• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 6th, 2021

Jazz naitala ang 2nd straight victory nang talunin ang Spurs

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanguna sa opensa ng Utah Jazz sina Bojan Bogdanovic na may 25 points at si Rudy Gobert na nagdagdag ng 24 points at 15 rebounds upang idispatsa ang San Antonio Spurs, 110-99.

 

 

Hindi rin naman nagpahuli si Fil Am player Jordan Clarkson na nag-ambag ng 16 points.

 

 

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Jazz kung saan naipasok ng team ang 22 points mula sa 13 turnover ng San Antonio.

 

 

Sa ngayon hawak na ng Utah ang 47-18 record bilang top team habang nasadlak naman ang Spurs sa 31-33.

 

 

Liban sa opensa, naging susi rin sa Jazz ang kanilang depensa.

 

 

Sa second half lumaki pa ang kalamangan ng Jazz na umabot sa 25 points

 

 

Ang Utah at San Antonio ay muling nagkaroon ng face off noong Miyerkules.

Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaugnay sa patuloy na pananatili ng Chinese ships sa WPS.

 

“China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, sa nagdaang Talk To The People ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na Isang mabuting kaibigan ang China.

 

Pinanindigan din ng Chief Executive na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

 

Aminado si Pangulong Duterte na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga donasyon nilang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino.

 

Iginiit ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas ang bansa para ipaglaban ang ating teritoryo.

 

Hindi niya ipapadala ang mga sundalo sa giyerang hindi mananalo ang bansa.

 

Binigyang diin pa ng Pangulo na hawak na ng China ang lugar mula nang umatras ang Pilipinas noong nakaraang administrasyon.

 

Gayumpaman, umaasa si Pangulong Duterte na maiintindihan ng China ang katayuan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. (Daris Jose)

Marvel Drops New Featurette To Celebrates The Movies, Teases ‘Eternals’ First Footage

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARVEL Studios dropped a new featurette to celebrate the movies, featuring the Marvel Cinematic Universe’s most memorable scenes, and teasing the upcoming films in the MCU’s Phase 4.

 

 

The video begins with a series of some of the most heartwarming and awe-inspiring scenes from the MCU, accompanied by the voice of the late Stan Lee.

 

 

“I love being with people,” says Stan Lee, “It’s the most incredible feeling in the world. That world may change and evolve, but the one that will never change – we’re all part of one big family.”

 

 

It also showcased the audience’s reaction during the opening night of Avengers: Endgame, specifically at the scene where viewers cheered during the final battle, as Steve Rogers uttering the iconic “Avengers Assemble” line.

 

 

The featurette then proceeded to tease us fans with the MCU’s Phase 4 films through clips from Black Widow (showing on July 9, 2021) and Shang-Chi and The Legend of The Ten Rings (with a playdate on September 3, 2021)

 

 

Marvel Studios also shared the first footage of Chloé Zhao‘s Eternals in a new promo celebrating the return to movie theaters.

 

 

We do get our first look at the titular Eternals, a race of superpowered and immortal beings that have protected Earth for millennia, to the point where some of them are even mistaken for gods.

 

 

But in the footage it is focus more on Angelina Jolie’s Thena, who is seen wielding a very cool and alien-looking golden sword.

 

 

In the comics created by Jack Kirby, the Eternals are a group of superpowered beings that were intended to act as defenders of the Earth against an ancient evil force known as the Deviants.

 

 

Eternals comes out in theaters on November 5, 2021, and as the brief footage shows, it boasts an incredibly stacked ensemble that also includes Richard Madden, Salma Hayek, Kumail Nanjiani, Gemma Chan, Kit Harrington, Brian Tyree Henry, and Ma Dong-seok.

