• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2021

1,814 Bulakenyo, tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa DOLE, DOT

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Umabot sa 1,814 Bulakenyong apektado ng pandemya ang pinagkalooban ng ayuda sa ilalim ng ‘financial assistance program’ ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa “COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) Awarding of Beneficiaries” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Tumanggap ang bawat isa ng tig-P5,000 na kabilang sa grupo ng mga manggagawang mula sa mga establisyimentong pangturismo, organisasyon at asosasyon sa lalawigan ng Bulacan.

 

 

Pinangunahan nina Gob. Daniel R. Fernando na kinatawan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino, Regional Director Carolina DG. Uy ng DOT III at Regional Director Geraldine M. Panlilion ng DOLE III ang pamamahagi ng ayuda.

 

 

Kabilang sa 35 na grupo ang ASA TODA, Concepcion TODA, Piel TODA, San Roque TODA, SN TODA, LARES TODA, Dela Costa Mankor Pecson Homeowners Tricycle Operators & Drives Assn. Inc., Sining Tanglawan ng San Jose Del Monte, Team George Salon, 010 ROTTODA Tabe, 07 MATODA, GITDA 012 Tiaong TODA, GITDA-04- TATODA, LGBT Bulacan Federation, Food Master Tricycle Operators & Drivers Assn. Inc. / Food Master Tricycle Operators & Drivers Assn. Inc., Marilao Marwadis Sandico TODA Inc., BNN TODA Inc., M.T.M.G TODA, Rough Road TODA Inc, Sapang Kawayan Matictic TODA, Sulit TODA, Trisha And Oscar’s Beauty Salon, Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative, Bunsuran 3rd Manatal Bagbaguin TODA, Bunsuran, Masuso, Masagana, Cupang, Sto Niño TODA (BMMCS TODA), CCB Padre Pio NHA TODA Pandi Bulacan Inc., Kalye Andress TODA, Mapulang Lupa, MITAY, Bagong Barrio, NHA Tricycle Operators And Drivers Association, Pandi Tricycle Operators And Drivers Association Inc., RDC NHA TODA Pandi Bulacan Inc., Siling Bata Cacarong Malawak Real TODA, Paombong Market TODA (PM TODA) Inc., PB TODA, Pulo San Roque Tricycle Operators And Drivers Association Inc. at STRODA TODA Bulakenyo.

 

 

“Patuloy po ang ating gobyerno sa pag-aabot ng kamay at tulong sa mga apektadong manggagawa sa turismo at mga displaced worker. Asahan po ninyong aming ipatutupad ang mga programa, proyekto at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang kayo ay masuportahan sa panahong ito,” ani Fernando.

 

 

Base sa tala ng PHACTO, umabot na sa mahigit 16,000 indibidwal sa lalawigan ang nahatiran ng nasabing tulong.

 

 

Ani Ramon Binuya, pangulo ng ASA TODA ng bayan ng Baliwag na kabilang sa sektor ng turismo, “malaki ang aming pasasalamat para sa agarang ayudang aming natanggap na makatutulong sa pantawid sa araw-araw na gastusin.”

 

 

Malaki din ang pasasalamat sa DOLE, DOT at Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng PESO ni Red Jumaine Sanano ng Sining Tanglawan ng San Jose Del Monte para sa pinansiyal na tulong na nagamit niya sa kanyang pag-aaral sanhi ng kawalan ng trabaho dahil sa pandemya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Senior citizens, stay home muna hangga’t hindi pa nababakunahan ang 70% ng populasyon

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG LINAW ng Malakanyang na hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens lalo na’t kung “fully vaccinated” na ang mga ito laban sa covid 19 na lumabas ng kanilang tahanan.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede aniyang lumabas ang mga senior citizens para bumili ng kanilang kinakailangan.

 

At kung kinakailangan aniya na pumunta sa mall at grocery para sa kanilang mga pangangailangan ay pinapayagan naman aniya ang mga ito na lumabas ng kanilang tirahan.

 

Bukod dito aniya ay pinapayagan din ang mga senior citizens na mag-ehersisyo para sa health promotion.

