• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 30th, 2021

5 timbog sa pot-session sa Valenzuela

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35, Sharijune Santos, 32, John Paul Arzadon, 23, Rodolfo Espocie, 46, at Joey Sta Ana, 42.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chef Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Alvin Olpindo hinggil sa napaulat na pot session sa No. 312 Dulong Tangke St., Brgy. Malinta.

 

 

Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P20,400, ilang drug paraphernalias, P320 cash at 3 cellphones.

 

 

Kasong paglabag sa Section 11, 12, at 15 under Article II of R.A 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.

 

 

Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.

 

 

Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito ng araw-araw sa loob ng pitiong araw.

 

 

Dati kasi ay dalawang beses lamang sila magpa-swab test bago ang kanilang pagpunta sa Tokyo.

 

 

Isinagawa ang paghihigpit matapos na magpositibo sa Delta variant ang isang atleta mula sa Uganda.

100 NAVOTEÑO FISHERFOLK NAKATANGGAP NG BANGKA AT LAMBAT

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco.

 

 

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.

 

 

Nauna rito, 448 fisherfolk din ang nakatanggap ng 540 fishing nets na may iba’t-ibang sukat.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng fiberglass reinforced plastic (FRP) boats ay sumailalim sa training sa boat construction, repair, at maintenance na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

 

Matapos ang training, nagtayo sila ng kanilang sariling mga bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng pamahalaang lokal at 13hp engine, fittings, at iba pang gamit na ibinigay ng BFAR.

 

 

“We started the NavoBangka-buhayan program in 2018 in partnership with DA-BFAR and we saw how it helped our fisherfolk gain a sustainable livelihood. Hopefully, we will have our next batch soon,” ani Tiangco.

 

 

Ipinaalala din ng mambabatas sa mga benepisyaryo na tulungan panatilihing malinis ang kapaligiran. (Richard Mesa)

Tuloy lang sa ensayo Pacquiao dedma sa demanda!

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagkibit-balikat lang ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang demanda ng Paradigm Sports dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa pukpukang ensayo para sa kanyang August fight.

 

 

Tuloy lang sa training camp si Pacquiao kung saan nagpost pa ito sa kanyang social media accounts ng ginagawa nitong workout kasama si trainer Buboy Fernandez.

 

 

Sa katunayan, sumalang na si Pacquiao sa sparring sessions para paghandaan ang kanyang laban kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“Sparring day! 55 days to go,” ani Pacquiao sa kanyang tweet.

 

 

Pumutok ang balita kamakalawa na nagsampa ng demanda ang Paradigm Sports dahil sa umano’y breach-of-contract na nagawa ni Pacquiao.

 

 

Nais ng Paradigm na pigilan ang Pacquiao-Spence fight.

 

 

Subalit iginiit ng kampo ni Pacquiao na walang legal na basehan ang para­tang ng Paradigm kaya’t tuluy na tuloy ang laban nito kay Spence.

 

 

Ayaw ni Pacquiao na maging distraksiyon ang isyu kaya’t mas minabuti nitong ituloy lamang ang training camp para sa big fight nito kay Spence.

 

 

“Maraming aksyon na magaganap sa taas ng ring so I have to make sure that our stamina is enough, na hindi tayo kapusin doon sa taas ng ring, ‘yung twelve rounds na yun,” ani Pacquiao.

 

 

Marami nang ginagawang adjustments si Pacquiao partikular na sa oras.

 

 

“Sa ngayon, ang training ko, naga-adjust na ako. Actually paggising ko kaninang mga 9 o’clock — 9 o’clock ng gabi ako gumising tapos nag-jogging ako. 9 o’clock, 6 0’clock sa US,” ani Pacquiao.

 

 

Kung hindi mababago ang plano, target ng Team Pacquiao na tumulak sa Amerika sa Hulyo 3 upang doon ipagpatuloy ang pagsasanay nito.

New look ni SARAH na naka-pixie cut, nag-viral sa social media; second time pa lang nagpagupit ng maiksi

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL sa social media ang new look ni Sarah Geronimo.

 

 

Naka-pixie cut si Sarah at kinumpirma ng kanyang hair stylist na si RJ dela Cruz na hindi iyon wig kundi buhok talaga ng misis ni Matteo Guidicelli.

 

 

Unang nakita ang short hairstyle ni Sarah sa 5th anniversary virtual event ng Landers Superstore kunsaan endorser ang mag-asawang Sarah at Matteo.