 

 

The video also revealed the latest release dates for the other upcoming MCU Phase 4 films:

 

 

Spider-Man: No Way Home – December 17, 2021

 

 

Doctor Strange in The Multiverse of Madness – March 25, 2022

 

 

Thor: Love and Thunder – May 6, 2022

 

 

 

Black Panther: Wakanda Forever – July 8, 2022

 

 

 

The Marvels (Captain Marvel sequel) – November 11, 2022

 

 

 

Ant-Man and The Wasp Quantumania – February 17, 2023

 

 

 

Guardians of The Galaxy Vol. 3 – May 5, 2023

 

 

(ROHN ROMULO)

Locsin personal na nag-sorry sa Chinese government

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

 

Aniya, sinabi ito sa kanya ni Locsin sa isang phone conversation kaninang umaga.

 

“Personal na pananaw po iyon. Hindi po ito polisiya ng Pilipinas,” ani Sec. Roque sa naging tweet ni Locsin na nagsasabi sa mga Chinese ships na  “get the f— out  of Philippine waters.”

 

“Personal po siyang nag-apologize sa Chinese ambassador. Sa diplomacy, walang lugar ang pagmumura,” anito.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na personal na desisyon at walang nag-presyur kay Locsin na humingi ng paumain.

 

Wala aniyang kautusan si Pangulong Duterte kay Locsin.

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaugnay sa patuloy na pananatili ng Chinese ships sa WPS.

 

“China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, sa nagdaang Talk To The People ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na Isang mabuting kaibigan ang China.

 

Pinanindigan din ng Chief Executive na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

 

Aminado si Pangulong Duterte na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga donasyon nilang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino.

 

Iginiit ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas ang bansa para ipaglaban ang ating teritoryo. (Daris Jose)

PDu30, nakiusap kay President Xi Jinping na hayaan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa WPS

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chinese President Xi Jinping na hayaan lamang ang mga mangingisdang Filipino na mapayapang makapangisda sa West Philippine Sea.

 

“I told him: ‘We have no quarrel. So just leave the fishermen alone because they have to eat,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

“I know that it’s yours — according to you. I’ve heard that several times.  But you know, you must also have heard of the fact that people are hungry,” aniya pa rin.

 

“Filipinos are hungry, and you are not oblivious to that fact.  So kindly just allow our fishermen to fish in peace, and so there is no reason for trouble. If there is one, a brewing, you call our attention and we can talk immediately to solve the problem,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Ang kahilingan ng Pangulo sa China ay matapos mamataan ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) noong Marso 7, ang nasa 220 fishing boat ng Chinese sa Julian Felipe Reef.

 

Iniulat ng NTF-WPS na posibleng pinangungunahan ng mga Chinese maritime militia.

 

Ayon sa NTF-WPS na malubhang nakababahala dahil sa posibleng overfishing at pagsira sa maritime environment ganun din ang panganib sa safety of navigation dahil hindi naman umano sila nakikitang nangingisda kahit maganda ang panahon.

 

Ang Julian Felipe Reef ay nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf kaya may eksklusibong karapatan dito ang Pilipinas.

 

Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr,. na hihintayin muna niya ang rekomendasyon ng militar bago maghain ng diplomatic protest laban sa China na namataan.

 

Samantala, sinisi ni Pangulong Duterte sina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa “pagkawala” aniya ng West Philippine Sea sa Pilipinas.

 

Sa kanyang Talk to the People noong Miyerkules ng gabi, isinumbat ng Pangulo kina Carpio at Del Rosario ang pagkatalo ng Pilipinas sa China matapos walang kahirap-hirap na nakuha ang Scarborough Shoal at Mischief reef noong panahon ng Aquino administration.

 

Si Del Rosario aniya ang nag-utos sa Coast Guard na umatras nang magkaroon ng stand-off matapos sumunod sa payo ng Amerika.

 

“Isang tanong lang kay Carpio pati kay Albert. Kung bright kayo, bakit nawala ang West Philippine Sea sa atin? Panahon nyo yon eh. Panahon nyo na nandiyan kayo sa puwesto. Eh kung bright kayo, bakit nawala? ” ang tanong ng Pangulo.

 

Nagtataka ang Presidente kung bakit walang ginawang aksiyon sina Carpio at sa halip ay hinayaang matalo sa China.

