• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 28th, 2021

Tolentino kumpiyansa sa tsansa ng mga Pinoy athletes sa Olympic gold

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na ito na ang pagkakataon para makamit ng bansa ang inaasam na kauna-unahang gold medal sa Olympic Games.

 

 

Ito ay sa kabila ng ilang panawagan na ipagpaliban muli ang Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan dahil sa paglobo ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bansa.

 

 

“Ito na iyong malaking chance natin na magka-first gold medal tayo sa Olympics, bakit naman ako aayon sa gusto na i-cancel?” ani POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

 

 

Kasalukuyang nasa state of emergency ang Tok­yo at iba pang siyudad ng Japan dahil sa CO­VID-19 surge na inaasa­hang papalawigin hanggang Hunyo 20.

 

Sa inilabas na editorial ng Japanese newspaper na Asahi Shimbun ay hiniling nito kay Prime Minister Yoshihide Suga na “make a calm, objective assessment of the situation and make the decision to cancel this summer’s Olympics”.

 

 

Nakakuha na ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ O­biena, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Para kay Panelo, binatang may autism, imposibleng mang-agaw ng baril at manlaban sa pulis

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IMPOSIBLE para sa pinatay na binatang may “special needs” ang mang-agaw ng baril at manlaban sa isinagawang raid sa illegal cockfight sa Valenzuela City.

 

Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.

 

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang maimbestigahang mabuti ang pagkamatay ng 18 taong gulang na si Edwin Arnigo, taong may autism na di umano’y nang-agaw ng service firearm ng isa sa mga nag respondeng police officers sa nasabing operasyon.

 

“Meron daw pinatay na 18 taong gulang na autistic. Aba’y tinamaan ng ano… Kailangan… At pulis pa daw diyan sa Valenzuela. Aba, kailangang maibestigahan ito,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show na “Counterpoint.”

 

Umaasa si Panelo na magsasagawa ng impartial probe si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar, lalo pa’t malabong masangkot sa “gun scuffle” si Arnigo.

 

“Hindi tayo papayag na special child eh nanlaban daw. Teka muna, paano manlalaban ang special child na ito eh hindi naman marunong humawak ‘to ng baril ,” anito.

 

Nauna rito, nagsagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Arnigo.

 

Ipinag-utos na rin ni Eleazar ang administrative relief ng apat na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Arnigo.

 

Ang apat na pulis na sinibak sa puwesto ay sina M/Sgt. Christopher Salcedo and Corporals Kenneth Pacheco, Rodel Villar, at Rex Paredes.

 

Tiniyak naman ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar na walang magiging cover-up sa imbestigasyon sa pagkamatay ng binatang may autism sa Valenzuela.

 

Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.

 

Sinabi ng pulisya na nang-agaw umano ng baril si Edwin kaya nabaril. Pero pinabulaanan ng pamilya ng biktima ang pahayag ng mga awtoridad.

 

Samantala, walang dapat na ikatakot ang mga testigo para sabihin ang kanilang nalalaman sa insidente.

 

“Alam po ninyo, kailangan matigil lahat ito. Kaya tama itong ginagawa ni Gen. Eleazar, nagiging pursigisdo siya na linisin yung mga rascal diyan sa loob ng PNP at maging masigasig din siya sa pagtugis ng mga kriminal at bigyan ng solusyon lahat ng problemang naka-atang sa kanila,” ani Sec. Panelo. (Daris Jose)

First Footage Of ‘Uncharted’ Reveals A Glimpse Of Tom Holland and Mark Wahlberg’s Character

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE first footage from the upcoming Uncharted film starring Tom Holland and Mark Wahlberg has been revealed.

 

 

In a new promotional video for Sony (https://www.youtube.com/watch?v=TF8MrJPTy7w) —which focuses on its employees — the tiniest tease of the movie was given, which showed a glimpse of Holland and Wahlberg’s characters Nathan Drake and Victor “Sully” Sullivan.

 

 

There’s not a whole lot to ingest from the whopping two seconds of footage, as it’s simply rapid shots that feature the duo at some sort of black-tie event.

 

 

The footage is also without dialogue, so we can only make assumptions based on what’s being shown. There is a direct shot of Sully in a black suit, which then cuts to him walking past Nathan, and we can sense a little bit of disappointment looming between the two.

 

 

As brief as it is, it’s enough to excite moviegoers for the highly-anticipated movie, which has been in somewhat of a developmental hell since 2008.

