• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2021

BOY, binigyang-linaw sa kanyang YouTube channel ang kumalat na ‘fake news’ na pumanaw na

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang YouTube channel, binigyang-linaw ni Boy Abunda na obviously, hoax o fake news ang kumalat na siya ay pumanaw na.

 

 

Nagulat daw ito nang ang daming nagtatawagan sa kanya. Maging ang longtime partner na si Bong Quintana, kahit nasa iisang bahay sila. Nasa itaas ito at nasa ibaba naman si Kuya Boy that time ay tumawag sa cellphone niya para lang daw marinig talaga ang boses niya.

 

 

Sabi ni Kuya Boy, “’Yung balita, pumanaw na raw si Boy Abunda dahil sa kumplikasyon sa sakit. Specific pa po ang balita dahil sa diabetes, sakit sa puso at marami pa pong iba.

 

 

     “Ang balita po, ang pagkakasulat ay hindi masama. It’s not actually degrading, it’s not insulting. Pero ang problema, isang malaking kasinungalingan dahil pinapatay na nila ‘ko, eh, buhay na buhay pa ako.”

 

 

Binanggit din ni Kuya Boy ang mismong YouTube site na nag-upload o post na siya ay patay na.

 

 

     “Alam niyo po ako, nasanay na rin ako. I’ve been into this before. I’m in the public realm. Nasanay na po tayo do’n sa totoo at hindi totoong nababalita. 

 

 

      “Hindi ko ugali, it’s not of my habit to answer these things.  I am only talking now because my family, my sister, Congresswoman Fe Abunda was here in my house yesterday, she seems worried. Kahit na ako na ang kausap.”

 

 

Sey rin niya, ano raw ba ang intensiyon ng page na ito?

 

 

“It is about money or a few hundreds or views or produkto ng sick man.”

 

 

Kaya warning niya, sana raw maging careful ang netizens sa mga nababasang fake news.

 

 

At hirit na lang ni Kuya Boy sa mga ito, “Pinapatay na nila ‘ko. Mauna na kayo. Hindi naman ako nagmamadali.  ‘Wag tayong mag-imbento ng buhay ng may buhay.  Buhay ko po ito at hindi niyo buhay.”

 

 

      ***

 

 

SOBRANG busy raw ni Heart Evangelista dahil nga kahit na sabihin pang sa July pa lang siya magsisimula ng lock-in taping para sa bagong serye sa GMA-7, ang I Left My Heart in Sorsogon, ang dami niyang pinagkaka-abalahan.

 

 

‘Yung mga collaboration niya sa iba’t-ibang artists at fashion, painting niya at mga businesses niya. Tipong 5:30 a.m, daw halos everyday, gising na siya.

 

 

Kaya nang may magtanong dito sa pa-“Chika Friday” niya sa Instagram kung paano niya hina-handle ang mga taong nagsasabi ng masasama sa kanya, nag-quote si Heart ng litanya ng namayapang Senator Mirian Defensor-Santiago na, “I eat death threats for breakfast.”

 

 

     “Every bash is equivalent to a blessing. Ohhh keep em coming… you don’t understand how instant God’s power works. If I can only say,” sey pa niya.

 

 

Kung may pinagsisihan daw ba ito na ginawa niya dahil sa trabaho, ito raw ‘yung hinayaan niya ang ibang tao na diktahan siya.

 

 

“Allowed people to dictate how I should be. As I celebrate the real me today, I am able to achieve more because I’m happy.  Unlike before I was just a robot but in a way I still don’t regret anything because after 23/24 years in showbiz all of that made me a better person.”

 

 

Pruning process daw yung time na yun para sa kanya.

 

 

***

 

 

MUKHANG may kaba talaga si Barbie Forteza ngayong sa unang pagkakataon, magla-lock-in taping na ang boyfriend na si Jak Roberto. 

 

 

Nang makausap namin sila via online, hiniritan na ni Barbie si Jak na baka matukso raw sa lock-in. Na noon pa lang, sinabi na ni Jak na hindi mangyayari.