 

” Bakit hindi niyo sinabihan si Pnoy maggawa nito, gawa doon. Instead, nagretreat kayo. Ang naabutan ko talo na tayo. Ang China kumasa na ng husto na kanila talaga,” dagdag ng Pangulo.

 

Nagpadala aniya si Del Rosario sa payo ng Amerika kaya pinaatras ang mga barko ng gobyerno na naging mitsa para mawala ang ipinaglalabang mga teritoryo.

 

“Ikaw Albert, ikaw yung nagsabi sa Navy na ” umatras kayo” because of the Americans or you were afraid. Sa Bisaya yan nagkakak ka eh. Nawalan ka ng bayag diyan,” wika ng Pangulo. (Daris Jose)

Confidental files ng OSG, sinigurong ligtas mula sa online breach

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na gumagawa na ito ng hakbang upang siguruhin na mananatiling ligtas ang mga confidential files nito mula sa online breach.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na ginagawa na nito ang lahat ng paraan upang maprotektahan ang mga confidential at sensitive information na nilalaman ng mga submissions nito sa mga korte.

 

 

Ginawa ang pahayag na ito matapos isiwalat n London-based cyber security firm na TurgenSec na may nakita itong online breach sa sistema ng OSG kaya’t kaagad itong ipinaalam ng kumpanysa sa nasabing ahensya.

 

 

Ayon sa TurgenSec, isa sa mga papel nito ay maging legal defender ng Pilipinas kung kaya’t makasisiguro umano ang bansa na ang mga ganitong uri ng krimen laban sa data privacy ay walang puwang sa bansa. Ang sinumang mapatutunayan na sangkot dito ay papatawan ng karampatang parusa.

 

 

Sa isang pahayag ng nasbaing kumpanya noong Abril 30, nakasaad na kaagad ipinaalam ng Turgensec sa OSG at gobyerno ng Pilipinas ang tungkol sa breach sa pamamagitan ng ipinadalang email noong Marso 1 at 24.

 

 

Ang breach anila ay sinubukang pasukin at idownload ng hindi kilalang third party.

 

 

Nabatid din na halos 300,000 files at documents ang muntikan nang mapasok at manakaw ng sinuman.

 

 

Karamihan ng mga dokumentong ito ay makikita ang day to day running ng ‘The Solicitor General of the Philippines’, staff training documents, internal passwords at policies, staffing payment information, financial processes, at iba pang aktibidad tulad ng audit, at daan-daan pang files na may mga keywords na ‘Private, Confidential, Witness and Password.’

 

 

Nag-alala umano ang OSG na basta na lang mapasok o makita ang mga naturang dokumento dahil may posibilidad umano na magulo o makompromiso ang anumang on-going judicial proceedings.

 

 

Subalit ayon sa OSG nabigo umano ang TurgenSec na alamin kung may nakapasok na o nakapag-download ng umano’y leaked data.

Batangas LGU payag na magsilbing host sa training ng mga PBA teams

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumayag na ang mga opisyal ng Batangay City government na tumayo bilang host sa training ng ilang PBA teams, bilang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng liga.

 

 

Kasunod ito nang pulong nina PBA Commissioner Willie Marcial at Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua kahapon, Mayo 1, kasama sina Batangas City mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño.

 

 

Inalok ng city government ang Batangas Coliseum at kanilang gym sa Batangas State University bilang practice venues ng ilang PBA teams.

 

 

Umaasa si Marcial na aabot sa lima hanggang pitong koponan ng liga ang magte-training sa Batangas City.

 

 

Pero nilinaw nito na hindi ilalagay sa ilalim ng isang “bubble” environment ang training ng naturang mga koponan dahil uuwi din naman ang mga ito sa oras na matapos ang kanilang practice sessions.

 

 

Sa ngayon, hindi maaring makapag-train sa Metro Manila ang mga PBA ball clubs, dahil pinalawig hanggang Mayo 14 ang modified enhanced community status sa National Capital Region.

