• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 19th, 2021

Truck ban sa MM muling binalik; NLEX tumaas ang toll fees

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang truck ban sa Metro Manila ay muling binalik simula noong nakarang May 17 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos sumailalim ang rehiyon sa mas di mahigpit na community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.

 

 

Sa isang pahayag ng MMDA na nakalagay sa kanilang Facebook page, sinabi ng MMDA na ang mga trucks ay bawal dumaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila simula Lunes hanggang Sabado mula 6:00 hanggang ika 10:00 ng umaga at mula 5:00 hanggang 10:00 ng gabi.

 

 

“Along EDSA, trucks are totally banned from the Magallanes interchange in the city of Makati to North Avenue in Quezon City daily,” ayon sa MMDA.

 

 

Subalit ang mga trucks na may kargamentong madaling masira at mga agricultural products ay hindi kasali sa truck ban.

 

 

Samantala, ang lungsod ng pamahalaan ng Makati ay muling binalik ang kanilang modified number coding sa mga lansangan sa Makati.

 

 

Ang number coding scheme ay ipapatupad sa buong linggo maliban lamang kung holidays. Subalit ang mga sasakyan ng may sakay na dalawa o mas madami pa ay exempted sa nasabing modified number coding.

 

 

Ang buong Metro Manila sa ngayon ay wala pa rin number coding scheme at suspendido hanggang walang pang abisa sa publiko.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang mga motorista na gumagamit ng North Luzon Expressway (NLEX) ay kinakilangan ng magbayad ng mas mataas ng toll fee simula noong nakaraang Martes.

 

 

Pinayagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang NLEX Corp. na magkolekta ng karagdagang P2 para sa Class 1 na sasakyan, P3 sa Class 2 o buses at maliliit na commercial trucks at habang P4 naman sa Class 3 o malalaking trucks at trailers sa “open system.”

 

 

Ang open system ay kung saan ang flat rate ay pinapataw kada pasok kasama ang Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon City, Navotas City, Meycauayan City at Marilao, Bulacan.

 

 

Samantalang ang closed system naman ay sa pagitan ng Bocaue sa Bulacan at Mabalacat sa Pampanga.

 

 

Habang ang end-to-end travel ay mula sa Metro Manila hanggang Mabalacat ay magbabayad ng karagdagang P6 para sa Class 1. Ang Class 2 at Class 3 naman ay magbabayad ng karagdagang P14 at P16, ayon sa pagkakabangit.

 

 

“The increase is part of the approved periodic adjustments due in 2012 ang 2014,” ayon sa NLEX.  (LASACMAR)

Mga leisure spots at tourist sites sa NCR Plus Bubble, pinababantayan

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigpit ang direktiba ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga police commanders na bantayan ang mga leisure spots at tourist sites sa NCR Plus Bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, probinsiya ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

 

Magbubukas na kasi ang ilang tourist attractions at mga leisure spots kasunod ng pagbaba ng community quarantine status na ngayon ay nasa General Community Quarantine with heightened restrictions ang NCR Plus.

 

 

Sinabi ni Eleazar, inaasahan na kasi nila ang pagdami ng mga taong magsisilabasan.

 

 

Nitong weekend, nagsimula na ang mga tao magtungo sa mga outdoor tourist attractions kung saan pinapayagan ng mag operate at 30 percent capacity.

 

 

Kaya mahigpit na babantayan ng PNP ang mga nasabing lugar upang matiyak na nasusunod ang minimum health protocol.

 

 

” Inaasahan na namin ang pagdami ng mga taong magsisilabasan dahil nga nagkaroon ng adjustments sa allowed capacity rates ng ating business establishments at leisure areas. Ito ay amin nang pinaghandaan at mahigpit na babantayan,” wika ni Eleazar.

 

 

Binigyang linaw din ni Eleazar na hindi pa rin pinapayagan lumabas sa NCR Plus Bubble borders.

 

 

” We ask our kababayan within NCR Plus to restrict their travel within the Bubble. At para naman duon sa mga nasa labas ng Bubble, huwag na po nating pilitin na pumasok pa unless essential travel po ang inyong lakad,” paliwanag ni Eleazar.

