• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 29th, 2021

BAGONG CAMANAVA TRAINING CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas maraming Navoteños ang mabibigyan ng access sa libreng technical and vocational education kasunod ng inagurasyon ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area.

 

 

Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro Lapeña, NAVOTAAS Institute Head, Kathryn Anne Hilario; at Vice Mayor Clint Geronimo ang ribbon cutting at unveiling of marker.

 

 

“It may take a while for our economy to fully recover, but it is prudent to keep our people ready and equipped with new and multiple skills. Their education and training can boost their chances of landing jobs and other livelihood opportunities in the future,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ang TESDA-NAVOTAAS Training Center ay pagpapabilis ng facilitate certification ng mga Overseas Filipino Workers bound abroad, nagbukas din ng assessment center para sa Domestic Work NC II.

 

 

Ito ang unang assessment center para sa Domestic Work NC II sa National Capital Region.

 

 

Ang training center ay nag-aalok ng karagdagan tech-voc courses sa 2D Animation, Advance Microsoft Excel Training, Computer System Servicing, Cyber Security, Driving, and Solar Powered Lighting at Mobile Phone Charging Kit Training.

 

 

Noong nakaraang taon, ang Navotas at TESDA ay lumagda ng isang memorandum of agreement na nagbibigay ng latter the right sa paggamit ng second, third at fourth floors ng NAVOTAAS Institute-Main sa loob ng limang taon. (Richard Mesa)

Internet connection sa LRT 2 pinalakas pa ng SMART

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinalakas pa ng Smart Communications ang network coverage sa lahat ng estasyon ng Light Rail Transit Line 2 upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga sumasakay.

 

 

Naglagay ang Smart ng microsites upang mas gumanda ang internet service sa LRT 2 na mayrong 11 na estasyon simula sa Santolan sa Pasig hanggang sa Recto sa Manila.

 

 

Ang microsites na ito ay magbibigay ng karagdagang LTE coverage at capacity upang magkaron ng mas mabilis na mobile data para sa mga sumasakay na magagamit nila habang sila ay nakasay sa LRT 2.

 

 

“This is part of our efforts to collaborate with the government in improving the mobile data experience of our customers wherever there’s customers wherever there’s need, using the best technologies despite the challenges posed by the pandemic,” saad ni PLDT and Smart head of technology Mario Tamayo.

 

 

Umaakma ang expansion at upgrade ng mobile data network sa kabuohang LTE network lalo na sa mga urban areas kung saan natutulungan ang kanilang mga customers na magtrabaho at mag-aral sa kanilang mga tahanan. Makakatulong din ito sa sa mga online businesses, panood ng mga news at iba pang upadates tungkol sa pandemya at vaccine roll out kasama na rin ang pakikipagugnayan sa ating mga mahal sa buhay habang pinapatupad ng social distancing sa gitna ng pandemya.

 

 

Simula pa noong 2016, ang Smart ay nagtataguyod na upang tumaas ang paglalagay ng WIFI sa mga high foot-traffic areas sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong mabilis, libre at maaasahan sa araw-araw na internet connectivity sa mga transport hubs, airports, universities, malls at hospitals.

 

 

Sa kasalukuyan, ang Smart mobile network ay nagbibigay ng serbisyo sa 96 percent na population at kinikilala sa bansa na mayron na pinakamabilis na mobile network ng binigay ng third party firm na Ookla noong 2018.

 

 

“Our consistent network superiority is a result of PLDT’s continuous investments in the expansion of fixed and wireless networks nationwide to elevate the telecommunications industry and deliver world-class services to the Filipinos,” dagdag ni Tamayo.

 

 

Ayon sa PLDT naglaan sila ng P88 billion hanggang P92 billion para sa kanilang capital expenditures itong taon na siyang patuloy na magbibigay ng suporta sa patuloy na expansion ng kanilang 4G/LTE network sa buong bansa at ang mabilis na roll out ng kanilang 5G.  LASACMAR

ANDREA, naglitanya at wala nang paki kay DEREK dahil matagal nang naka-move-on

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAKAROON ng diskusyon o palitan ng kuro-kuro ang netizens na pumapanig sa Kapuso actress na si Andrea Torres at may mas pinapaboran si Derek Ramsay, kasama na rin ang fiancée nito na si Ellen Adarna.