 

 

The upcoming flick also stars Tati Gabrielle as Braddock, Sophia Ali as Chloe Frazer, and Antonio Banderas in an unidentified role. Directed by Ruben Fleischer (Venom), Uncharted will serve as a prequel to the popular video game of the same name. We’ll meet a young Nathan and Sully and find out how their relationship came to be.

 

 

The rest of the story has been kept pretty well under wraps for now, and it’ll be quite some time before we can expect a trailer for the movie. The film wrapped filming back in November of last year, according to Sony Pictures’ official Twitter account.

 

 

In his recent interview, Holland talked about how his need to be seen as an action icon bigger than himself inherently as an actor might have resulted in some poor creative decisions: “As soon as you start worrying about ‘Do I look good in this shot?’ acting becomes something other than playing a character. I think there are elements of my performance in Uncharted where I kind of fell under that spell of being ‘I want to look good now. I want this to be my cool moment.’ I had to play this very tough, very stoic guy – basically be Mark Wahlberg.

 

 

My character is supposed to be a fucking action hero in this moment! Look, I haven’t seen it, so I don’t know if I succeeded in that. But it was an important lesson learned, because, at times, it was less about land a mark and go through this scene and more about land a mark, stand like this and see my bulging biceps… It was a mistake and is something that I will probably never do again.”

 

 

Uncharted lands in theaters on February 18, 2022.

(ROHN ROMULO)

Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue.

 

 

Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering.

 

 

Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na tayong hindi nakakapunta sa mga nais nating tunguhin.

 

 

Pero paalala ng opisyal, nandyan pa rin ang deadly virus kaya’t hindi maaaring balewalain ang minimum health protocols.

 

 

Para naman sa mga lokal na opisyal, dapat daw agad magpasaklolo sa NTF at IATF, kung hindi kayang hawakan ang problema sa kanilang nasasakupan.

Clarkson hinirang na nba sixth man of the year

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagbunyi ng sambayanan ang pagkakahirang kay Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bilang NBA Sixth Man of the Year kahapon.

 

 

Tinalo ng 28-anyos na si Clarkson, ang lolang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, para sa nasabing individual award ang kanyang Jazz teammate na si Joe Ingles at si New York Knicks star guard Derrick Rose.

 

 

Tumanggap siya ng 65 mula sa 100 first-place votes ng global panel na binubuo ng 100 sportswriters at broadcasters na bumoto rin sa iba pang season-long awards.

 

 

Unang naglaro si Clarkson para sa Los Angeles Lakers noong 2014 matapos ipagpalit ng Wizards sa pera sa draft night bago nalipat sa Cleveland Cavaliers noong 2018 kasunod sa Jazz noong 2019.

 

 

Noong Nobyembre ng 21, 2020 ay lumagda si Clarkson sa isang four-year, $52 million contract para patuloy na maglaro sa Jazz.

 

 

Nagtala siya ng mga averages na career-high 18.4 points, 4.0 rebounds at 2.5 assists sa 68 games ng 2020-21 regular season.

 

 

Malaki ang naging kontribusyon ni Clarkson sa pagiging No. 1 team ng Utah sa NBA at sa Western Conference.

 

 

Katapat ng Jazz sa first-round playoffs series ang No. 8 Memphis Grizzlies, sinibak ang Golden State Warriors ni Stephen Curry sa play-in tournament.

 

 

Nakalasap ang Utah ng 109-1112 kabiguan sa Memphis sa Game One ng kanilang serye kung saan hindi naglaro si star guard Donovan Mitchell.

RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS SA CALOOCAN

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DEDBOL ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis makaraang takbuhan ang isang checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Base nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng SOD/Task Force Limbas HPG, kasama ang Norhern Police District Highway Patrol Team, RHPU-NCR at Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Mt. Apo road Nova Hills, Subdivision Brgy. 171 Bagumbong para sa intensified Anti-carnapping at Anti-criminality Operation nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo.

 

 

Sa halip na sumunod, binaliwala umano ng mga ito ang mga pulis at tumakas na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa sumemplang ang mga suspek.

 

 

Nang makorner, naglabas umano ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis na napilitan namang gumanit ng putok dahil sa panganib sa kanilang buhay hanggang sa tamaan sa katawan ang mga suspek na nagresulta ng kanilang kamatayan.

