• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 27th, 2021

Frances McDormand at Anthony Hopkins, Best Actress at Best Actor sa ‘93rd Academy Awards’; Chloe Zhao, Best Director para sa ‘Nomadland’ na nanalong Best Picture

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

A night a diversity ang 93rd Academy Awards or the Oscars dahil sa history-making winners nila sa kanilang top categories.

 

 

Ang Chinese-American filmmaker na si Chloe Zhao ay ang first woman of color na manalo ng best director award para sa pelikulang Nomadland na nanalong best picture.

 

 

Si Zhao rin ang second woman to win the best director award after Kathryn Bigelow in 2008 for the Hurt Locker.

 

 

First Korean actress naman na manalo ng Oscar si Yuh-Jung Youn. Nagwagi siyang best supporting actress para sa pelikulang Minari. Bukod sa Oscars, nanalo rin ai Youn ng best supporting actress awards mula sa Screen Actor’s Guild at BAFTA Awards.

 

 

Naka-grandslam naman ang British black actor na si Daniel Kaluuya as best supporting actor sa pelikulang Judas and the Black Messiah. He won the Oscars, Golden Globes, SAG at BAFTA. Noong 2017 ay na-nominate siya sa Oscar as best actor for Get Out.

 

 

Napanalunan naman ni Frances McDormand ang kanyang third Oscar best actress award for Nomadland. Nanalo siya noong 1996 for Fargo and 2017 for Three Billboards Outside Ebbing, Missouri. Tinalo ni Frances ang matinding kalaban niya sa best actress na sina Viola Davis, Andra Day, Vanessa Kirby at Carey Mulligan.

 

 

Bukod sa best actress, tumanggap din ni Frances ng Oscar bilang isa sa producers ng Nomadland na nanalong best picture.

 

 

Major upset ang pagpanalo ni Anthony Hopkins as best actor para sa pelikulang The Father. Ito ang second Oscar best actor award ni Hopkins na unang nanalo noong 1991 para sa Silence of the Lambs.

 

 

Marami ang nag-e-expect na ang mabibigyan ng posthumous best actor si Chadwick Boseman para sa Ma Rainey’s Black Bottom. 

 

 

Ang singer na si H.E.R. ay ang ikalawang Filipino-American singer-composer na manalo ng Oscar for best original song. Nagwagi si H.E.R. para sa song na “Fight For You” from the movie Judas And The Black Messiah. 

 

 

Ang unang Fil-American na manalo sa category na ito ay si Robert Lopez para sa awiting “Let It Go” ng Disney animated film na Frozen in 2013.

 

 

Ang iba pang winners sa 93rd Oscars ay ang mga sumusunod: Best Musical Score (Soul), Best Editing (Sound of Metal), Best Cinematography (Mank), Best Production Design (Mank), Best Visual Effects (Tenet), Best Original Screenplay (Promising Young Woman), Best Adapted Screenplay (The Father), Best Animated Feature (Soul), Best International Film (Another Round from Denmark), Best Costume Design (Ma Rainey’s Black Bottom), Best Hair & Makeup (Ma Rainey’s Black Bottom), Best Sound (Sound of Metal) (RUEL J. MENDOZA)

CHYNNA, nag-tweet na para matuldukan kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive ang buong pamilya

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATSISMIS or may nagtsi-tsismis pala na kesyo may COVID-19 daw ang buong pamilya ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

 

 

Meaning, si Chynna, ang mister niya na si Kean Cipriano at ang dalawang anak nina na sina Stellar at Salem. 

 

 

     Hindi pa namin nakakausap si Chynna habang isinusulat ‘to kaya hindi namin alam ang pinanggagalingan. Pero sila ay sa isang condo sa Quezon City nakatira at halos hindi nga sila lumalabas ng bahay at talagang mas work from home lang.

 

 

Kaya nag-tweet si Chynna para siguro matuldukan man kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive sila.

