• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 28th, 2021

APAT NA MILYONG BAGONG BOTANTE, TARGET NG COMELEC

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30.

 

 

Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa  Mayo 2022.

 

 

Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga botante mula sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na may aplikanteng 396,529; sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 295,357; Central Luzon na may 271,869; at Central Visayas na may 202,370.

 

 

Habang 42,204 naman sa Cordillera Administrative Region; sa  Caraga ay  87,892; Cagayan Valley na may 94,462 at Mimaropa (Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, Palawan) na nakapagtala ng  96,180.

 

 

Kasalukuyan namang suspendido ang pagpapatala sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite  dahilsa pinapatupad na quarantine status.

 

 

Magre-resume naman umano ang pagpapatala sa Mayo  1 o Labor day. (GENE ADSUARA)

Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.

 

 

Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.

 

 

Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.

 

 

Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.

 

 

Ang nasabing resolusyon — na iba ang bisa sa isang panukalang batas — ay ibinalangkas nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago at ACT Teachers Rep. France Castro nitong Disyembre.

 

 

Merong P13.7 bilyong “hindi nagastos” na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa “Assistance to Individuals in crisisa Situation” (AICS) program na maaari raw ipamahagi ng gobyerno sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses, ayon sa six-member Makabayan bloc sa Kamara.

Thirdy Ravena namamaga ang tuhod

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Panibagong dagok na naman ang tumama kay Thirdy Ravena matapos magtamo ng injury sa tuhod dahilan upang hindi na naman ito masilayan sa aksiyon sa Japan B.League.

 

 

Na-diagnose ang 6-foot-3 dating Ateneo de Manila University standout na may namamagang tuhod sa kaliwa na nakuha nito sa laro ng San-en NeoPhoenix at Ryukyu noong Abril 14.

 

 

Dahil dito, hindi muna makalalaro si Ravena base sa statement na inilabas ng San-En.

 

 

“He will miss this round due to an injury on his left knee. Although it is a difficult situation, we appreciate your support,” ayon sa statement ng San-En.

 

 

Nauna nang nagkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) si Ravena noong nakaraang taon na dahilan para ma-quarantine ito ng ilang linggo.

Steven Spielberg’s ‘West Side Story’ Drops Official Teaser Trailer

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALT Disney has finally dropped the first official teaser to Steven Spielberg’s upcoming reimagination of West Side Story during the 93rd Academy Awards.

 

 

The movie stars Ansel Elgort and Rachel Zegler and will premiere in Philippine cinemas soon.

 

 

Watch it below: https://www.youtube.com/watch?v=0k2OdEzq-dc

 

 

West Side Story stars Ansel Elgort and Rachel Zegler, takes inspiration from the William Shakespeare classic, Romeo and Juliet, tells the classic tale of fierce rivalries and young love in 1957 New York City.

 

 

The film is based on the 1957 musical of the same name, with a book by Arthur Laurents, music by Leonard Bernstein, and lyrics by Stephen Sondheim.

 

 

Steven Spielberg directs the film, with a screenplay from Tony Kushner. Some of the other names playing a part in the film are Tony Award winner Justin Peck, who will be choreographing the film’s musical numbers, while Grammy Award winner Gustavo Dudamel heads the recording of the film’s score.

 

 

Reimagining of the beloved musical stars Ansel Elgort (Tony); Rachel Zegler (María); Ariana DeBose (Anita); David Alvarez (Bernardo); Mike Faist (Riff); Josh Andrés Rivera (Chino); Ana Isabelle (Rosalía); Corey Stoll (Lieutenant Schrank); Brian d’Arcy James (Officer Krupke); and Rita Moreno (as Valentina, who owns the corner store in which Tony works).

 

 

Moreno – one of only three artists to be honored with Academy®, Emmy®, GRAMMY®, Tony® and Peabody Awards – also serves as one of the film’s executive producers.

 

 

West Side Story is slated to arrive in theaters later this year on Dec. 10. The new film was originally slated for release on Dec. 18, 2020, but was delayed by one year as a result of the coronavirus (COVID-19) pandemic.

 

 

The film will premieres in PH cinemas soon. Follow 20th Century Studios on FacebookInstagram, and Twitter for updates. (ROHN ROMULO)

2,000 medical technologists, medical laboratory technicians nanumpa na

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online.

