• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 23rd, 2021

P102-M halaga ng shabu nasabat ng PNP at PDEA sa Malate, Manila; Chinese national arestado

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang Chinese drug suspect sa ikinasang
anti-illegal drug operations sa Malate, Manila kung saan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon.

 

 

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang naaresting Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” Ryan/ Chen.

 

 

Ayon kay Eleazar, isisilbi sana ng pinagsanib na pwersan ng PNP-DEG, PDEA, PNP, AFP TF NOAH, NICA at Manila City Hall SMART ang search warrant na inisyu ni 2nd Vice Executive Judge Carolina Icasiano-Sison ng RTC Branch 18 laban sa suspek na nakatira sa Unit 1605, Royal Plaza Twin Tower, Remedios St., Malate, Manila.

 

 

Sa nasabing operasyon nasa 15 kilo na hinihinalaang shabu ang nasabat sa suspek na may market value na P102-million.

 

 

Sinabi ni Eleazar na ang suspek na Chinese ay kilalang distributor ng illegal drugs sa NCR at karatig rehiyon.

 

 

Naaresto na rin ito sa ikinasang buy-bust operation nuong June 13,2021 sa isang parking laot sa Paranaque City.

 

 

Binigyang-diin ni PNP Chief, ang pagkakaresto sa drug suspek na Chinese ay babala para sa iba pang foreign nationals na sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs.

 

 

Siniguro ni Eleazar, mas lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga sa pakikipag tulungan sa PDEA hanggat makamit nila na maging drug free ang bansa. (Gene Adsuara)

‘Shazam 2’ First Official Image Reveals All 6 Redesigned Superhero Suits

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAVID F. Sandberg, director of Shazam: Fury of the Gods reveals the first official look at the entire Shazam family’s new costumes.

 

 

Following the success of 2019’s Shazam, Warner Bros. greenlit a sequel with Sandberg back at the helm.

 

 

The first movie followed the origins of young hero Billy Batson (Asher Angel), who is granted the ability to turn into an adult superhero (Zachary Levi) whenever he says the word “Shazam.”

 

 

Shazam 2 is currently slated to arrive in theaters in Jun 02, 2023. However, despite that date still being two years away, production on the film has already begun.

 

 

With plot details still being kept under lock and key, most of the news surrounding Shazam 2 has been about new cast members and updated costumes. When it comes to the former, the DCEU sequel will have a pair of very impressive villains going up against the heroes: Helen Mirren (as Hespera) and Lucy Liu (as Kalypso).

 

 

West Side Story breakout Rachel Zegler has also joined the cast. Additionally, Shazam 2 will include the returns of Billy and his foster siblings, all of whom are getting new costumes.

 

 

After teasing the arrival of said costumes for a while now, Sandberg decided to get ahead of a potential leak by posting an image of the adult cast in their full, updated suits on Monday morning.

 

 

From left to right, that’s Adam Brody (Freddy), Meagan Good (Darla), Ross Butler (Eugene), Levi, Grace Fulton (now playing both versions of Mary), and D.J. Cotrona (Pedro).

 

 

The colors for the Shazam family’s suits appear to be more muted than before, and also made of a new material. The updated costumes feel less cartoonish than they did in the first film, which could perhaps hint at a more serious conflict ahead.

 

 

Mary’s costume appears to be the one that has changed the most, with the longer sleeves and tighter skirt. Shazam 2‘s suits are the right level of new and old, and it’ll be exciting to see the family jump into action while wearing them.

 

 

These days, it’s common for bits of superhero movies to get revealed online through leaks and set photos, so it was smart of Sandberg to reveal Shazam 2‘s new costumes on his own. (source: screenrant.com)

 

 

Previously, only Levi’s had been glimpsed through set pics, while an official video showed some of the details of the suit in extreme closeup.

 

 

Now, though, all of the Shazam siblings stand tall and proud in their updated looks. It’s hard not to get insanely excited about Shazam 2 while looking at these costumes. If that was Sandberg’s intention, then mission accomplished.

(ROHN ROMULO)

Gilas sasalang sa tuneup vs China

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sasailalim ang Gilas Pilipinas sa dalawang importanteng tuneup games laban sa powerhouse China bilang bahagi ng paghahanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

 

 

Mismong si Chinese head coach Du Feng ang nagkumpima na mananatili sa Clark ang kanyang bataan matapos ang kampanya nito sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

 

Limang araw pa ang gugugulin ng Chinese squad sa Pilipinas para sa naturang dalawang tuneup games.

 

 

Gaya ng Gilas Pilipinas, naghahanda rin ang China sa Olympic qualifying na idaraos naman sa Canada sa parehong petsa.

 

 

Matapos ang tuneup games, agad na tutulak ang Chinese squad sa Canada.

 

 

“We will still be staying for the next five days before we fly to Canada,” ani Du.

 

 

Bumilib si Du sa magandang inilaro ng bagitong Gilas Pilipinas team na nakumpleto ang 6-0 sweep sa Group A ng qualifiers.