 

 

Pinatututukan ni Eleazar sa mga pulis ang mga lumalabag sa minimum public health safety protocols at makipag-ugnayan sa mga local government units.

 

 

Ayon kay PNP chief, naiintindihan ng mga pulis na sabik ang ating mga kababayan na lumabas ng bahay, kung patuloy na lumabag sa IATF guidelines tiyak na tatagal pa tayo sa ganitong sitwasyon.

 

 

Panawagan ni Eleazar na huwag matigas ang ulo, sumunod sa health protocol.

 

 

Pina-alalahan din nito ang mga business establishmentsna sumunod sa IATF guidelines lalo na sa capacity rates at striktong ipatupad ang minimum health safety protocols. (Daris Jose)

Ads May 19, 2021

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tom Holland, Back at School In ’Spider-Man: No Way Home” Behind-the-Scenes Images

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DESPITE the constant rumors about Spider-Man: No Way Home, we don’t know too much about the upcoming Marvel film.

 

 

Still some new photos posted on Spider-Man star Jacob Batalon’s Instagram show that it looks like at least some of the movie occurs at Midtown School of Science & Technology, where Peter Parker (Tom Holland), Ned (Batalon), and MJ (Zendaya) go to school, and it looks like at some point, Peter will get crushed up.

 

 

The three photographs – which were taken by Zendaya – show Batalon and Holland on set. The first photo shows Holland with a face covered in scratches, making it seem like Parker ends up on the wrong side of a fight in No Way Home. The second photo shows Holland wearing a Midtown hoodie, next to a grinning Batalon. The third photo shows Batalon and Holland in gym uniforms in why looks to be the school’s gymnasium.

 

 

Check out the new photos from the set of ’No Way Home below:      https://www.instagram.com/p/CO-Mp9PFWoZ/

 

 

While we have no idea a lot concerning the plot of Spider-Man: No Way Home nevertheless, the casting choices do seem to imply that the Marvel Cinematic Universe will soon be delving into the multiverse in a big way.

 

 

Alfred Molina has confirmed that he will be returning as Doctor Octopus for the first time since 2004’s Spider-Man 2Jamie Foxx will also reprise the role of Electro, which he last played in 2014’s The Amazing Spider-Man 2Benedict Cumberbatch will be returning as Doctor Strange, supposedly filling the mentor role for Parker in this third installment. No Way Home will also see the return of Marisa TomeiAngourie RiceTony Revolori, and Hannibal Buress.

 

 

Spider-Man: No Way Home comes out on December 17.

(ROHN ROMULO)

Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.

 

Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”

 

“There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili kung ano ang bakuna. Pareho lahat ‘yan. ‘Di kayo makasabi [Astra]Zeneca sa akin, Moderna–no,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“Kung ano ang nasa harap ninyo, ‘yon na. Do not ask for a special kind of–kasi bulto por bulto ‘yan ibigay… It leaves a bad taste in the mouth,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, karamihan sa mga “well-off” na tao ay naghihintay ng US-made vaccines, gaya ng Pfizer at Moderna.

 

“Sabi ko hindi mangyari ‘yan. You cannot have–kung anong nasa harap n’yo, que milyonaryo ka o ano, iyon na ‘yong iyo. Hindi ka mamili,” anito.

 

Aniya pa, ipamamahagi ni vaccine “czar” Carlito Galvez Jr ang mga bakuna ng “blind eye ” pagdating sa brand nito.

 

“There’s no reason for you, really, to be choosy about it,” ani Pangulong Duterte.

 

“Ayaw kong magkaroon ng storya na may pinapapaboran kami na ito, ito. Wala. Maski saang subdivision ka na mayaman o anong lugar dito sa North Harbor, pareho kayo lahat. Hindi ako papayag na magpili-pili,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Noong nakaraang taon ay sinabi ni Pangulong Duterte na mas gusto niya ang bakuna mula sa China o Russia.