 

 

Sabi ng actress, “Sa mga nagsasabi po na may Covid kaming buong pamilya. Hindi po totoo.. Praise God! At huwag po kayo mag-alala kung meron man e ako pa ang magsasabi dahil ang pinaka ayaw ko po e magtago ng importanteng impormasyon sa mga tao sa paligid dahil ang ayaw ko sa lahat e makahawa.”

 

 

***

 

 

KAYA naman very proud ang actor na si Aga Muhlach sa kanyang kambal na mga anak.

 

 

Si Andres ay nasa ibang bansa na at nag-aaral ng College.  Ang kambal na babae naman na si Atasha ay kasama pa nila ni Charlene Gonzales, pero, naka-plano na rin palang umalis at sa U.K. naman mag-aaral.

 

 

Dapat daw ay noon pang January, pero dahil sa pandemic, online studies muna sila.  Business course ang kukuhanin ni Atasha na ayon dito, balanse sa creative sides niya.

 

 

Napaka-sensible at hindi makikitaan ng ere si Atasha kaya alam mong napakaganda ng pagpapalaki ng mga magulang.  Para kay Atasha, tama lang daw ang pagiging disciplinarian nina Aga at Charlene sa kanilang kambal. Hinahayaan daw sila sa mga decision nila but at the same time, gina-guide at sinusuportahan.

 

 

Sa kambal, si Atasha ang bata pa lang ay nakikitaan na ng hilig na posibleng sumunod sa yapak ng mga magulang at pasukin ang showbiz. Naging part din siya ng  musical na Sound of Music noong 10, pero, after that, talagang pag-aaral na ang inatupag nila.

 

 

Nag-pictorial at naging cover si Atasha ng Metro Style at dito siya na-interview na ipinost naman ni Charlene sa kanyang Instagram. Nang tanungin ito kung ano ang thought na pasukin din ang showbiz, mabilis niyang sinagot na gusto niya raw.

 

 

Aniya, “I’d love to! I hope so, because like our previous experiences, they’ve been nothing but wonderful like with Jolibee, Toyota and Selecta, like they’ve always treated us kind of like a family, in a sense, it was like a second family.

 

 

     “And I just like the overall experiences and I just like trying out new things. So, I’m not opposed to the idea and I’m taking school day by day now.  So whichever opportunity comes by, it’s a great blessing.”

 

 

Kaya hindi na nakapagtataka kung isang showbiz royalty na naman ang mapapanood soon.  Natanong din si Atasha kung ano ang feeling niya na she’s being labeled as “showbiz royalty?”

 

 

“It’s humbling to hear but as a family, we’re very private. It did not feel like that at all but it’s humbling to hear, very generous to hear. I really do get the kilig but it doesn’t bother us.  Because you know, we just see each other as just normal people.” (ROSE GARCIA)

LIZA, nagpaliwanag sa naging comment sa Instagram post ni ANGEL

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALIWANAG si Liza Soberano sa kanyang Twitter account dahil sa maraming netizen ang iba ang naging pagkakaintindi sa naging comment niya sa Instagram ni Angel Locsin.

 

 

Nang sabihin niyang hindi naman niya kailangang humingi ng sorry.  Malinaw naman sa iba ang naging message ni Liza, pero meron at meron na talagang mga grupo na dahil sa isa sa pagiging “woke” na  celebrity ni Liza pagdating sa gobyerno at nangyayari sa bansa, parang lahat na ng sabihin niya, negatibo na itong tinitingnan.

 

 

Kaya kinailangan pa ni Liza na mag-tweet at i-explain ang kanyang comment.

 

 

Ayon dito, Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation. Of course it’s only right and natural for ate Angel to be sorry about the life that was lost.

 

 

     “It’s just unfair to me that her intentions were twisted and she’s being blamed for the death that she never intended to happen. Sorry if the family affected by this for offended by my comment but this was not for you but the people blaming her.”