 

 

Feel namin, may pinanggagalingan si Barbie at mukhang natakot siguro ito dahil sa mga issue ng nagkaka-developan during lock-in taping.

 

 

So sa ginawa nilang vlog, ang “Questions We Never Asked Each Other” yun na naman ang tinanong ni Barbie kay Jak. Kung posible raw ba na dahil matagal silang hindi magkikita, kahit 1% chance na matukso ito sa iba.

 

 

“Bakit kailangan mong tanungin?,” balik tanong ni Jak sa girlfriend.

 

 

Sey naman ni Barbie, “Kita mo mas natural ang reaction mo!”

 

 

Assurance naman ni Jak sa girlfriend, “Ikaw lang. Walang iba. 24 hours kitang kausap sa video call noong naka-quarantine ako, ‘di ba?”

 

 

Sabi pa ni Jak kay Barbie, “Parang hindi ina-update ‘to kung magtanong, e. Nanggigigil ako sa ‘yo.”

 

 

      Natatawa naman si Barbie dahil parang galit na raw si Jak.      Pero paliwanag ni Barbie kaya niya tinanong, “Gusto ko lang din naman na in-record para kung ano’t-anoman, sirain mo ‘yang sinabi mo na ‘yan.”

 

 

Binalik naman ni Jak ang tanong ni Barbie rito. Na sinagot naman agad ni Barbie nang, “Hindi” at nakapag-lock-in na nga raw siya.

 

 

At dahil dito, ang dami tuloy fans at netizens na nagwa-warning kay Jak na ‘wag na ‘wag raw itong matutukso talaga sa iba.

 

 

(ROSE GARCIA)

Ads June 22, 2021

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KRIS, sinagot ang speculation ng netizen na si HERBERT ang tinutukoy sa latest post; JOSH at BIMBY bumati ng ‘Happy Father’s Day’

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, muli siyang nag-update regarding sa kanyang health.

 

 

Ayon sa mommy nina Josh at Bimby, inulit ang ECLIA (Enhanced Chemiluminiscence Immunoassay) antibody test niya after na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

 

 

“Jessica, not Patricia came back to repeat my ECLIA test… I didn’t post anything kasi yung 1st blood panel ko wasn’t good (as i said marami kayong problema so my health issues shouldn’t be your concern) and i said i’d give you an update kung may antibodies na ko…

 

 

“So i kept quiet & waited because w/ the vaccine i chose mas matagal (and i’m assuming it’s also because of all my underlying health issues) so it took me close to 4 weeks to develop Covid-19 antibodies BUT yes, now i have them,” caption ni Kris sa kanyang IG post na kung saan makikitang kinukunan siya ng dugo.

 

 

Sa pagpapatuloy ng kanyang post, masaya niyang ipinaalam ang pagbati nina Joshua at Bimby noong Father’s Day.

 

 

“My sons both had the sweetest messages greeting me Happy Father’s Day. Honestly dati it was a source of pride that i managed to do it on my own… but now that i’m older, i realize how much they’ve missed out on- sabi nga diba it takes 2 to tango…

 

 

“Yes i have been the nurturer & provider and let’s be REAL, hindi naman talaga nag effort yung mga tatay,” sabi pa ni Kris.

 

 

“But it’s lately that i’ve gotten a clearer male perspective from a new friend who has a very strong Christian faith – mahirap daw pantayan yung na provide ko for the 2.

 

 

“And minsan para wag ka na lang mapahiya, iiwas ka na lang… i never saw it that way before. And masyado na rin nasanay si kuya & bimb with our situation. 

 

 

Dagdag pa ni Kris, “Yun ang kapalit ng living your life publicly… masyadong marami nang nasabi on both sides (this is about bimb’s dad) that he has seen (dahil nga may YouTube) and as he said hindi na nya hinahanap.

 

 

Nabanggit din ni Kris na tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya at kailangan niyang maging healthy.

 

 

Sabi niya, i have 2 commitments with brands i really wanted to work with so i’ll finish those next week… then i’m taking a short sabbatical because may paghahandaan and i won’t be able to give that my 100% kung hindi ako healthy.