 

 

Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform.

 

 

Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang Recital of the Professional’s Oath.

 

 

Habang si Marian Tantingco naman, miyembro ng PRBoMT, ang nanguna sa Recitation of the Code of Ethics.

 

 

Sa naging mensahe ni PRC Chairman Teofilo S. Pilando Jr., sinabi nito na 70 percent ng kasalukuyang medical decisions ay nakadepende sa laboratory test results. Pagpapatunay lang aniya ito ng mahalagang papel ng clinical laboratories sa healthcare system ng bansa.

 

 

Sa naging closing remarks naman ni PRC-NCR Director L. Louis Valera, nagpaalala ito sa mga bagong professionals na ang professionalism, excellence, at compassion ang dapat nilang isapuso sa lahat ng oras.

 

 

Ang naturang virtual oathtaking ay pinangasiwaan ng PRC NCR sa tulong ng PRC Lucena, PRC Baguio, PRC Davao, PRC General Santos, PRC Legazpi, PRC Iloilo, PRC Cagayan De Oro, PRC Tuguegarao, PRC Pagadian, PRC San Fernando, Pampanga, at PRC Cebu,

Pagbabakuna laban sa Covid-19, hindi kailangang gawing mandatory-Sec. Roque

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa Covid-19.

 

Ito’y sa kabila ng nire-require ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna ay hindi naman dapat na gawin itong mandatory lalo pa’t nananatiling mababa ang suplay ng bakuna.

 

“Bilang isang abugado, kabahagi ng police power ng estado ang i-require ang bakuna kung talagang kinakailangan pero sa ngayon naman mukhang hindi naman kinakailangan mandatory yan dahil hinihintay pa natin ang bulto ng ating mga bakuna,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa ginawang paghahain ng panukalang batas ni Cavite 2nd District Rep. Elpidio Barzaga Jr. sa Kongreso na nire-require ang bawat indibidwal na magpabakuna laban sa COVID-19 para matugunan na rin ang kawalan ng tiwala ng mga ito sa bakuna.

 

Nauna rito, nilinaw naman ni Sec. Roque na wala pang posisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panukalang batas na ito.

 

Aniya, mataas naman ang vaccine confidence subalit mababa naman ang suplay ng bakuna.

 

“Ang tingin natin ay dumadami na o tumataas na ang vaccine confidence kaya ang problema natin hindi sapat ang bakuna doon sa mga gustong magpabakuna,” anito. (Daris Jose)

Gen. Parlade at Usec. Badoy, may ‘gag order’ sa community pantry issues – Esperon

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na kaniya nang pinagsabihan sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Larrine Badoy, kapwa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na huwag muna magbigay ng anumang pahayag o komento kaugnay sa mga isinasagawang community pantry initiatives.

 

 

Ayon kay Esperon, ang chairman ng NTF-ELCAC, layon ng “gag order” ay para maiwasan na magkaroon ng kalituhan kaugnay sa bayanihan initiative.

 

 

“Yes, I did if only to emphasize that NTF ELCAC or Gen Parlade or Usec Badoy are not against bayanihan or community pantries,” wika ni Sec. Esperon.

 

 

Naiintindihan naman aniya nina Parlade at Badoy ang inilabas nitong gag order at sa katunayan ay suportado ng dalawa ang bayanihan spirit sa mga community pantry.

 

 

Siniguro rin ng NTF-ELCAC chairman na suportado nila ang community pantries na itinayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Una rito, itinanggi ni Parlade na kaniyang iniuugnay ang ilang organizers ng community pantries sa komunistang rebelde.

 

 

Pero aminado si Parlade, ginagaya ng makakaliwang grupo ang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Daris Jose)

19-anyos na NBA prospect player na si Terrence Clark patay sa aksidente

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patay sa aksidente ang 19-anyos na si basketball player ng Kentucky University na si Terrence Clarke.

 

 

Ayon sa imbestasyon nagmamaneho ng kaniyang Genesis na sasakyan  dakong alas dos ng hapon sa San Fernando Valley at ito ay bumangga sa poste at pader.