 

Kinakailangan aniya kasi na manatiling malusog ang mga senior citizens laban sa covid 19.

 

Subalit ang pagpapalabas aniya matapos na mabakunahan ay sinabi ni Sec. Roque na depende aniya ito kapag nakamit na ng Pilipinas ang population protection.

 

“Ibig sabihin, hindi lamang naman po ung nabakunahan ang kinakailangan na magkaroon ng proteksyon dahi kinakailangan na mas marami pa sa populasyon ang magkakaroon ng proteksyon dahil ang bakuna po is not a guarantee na hindi na kayo tatamaan ng covid. It is a guarantee na siguro ay hindi na kayo magkakasakit ng malala o hindi na kayo mamamatay pero iba po ang kondisyon ng mga seniors .. they are specially vulnerable. So, ang effect po ng bakuna sa isang malusog na kabataan ay hindi po kapareho sa isang matanda. So, let us veer on the safer side na hanggang wala pa pong population protection, habang hindi pa natin nababakunahan ang 70% ng ating populasyon .. stay home po muna ang ating mga lolo’t lola,” paliwanag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nakatanggap na ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang 12 porsyento ng senior citizen sa bansa.

 

“Ang mga senior citizens, ito yung mababa, nasa nine to 12 percent palang so medyo kailangan natin bilisan ito kasi ito yung mga vulnerable, itong age group na ito na 60 and above,” ani DOH Undersecretary Leopoldo Vega.

 

“Kailangan natin hanapin yung mga matatanda para mabakunahan kasi kailangan natin mai-prevent yung death sa age group na ito. Malaki pa naman ang population nito,” dagdag nito.

 

Tinatayang 10 hanggang 20 milyon ang senior citizen sa bansa.

 

“So, malayo pa tayo, so kailangan aggressive talaga ang paghahanap sa mga senior citizens para sa bakuna,” aniya.

 

Magkakaroon ng special lane para sa A1 hanggang A3 sa sandaling magsimula na ang pagbabakuna sa A4 o mga essential worker.

 

Prayoridad ng gobyerno na mabakunahan ang mga may edad 40 anyos pataas sa ilalim ng A4 category. (Daris Jose)

MM Mayors, handa na para sa pagsisimula ng A4 vaccination

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang Metro Manila mayors para sa pagsisimula ng A4 vaccination.

 

Sa katunayan ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinisimot na ng Local Government Units (LGUs) ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 group.

 

“Well, yes, handa na po kami ‘no. In fact, iyong ibang mga LGU ay talagang very efficient tapos iyong mga bakuna nila ay halos naubos na po,” ani Abalos.

 

“In fact, if I will cite to you numbers, noon lamang last Friday ay 57,000 ang nabakunahan; last Saturday, ito’y 64,000. Kung kaya’t iyong kanina, iyong may sinasabi, kamukha ng sinasabi ko po, iyong first dose, tinatabi iyon para sa second dose ‘no – nakatabi iyan parati. Pero kung may darating na bakuna, ginagamit na muna iyong first dose para mas marami tapos saka na lang magtatabi na naman for the second dose,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Kaya sa nagsabi na mayroon di umano na mai-expire na bakuna lalo na ang AstraZeneca ay giit ni Abalos na wala itong katotohanan.

 

“Dahil sabihin mo maski ito ay 60,000, easily we could use that in just one day ‘no. It’s 57,000 and 60. Ganoon po ka-efficient ang mga LGUs natin sa Metro Manila. At ganoon din ka-efficient ang team ng DOH and of course, nila Sec. Charlie (Galvez) ng NTF lalo na ngayon kasama pa natin ang mga private group. Napakaganda po ng performance ng National Capital Region o ng Metro Manila po rito sa bakuna,” ayon kay Abalos.

Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (CO­VID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH).

 

 

Noong Biyernes ay tinurukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo at sa Vietnam SEA Games sa Nobyembre.