 

 

“For this Asia Cup qualifiers, the Philippine team a­ctually had good games, and I think the games which we will play against them will be good experience for us before we play our opponents (in the OQT) against Canada and Greece,” dagdag ni Du.

 

 

Naghahanda naman ang Gilas Pilipinas sa mabigat na labang haharapin nito sa Belgrade dahil bigating koponan ang kanilang makakasagupa.

 

 

Nangunguna na ang host Serbia kasama pa ang Dominican Republic.

 

 

Tulad ng Gilas, binubuo rin ng bagitong lineup ang Chinese squad kaya’t magandang pagkakataon ang tuneup games para mahasa ng husto ang dalawang tropa.

Ads June 23, 2021

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.

 

 

Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus bubble.

 

 

Pinapayagan na ang maliliit na group session training at individual workouts sa NCR plus bubble subalit bawal pa ang contact sports gaya ng basketball.

 

 

Ngunit tiwala ang PBA at GAB na papayagan na ang training at scrimmages  sa oras na maglabas ng panibagong quarantine restrictions sa lugar.

 

 

Kasalukyang nasa General Community Qua­rantine with some restrictions ang NCR plus bubble.

 

 

“There’s no clear indication yet,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Dahil sa restrictions, nagsasanay ang iba’t ibang teams sa labas ng NCR plus bubble gaya ng  Batangas City, Ilocos Norte at Pampanga.

 

 

Ayok kay GAB chairman Baham Mitra, posibleng mapayagan na sa Hulyo 1 ang training resumption sa NCR.

 

 

Sa oras na makapag-ensayo na sa NCR plus bubble ang PBA teams, malaki ang posibilidad na makapagsimula na ang season ng liga sa Hulyo.

HEART, nagpainit sa social media nang i-upload ang branded one piece bikini na worth P40K

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa nalalapit na lock-in taping ni Heart Evangelista ng GMA upcoming fashion-romantic-comedy series na I Left My Heart in Sorsogon, ay busy rin siya sa pagpapatayo ng sarili niyang beauty company.

 

 

Ipinaalam niya ito sa kanyang mga fans and followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. May mga nagtanong kay Heart na mga supporters niya kung hindi raw ba siya napapagod magtrabaho.

 

 

Sinagot naman niya ito na napapagod din siya, “but I have so much on my plate that I can’t afford to sit pretty.  I am so determined to achieve my goals in life and I know I can do it.”

 

 

Uminit na naman ang social media ni Heart nang mag-upload siya ng photo niya wearing a branded one piece bikini. Puring-puri si Heart ng mga fans at celebrity friends niya.

 

 

May nag-comment pang ang Louis Vuitton bikini ay worth $800 or more or less, ay P40,000.

 

 

Anyways, sa I Left My Heart in Sorsogon makakasama ni Heart ang new Kapuso actor na si Richard Yap na masaya dahil first time daw lamang niyang makapupunta sa Sorsogon, at si Paolo Contis. 

 

 

Most of the scenes kasi ay kukunan sa magagandang lugar sa Sorsogon.

 

 

***

 

 

NALALAPIT na ang airing ng bagong teleserye ng GMA Network na The World Between Us na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, kaya may mga teaser na ng show na lumalabas.

 

 

Marami nang nagtatanong kung ano ba ang story at kung ano ang character na gagampanan ni Alden.

 

 

Kaya nagpatikim naman si Asia’s Multimedia Star ng role niya:  “Ako rito ay si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay.  Kaya lamang may mga unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits.” 

 

 

Mababago ba ang buhay ni Louie?

 

 

Nasa second cycle na ang lock-in taping ng The World Between Us, na mapapanood na simula sa July 5 sa pamamagitan ng world premiere at 8:00 PM sa GMA Network at sa GMA Pinoy TV, kapalit ng First Yaya na ngayon ay nasa last two weeks na lamang ang romantic-family drama series nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Kapuso actress Thea Tolentino na nine years na after niyang manalo sa Protege artista search, ay hindi siya pinabayaan ng GMA Network. Hindi siya nawawalan ng assignment.

 

 

At ngayon nga, after ng huli niyang teleserye na The Lost Recipe, ay naka-lock-in taping na siya ng Las Hermanas na makakasama niya for the first time sina Yasmien Kurdi, Faith da Silva, at ang nagbabalik-Kapuso ang mahusay na actor na si Albert Martinez.  Kontrabida ba muli ang character na gagampanan niya?

 

 

“In Las Hermanas, three sisters kami, anak ni Tito Albert, si Ate Yasmien ang panganay as Dorothy, ako ang middle child, si Mimi, at ang youngest si Faith as Scarlet,” kuwento ni Thea.

 

 

“Ako ang mahihirapan dito dahil as a middle child, ako ang walang boses, ako yung kulang sa love and attention. Kaya kakaiba ang hamon ng role ko rito.”

 

 

Kasama rin sa serye si Jason Abalos (na nakasama na ni Thea sa Asawa Ko, Karibal Ko), Jennica Garcia, Melissa Mendez at marami pang iba.

