• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 18th, 2021

MARIAN, naging ‘big influence’ para magpa-vaccine na rin ang ina ng isang netizen; siya lang daw pala ang sagot

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa nakapagbakuna na si Marian Rivera kasama ang kanyang asawang aktor na si Dingdong Dantes, marami nga ang naenggayo na magpabakuna na rin.

 

 

Ayon sa tweet ng netizen na si Carlo, napapayag na raw magpa-vaccine ang mommy nito nang makitang natanggap na ng Kapuso Primetime Queen ang first dose ng Covid-19 vaccine:

 

“Mama: Ok. Ready na ako pa vaccine

“Me: What changed your mind?

“Mama: Si Marian Rivera kasi nagpa-vaccine na.

“LMAO! Napagod pa ako mag-explain, si Marian lang pala sagot.”

 

 

Pinusuan naman ito ng netizens, kaya agad na nag-viral ang post, na aminado naman si Carlo na big fan ni Marian ang ina niya.

 

 

Na kinilig lalo na mag-message sa kanya ang mommy nina Zia at Sixto, “Marian is kind enough to send me a message ang said Hi to my mom. Kaya ayun kilig na kilig.”

 

 

May isa pang netizen na nagsabing, “Buong angkan ko din. Si Marian lang pala ang sagot.”

 

 

Nang makita ni Marian ang viral tweet, ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram story, at nagwi-wish na maging safe ang lahat.

 

 

Sa naging interview ni Aubrey Carampel kina Marian at Dingdong, inamin ng mag-asawa na nakaramdam din sila ng takot na magpabakuna, pero sa dahil sa pagri-research at sa binigay ng opinyon ng kanilang doktor, naging kampante na sila.

 

 

Na-explain din sa kanilang kung ano ang posibleng side effects after ng bakuna, na depende naman sa pagtanggap ng katawan ng tao, kaya dapat ding bantayan.

 

 

“They explained properly what side effects may appear and it was written on the card given to us they are there to answer any question we may have,” pahayag pa ni Marian.

 

 

Naka-schedule namang matanggap ang second dose nila ni Dingdong sa July 10.

 

 

Narito naman ang ilan sa naging reaction ng netizens:

 

 

“Wala naman masama sa post, at least May naimpluwensiyahan magpa bakuna.”

 

“hindi kabaduyan maging isang mabuting ina, anak, apo, at asawa. Mas lalong hindi kabaduyan ang maging magandang halimbawa o impluwensya sa iba. Khit baliktarin mo pa mundo pinaka maganda si marian. D nya kailangan ng mamahaling gamit para gumanda khit magputing t shirt lang yan at walang makeup o alahas ganda pa din. Yun ba ang baduy? Ang tawag sayo inggitera.”

 

“Kaya hindi maganda ang Demokrasya dahil yung mga tulad ng nanay ni Carlo ang mga bumoboto ng mga susunod na mga maluloklok. Kung sino lang sabihin ni Marian o ni Cardo yun na!”

 

“Although its great that actors have a good influence na machange yung mind ng mga tao, but we should listen to our frontliners really. Sila eversince are saying na we should get vaccinated when we can. Pero people would change their minds so quickly the moment they see their fave artista do something. Sad reality :((“\

 

“Aliw naman nito. Magandang impluwensya rin ang pagpapabakuna nilang mag-asawa. Maraming naengganyo lalo na yung mga nag-aalangan pa rin. Ito yung positive power ng celebrity status.”

 

“Positive influence si Marian.”

 

“Pinoy talaga mahilig manggaya kaya influencers benta like celebrities. Before ayaw magpa vaccine, but now since ginagawa na mg celebs, I see lot of people flexing their vaccinated arms. Which I guess is good kasi eto talaga magandang purpose ng pagiging influencer mo. Sana madami na mavaccinan.”

 

“Tho maganda naman at positive ang news na ito. Pakiusap mga kabayan pag sa eleksyon wag naman porket endorse ng fave niyo artista e yun ka na rin boto niyo huh.”

 

“POSITIVE ANG PANANAW TALAGA NINA MARIAN at ang DONGYAN! Until now relevant pa rin sila kahit walang ka eng engan na gagawin para mapansin, ang tahimik at low key nilang pamilya ay nakaka dala ng peace of mind talaga…kahit subrang yaman na nila simple nila talaga at masayang masaya sa buhay na kontento!”