 

 

Ayon kina police investigators PSsg Jenny Ryan Rodriguez at PCpl Romnick Fabroa, narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 45 Colt na kargado ng dalawang bala, isang cal. 38 Colt na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala, isang Honda Skydrive Motorcycle na may plakang (8020-UM) at anim na basyo ng bala.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng dalawang nasawi. (Richard Mesa)

SHARON, nag-react sa ‘fake news’ na pinagkakakitaan ng mga vloggers sa YouTube

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, inamin na nagkakaroon pa rin siya ng sleepless night, na malamang dahil din sa stress.

 

 

Klinaro rin ni Mega na hindi lang siya nagbabakasyon sa Amerika, dahil nagtatrabaho rin siya.

 

 

Post niya, “Another sunrise after a night of no sleep…Is this still jetlag? Maybe it’s just stress. At least here, I have good stress. I am not just vacationing. I am actually working. Zoom meetings left and right. My manager here (yes, I have one) is keeping me busy!”

 

 

Dagdag pa niya, “i NEED A DOG. I have to get one here. Should’ve brought Pixie and Bella or Toby, Wookie and Chibi with me. Darn it. Talk about emotional support dogs.

 

 

“I was texting with Pawi’s caretaker, Jervy last night and Pawi will be done with his shots next month. Just so I’d know, I asked if puede magtravel si Pawi pag magaling na. She said that according to the Vet, due to Pawi’s age baka mahirapan. Sayang. Makaka-States pa sana siya.”

 

 

Ipinaalam din ni Sharon na matatagalan pa siya sa Amerika at sabi pa niya, “Oh and I don’t know why but it makes me so happy to have a U.S. phone again! Staying for a bit.”

 

 

Samantala, dahil nga nasa Amerika siya ngayon, ang daming gumawa ng ‘fake news’ sa youtube na kung saan ini-link siya sa newest leading man na si Marco Gumabao sa Vivamax film na Revirginized na mula sa panulat at direksyon ni Daryll Yap.

 

 

Ipinagpalit na raw ni Mega ang kanyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan sa mas batang lalaki at ipinagpipilitan nga nila na si Marco yun, nakakaloka talaga, para lang magkaroon ng YT content at magkaroon ng maraming views.

 

 

Nag-react nga ni Sharon sa comment ng follower niya na nalungkot dahil sa pagki-creat ng bad stories ng mga vloggers para lang kumita ng pera sa YouTube, “Hay naku pinagkakakitaan na naman ako sa youtube. Puro kasinungalingan yan. Maganda ang dahilan ng pagpunta ko dito.”     

 

  

Iba-iba na naman reaksyon ng netizens tungkol sa pag-I-stay ni Mega sa Amerika at pagpapakalat ng vloggers ng fake news:

 

 

“her thoughts are all over the place. she’s obviously dealing with stress and anxiety.”

 

“Baka nerves kaya hindi makatulog dahil may inaasahang maganap.”

 

“Bibili ng property yan.”

 

“She used to have a property in LA but she sold it na. Sabi sa Manhattan daw sya bibili kasi dun mag aaral or nag aaral si Frankie.”

 

“Looks like Madam is trying out the international scene!”

 

 

“Ang Hirap. Now pa na 50+ na sha. Un mga A-list nga dun Hirap na once they hit 40s sha pa kaya. Kahit si Meryl nahirapan she said when she turned 40 roles became scarce. And that’s Meryl Streep already. If meron man one hit wonder Hollywood lang siguro parang un Kay Kris.”

 

“Happy for you, Ate Sha! Do what your heart desires.”

 

“anak mo na lng isama mo if need mo pala ng emotional support. US number nman madali lng as long as you pay outright for the fone of your choice then do prepaid.”

 

 

“Andun daw sya para sa isang hollywood movie project.”

 

 

“She has international projects siguro na hindi pa pwede idisclose.”

 

 

“Dapat meron pero di daw natuloy. kasama sana sya sa movie ni Jokoy but di sya naka abot dahil sa paperworks. Steven Spielberg movie daw sana. Napanood ko sa show ni Cristy F. That is the real reason why she left, Hollywood Movie sana.”

 

 

“kung ako kay Shawie, if I want to find peace and go soul searching. Lalayo ako, duon sa wala masyadong Pilipino. Halimbawa Faroe Island o kaya sa may North Pole. Dami kayang mga chismosang kababayan natin sa LA. Hahahaha.”

 

 

“May easier way nman to find peace and thats deleting all of her social media accts.”

 

 

“Good for nothing talaga yang mga influencers na yan. Kundi mga walang katuturan na mga pranks puro negativity ang ikakalat for the views since alam nilang wala silang ibang skills na pwedeng pagkakitaan.”