BEA, nag-post nang napakagandang mensahe na tiyak na maraming tatamaan

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDA ang post na ito ni Bea Alonzo: “Kapag alam mong hindi ka naa-appreciate, lumayo ka na. Kapag hindi ka na mahal, umalis ka na. Kapag ramdam mong hindi ka na belong, umiwas ka na.

 

 

Be strong enough to face the reality na hindi lahat ng gugustuhin mo, gugustuhin ka. In short, Life is too short to spend time with the wrong people. Never beg someone to be with you. Never beg for attention, commitment, affection, time and effort. Never beg someone to come back or stay.

 

 

If someone doesn’t willingly give you these things with their arms wide open, they aren’t worth it. No one, under any circumstances, is ever worth begging for.”

 

 

O di ba naman? Napakagandang mensahe na pwede natin gamitin sa araw-araw nating pamumuhay at maging sa matters of heart.

 

 

If you have loved and lost in the process, maraming lessons kang pwedeng matutuhan in the process. Sa bawat experience natin sa buhay, maganda man o pangit, mayroon tayong natututuhan that helps us grow as a person. Nasa atin na lang iyan kung paano natin gagamitin ang lesson na iyan – to make ourself better or worse?

 

 

Siyempre mas maganda na we make life lessons make us better and wiser. Kahit pa hindi maging maganda ang maging bunga ng isang life experience, it is for our benefit kung makakahanap tayo ng way to make it work for our betterment.

 

 

Kapag nasaktan ka, nakakatakot muling sumugal sa pag-ibig. Hahayaan mo na lang na panahon ang magdikta kung iibig kang muli.

 

 

Sa ngayon ay tahimik si Bea sa kanyang lovelife. May nali-link sa kanya pero wala pang inaamin ang dalaga. O maging ang sinasabing bagong itinitibok ng kanyang puso.

 

 

Pag nakita natin blooming na muli si Bea, maybe that is the time na pwede natin sabihin na she is truly in love again.

 

 

***

 

 

ANO ba ang qualification para matawag na showbiz royalty?

 

 

Showbiz royalty in the truest sense of the word.

 

 

Una, dapat siguro anak ka ng sikat na artista. Like for example, Ian de Leon na anak nina Christopher de Leon at Nora Aunor.

 

 

Or tulad ni Luis Manzano na anak nina Edu Manzano at Cong. Vilma Santos.

 

 

Dapat din kasi ‘yung mga nagbibigay ng title o bansag ay pinag-iisipan din kung nararapat bang tawagin na showbiz royalty ang binibigyan nila ng title.

 

 

Kasi baka naman anak nga ng artista pero hindi naman sikat. Qualified na ba ‘yun na tawagin as showbiz royalty?

 

 

Kasi baka maniwala ‘yung binansagan na showbiz royalty siya eh in truth ay hindi naman. Tiyak na pagtataasan lang siya ng kilay.

 

 

Dapat kasi bago bigyan ng title ang isang artista, dapat may ‘K’ naman talaga ito. We mean, hindi naman basta tinawag na Superstar si Ate Guy o Star for All Seasons si Cong.Vi. May ‘K’ naman silang bansagan as such dahil sa stature nila sa showbiz.

 

 

Kaya bago bansagan ang isang newbie ng isang title, pakaisipin muna kung angkop ba ng title sa binibigyan nito.  (RICKY CALDERON)

KC, naging maganda na ang relasyon sa mga magulang lalo na kay SHARON

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSABI na si KC Concepcion na from her condo living, lilipat na ito sa bahay talaga.

 

 

At mukhang sa paglipat niya, ang mga magulang ang dalawa sa kino-consult niya lagi.

 

 

At kung noong isang taon, ang daming hindi magandang isyu sa pagitan nina KC at sa kanyang ina, ang Megastar na si Sharon Cuneta, this year, mukhang maganda na ang relasyon ni KC sa mga magulang, lalo na sa ina.