 

 

“This is another great news for our national athletes and for all of Philippine sports,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa natanggap niyang balita mula kay Vince Dizon, ang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

 

 

Halos 730 Olympic at SEA Games-bound de­legates ang binigyan ng first dose ng Sinovac noong Biyernes

PDP-Laban, bumoto na naglalayong hikayatin si PDu30 na tumakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2022

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUMOTO ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) national council , araw ng Lunes na bumuo ng isang resolusyon na naglalayong hikayatin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng partido na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa susunod na taon.

 

Ang nasabing resolusyon ay mage-endorso rin kay Pangulong Duterte, na pumili ng magiging running-mate nito para sa 2022 presidential elections.

 

Matatandaang makailang ulit namang itinanggi ni Pangulong Duterte na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay tatakbo sa 2022 presidential race.

 

Magkagayon man, ipinaubaya naman ni Pangulong Duterte sa Diyos kung tatakbo siya o hindi sa pagka-bise-presidente.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatakbo si Pangulong Duterte bilang Vice President sa 2022 elections kapag nakatanggap siya ng mensahe mula sa Diyos.

 

“A message from God because he said he leaves it to God,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na mag-a-anunsyo ang Pangulo sa tamang oras.

 

“If the President thinks it is God’s will, he will make the proper announcement in due course,” ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kamakailan ay mariing kinontra ni Sen. Manny Pacquiao ang direktiba ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa mga miyembro ng PDP-Laban na magtipon tipon para sa national assembly sa katapusan ng buwan.

 

Si Pacquiao bilang presidente ng PDP ay naglabas ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng mga miyembro ng partido na ‘wag sundin ang panawagan ni Cusi na magkaroon ng national assembly sa May 31.

 

Ito ay limang buwan bago naman ang filing of certificates of candidacy para sa 2022 national elections.

 

Ayon kay Pacquiao anumang pagtitipon para sa pagpupulong ng kanilang national council o kaya assembly ay dapat na aprubado ng kanilang chairman at presidente.

 

Ang chairman ng partido ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Una nang nagbanggaan sina Pacquiao at Cusi noong buwan ng Marso dahil sa pagsusulong ng ilang grupo sa LDP na patakbuhin bilang bise presidente ang Pangulong Duterte sa 2022 presidential elections.(Daris Jose)

Ads June 2, 2021

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.

 

 

Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky Vargas.

 

 

Ang nasabing hakbang ng boxing association ay para mabigyan ng magandang ensayo at paghahanda sina Marcial, Magno, Petecio at Paalam sa kanilang pagsabak sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

 

 

Nakatakda ang quadrennial event sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Nagmula ang tubong Zamboanga City na si Marcial sa Dubai, United Arab Emirates kung saan siya nakuntento sa bronze medal matapos makalasap ng 0-5 kabiguan kay Jafarov Saidjamshid ng Uzbekistan sa kanilang semifinals match.

 

 

Nakakuha rin ng tansong medalya sina Pinay light flyweight Josie Gabuco, light flyweight Mark Lester Durens at bantamweight Junmilardo Ogayre sa nasabing torneo.

 

 

Bukod kina Marcial, Magno, Petecio at Paalam ang iba pang sasabak sa 2021 Tokyo Olympics ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa at rower Cris Nievarez.

MATTHEW PERRY, walang masyadong energy at may kakaiba sa pagsasalita sa reunion ng ‘Friends’

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING fans nakapanood ng Friends: The Reunion ang worried sa kalusugan ng cast member na si Matthew Perry.

 

 

Si Matthew ang gumanap sa role na Chandler Bing sa Friends.

 

 

Napansin ng marami ang pag-slur nito kapag nagsasalita at tila wala siyang masyadong energy considering na siya ang pinakanakakatawa sa buong cast.

 

 

Hindi naman tinatago ni Perry na nag-struggle siya with drug and alcohol abuse habang umeere pa noon ang Friends. Noong 1997 ay nag-check in siya for a 28-day rehab program for Vicodin addiction. Naulit ito noong 2001.

 

 

Sa isang 2002 interview, sey ni Perry: “I had this odd rule that I would never drink on a set. I went to work in extreme cases of hangovers. It’s so horrible to feel that way and have to work and be funny on top of that. I didn’t get sober because I felt like it. I got sober because I was worried I was going to die the next day.”