 

 

Very soon na mapapanood ang Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

(NORA V. CALDERON)

PNP Chief hinimok ang publiko magsuot ng face shield

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang publiko na magsuot pa rin ng face shield bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kagabi, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa loob at labas ng tahanan o mga gusali matapos matuklasan ng Department of Health (DOH) ang pagdami ng kaso ng Delta variant, ang unang variant na napaulat sa India at pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.

 

 

Nakikiusap si PNP Chief sa publiko na igalang at sumunod sa direktiba ng ating Pangulo tungkol sa pagsusuot ng face shields dahil ito ay para sa kaligtasan ng lahat dahil hindi biro ang Delta variant.

 

 

” Ayon sa ating mga eksperto, hindi biro ang variant na ito at kailangan talagang magdoble ingat tayo,” pahayag ni Gen. Eleazar.

 

Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 17 kaso ng Delta variant ng COVID 19 sa buong Pilipinas.

 

Nagpaalala naman si Eleazar sa mga Pulis na dapat sumunod din sila sa pagsusuot ng face shield.
Ipinaalala rin niya sa kapulisan na ipatupad pa rin ang maximum tolerance at iwasang magpataw ng parusa sa mga mahuhuli nilang hindi nakasuot ng face shield.

 

 

Bukod sa face mask, sinabi rin niyang dapat mamahagi rin ng face shield para sa mga wala nito.

 

 

” Ang instruction ko lang sa mga kapulisan natin sumunod din sa ating patakaran dahil anong magiging kredibilidad natin niyan sa panghuhuli kung tayo mismo ay hindi sinusunod ito,” wika ni Eleazar. (Daris Jose)

Tokyo Olympics organizer papayagan lamang ang 10-K na audience

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hanggang 10,000 Japanese fans ang papayagang makapunta sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga laro ng Tokyo 2020 Olympics.

 

 

Ayon sa organizer na ito ang kanilang napagkasunduan matapos na unang pagbawalang manood ang mga nasa ibang bansa.

 

 

Ilan sa mga panuntunan na ipapatupad sa mga personal na manonood ay ang pagbabawal sa pagsigaw, pagsalita ng malakas at dapat nakasuot ng face mask lagi habang sila ay nasa venue.

 

 

Sinabi naman ni Tokyo 2020 organising committee president Seiko Hashimoto, na may ilang sporting events na rin sa ibang bansa ang pinapapayagan ng manood ang mga fans basta ang mahalaga ay dapat mayroong mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

 

 

Gaganapin ang torneo mula Hulyo 23.

EDSA mabilis pa rin ang daloy ng trapiko

Posted on: June 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kahit na dumami ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA tulad ng bago pa ang pandemya, ang daloy ng trapiko dito ay naging mabilis pa rin.

 

 

Sa isang panaham kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos kanyang sinabi na kahit na madami na ngayon ang bilang ng mga sasakyan naging mabilis pa rin naman ang usad ng trapiko sa nasabing pangunahing lansangan.

 

 

“While the volume of cars has increased, they are now moving faster compared to the flow of traffic before the pandemic hit the country. In terms of speed, the vehicles are faster, compared before. The cars are now at 24 kilometers per hour, while before, it can run at 11 kilometers per hour,” wika ni Abalos.

 

 

Inaasahan pa rin ng MMDA na dadami pa ang sasakyan subalit magiging mabilis pa rin ang daloy ng mga sasakyan ngayon.

 

 

Sa ngayon, ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA ay 400,000 na halos ay makukumpara ng bago pa ang pandemya.

 

 

Gumaganda na ang daloy ng trapiko dahil na rin sa mga marami ng mga tulay at mga daanan at lansangan ang nagawa na kung saan ito ay nakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko hindi lamang sa EDSA kung hindi sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

 

 

“EDSA has a capacity of 300,000 cars. We had 405,000 before the pandemic. We are approaching this figure. But there are other roads and bridges being built,” dagdag ni Abalos.

 

 

Isa na rito ang ang pagbubukas ng Skyway 3 na nakabawas ng travel time sa pagitan ng Makati at Northern Manila ng 20 minuto na lamang at ang Alabang papuntang NLEX ay magaging 30 minuto naman.

 

 

Inaasahang magiging alternatibong ruta ang Skyway 3 para sa EDSA para sa mga motorista na nagbibiyahe sa pagitan ng mga lungsod sa Metro Manila na makakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila.

 

 

Ang pagbubukas din ng 1.37-kilometer na Kalayaan Bridge o ang tinatawag na Bonfication Global City-Ortigas Center Link Road Project na nagdudugtong sa Bonifacio Global City at Pasig ay nakatulong din sa magaan na daloy ng trapiko.

 

 

Ito ay inaasahang magiging isa ring alternatibong ruta sa mga sasakyan na maglalakbay sa pagitan ng mga lungsod ng Pasig, Makati, at Taguig.

 

 

Magiging 12 minuto na lamang ang travel time mula BCG papuntang Pasig, Mandaluyong, at Makati. (LASACMAR)