KASABAY ng kaarawan ni Angel Locsin kahapon, Abril 23, nagtayo rin siya ng patok na patok na community pantry para sa pangtawid-gutom ang ating mga kababayan na lalong naghirap dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya.
Sa naging post ng premyadong aktres sa Instagram isang araw bago ang kanyang birthday, “Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow (Biyernes) by putting up a community pantry here Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
“From 10am-4pm or until supplies last. Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols. Salamat po! PS. Volunteers have been tested.”
Naglalaman nga ang kanyang community ng basic and essential goods tulad ng rice, eggs, condiments, sugar, coffee, canned goods at marami pang iba. Sinuportahan din siya ng kanyang ini-endorse na products mula sa Rhea at Arla organic milk.
Tiyak na dinumog at marami ang pumila kahapon para makatanggap ng ayuda na pakikinabang ng bawat pamilya na kailangan na kailangan ang tulong.
Kahit na marami ang natuwa sa ginawang ito ni Angel, meron pa ring bashers na patuloy na nagni-nega, bagay na hindi naman talaga katanggap-tanggap.
Narito ang ilan sa magkakasalungat na pananaw ng netizens:
“You’re truly an Angel. May God bless you more, my Darna.”
“Inferness kay Gel she walks her talk talaga. Sana pumasok sya sa pulitika, boboto ako sa kanya.”
“Thanks Angel. Will you be giving away leaflets too? Legit question po.”
“Baka mauna ka pa sa pila ha? Wag kang buraot na plastik hahaha.”
“Wag kang mag kalat ng Fake news.”
“Angel is the biggest organizer of donation for covid response.”
“Kasi INUTIL ANG GOBYERNO.”
“DDS alis. Back at your usual question: anong ambag ko?”
“Yes, ayan na naman si Angel. Walang sawang tumulong sa kapwa. Yung mga bashers nakinabang rin tapos bash na naman pagkatapos nakakuha ng ayuda.”
“Kaya angel is so blessed cz palagi nya iniisip ang ibang tao kung tutuusin trabaho ito ng gobyerno.”
“Mas sikat ngayon si Ana Patricia Non.”
“lagpas 10 million na nadonate ni Angel. Kahit ibang bansa nirerecognize siya. Mag donate na lang kayo kaysa ibash pa si Angel. Kayo itong walang ambag maliban sa kumuda.”
“good job idol miss angel locsin. SALUTE!”
“Ikaw na talaga Angel clap clap.”
“if and when i can share my Blessings to others, it will be thru miss ange locsin adn neil and company.”
“Alam na talaga mga moves ni Lola. Sawsaw sa kung ano ang trending. Anything to stay relevant. For sure some will be asking may naitulong ba ako. Yes naman po.”
“Nakakagalit ang mga taong may ganitong mentalidad. …kawawa ka, sa totoo lang.”
“Wala siguro nagmamahal sayo poor you sobrang nega mag-isip at bitter sa buhay.”
“Huh? Okay kalang alam nung 2007 pa dati tumutulong na si Angel at consistent sya. Isa rin sya sa mga artista na hindi maluho at mas pinipili pa magbigay. Yung karamihan ng artista mas pipiliin yan bumili ng luxury items.” “you’re so pathetic. kawawa ang nilalang na katulad mo. at the state of our world right now, hindi kelangan ang isang katulad mo. kung may naitulong ka, mabuti. so si angel, di pwede? kahit ilang ulit nya na ginawa yan? pabida ka!”
“Hindi ba pwedeng na inspire lang sya to do the same? Since she is very blessed naman and been extending help since then. Kaya kung wala ka rin lang magandang masabi sarilinin nalang.”
“Umay sayo Angel lahat na lang.”
“Anong klaseng pag iisip yan? Tumutulong na nga ang tao. At sobrang tagal nya ng tumutulong.”
“Nakakaumay ba yung lagi syang tumutulong? Super consistent kaya nya.”
“Publicity hungry.”
“And Ano naman? Kung Maganda naman ang outcome.”
“Nagdonate sya sa Pasig without telling anyone, di pa malalaman ng lahat kung di pa nireveal ni Mayor Vico. She’s probably doing a lot more than what she is showing on her platform.”
“Shop and Share yun. Sila ni anne nagorganize nun. And may mga donors yun na kapwa celebrities.”