 

Napaulat na nagpabakuna na si Pangulong Duterte gamit ang bakuna mula sa Chinese state firm Sinopharm.

 

“Sa awa ng Diyos, okay naman,” anito. (Daris Jose)

ALDEN, nag-lock-in taping na para sa upcoming series at ‘di para sa movie nila ni BEA

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHAPON, May 18, ay nagsimula na ang lock-in taping ng upcoming GMA Primetime series na The World Between Us. 

 

 

In the main cast sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez. Bago ang lock-in taping, nagkaroon muna ng script reading ang cast at last Saturday, ginanap na ang isa pang script reading at kasama na nila ang iba pang co-stars like Ms. Jaclyn Jose, Ms. Dina Bonnevie, kasama rin nila ang director nila, si Dominic Zapata.

 

 

Two days before the script reading, may mga nauna nang Instagram post sina Tom, Jasmine at Alden sa kani-kanilang hotel rooms, kaya alam na ng mga fans na magsisimula na silang mag-taping.

 

 

Isa ring kasama sa cast, in a special participation role, si Glydel Mercado, na susunod din siya sa mga health protocols kasama na ang quarantine at RT-PCR test.  Tuluy-tuloy na rin ang final preparations nila para sa lahat ng kakailanganin sa lock-in taping.

 

 

***

 

 

NGAYONG open na ang balita tungkol sa lock-in taping nina Alden Richards, matitigil na siguro ang pagsusulat ng mga youtube vloggers na kaya raw wala si Alden sa Eat Bulaga, dahil naka-lock-in shooting na sila ni Bea Alonzo ng movie nila for Viva Films na A Moment To Remember. 

 

 

The truth was, tinapos na muna ni Alden ang mga TV commercial shoots niya ng kanyang solo endorsements at ang commercial shoot nila ni Bea ng ini-endorse nilang isang brand ng shampoo, na inabot ng tatlong araw bago natapos.

 

 

Tinapos na rin ni Alden ang taping niya ng Bida Kids singing competition na Centerstage dahil nalalapit na ang grand championship nila.

 

 

Abangan kung ano raw ang naiibang role na gagampanan ni Alden sa The World Between Us.

 

 

***

 

 

SPEAKING of Tom Rodriguez, twice pala siyang nag-test na positive sa RT-PCR Tests, 14 days apart na ginawa niya para nga sa lock-in taping niya ng The World Between Us.

 

 

Just in time, bago sila magsimula ng lock-in taping, nag-post na siya sa Instagram niya na “officially, I’m NEGATIVE of Covid na!”

 

 

At pagkatapos ng lock-in taping nila, ang haharapin naman ni Tom ay ang preparation sa nalalapit nilang wedding ng fiancée niyang si Carla Abellana sa October 21, 2021, sa Tagaytay City.

 

 

***

 

 

FINALE week na ngayon ng Babawiin Ko Ang Lahat, kaya libre na ang lead actress na si Pauline Mendoza na harapin naman niya ang bago niyang business, ang pagtatayo ng Beautederm store sa Alaminos, Pangasinan.   Tagaroon si Pauline at ang boyfriend niya na si Alaminos Mayor Bryan Celeste, at kasama ngayon ni Pauline ang family niya roon, habang wala pa siyang pagkakaabalahan sa Manila.

 

 

More than a year na ngang LDR (Long Distance Relationship) sina Pauline at Mayor Bryan dahil nasa Manila ang aktres at si Mayor naman ay busy sa kanyang constituents, kaya nga bihira silang magkita dahil kailangan din nilang sumunod sa health protocols, lalo si Mayor na exposed lagi sa mga tao.

 

 

Kaabang-abang ang mga eksena sa pagtatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat, kung paano mababawi ang lahat ng yaman na kinamkam ni Dulce (Carmina Villarroel) sa mag-anak na Victor (John Estrada), Christine (Tanya Garcia) at Iris (Pauline), sa GMA Afternoon Prime at 3:25PM, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

LIZA, nag-react sa pekeng Facebook account na nag-post ng pagsali niya sa ‘Miss Universe’ at nakikiusap na i-report

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-REACT nga sa isang Facebook ang Kapamilya actress na si Liza Soberano na may connect sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant.