 

 

Ang Papa naman niya na si Gabby Concepcion, dati pa ay tipong “cool na cool” na talaga ang father-daughter relationship nila.

 

 

Parehong ishinare ni KC sa kanyang Instagram account ang palitan niya ng text kina Sharon at Gabby.

 

 

Ayon kay KC, yung mga message raw sa kanya ng mga magulang ang nagiging motivation at encouragement para sa kanyang independent living, lalo na ngayong may pandemya.

 

 

Ang message ni Sharon kay KC, “Wow! Am so proud of you!” At ang caption ni KC sa message ng ina, The only words an independent woman will ever need from her mother to keep her going. Rare, and definitely not taken for granted.  Love all around.”

 

 

Pinost din niya ang palitan nila ng text ni Gabby.

 

 

“Parang may tinatanong si KC sa Papa niya tungkol siguro sa bagong bahay na nilapatan. At sagot ni Gabby sa anak, “You got it all figured out. That’s my girl!”

 

 

Ang caption naman ni KC sa palitan nila ng text ng Papa niya, “Words of encouragement from papa. Moving from a condo to a house is so intimidating! But I got this… my pops happens to be a licensed real estate broker in California. Grateful to get tons of real estate advice! Thanks for looking out pa!”

 

 

***

 

 

BIRTHDAY ng Kapuso actress na si Andrea Torres noong May 4.

 

 

Thirty-one na ito pero parang after ng nangyaring break-up sa kanila ni Derek Ramsay, parang mas masaya at yung tipong mas excited pa ito sa buhay.

 

 

At sa kanyang Instagram birthday post, sinabi ni Andrea na araw-araw raw, may list siya ng mga bagay na she’s grateful or ipinagpapasalamat niya. At siguro nga, ang positibong disposisyon ni Andrea kaya naging madali sa kanya ang lahat. From the break-up at moving-on niya.

 

 

Sabi ni Andrea, THANK YOU. Thank you Lord.. For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement. The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough. Thank you family and friends (who feel like family ) You have given me so much of your time, effort and care. I am surrounded by angels. Thank you to each and every one of you. You’re all a big part of this. Everyday I make a list of the things I am grateful for and safe to say… I am bursting ️ I’ll bring all of this with me ️ Wishing good health, protection, strength and happiness for all of us  Looking at the future bright-eyed and eager.” (ROSE GARCIA)

PVL magbibigay-daan sa national team

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games.

 

 

Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na gaganapin sa Nobyembre.

 

 

“We feel that there will be one tournament this year basically because of the Southeast Asian Games being in November. We won’t have time for a second conference,” ani Palou.

 

 

Maliban sa SEA Games preparations, isa pang pangunahing problema sa pagdaraos ng Reinforced Conference ang travel restrictions.

 

 

Ang Reinforced Conference ang import-flavor conference ng liga kung saan pinapayagan ang bawat koponan na humugot ng dalawang foreign imports.

 

 

Tiniyak naman ni Palou na ibabalik ang Reinforced Conference sa susunod na taon sa oras na ma-ging maayos na ang lahat partikular na sa travel res-trictions ng bansa.

 

 

Tanging Open Conference lamang ang idaraos sa taong ito na puntiryang masimulan sa Hunyo o Hulyo sa isang bubble setup.

 

 

Pinagpipilian ang Ins-pire Sports Academy sa Calamba, Laguna at ang iba pang pasilidad na pupuwede sa Subic.

 

 

“We are still figuring out the cost since we are now looking at either Inspire Sports Academy, Subic, or other areas. We are still comparing the cost of the venues,” ani Palou.

 

 

Papasok din sa bubble ang national team para magkaroon ang tropa ng practice game laban sa mga PVL teams.

 

 

Maglalaro ang 12 teams sa isang single round-robin format kung saan tatlong game kada araw ang isasalang.

 

 

Tatakbo ang torneo sa loob lamang ng pito hanggang walong linggo para mas makatipid ang liga sa gastusin.

 

 

“We are having three games a day just to cut the tournament a little bit shorter,” ani Palou.