• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 1st, 2021

National karatekas maagang magtutungo sa France

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas maagang magtutungo ang mga national karatekas sa Paris, France para sumabak sa World Karate Championship, ang pinakahuling qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games.

 

 

Ito ay dahil sasailalim pa sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Joco Vasquez, Sarah Pa­ngilinan at Jason Macaalay sa isang 10-day quarantine.

 

 

Napuwersa sina Lim, Orbon, Agustin, Afif, Vasquez, Pangilinan at Macaalay na tapusin ang kanilang training camp sa Istanbul, Turkey.

 

 

“Supposed to be naka-book kami ng June 7 pa­puntang France, iyon talaga ang plano,” sabi ni Karate Pilipinas president Richard Lim sa panayam ng PTV Sports. “Kaso nga sinabi ng French Government na kailangan kaming duma­ting ng mas maaga dahil we have to fulfill the 10-day quarantine.”

 

 

Inaasahan ding makakasama ng grupo si 2019 SEA Games gold medal winner Fil-Japanese Junna Tsukii para sa Olympic qualifying sa Hunyo 11-13.

 

 

Ang top three karatekas sa bawat weight category ang magku-qualify sa 2021 Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

Umakyat si Tsukii sa No. 8 sa world rankings ng female kumite -50 kilogram division matapos pagreynahan ang World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.

Direk DARRYL, pansin na mas maraming naging curious na panoorin ang pelikula niya habang bina-bash

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sopinion ni Direk Daryl Yap, mas lalong nagiging curious ang mga tao na panoorin ang mga pelikulang ginagawa niya dahil sa mga bashing na kanyang natatanggap.

 

 

“When people say something about my film, whether negative or positive, ‘yun ang napapag-usapan,” pahayag nang kontrobersiyal na director ng Tililing at Gusto Kong Maging Porn Star.

 

 

May magandang dulot daw sa promo na nagiging conversation piece ang kanyang pelikula. Trailer pa lang kasi ng mga movies ni Direk Daryl ay agad umaakit nang atensiyon dahil sa pagiging controversial nito.

 

 

Ganito rin ang reaction ng mga Sharonians when they learned nagagawa ng movie ang Megastar with Direk Daryl. Since some of them are not exactly fan of Direk Daryl, the fans of Sharon were afraid na baka mali ang desisyon ng kanilang idol na tanggapin ang movie with the controversial director.

 

 

Dahil sa success ng Jowable kaya reunited sina Direk Daryl at Kim Molina sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

 

 

Based on his research, may ganitong uri ng medical condition where the person doesn’t experience pain at all. Ang malungkot lang sa mga may ganitong sakit, hindi nagtatagal ang buhay nila sa mundo.

 

 

Sabi naman ni Kim, hindi raw niya akalain na may ganitong klase ng tao. Inamin din niya na challenging ang role kasi mahirap daw umarte na walang emosyon pero kailangan maintindihan ng tao ang kanyang pinagdadaanan.

 

 

“Mahirap isipin how to react to certain situations when supposed to be ay wala ka naman nararamdaman,” sabi pa ni Kim.

 

 

Ayon kay Direk Daryl, maganda ang chemistry nina Kim at ni Jerald Napoles sa pelikula. Perfect daw ang mga ito for their respective roles.

 

 

Hindi naman daw nakakaramdam ng pressure sina Kim at Jerald dahil naniniwala sila sa material. Naniniwala ang dalawa na tatangkilikin ng netizens ang pelikula. First time din nila na nagtambal sa movie pero confident sila na maraming manonood ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

 

 

***

 

 

FIRST time na magkatrabaho sa isang movie ang real-life partners na sina Jerald Napoles at Kim Molina pero wala naman daw silang kailangan na gawin na major adjustement working with each other.

 

 

Kumbaga, ayon kay Jerald,pag trabaho, focus sila sa trabaho. Pagdating sa personal na bagay bilang magkarelasyon, may sariling oras sila for this.

 

 

Kaya walang issue kung magkatrabaho man sila sa isang movie tulad nitong Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

 

 

“Basta we did we had to do on the set, Kasi yun naman ang trabaho namin as actors,” wika ni Jerald.