 

 

Sey ng Friends co-star na si Lisa Kudrow, mahirap daw at apektado silang lahat kapag nagkasakit si Perry.

 

 

“Hard doesn’t even begin to describe it. When Matthew was sick, it was not fun. We were just hopelessly standing on the sidelines. We were hurting a lot. Matthew is one of the funniest people I’ve ever met in my life. He’s charming and hilarious. Most of our hard laughs came from Matthew.”

 

 

In 2018, naoperahan si Perry to repair a gastrointestinal perforation. Three months daw ang tinagal bago siya naka-fully recover.

 

 

***

 

MAGKASAMA sa kanilang first movie titled Caught In The Act ang Kapuso teen actor Joaquin Domagoso at ang Pinoy Big Brother Connect 2nd placer na si Andi Abaya.

 

 

Magsisimula pa lang daw sa shooting ng movie ang dalawang teen stars at sa story conference via Zoom sila nagkakilala.

 

 

Sey ni Joaquin: “I really don’t know her personally, but she’s a nice person po. Mabait siya. Looking fowars to working with her when shooting starts.”

 

 

Sagot naman ni Andi: “Just like what Joaquin said, we really don’t know personally yet. But I believe we would be able to work well with each other. He seems like a nice person naman po and organized.”

 

 

May experience na si Joaquin na magtrabaho sa TV via First Yaya sa GMA. Si Andi naman ay ngayon lang gagawa ng movie at ma-experience ang lock-in shooting na hindi raw malayo sa pagtira nila sa Bahay ni Kuya sa PBB na inabot ng 99 days.

 

 

Ang Caught in the Act, ay tungkol sa isang crime-stopping app na magiging mitsa sa buhay ng ilang taong gagamit nito. Mula ito sa panulat at direksyon ni Perry Escaño.

 

 

Ang comedy/mystery-crime adventure movie na ito ay produced ng MPJ Entertainment Productions at Golden Brilliance.

 

 

***

 

 

NATAPOS na rin ng former host ng Unang Hirit na si Rhea Santos ang kanyang 2-year course sa Canada.

 

 

2019 nang iwan ni Rhea at ng kanyang pamilya ang Pilipinas para mag-migrate sa Canada. Nag-enroll si Rhea sa British Columbia Institute of Technology at natapos na niya ang kursong Broadcast and Online Journalism.

 

 

Post ni Rhea sa Instagram: “Can’t believe I’m done. Wouldn’t have done it without my loving husband who makes sure I’m well fed and I’m getting the space I need to focus on my studies for the past two years. Nothing but #gratitude for the opportunity to learn and try new things Love you dad! #BCITGrad2021″

 

 

Bukod sa pag-aaral, naging anchor si Rhea ng Omni News: Filipino Edition in Canada.

(RUEL J. MENDOZA)

ANDREA, ayaw munang magsalita sa maingay na pagtatambal nila ni John Lloyd sa isang sitcom

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN na ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.

 

 

Kumpirmado na nga itong mapapanood sa GMA-7 instead na sa ABS-CBN na ever since ay home network niyang talaga.

 

 

Kasama si Willie Revillame at under sa production ni Willie for a Shopee special muna mapapanood si John Lloyd na sa GMA lalabas.

 

 

Then, ang ingay ng balita na magsasama sa isang sitcom sina John Lloyd at Andrea Torres. Pinag-uusapan ito dahil sino ba ang mga-ex ng dalawa na ngayo’y engaged na sa isa’t-isa, of course, Derek Ramsay at Ellen Adarna.

 

 

Inisip namin na mga imbento lang ang pagsasama nina John Lloyd at Andrea. Na baka nagbibiro lang si Willie na pagsasamahin nga ang dalawa with GMA siyempre.

 

 

Pero ‘eto na, nang tanungin namin si Andrea, sinabi niyang, “Siyempre ‘di ba, hangga’t hindi nag-i-storycon, wala tayong kasiguraduhan. And wala pa rin naman pang formal na sinasabi sa akin tungkol sa show.”

