• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 8th, 2021

New ‘Luca’ Featurette, Clip and Character Posters Tease A Pixar Aquatic Adventure

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE heartwarming film Lucawill stream on Disney+ this month and we got a new featurette about the world of Portorosso, Italy!

 

 

They also reveals new character posters as well as a new clip showing the fear this small town has about sea creatures. A movie that is sure to make us all want to go and get gelato on the sunny shores of Italy, it’s clear that Pixar has put a lot of heart and soul into this story.

 

 

You can watch the new clip and featurette below:

https://www.youtube.com/watch?v=LPkoCqMiBFA&t=47s

Starring Jacob Tremblay, Jack Dylan Grazer, Maya Rudolph, and Jim Gaffigan, Italian director Enrico Casarosa makes Luca feels like the perfect addition to the world of Pixar.

 

 

The synopsis in the press release is as follows: “Disney and Pixar’s original feature film “Luca” is a coming-of-age story about one young boy experiencing an unforgettable summer filled with gelato, pasta and endless scooter rides. Luca shares these adventures with his newfound best friend, but all the fun is threatened by a deeply-held secret: they are sea monsters from another world just below the water’s surface.

 

 

Luca seems to be a beautiful look at friendship and acceptance and the clip shows Luca and Alberto having dinner at Giulia’s house while her father prepares fish and talks about killing anything that swims. Which doesn’t bode well for the two boys as they are trying to keep their identities hidden so that they can stay safe. And, getting to see these beautiful character posters of Luca, Giulia, and Alberto, it’s clear that this is a story about their journey together as friends and looks absolutely beautiful.

 

 

There was also a lovely featurette about building the world of Luca with some of the cast! Talking about going to Italy to research, Casarosa talked about being inspiration by Hayao Miyazaki films and his animation. We also got to see Tremblay, Grazer, and more talk about Italy, the story of Luca, and the fun world we’re going to experience through the movie.

 

 

Luca begins streaming on Disney+ beginning June 18.

(ROHN ROMULO)

Mga empleyadong 40-yr old pataas, ‘priority’ sa A4 vaccination – DOH

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may susundin pa ring “prioritization” kapag nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa A4 group o essential workers.

 

 

Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega, ituturing na priority sa vaccination ng essential workers ang mga manggagawang 40-years old pataas.

 

 

“Itong June na to, bibilisan ang A1 to A3, may special lane ho ‘yan. Hindi mawawala sa vaccination centers, saka sa A4 dahan-dahan na. Lalo na 40 years old, uunahin sa mga working group. Mauuna ‘yung mas matanda. ‘Yung vulnerability kasi sa COVID-19 mas mataas sa matatanda,” ani Vega sa panayam ng DZBB.

 

 

Una nang sinabi ng DOH na posibleng sa Hunyo magsimula ang pagbabakuna sa essential workers.

 

 

Nitong Biyernes, sinabi rin ng Malacanang na kasali na sa A4 priority group ang lahat ng government at private workers, at mga nagta-trabaho sa informal sector.

 

 

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tinatayang 35.5-milyong manggagawa ang inaasahang mababakunahan sa ilalim ng A4 priority group.

 

 

Batay sa huling datos ng DOH, nasa 5,120,023 indibidwal na ang nababakunahan ng bansa laban sa COVID-19.

Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

 

Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang opisyal mula sa Chinese Embassy.

 

 

Kasunod ng pagdating ng bagong batch ng Sinovac shots na binili ng DOH, papalo na sa kabuuang 6.5 million doses ang natanggap ng Pilipinas na gawa ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

 

 

Ayon kay Secretary Galvez, majority sa mga China-made vaccines na dumating kaninang umaga ay ipapamahagi sa mga probinsiya na itinuturing na “high risk” dulot ng Coonavirus Disease (COVID-19).

 

 

Kabilang aniya sa mga probinsiya na mabibigyan ng bagong dating na COVID vaccine ay ang Zamboanga at iba pang lugar sa Region 6 kung saan tumataas ang kaso ng deadly virus.

 

 

Target din naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna ang lahat ng mga probinsiya.

 

 

Dagdag pa ni Galvez, ang mga COVID vaccine ng Pfizer at Moderna ay kadalasang idi-distribute sa National Capital Region.

 

 

Ang Sinovac ay una nang binigyan and ng approval ng World Health Organization para sa emergency use.

 

 

Nasa 3.4 million vaccine doses pa ang inaasahang darating sa bansa ngayong Hunyo.

 

 

Sa kabilang dako, bandang alas-8:56 ng umaga kanina nang dumating sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina ang mga bagong bakuna kung saan isinakay ito sa 10-wheeler truck.

 

 

Mga convoy ng PNP Highway Patrol Group ang nagbigay seguridad sa ginawang pag-transport sa mga bakuna.

 

 

Target din naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna ang lahat ng mga probinsiya.

 

 

Dagdag pa ni Galvez, ang mga COVID vaccine ng Pfizer at Moderna ay kadalasang idi-distribute sa National Capital Region.

 

 

Ang Sinovac ay una nang binigyan and ng approval ng World Health Organization para sa emergency use.

 

 

Nasa 3.4 million vaccine doses pa ang inaasahang darating sa bansa ngayong Hunyo.

 

 

Sa kabilang dako, bandang alas-8:56 ng umaga kanina nang dumating sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina ang mga bagong bakuna kung saan isinakay ito sa 10-wheeler truck.