 

 

Kaya hindi stressful sa kanila ni Kim to work together. Pag work, work lang. Hindi nila pinag-uusapan ang kanilang relasyon while working.

 

 

Kasi nga may usapan na sila na pag trabaho, focus dapat sa trabaho and feelings should not get into the way.

 

 

Kaya kung may project man si Kim with another actor at si Jerald with another actress, trabaho lang ito and anuman ang kanilang gawin while their work as actors is just part of the job.

 

 

Pero may mga kilig levels daw sina Kim at Jerald sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Kahit na magkaiba ang mundo nila sa movie, pag nagtagpo na sila ay may kilig.

 

 

Happy rin sina Jerald at Kim na maganda ang takbo ng careers nila as actors.

 

 

Mapapanood ito via streaming sa Vivamax at KTX.ph starting June 11.

(RICKY CALDERON)

Osaka pasok na sa 2nd round ng French Open

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Naomi Osaka.

 

 

Tinalo kasi nito si world number 63 Patricia Maria Tig ng Romania sa score na 6-4, 7-6 (7/4).

 

 

Magugunitang bago magsimula ang torneo ay sinabi ng Japanese tennis star na hindi ito magbibigay ng anumang pahayag pagkatapos ng laro dahil nakakaapekto ng kaniyang mental health.

 

 

Dahil sa kaniyang pahayag ay pinatawan ito ng $20,000 na multa.

Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.

 

 

Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France sa Hunyo 18-21.

 

 

Tanging ang top three teams at individuals ang makakakuha ng Olympic slot para sa Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Kasalukuyang nasa isang training camp sa Dumaguete City ang ibang national archers at nakatakdang mabakunahan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines (AstraZeneca) ngayong linggo.

 

 

Naglabas ang Philippine Sports Commission (PSC) ng pondong P3,172,313.60 para sa kampanya ng limang national archers sa Olympic qualifying tournament.

MVP tiwala sa Pinoy athletes sa Tokyo Olympics

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiwala si business tycoon Manny V. Pangilinan sa magiging kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo.

 

 

Naniniwala ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus na malaki ang tsansa ng Pilipinas na makasungkit ng gintong medalya sa Tokyo.

 

 

Nakatutok si Pangilinan sa galawan sa kampanya ng mga atletang Pilipino para sa Tokyo Olympics.

 

 

At base sa mga nag­kwa­lipika, optimistiko si Pa­ngilinan na malakas ang pag-asa ng Pilipinas na tuluyang matuldukan ang pagkauhaw sa gintong medalya.

 

 

“I think they have a decent and good chance that some of them will win the gold finally and we can only pray,” ani Pangilinan sa programang The Chasedown.

 

 

Kaya naman umaasa si Pangilinan na matutuloy ang Tokyo Olympics sa kabila ng kaliwa’t kanang panawagan na kanselahin na lamang ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Hindi lamang si Pa­ngilinan ang nagbigay ng suporta para matuloy ang Tokyo Games dahil mismong ang European Union ay nais matuloy ang quadrennial meet.

 

 

Kailangan lamang itong isagawa ng maayos para masiguro ang kaligtasan ng mga atleta, coaches at opisyales na dadalo sa Tokyo Olympics.

 

 

“I think it’s good for it (Olympics) to push through because I’ve always held a view that you can’t allow an external force like this (pandemic) to drive your life. I hope the Olympics will continue. I wish our athletes all the best,” ani Pangilinan.

 

 

Sa kasalukuyan, may siyam na atletang Pilipino na ang kwalipikado sa Tokyo Olympics.

Gobyerno, hindi alam kung saan huhugutin ang pondo para sa P401-billion Bayanihan 3 bill

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maisip ng pamahalaan kung paano popondohan ang panukalang P401-billion Bayanihan 3 bill.

 

Layon nito na tulungang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkawasak at pagkalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng Bayanihan 3 measure na inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco, malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“We are still waiting for the report of the economic team if we have a budget for that,” ayon kay Sec. Roque.