 

 

Marami namang netizens ang nag-comment kay Liza na alam naman daw nito kung sino ang mga against sa kanya kahit anong sabihin niya.

 

 

At sa tweet na ito ni Liza, walang palya, nag-trending na naman ito, pero sa kabila ng pagpapaliwanag ni Liza, ang dami pa rin umaatake siya at kulang na lang ay ipako siya, lalo na ng mga DDS dahil lang sa comment niyang yun kay Angel.  (ROSE GARCIA)

Gilas Pilipinas pinayagan ng mag-training sa Laguna

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na binubuo ito ng mga full-time Gilas Pilipinas players na pinili ng SBP mula 2019 at 2021 PBA Rookie drafts ang kabilang sa training camps.

 

 

Kinabibilangan ito naina Rey Suerte, Mike at Matt Nieto, Isaac Go ng batch 2019, William Navarro, Jaydee Tungcab, Jordan Heading at Tzaddy Rangel mula sa batch 2021.

 

 

Inaasahan din na makakasama si Ateneo center Ange Kouame, SJ Belangel, RJ Abarrienteso, Carl Tamayo, Jason Credo, Geo Chiu at Lebron Lopez.

 

 

Una ng nagsagawa ng training ang Gilas noong Enero para sa FIBA Asia Cup qualifiers subalit natigil ito ng ipagpaliban ang tournament.

 

 

Isinagawa muli ang training noong Marso subalit natigil muli ng magpatupad ang gobyerno ng paghihigpit ng quarantine protocols.

 

 

Pinaghahandaan ngayon ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na magsisimula sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga ganun dina ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia mula June 29 hanggang July 4.

P32M BINALIK NG NAVOTAS PARA SA KARAGDAGANG AYUDA

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng beneficiaries.

 

 

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 million na inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs at medicines, supplies at materials, at office equipment.

 

 

“We received P199,871,000 from the national government for ECQ ayuda. Of this, P199,098,000 has been distributed to 27,131 beneficiaries of Social Amelioration Program Bayanihan 1; 855 recipients of SAP Bayanihan 2; 11,128 members of 4Ps; and 19,071 waitlisted in SAP,” paliwanag niya.

 

 

“As of April 23, we have a balance of P773,000, insufficient to cover the remaining 13,525 beneficiaries,” aniya. “We had to look for additional funds so we could provide the financial assistance.”

 

 

Ayon kay Tiangco, kailangang itaas ng lungsod ang tinatayang P34,320,000 upang maipamahagi ang cash aid sa 10,233 waitlisted ng SAP, 2,690 registered persons with disability, at 592 registered solo parents.

 

 

“We are still short of around P2 million that is why we plan to use some of our Gender and Development Fund to complete the needed amount,” sabi niya.

 

 

Humingi si Tiangco ng pag-unawa sa publiko kung kailangan talikuran ng gobyerno ng lungsod ang ilang mga programa o proyekto nito. (Richard Mesa)

MECQ ‘dapat i-extend pa ng hanggang 2 linggo’ sa NCR Plus, sabi ng DOH

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kung ang Department of Health (DOH) ang tatanungin, dapat pang ipalawig ang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon ng NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

 

 

Sakop ng NCR Plus — na nasa MECQ sa ngayon — ang National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

 

 

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ‘yung ating health system capacity, hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon,” ani Health Secretary Francisco Duque III, Lunes sa panayam ng dzMM Teleradyo.

 

 

“Patuloy pa ring may ilang syudad ang may critical risk classification ang kanilang ICU capacity.”

 

 

Sa ilalim ng MECQ, mas maraming sektor na ang pinapayagang mag-operate kumpara sa enhanced community quarantine. Sa kabila niyan, hinihikayat pa rin ang work from home at iba pang flexible work arrangements. Piinapayagan ang mga pagtitipon-tipon ngunit hanggang 10% venue capacity lang ang pwede.