 

 

Mga convoy ng PNP Highway Patrol Group ang nagbigay seguridad sa ginawang pag-transport sa mga bakuna. (Daris Jose)

Ads June 8, 2021

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

59 milyong botante nakapagparehistro na

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umabot na sa 59 mil­yong Pinoy sa bansa ang nakapagrehistro o kulang ng dalawang milyon para sa target na 61 milyon botante sa May 9, 2022 national and local elections.

 

 

Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Director James Jimenez na maaabot nila ang naturang target kahit may apat na buwan na lamang bago sumapit ang deadline sa itinakda nilang registration period sa Setyembre 30, 2021.

 

 

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa nila ng satellite registration upang mas marami pa silang botante na maitala.

 

 

Target din nilang ma­kapagdagdag pa ng mas maraming satellite registration para sa Metro Manila ngunit limitado ito dahil sa istriktong standards na itinatakda nila at ng Inter-Agency Task Force on pandemic response.

 

 

Aniya, ang mga lugar kung saan maglalagay ng satellite registration ay dapat na may zero COVID-19 cases sa nakalipas na 14-araw bago ang itatakdang pagrerehistro doon, kaya’t nahihirapan silang maghanap ng mga lugar na paglalagyan nito.

 

 

Samantala, inianunsiyo na rin ni Jime­nez na ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa eleksiyon ay magsisimula matapos ang voter registration period o mula Oktubre 1 hanggang 8.

 

 

Ang campaign period naman ay magsisimula sa Pebrero 8, 2021 para sa national position at Marso 25 para sa local position.

Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19.

 

 

Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon.

 

 

“Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay,  at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face masks at face shield,” ayon kay PMA president Dr. Benito Atienza sa isang panayam sa Dobol B TV.

 

 

Ginawa ni Atienza ang komento matapos na hilingin ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na huwag nang i-require ag pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar kundi gamitin na lamang ito sa pagtungo sa mga pagamutan.

 

 

Binanggit pa ng alkalde na ang Pilipinas na lamang umano ang nagre-require sa paggamit ng face shields kumpara sa ibang bansa.

 

 

Unang nang sinopla ni DOH Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahon para huwag gamitin ang face shields  dahil na rin sa mababa pa rin ang porsiyento nang nababakunahan sa bansa.

 

 

Tutol din dito ang DILG, maging si Infectious diseases expert Dr. Edsel Salvanan.

Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program.

 

 

Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement Program (RCEP) ng PNP.

 

 

Ipapatupad ang RCEP sa loob ng 10 taon na sisimulan sa 2022.

 

 

Nabatid na sinuportahan din ng Senado ang paglalaan ng P20 bilyong pondo kada taon sa mga proyekto ng PNP para sa taong 2022 at 2023.

 

 

Kakailanganin aniya ng average na P11 bilyong pondo sa susunod na walong taon para ma-modernize ang PNP. Kabilang dito ang konstruksiyon o ang pagpapatayo ng 400 police stations na kasalukuyan ay nakapuwesto sa mga lupang hindi naman pag aari ng PNP.

 

 

Sakop din ng proyekto ang improvement sa mga crime laboratories, training institution sa mga probinsya, training institution, barracks facility at mga ospital.

 

 

Kasama rin sa programa ang mga baril at assault rifle na ipapamahagi sa mga pulis, gayundin ang apat pang helicopters at apat na fixed wings para sa PNP Air Group. (Daris Jose)

Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia.

 

 

Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers.

 

 

Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban.

 

 

Napag-alaman na nakatanggap ang DOLE ng reports na ang mga ipinadalang OFWs ay hinihingian ng kanilang mga employers o foreign recruitment agencies na sila ang magbayad sa gastos sa health and safety protocol for COVID-19 at insurance coverage premium pagpasok nila sa ibang bansa.

 

 

Dahil dito, ipinatupad muna ng DOLE ang temporary suspension sa deployment ng overseas Filipino workers patungong Kingdom of Saudi Arabia epektibo kaagad hanggang sa maglabas ng bagong kautusan ang ahensiya. (Daris Jose)

Pinoy boxer Michael Dasmariñas todo na ang ensayo sa ilalim ni Freddie Roach

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Agad na sinimulan ni Filipino boxer Michael Dasmariñas ang kaniyang ensayo sa ilalim ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

 

 

Nasa huling yugto na kasi ng kaniyang paghahanda ang Filipino boxer para sa laban niya kay IBF at WBA Super World bantamweight champion Naoya Inoue na gaganapin sa Hunyo 19 sa Virgin Hotels sa Las Vegas, Nevada.

 

Huling lumaban kasi ang Filipino boxer kay Artid Bamrungauea noong Oktubre 2019 kung saan pinatumba niya ito sa loob ng ikalimang round.

 

 

Mayroong record si Dasmarinas ng 30 panalo, dalawang talo at isang draw habang mayroong 20 panalo at wala pang talo si Inoue.

12 milyong essential workers target bakunahan sa ‘NCR Plus 8’

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumarga na ang ‘vaccination’ para sa A4 prio­rity group o mga ‘essential workers’ kung saan nakatutok ang Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

 

 

Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 12 milyong ‘essential workers’ mula sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao ang uunahin na bakunahan sa A4 group.

 

 

Maaaring maging istratehiya ang pagbase sa edad o sa mas nakatatanda para nakalinya ang programa na maprayoridad ang mga mas ‘vulnerable’.

 

 

Nakatakdang maglabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng panuntunan sa pagbakuna sa mga manggagawa.

 

 

Sa datos ng DOH, nasa 22 milyong ‘essential workers’ sa buong bansa ang maaaring makasama sa A4 group.  (Daris Jose)