 

 

“No need for those youtubers to discuss shawie kasi sya n mismo ang gumagawa yun s kanyang sarili. Tell all, no hold barred si shawie most of the time.”

 

 

“Also 3 weeks wait pa to get the 2nd dose. Char!”

 

 

“Mas mayaman pa rin si Sharon sa mga bashers niyang walang ambag sa lipunan hahhaha.”

 

 

“Anyare sa retirement talk nya dati?”

 

 

“Ako sayo Sharon, tutal bilyonarya k n nman, magretire ka na. Ako nga gustong gusto k n tlga magretire kasi wla no choice ,kailangan kumayod. Get away from the limelight pra magkapeace of mind ka, kso parang di k yta mabubuhay ng wla yon.”

 (ROHN ROMULO)

MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension.

 

 

Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak  makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan.

 

 

Sinabi ni MTPB Chief of Operation Wilson Chan Sr., na  binawi na ang uniporme at ID ni Fria at tuluyan na itong sinibak sa kanyang tungkulin makaraang ireklamo ito ng “mis-apprehension”.

 

 

“Ilang beses na po narereklamo itong si Fria, eto nga lang po Marso inireklamo rin siya dahil sa mis-apprehension,” paliwanag ni Chan.

 

 

Matatandaan na kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang paghuli at paniniket ni Fria sa motoristang si Vistan kahit wala itong violation.

 

 

Binabagtas ni Vistan ang Quintos St., Sampaloc sa Maynila nang lagpasan nito ang nakakulay green na traffic light ngunit laking gulat nito nang bigla siyang harangan ng nasabing traffic enforcer at iginiit na may nilabag ito na violation na “passing thru red light”.

 

 

Dahil sa naidokumento ni Vistan ang pangyayari gamit ang kanyang dash cam, ipinakita niya ito sa tanggapan ng MTPB kung saan agad namang inaksyunan ito ni Director Viaje at Chan na nagresulta sa pagkakasibak ni Fria.

 

 

Nasa  mahigit 100 “tolongges” na traffic enforcer na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang sinibak sa ilalim ng pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang bahagi na din ng paglilinis sa hanay ng nasabing ahensiya ng lokal na pamahalaang lungsod. (GENE ADSUARA)

Gilas 3×3 bigo sa 2 laro nila

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napakaliit ang tsansa na ngayon ng Gilas 3×3 na maka-abanse sa susunod na round matapos na dalawang beses na silang natalo sa mga laro nila.

 

 

Mayroon ng 0-2 standingn sa Group C ang ranked number 14 na Gilas Pilipinas sa torneo na ginaganap sa Graz, Austria.

 

 

Una kasing tinalo sila ng Qatar at ngayon ay tinalo naman sila ng Slovenia 21-11.

 

 

Hindi umubra ang ginawang pagtutulungan nina Joshua Munzon at CJ Perez para makarami ng puntos at ang ginawang depensa rin nina Mo Tautuaa at Santi Santillan.

 

 

Mula sa unang segundo pa lamang ng laro ay hawak ng ng Slovenians ang kalamangan.

 

 

Susunod naman na makakaharap ng Gilas ang Dominican Republic at France sa araw ng Biyernes.

‘Sa amin na ang momentum sa Game 3’ – Lakers

Posted on: May 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lalo raw lumakas ngayon ang loob ng Los Angeles Lakers sa kanilang kampanya sa first round ng NBA playoffs matapos na maitabla na ang serye laban sa Phoenix Suns sa iskor na 109-102.

 

 

Ayon kay NBA superstar LeBron James, tiyak na mababaliktad na umano ang momentum lalo na sa susunod na Game 3 dahil gagawin ito sa harap ng kanilang mga fans sa Biyernes.

 

 

Sinabi ni James malaking bagay umano na maglaro sa harap ng mga loyal fans na nagpapalakas sa kanilang loob.

 

 

“To be able to play a playoff game in front of the Lakers faithful,” ani James.

 

 

Una rito, nanguna sa panalo kanina ang Lakers big man na si Anthony Davis nang kumamada ng 23 puntos at 10 rebounds sa kanyang tinaguriang “must win situation.”

 

 

Aminado naman si Davis, na dapat hindi sila mapagod na ‘wag magkampante kung sila ang abanse sa score at ‘wag ding bibitaw sa kanilang ratsada sa laro.

 

 

“We’ve got to do a better job of holding leads but we showed we’ll keep fighting,” pahayag pa ni Davis.