 

Aniya pa, titingnan ng pamahalaan kung mayroong available na pondo mula sa P4.5-trillion 2021 budget at sa P165-billion Bayanihan 2 law.

 

“We are also waiting certification from the Bureau of Treasury if we have funds for Bayanihan 3,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ikinalugod nila ang proactive approach ng Velasco-led House.

 

“We thank them for this because when the time comes that we really need a supplemental budget, we won’t be scrambling for it,” ayon kay Sec Roque. (Daris Jose)

MGCQ sa NCR Plus ‘di pa uubra – DOH

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagsabi na hindi opsiyon na ila­gay sa Hunyo sa modified general community qua­rantine (MGCQ) ang mga lugar na nasa ge­neral community qua­rantine kung saan kabilang ang National Capital Region (NCR) Plus.

 

 

Sinabi ni Duque na pag-uusapan pa sa Lu­nes ang pinal na rekomendasyon bago ihayag sa regular na Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kabilang sa nasa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na tinatawag na NCR Plus.

 

 

Ipinaliwanag ni Du­que na ang daily attack rate sa NCR ay nasa pito hanggang walo na mas mataas sa isa hanggang pitong kaso sa bawat 100,000 na populasyon.

 

 

Nangangahulugan aniya na patuloy na nagkakaroon ng community transmission.

 

 

“Tayo lampas pa ng seven or eight. Ibig sabihin patuloy ang community transmission, ‘di napuputol ang kadena ng hawaan,”ani Duque.

 

 

Sabi pa ni Duque, mas nakakatakot na sa ibang lugar kumpara sa NCR na mas mababa ang case load.

 

 

“Ang (NCR) mababa ang porsyento ng contri­bution sa case load, about 16 or 18%. Ang nakakatakot, sa ibang lugar,” ani Duque. (Gene Adsuara)

Ads June 1, 2021

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipagpaliban ang pagtataas sa SSS contribution, pirmado na

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na naglalayong bigyan siya ng kapangyarihan na ipagpaliban ang pagtataas sa Social Security System (SSS) premium contributions ngayong taon.

 

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11548 na tinintahan, araw ng Miyerkules, ang pagpapaliban sa pagtataas sa SSS contribution ay magiging epektibo “for the duration of the state of calamity” dahil sa coronavirus disease 219 (Covid-19) pandemic.

 

Sa ulat, inamiyendahan ng RA 11548 ang RA 11199 o Social Security Act na pinapayagan ang Social Security Commission, nagsisilbing governing body sa SSS, na ipatupad ang contribution rate hike.

 

Ang one-percent contribution increase ay ipinataw sa mga SSS members kada dalawang taon simula noong 2019 hanggang 2025, base sa RA 11199.

 

Ang ibig sabihin lamang ay ang SSS members’ contribution rate ay tataas ng 13 porsiyento simula Enero 2021 mula sa contribution rate na 12 porsiyento noong 2020.

 

Gayunman, isinama sa RA 11548 ang bagong parirala na nagsasaad na “the implementation of one-percent 2021 increase in contribution rates and the monthly salary credits provided in this section may be suspended by the President of the Philippines for the duration of the state of calamity under Proclamation No. 929.”

 

Noong Marso 16 ng naaraang taon, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 929 na nagdedeklara ng nationwide state of calamity bunsod ng Covid-19 pandemic.

 

Ang buong Pilipinas ay inilagay sa ilalim ng state of calamity sa loob ng anim na buwan, “unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” ayon sa proklamasyon.

 

“The other scheduled contribution rates and the monthly salary credits herein provided shall continue to be valid,” nakasaad sa bagong nilagdaang batas.

 

“Provided, finally, that no changes in the implementing rules or administrative procedures shall be introduced by the Social Security Commission that will defer disbursement of benefits presently being enjoyed by its members,” ang nakasaad sa RA 11548.

 

Ang bagong batas na isinapubliko na ngayon ay magiging epektibo 15 araw matapos ang pagpapalathala sa dalawang pahayagan na may general circulation.  (Daris Jose)