 

 

Katulad nga ng naisulat namin dito, babasagin na rin ni Andrea ang kanyang katahimikan sa last year’s break-up pa nila ni Derek. Pero true enough nga, hindi ito nagbigay ng detalyeng mga sagot but instead, malinaw na hindi ito sumasang-ayon sa huling statement ni Derek na ito ang unang nakipag-break at sa pamamagitan ng telepono.

 

 

Malinaw rin na naiparating ni Andrea na tila wala na itong “paki” sa ex boyfriend at matagal nang naka-move-on.

 

 

Sa halip na direktang sagutin din ang tungkol sa pagkakadawit ni Derek sa mga magulang ni Andrea sa kanilang break-up, naglitanya lang ito nang, “If he truly respects me and my family, let us have our peace.”

 

 

May mga netizens na nagsasabing kesyo mas tamang sabihin daw na baka ‘yung tinutukoy raw ni Andrea sa post niya sa Instagram na “Keep calm and let Karma finish it” ay ang dating girlfriend daw ni Derek na si Joanne Villablanca ang dapat mag-litanya.  Iniisip nga kasi ng ibang netizens na kesyo sina Derek at Joanne pa nang pumasok si Andrea.

 

 

Pero, ang isyu na ito ay natuldukan na dati pa.  May nagsasabi rin na shady raw ang mga sagot ni Andrea, pero, mas marami naman ang nag-depensa sa actress.

 

 

Isa sa comment ng netizen, “What are you talking about? She doesn’t want to discuss it any further. The guy should really stop commenting about her if he is TRULY HAPPY with Ellen.”

 

 

Pumapabor pa rin kay Andrea ang pulso ng netizens at tinatawag itong “classy” “Pure class” sa ilang comments.

 

 

***

 

 

AMINADO si Sharon Cuneta na talagang magkaiba sila ng panganay na anak na si KC Concepcion.

 

 

Ito ay matapos mag-comment ang isang netizen na mas close raw si KC sa ama nitong si Gabby Concepcion kaysa sa kanya kahit siya ang nagpalaki at nagpaaral dito.

 

 

Sey nito, “As a fan and an observer, I just hope you and your eldest are okay now. It’s depressing that she seems to be more close to the biological father these days than you, the mother who raised her, gave her good education, and all the luxuries life can offer.

 

 

     May nag-comment na sana raw, makadalaw rin si KC at maka-bonding silang pamilya.

 

 

Sumagot naman si Sharon at aniya, lahat naman daw ng tao ay magkakaiba at inaming she and KC are total opposites.

 

 

    “Thank you so much. Everyone is different. Even if you raise them, it doesn’t necessarily follow that they will be like you. But she is a good kid. We just happen to be total opposites,” sabi na lang ng Megastar.

 

 

***

 

 

MAAYOS namang hinarap ni Bea Binene ang hindi pagkaka-renew sa kanya ng Kapuso network bilang exclusive talent or with guaranteed project or talent fee.

 

 

Naintindihan siguro ni Bea ang situwasyon din ngayong may pandemic pa at ayon naman dito, sa ngayon ay wala pa raw siyang bagong gagawin kung sa GMA-7, wala rin siyang nababanggit kung may posibilidad ba siyang gawin sa labas.

 

 

Pero, sa kanyang post, sinabi niyang hihintayin na lang niya kung ano ang naghihintay sa kanya in-terms of her career at hoping for the best lang.

 

 

Aniya, “Hi everyone, how are y’all doing? Sharing a bit of a life update to you guys hehe. Yes, I don’t have an on-going management nor network contract now. But I will always be forever grateful to GMA where I have spent most of my life with, and I am forever proud to be Kapuso. 