 

 

Si Clarke ay napipisil sa 2021 NBA Draft pick.

 

 

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.

Magic coach Steve Clifford nagpositibo sa COVID-19

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpositibo sa COVID-19 ang head coach ng Orlando Magic na si Steve Clifford.

 

 

Papalit pansamantala sa puwesto nito ang assistant coach na si Ty Corbin.

 

 

Sinabi ni Clifford na unang nagpositibo ito sa pagkatalo nila laban sa New Orleans Pelicans at nagnegatibo nitong Biyernes bago nagpositibo nitong Sabado.

 

 

Nagtaka rin ito dahil sa pangalawang beses na siyang naturukan ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna.

 

 

Kasalukuyan ito ay nag-quarantine.

RABIYA, nangangalampag na sa pageant fans na iboto para sure na sa Top 21 ng ‘69th Miss Universe’

Posted on: April 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANGANGALAMPAG si Miss Univese Philippines Rabiya Mateo sa maraming pageant fans na bigyan siya ng boto para makasama siya sa Top 21 ng Miss Universe beauty pageant.

 

 

Post ni Rabiya sa Instagram: “Be your own legend. Build your own empire. Please vote for me and help me get into the top 21 of Miss Universe.”

 

 

Kung tutuusin, maingay na ang name ni Rabiya sa Miss Universe, salamat sa mga post ng kanyang creative team sa social media.

 

 

Pero kailangan pa rin nila ng maraming boto dahil hindi masasabi kung sino ang paborito ng netizens na candidates ng Miss Universe ngayon.

 

 

Fans can vote for Rabiya using the Miss Universe app or website.

 

 

The 69th Miss Universe competition will be held at Seminole Hard Rock Hotel and Casino in Florida on May 16, 2021.

 

 

***

 

 

NAG-POST sa social media si Jennica Garcia ng isang open letter for parents facing marriage problems.

 

 

Para na ngang kinukumpirma ni Jennica na totoo ang marital problems na pinagdadaanan nila ng mister niyang si Alwyn Uytingco. 

 

 

Noong nakaraang buwan, humingi ng tulong si Jennica kung paano mapalitan ang handle name niya sa IG na

 

 

“jennicauytingco”.

Heto ang open letter ni Jennica sa parents struggling with separation.

“Dear Parents, self-love is not selfish.

“It only becomes selfish when you love yourself too much to the extent that your family becomes broken because of it.

“If you are going through something in your marriage but both of you are helping each other to keep the marriage intact, all praises to God!

“If only the husband or the wife is trying to fix what is now broken and your spouse already let go of you to start a journey that is all about them (me, myself and I) a journey without your family in it… Cling to God and do not beg further for your spouse affection when you already tried getting them back many times.

“This is a bitter pill to swallow but truth is, there is nothing you can do to change your spouse’s heart.

“It is going to be very hard but know that you are never alone in Christ. The desire for companionship will be so strong during moments of loneliness but take courage in the fact that the Lord knows your story from start to finish.

“Hold on tight to Jesus and pray for His will and not yours to be done. WHY? Because whether your family is restored or otherwise, there is no better life than the life God has planned for you.”

 

 

***

 

 

MASAYANG binalita ng mag-asawang Joyce Pring and Juancho Triviño na they are having a baby boy!

 

 

Ni-reveal nila ang gender ng baby sa kanilang YouTube vlog noong nakaraang Friday lamang.

 

 

Nagkaroon ng sariling gender-reveal party nina Joyce at Juancho. Nag-set up sila ng isang box kunsaan may hinila silang string at blue confetti at balloons ang lumabas.

 

 

“Another Triviño is coming,” sabi ng Kapuso couple.

 

 

Ang six-minute video ay pinakita ang pregnancy journey ni Joyce. Natuwa ang marami sa reaction ni Juancho noong unang sabihin ni Joyce na buntis siya habang nagdi-dinner sila.

 

 

Umeksena din ang aso nilang si Bowie sa video. Bigla kasi itong makawala habang nagmo-moment ang mag-asawa.

 

 

“Umiiyak ako, niyakap mo ko tapos after that wonderful two minutes, biglang nakawala yung aso natin!” natatawang pag-alala ni Juancho. (RUEL J. MENDOZA)