 

 

Ito raw ang second time na makita ng fans na nagpagupit ng maigsi ang kanilang idolo. Unang short hair ni Sarah, isang bob cut ay noong gawin nito ang 2014 movie with Coco Martin na Maybe This Time.

 

 

Marami nang fans ang nakaka-miss kay Sarah dahil hindi ito masyado nang aktibo sa paglabas sa mga TV shows simula noong ikasal ito kay Matteo noong February 2020. Kahit daw sa ASAP Natin ‘To ay hindi na siya napapanood. Hanggang sa TV commercials na lang daw nila nakikita si Sarah.

 

 

Huling virtual presence ni Sarah ay noong gawin niya ang Tala: The Film Concert noong nakaraang March 27.

 

 

Mas priority na raw kasi ngayon ni Sarah ang maging maybahay sa kanyang mister. Si Matteo ang mas aktibo sa paglabas sa TV at ngayon ay may bagong podcast pa ito.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS nang dalawang buwan na bakasyon sa Amerika, malapit nang umuwi si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

 

 

Ayon sa management ni Rabiya, pauwi na ito sa dahil maraming trabaho na naghihintay sa kanya sa Pilipinas, kabilang na ang preparation para sa pagpasa niya ng korona sa mananalong Miss Universe Philippines 2021. Tatanggap ang MUP ng applications hanggang July 15.

 

 

Sa pagliwaliw ni Rabiya sa US after ng Miss Universe 2020 sa Florida, marami siyang nabisitang Filipino communities na sumuporta sa kanya. Nabisita rin ni Rabiya ang ilang mga magagandang cities sa tulong ng maraming Pinoy sa Amerika.

 

 

Wala namang nababanggit si Rabiya kung nagawa ba niyang mahanap ang kanyang biological father na sa nagtatrabaho bilang isang doktor sa Chicago, Illinois. Nasabi kasi noon ni Rabiya na susubukan niyang mahanap ang biological father niya pagkatapos ng Miss Universe.

 

 

Sa pag-uwi ni Rabiya, gusto rin daw nitong subukan ang showbiz. Kaya wait na lang natin kung tutuloy bang pasukin ni Rabiya ang mag-showbiz.

 

 

***

 

 

HAPPY si Kokoy de Santos na mapasama sa bagong yugto ng award-winning comedy series na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

 

 

Siya ang gaganap na batang Patrick na pinsan ni Pepito na gagampanan naman ni Sef Cadayona.

 

 

Ang gumaganap na Patrick sa original series ay ang comedian na si John Feir kaya natsa-challenge daw si Kokoy dahil alam niyang magaling magpatawa si John.  Nag-taping na nga ang bagong cast ng Pepito Manaloto na kinabibilangan din nila Mikee Quintos at Pokwang.

 

 

Palabas din sa Heart of Asia ang Pinoy BL series na Gameboys kunsaan kasama ni Kokoy si Elijah Canlas.

 

 

Nabuking na “baby” ang tawagan ng dalawa noong mag-guest sila kamakailan sa Mars Pa More. Nagulat ang host ng Mars na sina Camille Prats at Iya Villania na biglang tawaging “baby” ni Elijah si Kokoy noong tanungin silang pareho tungkol sa Gameboys.

(RUEL J. MENDOZA)

AFP nagbigay pugay nang ‘snappiest salute’ sa ex-commander-in-chief kay PNoy

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagbibigay ng military honor para sa namayapang dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

 

Binigyan ng militar ng traditional gun salute ang namayapang dating pangulo sa lahat ng mga kampo ng militar sa buong bansa bilang pagpupugay sa dati nilang commander-in-chief.

 

 

Ayon kay Sobejana, binigyan nila ng kanilang snappiest salute ang dating pangulo at nangakong ipagpatuloy ang kanilang mandato.

 

 

Giit ni Sobejana mananatili sa mga kampo ng militar ang legasiya ng dating pangulo.

 

 

Ang eight-gun salute ay simultaneously fired sa Camp Aguinaldo, Quezon City; Fort Andres Bonifacio in Taguig City; Jesus Villamor Air Base in Pasay City; Fort Abad in Manila; Fort Gregorio del Pilar in Baguio City; at sa lahat ng AFP Unified Command Headquarters sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Isang buong araw ang iginawad na military honors ng AFP simula kaninang alas-5:00 ng madaling araw ay binigyan nila ng eight-gun salute, sinundan ito ng gun fire every half-hour simula alas-6:00 kaninang umaga hanggang retreat time alas-5:00 ng hapon, kung saan binigyan muli ng eight-gun salute.