 

 

Sa FB account na ‘Liza Soberano’, nilagay ng poser ang comment niya na, “Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!” na agad umani ng libu-libong reaksyon mula sa netizens.

 

 

Nag-post pa ito ng, “Bawi tayo next year! Ako bahala.”

 

 

Agad ngang nag-react si Liza nang makarating sa kanya ang pekeng FB account at sa kanyang Instagram account, nilagay niya ang screenshots ng viral Facebook post sa Instagram Stories.

 

 

Sabi ni Liza, “Hello, everyone! Just dropping by to say that I do not have a Facebook account.

 

 

“This account has been posing as me and has been making very questionable and detrimental statements.

 

 

“Please help me spread the words and report this account.

 

 

Matagal nang nasagot ng girlfriend ni Enrique Gil na wala talaga siyang kabalak-balak na sumali sa beauty pageants kahit marami ang nagkukumbinsi sa kanya maging ang Miss Universe winners na Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

 

 

“As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me,” paliwanag niya.

 

 

“I’m an introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound).

 

 

Samantala, nag-react din ang netizens sa kilalang entertainment website tungkol sa isyung ito at ang opinyon nila:
“Another introvert na mataray that acts like she knows it all? Did you see those women earlier? Di mo carry girl.”

 

 

“Paano naging mataray sya at know it all eh alam nya pinagsasabi nya? Mas di mo keri. Sana nagbasa wala syang balak sumali.”

 

 

“Dba sabi nga nya d para sa kanya ang Ms U. Haist.”

 

 

“She has a beautiful face but doesn’t have that long and lean body of a model. Almost all the candidates in Ms U were super model ang dating.

 

 

“she has the looks, but definitely would not do well in q & a. Interviews pa lang nya always sound so scripted.”

 

 

“Wala syang balak sumali ano ba? Di marunong magbasa? Anyway sya lang naman sa mga kasabayan nya may sense at pake sa bansa.”

 

 

“her opinions are mostly out of line. To the point that they come out in a ‘trying to sound intelligent but fails’.”

 

 

“learn to defend liza without dragging other people din minsan, dyan lang kayo nagreresort magmukha lang brainy si sinigang.”

 

 

“Ever since Liza has no intention of joining beaucons..it’s not her cup of tea.”

 

 

“Wag na kasing ipilit kung ayaw nya mas nakakahiya kasi kung hindi manalo.”

 

 

“There is a first part which is more important as the fake account passing as her writing things liza would never say and then is being detrimental to her brand image.”

 

 

“Irrelevant because she has no desire to compete so she could be 1m50 or 1m90 this is not a important information.”

 

 

“Ano bang mali sa lower part baks? Ang ganda kaya ng katawan nya. May b@@bs, balakang at butt nman. At lalong may gandang panlaban.”

 

 

“anong unproportioned? Coke body nga si ateng. At anong workshop? Ayaw nga nya sumali. Ang kulit.”

 

 

“Gigil na gigil tards ni liza. Oo gets namin ayaw nya. Pero ang sinasabi nila let’s say gusto nya. So kun ayaw nya bawal na umopinyon mga tao about how they think she will fare?”

 

 

“At least pang Miss Universe beauty ni Liza and Hindi pang Miss Barangay. Lol. but she says it’s not for her, nothing wrong with that.”

 

 

(ROHN ROMULO)

2 MWP ng PRO4A at PRO8, timbog sa Valenzuela

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 4A at ng PRO8 matapos maaresto sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay Valenzuela City Police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr. dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin si Roscoe Alve, 36, negosyante, ng mga operatiba ng VCP Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Robin Santos, at Biñan City police sa kanyang bahay sa Kaypandan St., Canumay West.

 

 

Inaresto si Alve sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaime Banatin ng Biñan City, Laguna Regional Trial Court Branch 152 noong December 4, 2020 para sa kasong Murder at Robbery with Violence Against or Intimidation of  Persons at walang inirekomendang piyansa.