 

“Just wondering though, karamihan ng celebrities na nagpa vaccine this week, iisa yung tinatatuan nilang background.. meron ata silang pa vaccination program for entertainers.. if its a provate company and its paid for, ALL GOOD.”

 

“organizee by mowelfund-mmff-mda yan for artist pati mga nsa likod ng entertainment industry. siguro kc gusto na nlng bumalik sacdatu ung ent. industry kc income din un ng govt. if ever.”

 

Samantala, happy sina Dingdong at Marian sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad na this week ay lumabas na sila, na kung saan maraming memories ang bumabalik, isa na nga doon ay nasa courting stage pa lang daw sila.

 

 

After ng Endless Love, wish ng mag-asawa na makagawa sila ng new project together, drama series man o sitcom, hopefully magkatotoo ito bago matapos ang 2021.

(ROHN ROMULO)

1.5-M pang Sinovac COVID-19 vaccine doses, dumating sa PH

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Karagdagang 1.5 million pang doses ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine na gawa ng Sinovac ang dumating sa Pilipinas kahapon, Huwebes.

 

 

Kabilang sa pinakabagong shipment na ito ang 500,000 doses na binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., na siyang pinaka-unang batch ng COVID-19 vaccines na dumating sa Pilipinas na binili mismo ng private sector.

 

 

Sa panibagong supply na ito, umakyat na sa 9 million doses ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac sa bansa.

 

 

Kabilang na rito ang 1 million na donasyon ng Chinese government.

 

 

Kung isasama ang iba pang brands ng COVID-19 vaccine na dumating sa Pilipinas sa mga nakalipas na buwan, kabuuang 13.2 million doses na ito. (Gene Adsuara)

Pinay tennis star Alex Eala nabigo sa opening game ng W25 Madrid

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala sa unang round W25 Madrid.

 

 

Tinalo kasi siya ni Andrea Lazaro Garcia ng Spain 2-6, 6-4, 6-4.

 

 

Sa unang set ay hawak ng 16-anyos na world number 630 ang kalamangan hanggang nakabangon at umarangkada si Lazaro Garcia.

 

 

Unang nagwagi ang Rafa Nadal Academy scholar noong Enero sa W15 Manacor tournament na ginanap sa Spain.

Ads June 18, 2021

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield.

 

“I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” ayon kay Sec.Roque.

 

“What the President has decided, then that’s the policy. This is without prejudice to IATF appealing possibly noh? Alam ninyo kasi ang posisyon naman ng DoH, eh may mga pagkakataon naman talaga dapat eh isuot pa talaga ang face shield, noh? At ito po iyong lalong-lalo na iyong kapag nasa indoors na maraming tao,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Ang posibleng magiging hakbang ng IATF sa usaping ito ay umapela sa sinabi ng Pangulo.
Nauna na itong inihayag ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang Twitter post.
Tinawagang pansin pa ni Sotto ang Department of Health (DOH) sa kanyang naturang post.
Sa kabilang dako, hindi pa kinukumpirma ng Malakanyang ang naturang pahayag ni Sotto.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pag-uusapan nila ang bagay na ito mamaya sa pulong ng IATF at sakaling magkaroon ng bagong panuntunan ay agad nila itong ilalabas.
Una rito, may mga grupo at indibidwal nang nagsusulong na payagan na ang hindi pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.

 

Samantala, para naman kay UP-OCTA Research Team Fellow Prof. Ranjit Rye hindi pa napapanahon para magluwag at magpakakumpiyansa kapag lumuwag na ang health protocols sa bansa.

 

Pahayag ito ni Rye matapos na sang-ayunan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na i-require ang pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar maliban sa mga ospital.

 

Sabi ni Rye, bago magluwag dapat na ikonsidera ng pamahalaan na may mga variants pa ng COVID-19 ang kumakalat sa mundo.

 

Bukod dito, masyadong atrasado ang pagbabakuna sa bansa kaya hindi pa dapat pinag-uusapan ang pagluluwag sa mga health protocols.

 

Giit pa ni Rye, dapat na kumonsulta muna sa mga health experts at sumunod sa rekomendasyon ng mga ito. (Daris Jose)

Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches.

 

 

Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church.

 

 

Sakop nito ang mga bansang Egypt and the Sinai peninsula, Eritrea and Northern Ethiopia, Southern Albania and Bulgaria, Cyprus, Greece, Iran, Lebanon, Palestine, Syria, Jordan and Turkey.

 

 

Sa kasalukuyan ay Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples din si Tagle.

