PAANO masasabing credible ang listahan ng greatest performances ng mga artista kung hindi kasali sa listahan si Nora Aunor?
Naglabas ang PEP or Philippine Entertainment Portal ng listahan ng 15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles for the last 20 years (2000 – 2020) pero wala si Ate Guy sa listahan, na kung saan pasok sa Top 5 sina Vilma Santos, Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Maricel Soriano at Jaclyn Jose.
Kaya may kumuwestiyon kung bakit they ignored Ate Guy.
Ang sagot ng PEP, based daw ang listahan sa mainstream movies.
So, may listahan ba sila ng greatest performances mula sa indie films?
Actually, in coming out with a list of best performances, di nga dapat paghiwalayan ang indie sa mainstream dahil pareho lang naman pelikula ang mga iyan.
Wala dapat segregation. Kasi if you do that, parang minememos mo ang kalidad ng indie films.
Eh, there are some indie films na mas maganda compared to mainstream films.
Indie films man ang ginawa ni Ate Guy, mahusay naman ang kanyang pagganap. She won many awards for the said movies tulad ng Thy Womb na multi-awarded both here and abroad.
So, hindi namin masasabi na credible ang listahan ng PEP dahil some of the performances in the list are inferior compared to the movies of Ate Guy and other indie films the performances they chose to ignore.
Kaya kung makatanggap sila ng batikos because of their choices it is because hindi katanggap-tanggap ito.
***
DAHIL only child siya, suportado ni Ryan Bang ang kanyang ina based in Korea.
Madalas daw siya tawagan ng kanyang kapag nalulungkot ito. Sinasabi raw ng kanyang ina na depressed ito at nalulungkot at wala itong pambili ng ulam.
Kaya raw pag tumawag ang kanyang ina at sinabing wala itong pambili ng ulam, alam na raw niya na naglalambing ito at gustong humingi ng pera sa kanya. Kaya agad naman daw siyang nagdedeposit sa account nito.
Aminado rin naman si Ryan na apektado ang trabaho niya dahil sa pandemya. Hindi naman daw ganoon kalaki ang kanyang kinikita since nagkaroon ng pandemic last year. Pero importante pa rin for Ryan na makapagbigay siya ng kahit konting financial help sa kanyang ina,
“Hindi na mahalaga ‘yung amount, alam din naman ng nanay ko sa Korea na siyempre, lahat naman tayo may pinagdaraanan,” dagdag ng binata.
Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Ryan kaya mag-isa na lamang ding naninirahan sa Korea ang ina. Ayon sa aktor ay minsan nang nagkaroon ng kasintahan ang ina na halos hindi niya matanggap.
“’Yung tunay na mommy ko sa Korea, single din siya, single mom. No’ng meron na siyang boyfriend, nahirapan ako magtanggap. Pero at the end of the day, naiintindihan ko siya. Kasi babae pa rin ‘yung nanay ko. Kailangan pa rin niya ng lambing, hindi lang anak, ‘yung lambing ng pag-ibig kasi babae pa rin ‘yung puso niya,” pagbabahagi ng aktor.
Kasali si Ryan sa Mother’s Day offering ng Regal Entertainment titled Mommy Issues where he plays the love interest of Pokwang.
Kasama rin sa movie sina Jerome Ponce at Sue Ramirez. Ito ay mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes. (RICKY CALDERON)