 

 

Sa part 2 ng kanyang IG post, sinimulan niya ito ng, like roses that take time to bloom, my health also needs TIME… ayaw kong mapahiya sa inyo… there were too many stops & starts; maybe God was really preparing me for this… so until September weekly updates lang tayo.”

 

 

Bahagi ng kanyang mahabang post, may kinuwento si Kris, gusto kong mag kwento sa inyo ng pagtatapos ng isang mahabang bahagi ng buhay ko, pero nagbabago nga ang mga tao… that’s our story, not mine alone. so the parts i can share come from only what i personally said & did. hinabol ko to arrive bago mag midnight 1 night in May.

 


     “EFFORT kasi 4 hours each way para lang makita ko sya for a total of 15 minutes (lock in sila for work but nag PCR ako to be sure)… sa entrance lang nagkita, hindi sa loob. i simply wanted to personally greet him happy birthday, give my gift and my letter. Sinuklian ko lang because nag effort din sya nung birthday ko to personally give his gift that was maeningful.

 


     “Pero nung May, that was our THE END. Siguro ang pinaka safe na pwede kong i- quote from my birthday letter was i said: i wish him REAL happiness because “we both deserve our versions of ME AFTER YOU”…
     “after 7 years, we did become the best of friends & i know even that part is now over.

 

 

Dagdag pa niya, Nagsalita na ‘ko because i still have 4 years, for bimb to experience “normal”… all he’s seen & known are dysfunctional relationships & i don’t want him to become an adult without me trying to move forward and God willing, giving my sons a chance to have the stepfather they deserve. Because i know, i’m not enough.
     “He doesn’t have to be rich or famous, better nga kung hindi sya public figure… basta tama ang values, madasalin, may integridad, matalino, at masipag, answered prayer na sya. i’ve achieved all my dreams, it’s now my turn to focus on what really matters- trying for my sons get the father figure they never had. #mytruth.”

 

 

May netizen naman na nag-comment ng, Si HB siguro ito.. Hanap na lang iba kasi kahit dpa siya married may nakalagay na spouse name pag ginoogle siya.. You deserve someone better. Pag talagang mahal ka ilalantad ka.

 

 

HB as in Herbert Bautista ang tinutukoy ng netizen, pero sinagot ito ni Kris, @mengcon0911 actually i disagree, the next person in my life none of you will know about. Because he’ll only need the love and approval of 3 people, kuya josh, bimb, and me… i learned the hard way- you deserve to know about me and my work BUT what happens in my private time should only be for the ones directly affected by our circumstances away from the eyes of the world. #natutona.”

(ROHN ROMULO)

PNP maghihigpit sa mga quarantine checkpoints para pigilan ang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19 – Eleazar

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng pulis na striktong ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol na inilatag ng national government bilang tugon sa nagpapatuloy na banta ng COVID 19.

 

 

Ito’y kasunod ng babala ng Department of Health sa publiko tungkol sa COVID 19 Delta variant na laganap sa buong mundo.

 

 

Ayon sa DOH, kailangang higpitan ang pagpapatupad ng border control cehckpoints para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant na ito sa bansa at pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

 

 

Ayon kay Eleazar, hindi lang mga pulis, kundi lahat ng mamayan ay may papel na dapat gampanan para mapigilan ang pagkalat ng variant na ito.

 

 

Sa panig aniya ng PNP, makakaasa ang mga mamayan na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga Quarantine Control Points, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na bukod sa pagpapabakuna, magkaroon ng disiplina sa pagsunod sa mga health protocols na inilatag ng IATF.

 

 

Binigyang-diin ni Eleazar na matagal na itong panawagan ni DILG Sec. Eduardo Ano na magkaroon ng kusa ang ating mga kababayanna sumunod sa panuntunan ng IATF upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 virus.

 

 

SAMANTALA, sa kabila ng kontrobersiya sa operasyon ng PNP ang pagkakapatay sa dating pulis na dating Mayor ng Talitay, Maguindanao habang nasa police custody at ang operasyon sa Binan, Laguna na ikinasawi ng 16-anyos na teenager at isang drug suspek ay hindi hadlang sa pinalakas na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

 

 

Sinabi ni Eleazar hindi titigil ang PNP hanggat hindi nahuhuli ang mga notorious drug personalities sa buong bansa.