 

 

Alas-10:00 ng umaga nang magtipon-tipon ang mga sundalo sa lahat ng mga military camps, stations at bases nationwide para opisyal na basahin ang Notice of Death ng dating pangulo.

 

 

Naka-half mast na rin ang bandila ng Pilipinas sa buong kampo ng militar sa buong bansa.

 

 

Ayon kay Sobejana kailanman hindi nila makakalimutan si dating Pangulong Aquino na siyang nagsulong para palakasin pa ang defense and security capabilities ng AFP para labanan ang anumang banta.

Serena Williams hindi na maglalaro sa Tokyo Olympics

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon si Serena Williams na hindi ito maglalaro sa Tokyo Olympics.

 

 

Hindi naman na idinetalye o binanggit ang dahilan ng kaniyang pag-atras sa nasabing torneo.

 

 

Ang 39-anyos na American tennis star ay nagwagi ng gold medal sa singles titles noong London Olympics sa 2012 at tatlong gold medals sa doubles kasama ang kapatid na si Venus noong 2000 Sydney Olympics, 2008 Beijing Olympics at London.

 

 

Nauna rito ilang mga sikat na tennis players na rin ang umatras sa pagsabak sa Tokyo Olympics gaya nina Rafael Nadal at Dominic Thiem.

WILLIE, kinumpirma na ‘di na tuloy ang sitcom nila ni JOHN LLOYD kasama si ANDREA; aktor nali-link naman kay KATRINA

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING nagulat nang lumabas ang issue na hindi na tuloy ang paggawa ni John Lloyd Cruz ng project na ipu-produce ni Willie Revillame, na may nakita raw siyang ugali sa actor na hindi niya nagustuhan. 

 

 

Walang narinig naman na sinabi si Willie at wala rin namang narinig mula kay Lloydie.

 

 

Finally, nagsalita na rin si Willie tungkol sa issue sa kanila ni Lloydie, na hindi na raw matutuloy ang sinabi niya noon na igagawa niya ng sitcom ang actor sa GMA Network at makakatambal nito si Andrea Torres.

 

 

Masyado na raw busy ngayon si Willie para mag-produce ng isa pang TV show dahil may daily show na nga siyang Wowowin: Tutok To Win.

 

 

Marami na raw siyang inaasikaso ngayon, tulad ng patuloy niyang pag-ayuda sa mga kababayan natin dahil sa pandemya, na ang mga recipients niya ngayon ay mga taga-malalayong probinsiya.  Kasabay nito ay ang pagpapatayo raw niya ng hotel sa Mindoro at sa Tagaytay.

 

 

Pero nilinaw pa rin ni Willie na wala silang hidwaan ni Lloydie at patuloy pa rin niyang susuportahan ang actor sa anumang maaari niyang maitulong dito.

 

 

***

 

STILL on John Lloyd Cruz.

 

 

Maraming nagtatanong kung may relasyon daw ba si JLC at ang Kapuso actress na si Katrina Halili, dahil sa Instagram post nito sa pagbati niya ng ‘happy birthday’ sa actor na gamit niya ay mga photos nila ni JLC, kasama ang anak nitong si Elias.

 

 

Birthday ni JLC last June 24 at Elias naman turned 3 years old on June 27.

 

 

Napanood na noon sa youtube na magkasama sina JLC, Katrina at Elias, enjoying a swim in El Nido, Palawan.

 

 

Taga-El Nido si Katrina na may real estate investments doon, may farm and resort din siya at ang family niya roon.     Mayroon din daw namang property si JLC sa Palawan na balak niyang patayuan ng bahay at magpatayo rin ng business doon.

 

 

Hindi kataka-taka ngayon kung pagtambalin sina Katrina at JLC ng GMA Network sa isang upcoming project.  Pero paano kaya, balita kasing magsisimula na ang lock-in taping sa August ng hinihintay na ng mga netizens, ang book 2 ng Prima Donnas na tampok sina Katrina, Wendell Ramos, Aiko Melendez at ang mga prima donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

 

 

***

 

 

SUNUD-SUNOD din ang pagri-renew ng contract ng GMA Network sa kanilang mga exclusive contract stars.

 

 

Last June 24, pinatunayan muli ni Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista,  ang kanyang loyalty, nang muli siyang pumirma ng exclusive contract, sa Kapuso Network.

 

 

Sa contract signing, naging emosyonal si Christian habang nagpapasalamat sa patuloy daw na pagtitiwala sa kanyang talent ng network. Sa loob ng eight years ay nakagawa na siya ng iba’t ibang shows sa kanila, naka-travel siya sa iba’t ibang lugar sa mundo.