 

 

Right now, I don’t have any current or upcoming teleserye or show with GMA. You can still watch me on Oh My Job, on GTV and DZBB every Saturdays 1-2PM (which is produced by DOLE) and for course, I am just here on Instagram, Facebook and Twitter and won’t be going anywhere. I enrolled to some online cerificate courses and will be back studying at CACS hopefully sooner than later (aka when our covid situation gets better). 

 

 

Just wanna take this opportunity to thank each and everyone of you for being with me all the way, for the support and love that you have given me, a never-ending thanks to you guys. 

 

 

Let’s all keep praying that this pandemic will soon be over. Please don’t forget to follow health protocols, and please please stay healthy. God bless you all. Love and light and virtual huuugs! 

 

 

Now… nothing but positivity (but not Covid-19 positive, of course). Let’s see where life will take me. Just hoping for the best. ]

 

 

PS: for work or business inquiries, you may message my mom (if you know her number) or send me an e-mail at the e-mail address on my bio. Hihi” (ROSE GARCIA)

Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaanyayahan ng ­Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ayon kay CESU chief Dr. Rolando Cruz, ang mga residente na may sintomas ng COVID-19, gaya ng trangkaso at ubo, matapos pumila sa community pantry, ay kinakailangang agad na magpasuri.

 

 

“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” pahayag ni Dr. Cruz.

 

 

Aniya, ang mga apektadong residente ay maaaring magpa-book ng appointment online sa http://bit.ly/QCfreetest o tumawag sa QC Contact Tracing Hotlines: na 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, at 0931-095-7737.

 

 

Samantala, umapela rin naman ang CESU kay Locsin at sa kanyang grupo na makipag-ugnayan at makipagtulu­ngan sa lungsod sakaling may matukoy silang sinumang indibidwal na nangangailangang ma­suri kaagad.

 

 

Para naman sa kanyang panig, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Locsin dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa o philanthropic works sa lungsod, kasabay nang apela sa kanya na tumulong din sa pagtukoy ng mga potensiyal na kaso ng sakit.

 

 

“Nanawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng CO­VID-19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa,” panawagan pa ni Belmonte.

 

 

Para naman sa kanyang panig, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Locsin dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa o philanthropic works sa lungsod, kasabay nang apela sa kanya na tumulong din sa pagtukoy ng mga potensiyal na kaso ng sakit.

 

 

“Nanawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng CO­VID-19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa,” panawagan pa ni Belmonte.

Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit.

 

Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling mula sa virus.

 

Sa mga naging pahayag  ng mga eksperto, maraming kaso na raw sa mga nakarekober ang nakaranas ng heart attack partikular na iyong mga may comorbidities.

 

Gaya niya na kabilang sa mga survivor at marami na ring nararanasang comorbidities ay kinakailangan ng mas regular na magpa-check-up sa kanyang cardiologist upang mamonitor ang kanyang kondisyon partikular na ang kanyang puso. (Daris Jose)

5,000 COVID-19 vaccine doses para sa A4 minimum wage earners at OFWs sa Labor Day

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Martes, Abril 27 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 5,000 doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa idaraos na symbolic inoculation ceremony ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng Priority Group A4 sa Mayo 1, 2021 o Araw ng Paggawa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ipinag-utos naman sa DOLE na gumawa ng masterlist upang matiyak ang ‘equitable representation’ ng labor sector habang idinaraos ang nasabing seremonya.

 

Ikinunsidera naman ng IATF ang mga frontliners ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilagay sa ilalim ng Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan bilang pagkilala sa kanilang mapanganib at kusang-loob na gampanin sa pakikipaglaban ng lahat sa coronavirus pandemic. (Daris Jose)

Pedicab driver tinodas ng 2 pasahero sa sementeryo

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dedbol ang isang 27-anyos na pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Santolan.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

 

 

Sa report ni police investigator PSSg Jose Romeo Germinal kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong 3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Tugatog Public Cemetery, Brgy. Tugatog.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng biktima sa kanyang minamanehong pedicab ang mga suspek at pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang naglabas ng baril ang mga salarin saka pinagbabaril sa ulo si Dela Cruz bago mabilis na nagsitakas.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril at isang deformed fired bullet habang inaalam pa ang motibo sa krimen. (Richard Mesa)

SHARON, nag-trending at willing na gumanap bilang Doctor Foster ng ‘Pinas

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa upcoming TV projects ng ABS-CBN ay ang local version ng Doctor Foster na mas sikat sa South Korean version na The World of the Married.