 

 

Mula nang dumating sa Vatican noong February 2020, itinalaga rin ng Santo Papa si Tagle bilang member ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at sa Administration of the Patrimony of the Apostolic See (APSA) o ang katumbas ng Vatican central bank.

Gilas inilusot ni Belangel

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang inangkin ng Gilas Pilipinas ang tiket para sa 2021 FIBA Asia Cup Championships sa Agosto sa Indonesia.

 

 

Salamat na lamang sa buzzer-beating three-point shot ni point guard SJ Belangel.

 

 

Ang triple ni Belangel ang nagtakas sa 81-78 panalo ng Nationals laban sa mga South Koreans sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga.

 

 

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Gilas at kauna-unahan laban sa South Korea matapos ang walong taon para banderahan ang Group A ng qualifiers.

 

 

Kinailangan ng Natio­nals na bumangon mula sa 17-point deficit, 16-33, sa second period para agawin ang 54-52, sa 1:48 minuto ng third quarter sa pamumuno nina Dwight Ramos at 7-foot-1 Kai Sotto.

 

 

Itinala ng Gilas ang 78-75 abante mula sa basket ni naturalized player Angelo Kouame sa huling 10.5 segundo ng fourth period na sinundan ng triple ni star guard Lee Hyun Jung para itabla ang Korea sa 78-78 sa nalalabing 2.9 segundo.

 

 

Kasunod nito ay ang kabayanihan ni Belangel, tumapos na may 12 points para sa tropa ni coach Tab Baldwin.

 

 

Pinamunuan ni dating PBA import at naturalized player Ricardo Ratliffe (Ra Gun-A) ang mga Koreans (2-1) sa kanyang 24 points at 15 rebounds.

 

 

Sa unang laro, tinalo ng China ang Japan, 66-57, sa Group B.

 

 

Sa Amman, Jordan, humataw si NLEX guard Jericho Cruz ng 20 points para tulungan ang Guam sa 112-66 pagmasaker sa Hong Kong at itala ang 2-1 record sa Group C katabla ang Australia at New Zealand na hindi lumahok sa third window.

Saso No. 8 na sa world ranking

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling umangat si reig­ning US Women’s Open champion Yuka Saso sa world ranking nang okupahan nito ang No. 8 spot sa listahan.

 

 

Lumundag ng isang puwesto ang 19-anyos Pinay golfer mula sa kanyang dating ika-siyam na puwesto sa ranking.

 

 

Bumagsak naman sa No. 9 si Hyo-Joo Kim ng South Korea matapos itong malagay sa ika-57 puwesto sa katatapos na LPGA Mediheal Championship.

 

 

Nanatili naman sa No. 1 spot si Jin Young Ko kasunod sina In Bee Park, Sei Young Kim, Nelly Korda, Brooke Henderson, D­anielle Kang at Lexi Thompson.

 

 

Bukod sa pag-angat sa world ranking, masayang-masaya si Saso nang sa wakas ay makita na nito ng personal si dating world champion Rory McIlroy.

 

 

Hindi maipaliwanag ni Saso ang naramdaman nito nang makasama si McIlroy sa practice session ng US Open sa Torrey Pines.

 

 

“I didn’t know how to say, ‘Hi.’ But he was so nice. He was so kind. He was so open. When I asked him a question, he was so ho­nest. I hope I can ask him more advice,” ani Saso.

 

 

Maliban kay McIlroy, nakita rin ni Saso ang iba pang kilalang boxers gaya nina US Open champion Bryson DeChambeau at PGA champion Phil M­ickelson.

 

 

“I saw Phil activating his calves, and yeah, I saw Jordan Spieth. I saw the great players. It’s been a great day, and I’m thinking to come back tomorrow morning before I fly back to Atlanta,” dagdag ni Saso.

 

 

Ngunti hindi makakalimutan ni Saso ang enkuwentro nito kay McIlroy na pangunahing idolo nito.

 

 

“He let me go inside the ropes. That was really great. I talked to him about things. I can’t share it with you guys. I want to keep it with me,” ani Saso.

DOTr: Isusulong na dagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinutulak ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon mula sa kasalukuyang 50 percent upang mabawasan ang hirap ng nararanasan ng mga pasahero sa pagsakay.

 

 

Balak ng DOTr na utay-utay na palawakin ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon tulad ng Public Utility Jeepneys (PUJs) at Public Utility Buses (PUBs) at hihingi ng pahintulot sa mga lokal na pamahalaan at IATF.