 

 

Gumugulong na ang imbestigasyon ng PNP at maging ang motu propio investigation ng PNP IAS upang mabatid kung may lapses at nasunod ng mga operatiba ang police operational procedure.

 

Siniguro ni Eleazar kung mapatunayang may pagmamalabis sa panig ng mga pulis, mananagot ang mga ito sa batas. (Daris Jose)

Higit 700 healthcare workers kailangan para sa Metro Manila

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega.

 

 

Ayon kay Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante.

 

Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa mga pampubliko at pribadong ospital, pati na rin sa mga testing centers at isolation facilities sa Metro Manila.

 

 

Ang matatanggap na sahod ng mga makukuhang healthcare workers ay salig sa salary standardization sa posisyon na kanilang hahawakan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Vega na ang healthcare utilization rate ngayon sa Metro Manila ay nasa low risk na dahil nasa 48 percent na lamang ito sa ngayon, ganon din sa ICU occupancy rate na nasa 51 percent.

Mga Pinoy sa India na nasa repatriation program ng gov’t, ‘exempted’ sa travel ban – Palasyo

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Malacanang na ang mga Pinoy workers sa India at anim pang bansa na kabilang sa repatriation programs ng pamahalaan at mga recruitment agencies ay maaari pa ring makapasok sa Pilipinas.

 

 

Ito’y sa kabila ng nakapataw na travel ban sa India, gayundin sa Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman, sa layuning maiwasang makapasok ang Delta COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

 

Ang nasabing COVID variant kasi ay unang natukoy sa India, bagay na inilarawan ng World Health Organization bilang global concern.

 

 

“Filipinos covered by the repatriation programs of the government and repatriation activities of manning/recruitment agencies cleared by the Bureau of Quarantine are not prohibited from entering the Philippines,” wika ni Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Linggo, June 20.

 

 

Gayunman, sasailalim pa rin aniya sa mga pagsusuri at quarantine protocols ang mga Pinoy na magmumula sa mga nabanggit na bansa.

 

 

Nabatid na dumoble pa sa mahigit 330,000 ang mga nasawi sa India bunsod ng COVID-19.

‘The Flash’ Set Photos Reveal Sasha Cal’le’s Supergirl in Full Costume

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANDY Muschietti’s The Flash is filming in and around the greater London area, revealing additional looks at Sasha Calle’s new supergirl costume.

 

 

Earlier this week, Muschietti himself teased the costume on his social media profiles, giving fans of the Calle-starring film their first high-quality look at the new duds before beginning to film on outdoor set pieces.

 

 

Now that filming has started outdoors, set photos have began to surface, showing off new angles of Calle’s suit from afar.

 

 

In one video circulating on Twitter, short-haired Calle — or her stunt double, at least — is seen suspended in the air on a wire rig. Notably absent in the video is Supergirl’s iconic flowing red cape, suggesting the cape will be added in post-production thanks to the film’s visual effects department. Either that, or Calle’s Supergirl doesn’t have on in this scene for whatever reason.

 

 

Based on the detailing of her suit and new look, it wouldn’t be a surprise if she is playing Lara Lane-Kent, the Supergirl introduced in the Injustice: Gods Among Us comic series.

 

 

Although Lara was murdered by the Joker before she was born, her father Clark sees her claim the title of Supergirl and become the Justice League’s ambassador in a dream. Given the fact that the film is supposed to be heavily inspired by the Flashpoint series, we could see this dream become a reality in the DCEU.

 

 

Calle was not the only star spotted on the Flash set. Ezra Miller and Kiersey Clemons were also seen, reprising their roles as Barry Allen and Iris West. Miller is seen wearing a grey suit, while Clemons dons a beige trenchcoat.

 

 

The Flash will be Clemons’ debut in the current DCEU, being cut from the theatrical release of Justice League. Fortunately, the actress’s portrayal of Iris West was restored in Zack Snyder’s Justice League.