 

 

Nagpasalamat din siya sa friendship ng kapwa niya talents ng network.

 

 

Regularly napapanood si Christian every Sunday sa noontime variety show na All-Out Sundays, muli siyang magiging isa sa mga judges sa The Clash Season 4, at pangungunahan niya ang Still: A Viu Original Musical narrative series, with Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

(NORA V. CALDERON)

Malakanyang, pinanindigan na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 sa bansa

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANINDIGAN ng Malakanyang na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa lahat ng variants ng coronavirus sa bansa.

 

Kabilang na rito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang Chinese vaccine Sinovac, na lumabas na pabago-bago sa findings ng Food and Drug Administration (FDA).

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa gitna ng ulat na may ilang doktor ang namatay sa Indonesia matapos na maging “fully vaccinated” gamit ang Sinovac.

 

“Ang pinaniniwalaan ko po pagdating dito ay mga doktor. Eh sinabi po ni Dr. [Rontgene] Solante at saka ni Dr. Lulu Bravo and Dr. [Edsel] Salvaña na lahat po noong ginagamit nating mga bakuna are equally effective against all variants ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

 

“I know po na may isang pulitikong nagsabi na we should prioritize one brand over the other, pero that goes against po the opinions of experts. Eh ako naman po abogado din ako ‘no, wala akong alam diyan so I will have to take the views of the doctors and the scientists in lieu of my personal opinion,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, nagpalabas ang FDA ng Emergency Use Authorization para sa Sinovac, at ang Sinovac ay nailagay pa sa World Health Organization (WHO)’s Emergency Use List, kaya’t ‘premature’ pa na isisi sa Sinovac ang pagkamatay ng mga Indonesian doctor.

 

“Sinovac has been approved by our FDA and WHO, and secondly, sa dami naman po ng mga Tsino na iyan ang ginamit ay hindi naman po natin nakikita na nangyayari ito. Hindi pa po natin alam kung bakit namatay iyong sampung doktor na iyan pero hayaan muna nating pag-aralan ang mga dalubhasa iyan,” ani Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na ang efficacy rates ng COVID-19 vaccine brands laban sa variants ay iba-iba.

 

“Data from Pfizer showed that for the Alpha variant, the coronavirus variant first reported in the United Kingdom, the vaccine retained its high efficacy rate of 93%. For the Delta variant, which was first detected in India, Pfizer’s COVID-19 vaccine’s efficacy rate slightly decreased to 88%,” anito.

 

Para naman sa AstraZeneca, ang efficacy rate nito laban sa Alpha variant ay 66%, habang ang efficacy rate naman nito laban sa Delta ay 60%.

 

Samantala, ang pag-aaral naman para sa efficacy rate para sa mga bakuna mula sa Janssen, Moderna, Sinovac, Sinopharm, at Sputnik V laban sa Delta variant ay nagpapatuloy.

 

Base sa FDA evaluation, ang efficacy rate ng Sinovac sa health care workers ay 51% habang sa senior citizens naman ay 52%.

 

Ang efficacy rate naman ng Sinovac sa mga may edad na 18 hanggang 59 ay 65% hanggang 91%. (Daris Jose)

PDu30, galit na hinamon si Pacquiao na ituro ang ‘corrupt’ na opisina ng gobyerno

Posted on: June 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao na ituro sa kaniya kung saan ahensiya ang sinasabi nitong may pinakagrabeng nangyayaring kurapsyon.

 

 

Sa weekly address ng pangulo sinabi nito na agad siyang gagalaw kapag maituro ng senador ang ahensiya at mga taong may nangyayaring kurapsyon.

 

 

“Si Pacquiao salita nang salita na three times daw tayong mas corrupt so I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala within one week may gawin ako.. “Do not ever think that if you will win as president na wala nang corruption dito sa Pilipinas,” wika pa ng pangulo.

 

 

Reaksyon ito ng chief executive sa nasambit ng senador na tatlong beses na mas grabe ang kurapsyon ngayon sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

 

 

Si Pacquiao ay kasalukuyang pangulo ng PDP-Laban habang chairman naman ng partido si Pangulong Duterte.

 

 

Nagbanta rin ang pangulo na sakaling tumakbo sa pagka-presidente si Pacquiao mismong siya ang magkakampanya na ‘wag itong iboto ng taongbayan dahil sa pagiging “sinungaling.” (Daris Jose)