 

 

Bagamat wala pang announcement ang ABS-CBN kung sino ang mga artista who will play the important roles sa serye, suggestion ng mga fans ni Megastar Sharon Cuneta na sanay ay i-consider ng ABS-CBN ang Megastar for the role of Dr. Forster.

 

 

Trending nga sa Twitter ang SHARONCUNETA DRFOSTERPH.

 

 

Mensahe naman ni Sharon sa kanyang mga fans na nagpa-trend ng Sharon Cuneta Dr. ForsterPH ay, “Thank you so much. I would love to play her.”

 

 

Maging ang talent manager na si Leo Dominguez ay nag-comment na bagay kay Sharon ang nasabing role.

 

 

Tweet naman ni silent_fan12. “YES Ate Shawie, we all love to see you play the lead role in #Dr Foster #The World of the Married Couple. You are the only one perfect for that role…acting wise, the looks, bearing, character and personality of a doctor/lead role.”

 

 

May mga fans pa ni Shawie na nag-tweet na ipagdarasal nila na sana si Sharon nga ang makakuha ng role ni Dr. Foster.

 

 

***

 

 

BALIK-VIVA si Bayani Agbayani matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency (VAA) noong Lunes, April 26.

 

 

Ayon sa komedyante, kabilang sa proyektong gagawin niya sa Viva ay pelikula at mga TV shows. Ibinahagi rin ni Bayani ang kanyang desire na magdirek ng para naman daw masabi na nag-level up na siya at nagkaroon ng improvement sa career.

 

 

Isa sa project na ito ay ang sitcom na mala Buddy en Sol na kung saan magkakasama sila ni Randy Santiago. Ayon kay Bayani, nabanggit daw ito sa kanya ng isang Cignal TV executive. Siyempre co-prod ito with Viva.

 

 

May naiisip din siya na project with Aga Muhlach na plano niya i-present kay Aga at sa Viva na rin. Hindi pa nga lang daw niya na-inform si Aga about it.

 

 

Pero baka mauna ‘yung sitcom nila ni Randy, na una niyang nakasama niya sa Lunch Date many years ago.

 

 

Pero what Bayani is truly excited about ay ang posibleng pagdidirek niya. Bagong challenge kasi ito sa kanya.

 

 

Basta kung ano raw ang unang project na simulan ay agad niyang iga-grab ang opportunity.

 

 

***

 

 

SA katatapos lang na 54th WorldFest Houston International Film Festival nitong Linggo, April 25, idineklarang Best Actor si Kit Thompson, para sa pelikulang Belle Douleur.

 

 

Si Kit ay solong nominado mula sa bansa habang ang co-star niyang si Mylene Dizon ay kumatawan din sa Pilipinas para sa prestihiyosong International filmfest.

 

 

Tinalo ni Kit ang dalawang best actors nominees ng Japan na sina Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya na parehong napansin sa kanilang pagganap sa pelikulang Sin-Gone Irony.

 

 

Hindi naman pinalad si Mylene to win the Best Actress for Belle Douleur which was won by Nao Hasegawa para sa pelikulang Beautiful Lure mula sa Japan.

 

 

Ang Belle Douleur ay directorial debut ng film producer na si Joji Alonso. Una itong ipinalabas noong 2019 at the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, where it won the audience choice award for full-length entries.  (RICKY CALDERON)

Pagpapawalang bisa sa minor moratorium kinondena ng Obispo

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinondena ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagpapatigil ng pamahalaan sa siyam na taong moratoryo sa pagmimina.

 

 

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi naaangkop ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lalo lamang itong magpapalala sa iba’t ibang kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran.

 

 

Dagdag pa ng Obispo na maaaring ito’y ipinatupad ng Administrasyong Duterte upang mapagkunan ng pondo ng mga “corrupt” na opisyal ng pamahalaan para pagkunan ng panggastos sa darating na eleksyon.

