrabaho bilang mga turista , gamit ang kanilang luamng OEC.

 

 

“This is an obvious circumvention of the law, and victims are promised that they can depart using their old OECs that are, in fact, invalid already,” ayon  Morente.  “Victims end up working for a different employer, or worse, fly off to a third country like Iraq or Syria,” dagdag pa nito.

 

 

Ang biktima ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Overseas Employment Administration Labor Assistance Center Pampanga. (GENE ADSUARA)

Pacquiao nasa 50% na ang training – Nonoy Neri

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GENERAL SANTOS CITY – Nalaman na noon pa naghahanda si eight Division world champion Manny Pacquiao subalit hindi pa tinumbok kung sino ang magiging kalaban sa ring.

 

 

Habang naglabasan sa social media ang nilulutong laban kay Terence Crawford na gagawin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi .

 

 

Sinabi ni Nonoy Neri coach trainer sa Team Pacquiao na light training pa lamang ang ginagawa ng fighting Senator sa luob ng kanyang mansion at sa wild card gym kagaya ng pag jogging para paghandaan ang nalalapit na laban.

 

 

Dagdag ni Neri nasa 147 catch weight ang pinaghandaan ng Team Pacquiao habang 50% na ang training nito.

 

 

Sa ngayon sinimulan na ang paglimita ng mga tao na makapasok sa lugar para matutukan ang training.

 

 

Sinabi din nito na wala namang pagbabago sa coaching staff dahil pangunahan pa rin ni Buboy Fernandez ang pagsasanay habang hinihintay ang kanyang pagdating dito sa lungsod.

IVANA, nanawagan sa mga lalaki na gusto siyang ligawan at pakasalan; namimigay ng pera kapag nalalasing

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBANG klase pa lang malasing ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi.

 

 

Ang latest vlog nito ay nakipag-inuman sa kapatid na si Hash habang sinasagot ang “Never Have I Ever.”

 

 

Marami itong rebelasyon at aliw kami na mukhang planong i-deny na gumamit din siya ng dating app, pero ibinuko ng kapatid na nag-Tinder ito, na isang dating app.

 

 

Wala ng nagawa si Ivana at napaamin, “Nilaglag mo ako! Hahaha! Chat, chat lang, pero hindi ako nakipagkita!”

 

 

Pinangangatawanan ni Ivana na single siyang talaga, ito ay sa kabila ng nali-link siya dati pa sa isang actor/politician. At nang tanungin ito kung nakipag-date na ba sa isang celebrity, sey niya, “hindi kami nagkatuluyan, e.”  

 

 

At nag-ECQ at nag-MECQ, GCQ na nga raw, pero waley pa rin daw siya. Hiniritan ito ng ina na manawagan na lang sa vlog niya.

 

 

Kaya sey ni Ivana na tipsy na talaga bilang nakarami na ng shot ng alak, “Nananawagan po ako sa mga lalake na gusto akong ligawan, pakasalan, ready po ako sa inyo. Send your applications! Pero, lasing lang ako. Hahahaha!”

 

Pero sa huli, inamin naman nito na may tumatawag, nagti-text daw sa kanya na crush niya ngayon.  At nang tanungin ng ina kung artista ba ito, kahit lasing, hindi ito napaamin at natatawang sinagot ang mommy niya nang, “secret! Si Boy Abunda ka ba?! Hahaha!”

 

At dahil generous daw talaga ito kapag lasing, hayun, namigay ng 8 P10,000 sa mga followers niya na mapipili nitong mag-comment.

 

 

***

 

 

KASABAY ng paglalagay sa MECQ mula sa ECQ ng NCR plus, nag-post sa kanyang Facebook status ang mister ni Jolina Magdangal, ang leader ng Rivermaya band na si Mark Escueta.

 

 

Ngayong MECQ na kasi sa Metro Manila, kahit na hindi pa rin naman bumababa ang mga nagpo-positibo sa COVID-19, ina-allow na ang pagre-resume ng mga taping, shooting ng productions.

 

 

Provided daw na hanggang 50 pax lang talaga.

 

 

Nag-react si Mark at sinabing, 50pax talaga sa Production Shoots? At any given time?! Last year nga 10-15pax lang wala pang killer variant.

 

Just because allowed na, di ibig sabihin na hindi na delikado. 

 

Sana yung mga production people nasa tama ang priorities. Safety first. 

 

Kung alam niyo lang kung ilan talaga ang nagpo-positive sa production shoots, maiintindihan niyo ang takot ko.”

 

Sa isang banda, may punto ang pamumuna niya dahil sa mga nangyayari. May mga hindi na lang talaga ipinapaalam sa publiko, pero may mga nagpo-positibong mga artista kahit na galing ito sa lock-in taping.

 

Sinagot din ni Mark ang  Facebook friend na nag-comment sa post niya. At ayon kay Mark, “Tapos dishonest pa. May iba magtatago ng symptoms. I know we all need work but we need to fix this problem asap. Too many good people lost already.”

 

 

***

 

 

SULIT na sulit talaga ngayon ng mag-amang KC Concepcion at Gabby Concepcion ang kasalukuyang situwasyon na naka-ECQ pa.

 

 

Kaya kahit na tulad ni Gabby, may kasalukuyan itong umeereng primetime series sa GMA-7, ang First Yaya hindi naman allowed ang mag-taping pa.