 

 

“We plan to increase the passenger capacity by five (5) to ten (10) percent at a time, subject to the approval of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseased (IATF) and local government units (LGUs),” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ayon kay Tugade hindi sapat ang kasalukuyang kapasidad na 50 percent sa mga pampublikong transportasyon. Kailangan na magkaron ng balance tungkol sa pangangailangan ng mga sumasakay at ng ekonomiya habang pinanatili ang siguradong kaligtasan ng mga pasahero.

 

 

Pinatutupad ang limitadong kapasidad sa mga pampublikong transportasyon upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

Noon pa man ang mga jeepney at bus operators ay gustong ng dagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon.

 

 

“Jeepney and bus operators said that they can do it. We will wait for the approval of the IATF and LGUs,” dagdag ni Tugade.

 

 

Samantala, noong nakaraan Biyernes ay nagkaron ng mahabang pila ng mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa estasyon ng Ortigas at Ayala dahil na rin sa mga iba’t ibang dahilan.

 

 

Kumilos ang DOTr sa pangyayari upang mabigyan ng solusyon ang mahabang pila sa mga rail stations at bus stops

 

 

Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan pansin ang mga kailangan gawin tungkol sa mahabang pila ng mga pasahero at ng hindi na muling mangyari ang insidente.

 

 

Tinawagan ni Tugade ang mga EDSA bus consortium upang dagdagan pa ang bilang ng mga awtorisadong buses na dumadaan sa EDSA sa ilalim ng kanilang kontrata na magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero lalo na kung rush hours.

 

 

Kung kaya’t nangako ang consortium ng karagdagan 15 modern buses na may left-side doors ang tatakbo sa EDSA Busway route.

 

 

“I also called for the deployment of more rescue skip buses to congested EDSA bus stops to pick up passengers, especially during rush hours, as well as the opening of more mini-loops to enable EDSA Busway units to maneuver immediately and get passengers,” saad ni Tugade.

 

 

Ang mga mini-loops ay babantayan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa pakikipagtulungan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masiguro ang magandang daloy ng trapiko.

 

 

Sinabi ni Tugade na hindi maiiwasan ang mahabang pila at paghihintay lalo na kung rush hour, weekend, o may mga aksidente at may masamang panahon. (LASACMAR)

DC’s The Flash Movie Getting Another Barry Allen: Grant Gustin To Have A Cameo

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DC’s upcoming The Flash movie is reportedly getting another Barry Allen.

 

 

The star of the CW Arrowverse series of the same name, Grant Gustin, feature in a cameo role.

 

 

Directed by Andy Muschietti, the long-awaited Barry Allen solo movie is finally kicking into high gear after years of being stuck in development hell. Filming has finally began on The Flash, which is set to adapt the Flashpoint comics arc, breaking the DCEU’s Multiverse wide open in the process.

 

 

The Flash is already set to feature some exciting supporting players – Sasha Calle will debut as the DCEU’s Supergirl and Kiersey Clemons will be reprising her role of Iris West after appearing briefly in Zack Snyder’s Justice League.

 

 

The two Caped Crusaders set to appear. Both Ben Affleck and Michael Keaton will be showing up as their respective Batman’s to help Barry Allen with the time travel mess he makes.

 

 

It is unclear how much they will be featured in the film, but if the latest news is any indication, there might be another Multiversal superhero team-up in store.

 

 

According to the reports that Gustin will have a cameo in The Flash. Details are slim regarding the capacity of Gustin’s role and no other information was provided. Still, it’s reported that Gustin will be playing his version of Barry Allen from the CW series.

 

 

Gustin’s appearance alongside Miller isn’t unprecedented – the pair have appeared together on the CW before when Miller’s version of Barry Allen appeared during the crossover event ’Crisis on Infinite Earths.’

 

 

Still, Gustin’s appearance in a major DCEU film portends big things for the struggling franchise. It’s already clear that, after the Snyder Cut, the DCEU is looking to the future and that involves various film projects as well as television shows and movies that will debut exclusively on HBO Max.

 

 

Whether or not Gustin’s inclusion in The Flash is a sign that the Arrowverse could be incorporated into the DCEU remains unclear. It could be that Gustin’s appearance will just serve to further solidify the existence of the Multiverse.

 

 

Gustin’s cameo will also give the DCEU plenty of options to explore if and when they do want to incorporate the Arrowverse into the franchise. Either way, though, this latest news will only further excitement for The Flash as the DCEU looks to compete with the MCU with a huge Multiverse story of its own and a roster of heroes both new and familiar. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)