MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa ulat na ilang Chinese nationals ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi aniya malinaw kung ano ang naging batayan kaya naman kanila nang pinaiimbestigahan ang nasabing ulat.
Sinabi kasi ng pamahalaang lokal ng Pasay na ang nasabing mga Chinese nationals ay nabakunahan dahil maaaring sila ay senior citizens o may kapansanan o comorbidities na kasapi sa priority group ng vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ng kalihim na sila ay mag-iimbestiga at kanila ring kakausapin ang Pasay LGU kung ito man ay may katotohanan.
Sa naging pahayag umano ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang naturangga dayuhan ay dumaan sa regular na proseso ng pqgbabakuna at hindi sila nabigyan ng special treatment sa vaccination sites.
Dagdag pa ng alkalde, nagsumute rin ng Barangay Certificates at Medical Certificates na nagsasabing sila ay residente ng lungsod ng Pasay at kabilang sila sa A2 o A3 priority groups
Sa ngayon ay wala pang hawak na numero ang DOH kung ilang mga banyaga ang nabakunahan sa bansa sa kabila na ang suplay ng bakuna para sa populasyon ng bansa ay nanatiling kulang o hindi sapat.
Ayon kay Duque, batid lamang aniya nila na nabakunahan ay mga miyembro ng diplomatic corps.
“Dinadala nila ‘yung bakuna nila at ‘yun ‘yung binibigay sa sariling empleyado,” anang kalihim. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)