 

 

The Flash has had a contentious road to production. Muschietti is the fourth director to tackle the project following the departures of Seth Grahame-SmithRick Famuyiwa, and the duo of John Francis Daley and Jonathan Goldstein.

 

 

Many believed that the film would eventually be scrapped, but it is now becoming a reality thanks to the It director and Birds of Prey screenwriter Christina Hodson.

 

 

The film is slated to be released on November 8th, 2022, with Ben AffleckMichael KeatonMaribel Verdú, and Ron Livingston rounding out the cast.

(ROHN ROMULO)

Beauty Queen na si CANDICE, ‘di nagdalawang-isip na tanggapin ang daring role dahil fan ni Direk ERIK

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG makatrabaho si Erik Matti ang primary reason kung bakit hindi tumanggi si Candice Ramos na tanggapin ang movie na A Girl and A Guy, na ipalalabas sa Upstream.ph bilang initial offering ng Upstream Originals.   

 

 

Fan si Candice ng On The Job, ang award-winning film ni Direk Matti kaya when she was offered the role, hindi na siya nagdalawang-isip, kahit pa na very sexy ang pelikula.

 

 

Ayon naman kay Direk Eric, perfect sa role bilang predator si Candice.

 

 

At nakaka-relate si Candice sa kwento dahil part din siya ng Gen Z na siyang target audience ng pelikula. Kwento ng Gen Z ang A Girl and A Guy, how they cope with the challenges of the times.

 

 

Puring-puri ni Direk Erik si Candice, and other cast members like Sarah Holmes, Alexa Miro, Rosh Barman at Emilio Francisco.

 

 

“I love it that they trusted me and the vision that I have for the film. Hindi maganda lalabas ang pelikula if I don’t have intelligent actors who understand their roles and how they are supposed to do it. Konting explanation ko lang sa kanila, alam na nila how to do the scene,” kwento ni Direk Eric.

 

 

Candice was crowned Miss Philippines Eco Tourism 2012 kaya marami ang nagulat nang malaman na tinanggap niya ang daring role sa A Girl and A Guy.

 

 

Ibang-iba sa tunay niyang personality sa tunay na buhay ang role ni Candice sa pelikula. Pero nauunawaan niya ang intensiyon ng pelikula that’s why she embraced the role fully.

 

 

Pero mapangahas man ang role, with matching nudity, naniniwala naman si Candice na if we watch the film, maiintindihan natin why the members of the Gen Z act that way.

 

 

A Girl and A Guy will be streamed sa Upstream.ph starting June 24. It is going to be a worldwide release.

 

 

***

 

 

FIRST lead role ni Paolo Gumabao ang BL movie na Lockdown.

 

 

If you don’t know Paolo yet, siya ay anak ng dating actor na si Dennis Roldan.

 

 

Siya ang lumalabas na trusted aide ni Eula Valdes sa widely-followed series na Huwag Kang Mangamba.

 

 

Siya ang nagbibigay ng impormasyon kay Eula kung ano ang ginagawa nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz). Kasabwat siya ni Eula sa mga panloloko nito bilang fake healer.

 

 

Unang movie ni Paolo ang Lockdown at napasabak agad siya sa matinding acting under the direction of Joel Lamangan.

 

 

Ayon sa nasagap naming chika, yummy si Paolo sa movie. Hindi lang namin sure kung may frontal nudity si Paolo dahil hindi naman nabanggit ng aming source.

 

 

Pero may promise daw si Paolo bilang actor at marami raw ang mabibighani sa kanya once mapanood ang Lockdown.

 

 

Ipalalabas ito sa KTX.ph, Upstream at RAD on July 23.

(RICKY CALDERON) 

18-anyos pababa bawal pa rin lumabas – MMDA

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga kabataang may edad 18- anyos pababa na gumala sa mga lansangan sa kabila ng pinaluwag na restrictions sa National Capital Region (NCR).

 

 

Kasunod ito ng pag­dagsa ng pami-pamilya sa mga pook pasyalan para mag-celebrate ng Father’s Day kahapon kasama ang mga menor- de-edad na mga anak.