 

 

Ayon sa pulisya, si Alve ay tinaguriang top 15 most wanted person ng PRO 4A dahil umano sa pagpatay sa kanyang call center agent na girlfriend na si Crisanta Magadia, noong July 2020 sa loob ng isang motel sa Biñan, Laguna.

 

 

Sa hiwalay na operasyon, dakong alas-11:45 umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng VCP WSS sa pangunguna ni PLT Santos, kasama ang SS-9, PNP IG-ISOD, RIU 8, 2nd Leyte PMFC, PIU Northern Samar PPO, Allen MPS, 803rd MC RMFB 8, at 4th MFC RMFB NCRPO ang Top 3 Regional Level MWP ng PRO 8 na si Jose Gache, 63, pedicab driver malapit sa kanyang bahay sa 19-A Sto Rosario St.Brgy. Karuhatan.

 

 

Ani Col. Haveria, dinakip si Gache sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Decoroso M Turla, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 23, Allen, Northern Samar, na may petsang December 16, 2013 para sa kasong Rape in relation to R.A 7610. (Richard Mesa)

Pinas, kailangang maging handa para sa “worst” Covid-19 situation

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG maging handa ng Pilipinas para sa “worst” COVID-19 situation, lalo pa’t mas maraming nakahahawang variants ng novel coronavirus ang nagkalat ngayon sa buong mundo.

 

“The pandemic is getting “hotter and more dangerous” as COVID-19 variants could pose “a problem discovering new vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“We do not have a guarantee that the vaccines should forthcoming on time, na walang maraming mamamatay . And if it is more serious mutant, variant, we’ll just have to prepare for the worst,” ayon sa Chief Executive.

 

“OK” lang naman aniya kung layon ng Pilipinas na bumili ng mas maraming bakuna laban sa COVID-19.

 

Magiging masaya siya kung ipagpapatuloy ng mga awtoridad na palakasin ang health infrastructure ng bansa.

 

Nanindigan naman ang Punong Ehekutibo na handa niyang ibenta ang mga government properties kapag naubos na ang pondo para sa pandemiya.

 

“Kung medyo papalapit na at marami na tinatamaan , then we will go full blast in making everything operational,” ani Pangulong Duterte.

 

“With the advent of the new variants it is good to prepare for a more serious attack,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, natukoy pa ang karagdagang 31 iba’t ibang COVID-19 variants mula sa 37 samples na isinailalim sa genome sequencing, ayon sa ulat ng Department of Health, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health kahapon.

 

Kabilang dito ang 10 B.1.617.2 (Indian variant), 13 B.1.1.7 (UK variant) pitong B.1.351 (South Africa) at isang P.3 (Philippines).

 

Sa pinakahuling sequencing ay kabilang ang samples mula sa crew members ng  MV Athens Bridge, returning overseas Filipinos (ROFs) na may travel history, deceased severe o  critical COVID-19 cases.

 

Ang 10 B.1.617.2 variant cases ay karagdagan sa 2 pang kasong naiulat nitong Mayo 11. Sa 10 kaso, isa rito ang seafarer na nanggaling sa Belgium at ang siyam ay crew ng MV Athens Bridge.

 

Samantala, karagdagan pang 13 UK variant cases ang natukoy sa bansa, kabilang dito ang tatlong  ROFs at 10 local cases. Isa sa mga ito ang namatay na habang ang 12 naman ay nakarekober na.

 

Sa pitong South Africa variant, dalawa ang ROFs, dalawa ang local cases, at tatlong kaso ang kasalukuyan pang biniberipika kung sila ay local o ROF cases.

 

Base naman sa case line list, dalawa sa mga ito ay nananatiling aktibong kaso pa, isa ang namatay na at apat naman ang nakarekober.

 

Ang karagdagan namang P.3 variant case ay natukoy na local case at taga-Region IX. Binawian ito ng buhay noong Pebrero 28, 2021.

 

Ayon sa DOH, hanggang sa kasalukuyan, ang P.3 variant ay hindi pa rin itinuturing na variant of concern. (Daris Jose)