 

 

Kaya super bonding silang mag-ama sa beach sa Lobo, Batangas.  At sa Instagram post nga ni KC, sinabi nitong bawing-bawi raw ng pagsasama nila ngayon ng Papa niya ang mga time na hindi sila magkasama.

 

 

Sey ni KC na puring-puri rin ang ama, Papa. Cool and down to earth, a joker, a guy’s guy, our #GirlDad – so much time lost, but so so much, regained. I thank God for our phone calls, deep sea dates, nature explorations, talking til we fall asleep. Truly grateful to the universe for keeping our love alive.” (ROSE GARCIA)

DSWD may P581-M standby funds pa

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pa itong mahigit P581-million standby at stockpile funds para ipangdagdag sa resources ng mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng coronavirus disease pandemic.

 

 

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista na mayroong sapat na resources ang ahensya para tulungan ang mga LGUs.

 

“Ang standby funds po natin kasama po yung nandito sa Central Office (Our standby funds, including that of the Central Office), we have an amount of P526.9 million intended for the NCR (National Capital Region)-plus areas and at the same time in other regions,” saad nito sa isinagawang Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

 

 

Sa P526.9-million standby funds, P517.9 million dito ang inilaan bilang standby funds ng DSWD Central Office. Habang ang DSWD-NCR, Central Luzon at Calabazon naman ay may P3-million bawat isa.

 

 

Aabot naman ng pp,317 family food packs na nagkakahalaga ng P54.4 million ang maaaring ipamahagi.

 

 

Tuloy-tuloy aniya ang repacking ng mga family food packs. Ang guidance raw sa bawat warehos ay kung mga LGUs na nanghihingi ng agarang tulong ay kaagad ibibigay ang family food packs.

 

 

Saad pa nito na mayroong limitasyon sa repackaging ng FFPs, dahilo mahigpit na sinusunod ang mga health protocols.

 

 

Bago raw ang pandemic, kayang mag-repack ng ahensya ng 50,000 family food packs kada araw.

PDu30, galit na binuweltahan si De Lima

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GALIT na binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sen. Leila de Lima makaraang kastiguhin ng senadora ang kabiguan di umano ng Chief Executive na pamunuan ang COVID-19 crisis sa Pilipinas.

 

Nauna nang sinabi ni de Lima kay Sen. Christopher “Bong” Go na “stop covering up for your boss and misleading us on his true capacity to lead”, makaraang magpakita ng mga larawan si Go kung saan naglalaro ng golf si Pangulong Duterte sa gitna ng katanungang #NasaanAngPangulo.

 

“No one is really in charge. Marami nang namatay. Marami pang nagkakasakit. Tigilan na ang panlilinlang. Halatang-halata na kayo!,” ayon kay de Lima.

 

Dahi dito, sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay muling pinasingaw ni Pangulong Duterte ang illegal narcotics allegations laban sa nakaditineng senadora.

 

“Tama ‘yan sa’yo. Magtiis ka, p******** mo. Binastos mo ang Pilipinas ng droga diyan mismo sa national penitentiary,” galit na pahayag ng Pangulo.

 

Kinutya ng Pangulo si De Lima sa pagkakakulong nito sabay sabing ito ang dahilan kung bakit wala itong pagod at sawa sa pagbatikos sa administrasyon.

 

“Tutal nagtitiis ka eh. Kami dito, we’re enjoying the times of our lives, you know, singing sometimes. Singing, loving. Ikaw, nasa presuhan. Magtiis ka, p******** mo,” ayon sa Pangulo.

 

Sinabi pa niya na ang lahat ng akusasyon at paratang kay de Lima ay totoo.

 

“A b****, that’s what you are,” dagdag na pahayag ng Punong Ehektuibo.

 

Matatandaang, pinawalang-sala si de Lima sa isa sa tatlong mga kaso ng droga ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge na si Liezel Aquiatan.

 

Sa pagbasura sa kaso, sinabi ni Aquiatan na ang pag-uusig ay “nabigo na makakuha ng malakas na katibayan upang mapanatili ang paghanap ng pagkakasala nang higit sa makatuwirang pagdududa”.

 

Samantala, kaagad namang tumugon si De Lima sa ginawang pag-atake sa kanya ni Pangulong Duterte.

 

Aniya, mas makabubuti sa Pangulo na “just work” sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections at death toll sa bansa.

 

“Maawa ka naman sa taumbayan. Namamatay na mga mahal nila sa buhay ako pa rin ang problema mo?” “Kung nagtrabaho ka lang sana hindi tayo umabot sa ganito. Huwag ka na lang puro ngawngaw.” ang pahayag ni de Lima gamit ang kanyang Twitter account. (Daris Jose)

Pagbati bumuhos sa pagkapanalo ni Matsuyama na unang Japanese na nagwagi sa Masters

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan mismo ni Tiger Woods ang pagbati sa Japanese golf player na si Hideki Matsuyama matapos magwaig ito sa The Masters sa Augusta, Georgia.

 

 

Tinalo kasi ni Matsuyama si Will Zalatoris ng US at siya ang unang Japanese na nakakuha ng nasabing titulo.
Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter ay binati ni Woods ang Japanese golf player.

 

 

Umaasa si Matsuyama na maging inspirasyon siya sa mga golf players na kababayan ganun ay sundin ang yapak ng US star na si Woods.

 

 

Ilan sa mga sikat na golfers ang bumati at humanga sa galing ni Matsuyama ay sin Ernie Els ng South Africa ang two-time US Open at Two-time British Open champion ganun din si Mexican Abraham Ancer.