 

 

“Napapatunayan naman na hindi naman ‘yan nakakatulong sa development natin at ang nakikinabang lamang d’yan ay ang corrupt na mga opisyales. Kaya baka naman ‘yan ay ginawa para makakuha ng pera para sa eleksyon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

lIpimaliwanag ni Bishop Pabillo na sa halip na makatulong ang pagmimina sa pag-unlad ng bansa ay lalo lamang itong magdudulot ng pagbabago sa klima ng mundo at nakasisira sa likas na yamang tahanan ng iba’t ibang uri ng buhay.

 

 

Pinangangambahan rin nito na higit na maaapektuhan ng desisyon ng pamahalaan ang mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan at kagubatan na nakakaranas ng pananakot at pinaaalis sa kanilang mga lupaing minana upang maisagawa ang mapaminsalang pagmimina.

 

 

Apektado nito ang mga karagatan at lupaing sakahang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mangingisda at magsasaka.

 

 

“Nakikita po nating nakakasira lamang ito sa environment at ang mga taong tatamaan n’yan ay ang mga katutubo at mga maliliit na mangingisda at magsasaka,” saad ni Bishop Pabillo.

 

 

Hinihiling naman ng Obispo, na siya ring chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity na mas makabubuting baguhin ang Philippine Mining Act of 1995 upang maisagawa sa tamang paraan ang pagmimina na hindi magdudulot ng matinding epekto sa tao at iba’t ibang likas na yaman.

 

 

“Dapat irevise ang mining law ng 1995 kasi extractive ang batas na yan. Kinukuha lang ang ating mineral resources na hindi naman bumabalik sa atin,” saad ng Obispo.

 

 

Batay sa mga pag-aaral, kakaunti lamang ang naiaambag ng pagmimina sa kabuuang ekonomiya ng bansa at hindi rin ito nakakapaglikha ng pangmatagalang hanapbuhay sa mamamayan sapagkat naitala lamang sa isang porsyento ang mga manggagawa nito sa pangkabuuang workforce ng bansa.

Pres. Biden magpapadala ng COVID-19 vaccines sa India

Posted on: April 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaayos na raw ni U.S. President Joe Biden ang mga ipapadalang coronavirus vaccines sa India.

 

 

Kasabay na rin ito ng paghihirap na nararanasan ngayon ng nasabing bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso doon ng nakamamatay na virus.

 

 

Ginawa ng Democratic president ang anunsyong ito matapos sabihin ng Estados Unidos na maglalabas ito ng 60 milyong AstraZeneca vaccine para ipamahagi sa ibang bansa sa oras na sumailalim ang mga ito sa safety inspection ng health authorities.

 

 

Ang nasabing doses ay kumakatawan sa buong AstraZeneca vaccine stock ng Amerika na hindi nabigyan ng emergency use approval. Sa ngayon ay ang mga bakuna na gawang Moderna, Pfizer-BioNTech, at Johnson & Johnson ang ipinamamahagi ngayon sa U.S.

 

 

Hindi naman sinabi ni Biden kung anong bakuna ang ipapadala sa India, subalit nakausap na niya tungkol dito si Indian Prime Minister Narendra Modi.

 

 

“The problem is right now we have to make sure we have other vaccines like Novavax and others coming on probably, and I think we’ll be in a position to share vaccines as well as know-how with other countries who are in real need,” ani Biden.

 

 

“That’s the hope and expectation, and I might add when we were in a bind at the very beginning India helped us,” dagdag pa nito.

 

 

Sa kasalukuyan ay mahigit 17 milyon na ang kaso ng coronavirus sa Amerika habang ang death toll naman ay pumalo na ng 200,000.

 

 

Ang pagsirit ng COVID cases sa India ay nagbunsod sa kakulangan ng bansa sa oxygen supply, hospital beds at life-saving drugs.

 

 

Una nang natanggap ng India ang emergency medical supplies mula sa United Kingdom na binubuo ng 100 ventilators at 95 oxygen concentrators.