 

 

Mukhang ayaw pa rin namang magsalita ni Andrea at pangunahan siguro ang mga balita o mapre-empt pa ito. Hindi na namin inurirat pa ang Kapuso actress na ngayon ay nasa lock-in taping para sa bago niyang serye sa Kapuso network kasama sina Alice Dixson, Bianca Umali at Dennis Trillo na Legal Wives.

 

 

***

 

 

SABI nga ni Maris Racal, hindi pa raw ba obvious sa post niya noon na in a relationship sila ng singer na si Rico Blanco.

 

 

Sey ni Maris, “Kami po ni Rico, uhm… I think, basing po sa post na ginawa ko po, I think it’s very obvious.”

 

 

Twenty-four ang age gap nina Maris at Rico. Kaya ang mababasang comment tuloy sa mga netizens, “Hindi pa pinapanganak ang para sa akin!” Huh!

 

 

Sa isang banda, wala naman kaming nakikitang hindi maganda kung sila nga. Age doesn’t matter  pa rin as long as love talaga nila ang isa’t-isa at obvious din naman na bukod sa pagiging fan ni Rico si Maris, ang “music” talaga ang common interest nilang dalawa.

 

 

Abangan din daw ang nilulutong music collab ng dalawa.

 

 

***

 

 

MISS na raw ng actress na si Bea Alonzo ang mag-travel.

 

 

Mas lalo raw niya itong na-miss nang makita raw niya ang mga old travel photos.

 

 

    “I just miss meeting new people. Being able to learn about new cultures. Try new cuisines,” sey niya.

 

 

May aliw na kuwento rin si Bea sa nanay niya sa isang travel daw nila. Isa sa top 10 Travel Destination ni Bea ang Dubai at first time raw nilang makarating dito, kasama niya ang ina.  Nagpa-iwan na lang daw siya sa hotel at natulog habang ang nanay niya, nagpunta sa Gold Souk, bilihan ng mga alahas.

 

 

Pagbalik daw nito ng hotel, ang daming pinamiling alahas. Meron din daw para sa kapatid niyang lalaki. Nang tanungin ni Bea kung nasaan na ang talent fee niya, naubos ng ina sa pinag-shopping ng alahas.

 

 

Eh, first day pa lang daw nila do’n at wala pa siyang credit card that time.

 

 

Ang naging saviour ni Bea at ng kanyang ina, ang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz. Dahil wala na silang cash, si John Lloyd daw ang nagbayad ng mga pinamimili nila, including their meals. Pero nilinaw naman niya nan ang makauwi na sila ng Pilipinas, binayaran niya ito.

 

 

Lesson learned para kay Bea, “Huwag gagastusin ang lahat ng pera sa first day mo pa lang and after that, nag-apply na ako ng credit card.”

 

 

Sa isang banda, nabanggit din ni Bea sa kanyang recent vlog na pangarap daw nila ng Mama niya na magkaroon ng property sa Japan dahil next to Philippines, gusto nilang manirahan sa naturang bansa.

(ROSE GARCIA)

NAG-VIRAL NA TRAFFIC ENFORCER, PINARANGALAN

Posted on: June 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista.

 

Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag sa batas trapiko na kalaunan ay napag-alaman na isang drug courier pala.

Personal na inabot nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang plake ng pagkilala kay Anzures kasabay ng cash incentives.

 

Ayon kay Mayor Isko, ginawa nila ang parangal upang magsilbing inspirasyon at modelo ang ginawang pagsunod sa trabaho ni Anzures.

 

Umaasa ang alkalde na magdo-doble sikap ang iba pang tauhan ng MTPB at huwag silang matakot na gampanan ang kanilang trabaho hangga’t sila ay nasa tama.

 

Samantala, personal naman na inabot n iMayor Isko ang mga donasyon na “vest” sa mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit kasabay ng pagkakaloob ng 22 tricycle na donasyon ng pribadong sektor para sa mga miyembro ng TODA sa Balut, Tondo. (GENE ADSUARA)