“di sya publicity hungry dahil matagal nya gawain yan kahit walang camera. pero kung sakali, eh ano naman? mas marami ang FOOD HUNGRY, so masama ba punan ang kakulangan?”
“Sakay na!”
“Sana ikaw makisakay din para mas marami pa matulungan.”
“Mas nakaka bilib yun mga celebrities na tahimik lang like Erwan kesa mga ganitong naka publish.”
“Kung totoong ayaw magpa publish ni erwan or anyone di sana di dinisclose ang name at anonymous donor nalang.”
“So sino pupunta kung hindi e publish?”
“Angel is using her “celebrity status” to encourage everyone to donate thus posting this to social media. Naisip mo ba yun? Also, She really helps even walang camera. I know this because nung time na may problema sa mindanao, she went there not only once to help. She could have given her donation and coursed it through some companies pero pumunta talaga siya. May nakita akong posts ng fans nun na nasa mindanao siya pero iilan lang. My aunt was one of the people who assisted her, talagang pumunta siya sa maraming evacuation centers, nakipagusap/kinakamusta mga tao at nagbigay ng relief goods. Geniune daw talaga. Kaya simula nun, talagang tumaas respeto ko sakanya hindi bilang artista pero bilang taong may malasakit sa kapwa. Hindi niya obligasyon pero ginagawa niya dahil gusto niya.
“Kung PABIDA ang tawag niyo diyan, well, wish ko lang lahat ng tao PABIDA para lahat tumutulong.”
“alam ko gusto lang ng mga tao makatulong at maganda ang hangarin ng commmunity pantry, pero ang ganitong paraan ay parang hinihikayat na rin natin lumabas ang mga tao na lihis sa layunin para mabawasan ang cases sa pinas.. sana ibang pamamaraan na lang ang ginawa ni ms. angel locsin.”
“Happy birthday Angel! More blessings to come.”
“Sorry but community pantries are not sustainable and are meant to fail. Sad to say walang disiplina mga pinoy.”
“thinking about sustainability is very middle class. napaka out of touch sa plight ng mga mahihirap.”
“I agree. Lalo ng nanawa ang mga tamad at mananamantala. Sabi nga teach how to fish, not give a fish… basta yun. Kayo na bumuo gets nyo naman.”
“I think this is temporary kasi andaming nagugutom ngayon. It gives the poor hope then and maybe they will strive to get out of poverty kapag alam nila na other people takes care of them and may laman ang tiyan.”
“Then call for more concrete gov’t response. Di trabaho ng ordinaryong tao at artista ang gumawa ng lasting solution. Ang mahalaga sa konting paraan ay nakatulong sila para sa ilan na makaraos one day at a time.”
“Let me just remind you madaming mamamyang pilipino ang nag tatrabaho araw araw at yung kitang yun and pang kain nila. Nawalan ng trabaho dahil sa pandemic. Ang gobyerno dapat nag bibigay ng food sa mga maliliit na mamayan na nawalan ng pangkain araw-araw. Imbes ang budget sa dolomite sana sa food and jobs na pwede ma provide sa mga nawalan ng trabaho.”
“Sawsawera Queen strikes again.”
“so wag na lang, ganun? para wag lang masabihan na nakikisakay? ikaw na lang magcommunity pantry.”
“Buti pang sumawsaw kesa walang maitulong. Kawawa ang ibang tao na walang makain dahil walang trabaho. Ikaw din, makisawsaw ka basta ung makakatulong ka kesa mapunta kang impyerno.
“maganda naman di ba? kung ikaw yung pumipila sa ganito, maappreciate mo. kaso may kinakain ka kaya maging critic na lang di ba?”
“good idea na tutulong si angel pero ang daming lalabas ng bahay. yan ang bad part.”
“Grabe talaga ang mga tao kahit gumawa ka ng maganda may masasabi at masasabi sila. Hindi ba pwedeng tumahimik na lang kung wala naman magandang sasabihin? Buti pa si Angel may ginagawa eh yung iba? Nganga.”
“Kahit ano pang sabihin nyo na sawsaw sya, pabida etc, in the end ang mga tao ang makikinabang sa mga goods. So call her whatever you want but you should acknowledge that this will benefit our countrymen.”
(ROHN ROMULO)