 

 

Lalagpas ng 1 milyong COVID-19 cases ang Pilipinas ngayong araw kung magtutuloy-tuloy ang nasa 8,791 na average new cases sa nakaraang pitong araw. Kasalukuyan itong nasa 997,523, ayon sa datos ng DOH nitong Linggo.

 

 

Kanina lang nang sabihin ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng national Task Force Against COVID-19, na dapat nang i-ban ng Pilipinas ang direct flights galing sa bansang India dahil na rin sa bagong B.1.6.17 COVID-19 variant na nananalasa roon.

 

 

India pa rin ang ikalawang may pinakamataas na COVID-19 cases sa buong mundo ngayon ayon sa World Health Organization.

 

 

“The congested living conditions in India especially in their major cities are just so predisposed to covid escalation,” ani Leachon. (Gene Adsuara)

Acting Sec. Chua, ganap ng Kalihim ng NEDA

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).

 

Si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayanan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA.

 

“With the aforesaid traits we are confident that Sec. Chua would continuously and consistently perform well in his present but crucial task of jumpstarting our economic recovery amid the COVID-19 pandemic,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Congratulations to Sec. Chua and we wish him all the best,” ang pagbati ni Sec.Roque.

 

Matatandaang Abril ng nakaraang taon ng italaga ni Pangulong Duterte si Chua bilang acting Socioeconomic Planning secretary.

 

Kinumpirma ito ni Executive secretary Salvador Medialdea.

 

Ito ay matapos magbitiw sa kaniyang pwesto si Socioeconomic Planning secretary Ernesto Pernia.

 

Sa kanyang pagbibitiw binanggit na dahilan ni Pernia ang personal reasons at ang hindi aniya pagkakahalintulad ng development philosopy niya sa ilang kapwa niya cabinet members. (Daris Jose)

Diaz may plano para sa mga nais maging weightlifter

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro ay gusto ni national weightlifter Hidilyn Diaz na maging opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).

 

 

Ito, ayon sa 30-anyos na tubong Zamboanga City, ay para matulungan ang mga batang weightlifters na makapaglaro rin sa Olympic Games kagaya niya.

 

 

“Siguro iyong purpose ko kasi kaya ako nandito pa rin at naglalaro, gusto ko talaga na maraming Pilipino na papasok sa weightlfiting, mag-try sila ng weightlifting,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist.

 

 

“I’m hoping na after ng career ko, maging official ako sa weightlifting para mas marami akong matulungan. At I’m hoping na kapag nakapasok sila sa Palarong Pambansa, kapag nakapasok sila sa UAAP, may mga scholarship iyong mga bata,” dagdag nito.

 

 

Pormal na inangkin ni Diaz ang tiket para sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, matapos sumali sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Nadal kampeon sa Barcelona Open

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakamit ni tennis star Rafael Nadal ang ika-12th Barcelona Open title matapos na talunin si Stefanos Tsitsipas.

 

 

Nakuha ni Nadal ang score na 6-4, 6-7(6) at 7-5 para tuluyang ilampaso ang Greek player.

 

 

Dahil sa panalo ay inaasahan na aangat ang puwesto Spanish tennis star.

 

 

Susunod sasabak ang 20-times Grand Slam winner sa ATP Master 1000 tournaments sa Madrid at Rome.

Community pantries, hindi malayong maging contributory factor sa paglobo ng Covid 19 – treatment Czar Leopoldo Vega

Posted on: April 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

 

Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.

 

Malaki aniya ang posibilidad na magkapag- ambag sa mga bago at aktibong kaso ng Covid-19 ang mga community pantry sa rami ng taong lumalabas at pumipila lalo na  kung hindi mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols at social distancing.

 

Dahil dito, ang panawagan ng opisyal sa mga organizer, mga lokal na pamahalaan at mga pumipila sa community pantry, kailangang seryosohin  at nasusunod ang social distancing at minimum health standards sa pila. (Daris Jose)