 

 

“Dapat po sumunod pa rin tayo sa mga protocols pagdating sa COVID [coronavirus disease]. Nandiyan pa po ang panganib ng COVID,” ani MMDA Traffic Discipline Office Chief, lawyer Cris Saruca.

 

 

Umiiral simula noong Hunyo 15, 2021 ang pinaik­ling curfew sa Metro Manila mula alas 12:00 ng mada­ling araw hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

 

 

“Nagkaroon po ng Metro Manila Council [MMC] resolution 2021-010, sinasabi po roon na may standardized and unified curfew hours po sa NCR magmula 12 a.m. to 4 a.m.” aniya

 

 

“Kasama naman po dito ‘yung mga ipinapatupad ng IATF [Inter-Agency Task Force] na ‘yung mga minors na below 18, dapat po stay at home unless talagang essential travel like medical reason. So ‘yun pa rin po ang ipinapatupad ng pamahalaang lokal,” giit ni Saruca. Anya, magulang ang mananagot sa mga mahuhuling menor-de-edad na pagala-gala sa labas ng bahay.

 

 

“Ang barangay po natin ang basic LGU [local government unit] at sila po ang people on the ground. Kaya mabigat po ang nagiging function ng ating barangay sa pagpapatupad ng mga patakarang ito,” aniya pa. (Daris Jose)

KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!

Posted on: June 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba?

 

 

Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa.

 

 

Nagpahayag naman ng saloobin si Yorme Isko ng Maynila na Pilipinas na lamang ang bansang nagre-require ng pagsuot ng faceshield.  Nagpahayag din ang ilang Senador na suriin ulit ang polisiyang ito tungkol sa face shield.  At ayon nga kay Senate Pres. Tito Sotto ay nagpahayag si Pres. Duterte na dapat sa mga ospital lamang sinusuot ang face shield at mga quarantine facilities.

 

 

Bakit ba nag-require ng pagsuot ng faceshield? Nagumpisa ito last year nang nagpalabas ng direktiba ang DOTR na bawal makasakay sa public transport ang mga pasahero na walang suot na faceshield.

 

 

Sinundan ito ng ilang LGU na nag-require naman ng pagsuot ng faceshield sa mga pampublikong lugar at huhulihin ang mga lalabag.

 

 

Sa ngayon ay dapat linawin kaagad ang polisiya tungkol sa pagsusuot ng faceshield matapos ang pahayag ng Pangulo, lalo na sa public transport.  Maari na bang sumakay ng pampublikong sasakyan ang walang faceshield basta may facemask na suot?

 

 

Sa mga LGU naman na may ordinansa tungkol sa pagsuot ng face shield ay kailangan i-review na nilang mabuti ito at tanggalin ang pagmumulta sa mga hindi naka faceshield dahil mismong DOH at DILG na ang nagsasabi na hindi pwedeng may parusa dito dahil ADDED PROTECTION LANG ANG FACE SHIELD.

 

 

Ayon sa mga eksperto kapag naka facemask ka at may social distancing ay 91 percent ka nang protektado.   Pag may faceshield ay 96 per cent. So bakit mo mumultahan yung protektado na ng 91 percent.

 

 

Kung baga sa batas trapiko kung red light na dapat ay nakahinto na sasakyan mo pero ire-require pa ba na dapat patay ang makina mo para added proteksyon na?

 

 

Nakikita rin natin na malimit nakataas ang faceshield na parang nagiging visor. Pero hinuhuli pa rin ito dahil improper wearing of face shield daw.  Ang ordinansa nga ng QC ay nakalagay pa na “AT ALL TIMES” suot dapat!

 

 

Nais ng lahat na protektado tayo laban sa covid 19. Pero ipatupad lang yung TUNAY NA KAILANGAN NA HEALTH PROTOCOLS para sa kaligtasan ng lahat. Kapag kasi naging OA ay nasususpetsahan na ito ng korapsyon. Sa ibang LGU ay Ini-encourage ang mga tao na mag face shield for added protection. Walang multa, walang parusa, walang pagbabawal pumasok sa mga establishmento. Hihintayin natin ang bagong polisiya tungkol sa face shield at sana ay mas maging praktikal at makatotohanan ito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)