• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 1st, 2021

MAHIGIT 100 POLICE TRAINEE, IDIDEPLOY NG MPD

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT na  100  na police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD)  bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay.

 

 

Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.

 

 

Tatagal ng anim na buwan ang field training ng mga bagong recruit.

 

 

Sasailalim sa evaluation ang mga police trainee pagkatapos ng kanilang field training.

 

 

Bagama’t nasa temporary status ang mga police trainee, tatanggap na rin sila ng buwanang sahod.

 

 

Bago i-deploy, isinalang muna sila sa briefing sa pangunguna ni Police Col. Audie Madrideo, Chief ng MPD District Directorial Staff

 

 

Pinaalalahanan naman ng opisyal ang mga bagong recruit na pulis na kinakailangang sumunod  sa duties and responsibilities ng PNP dahil maaari rin silang managot kung sila ay may pagkakamali.

 

 

Bukod sa pagtulong sa pagbabantay sa seguridad, tutulong din ang mga police trainees sa pagpapatupad sa guidelines ng health protocols. (GENE ADSUARA)

Multa o community service sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal –MMDA

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGMUMULTAHIN o gagawa ng community service ang isang indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal na itinuturong dahilan kung bakit nagbabara ang mga pumping stations sa Kalakhang Maynila.

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos kung ang MMDA lamang ang masusunod ay ang kanyang mga nabanggit na kaparusahan ang nababagay sa isang taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

 

Iyon nga lamang, nais niyang magkaroon ng iisang patakaran ang lahat ng siyudad at bayan sa Kalakhang Maynila na magtatakda ng parusa sa mga walang disiplina.

 

‘Kung mahuhuli kang nagtatapon.. sige magwalis ka diyan kahit isang oras, linisin mo lahat o kaya ikaw ang maghango ng basura sa dagat.. sa river para maranasan mo naman kung paano maglinis ng ano? ,” ayon kay Abalos.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nang problema ang tambak na basura na bumabara sa mga pumping stations sa Kalakhang Maynila .

 

Ito ang itinuturong dahilan nang konting ulan lang ay bumabaha na agad.

 

Dahil dito, ang naisip na solusyon ng MMDA ay gamitan ng trash boom na magsisilbing pangharang para sa mga basura para hindi na umabot pa sa pumping stations.

 

 

Kamakailan ay naglatag ng trash boom ang MMDA sa Estero de Tripa de Gallina, sa Pasay City.

 

 

“We have to protect our pumping stations otherwise, kapag naka problema ‘yan talagang magkakaproblema tayo ng baha sa Kalakhang Maynila,” anito.

 

 

Samantala, tinatayang 32 tonelada ng basura ang nakukuha sa mga pumping stations kada taon.
May mga pagkakataon din ani Abalos na sumosobra na ang bara kaya nangyayari aniya ay bumibigay ang mga pumping stations.

 

Sa ulat, tatlo sa 8 unit ng Estero de Tripa de Gallina, pumping stations ang nasisira taun-taon dahil sa basura. (Daris Jose)

Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh.

 

Hindi naman nabanggit niSec. Roque kung kasama ang Oman at Nepal.

 

Ani Sec. Roque, layunin nitong maiwasang may makalusot na Delta variant papasok sa Pilipinas.

 

Sinasabing hanggang bukas, Hunyo 30 na lamang dapat ang travel ban sa mga bansang ito subalit pinalawig pa ng palasyo, bilang bahagi ng paghihigpit sa border.

Ads July 1, 2021

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KEN, unang sasabak sa online talk show na ‘Beshie Alert’; MAINE, kaabang-abang kung papayag sa tell-all interview kasama si ARJO

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA pagsisimula ng Hulyo, mapapanood na ang newest online talk show sa YouTube ang Beshie Alert na iho-host ni Rams David.

 

 

At para sa unang episode si Ken Chan na nagsi-celebrate ng 10th anniversary sa showbiz, ang napiling I-feature ni Ateng Rams, na kung saan ang Kapuso actor ay bumibida ngayon sa Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw, na muli nilang pagtatambal ni Rita Daniela.

 

 

Malapit na malapit si Ken kay Ateng Rams na in a way ay naka-discover sa aktor, kaya tiyak na maraming interesting facts ang kanilang mapag-uusapan sa two-part interview (part 1, today at part 2 naman tomorrow, Friday, July 2) na hatid ng Beshie Alert YouTube channel, kaya mag-like at mag-subscribe na.

 

 

Sa next episode naman ay naka-schedule na ang kontrobersyal na Jelai Andres.

 

 

Hihintayin din namin na mag-guest sa newest online talk show ang mga dati niyang mina-manage tulad ni Marian Rivera na puwedeng solo o kasama si Dingdong Dantes.

 

 

Interesting din kung mapagsasama ni Ateng Rams ang mag-sweetheart na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa isang tell-all interview na for sure, marami ang mag-aabang sa kanilang mga pasabog na tsika.

 

 

Pag-amin pa ni Ateng Rams parang napasubo na lang siya pero nasa ‘bucket list’ pala niya ang makapag-host ng isang talk show,

 

 

“Hindi ko nga alam, parang napasubo na lang ako. Kasi may gastos talaga, wala naman itong bawi, wala pa naman akong sponsors at magbabayad sa akin, walang talent fee.

 

 

     “Hindi ko alam kung bakit ko sinugulan ito.”

 

 

Dagdag pa niya, “Pero, more than that, it is fulfillment of a bucket list. It is something na gusto ko talagang gawin.”

 

 

Anyway, dahil nga mas pinili niya na maging consultant sa Triple A o All Access to Artists na kinabibilangan nga nina Marian at Maine, mas mapagtutuunan na niya ng pansin ang talent agency nilang Artist Circle (House of Characters) na kinabibilangan nina Ms. Celia Rodriguez, Sheryl Cruz, Ces Quesada, Odette Khan, Shyr Valdez, Mosang, Dang Cruz, Archie Alemania, Mico Aytono, Jen Rosendahl, Tita Krissy Achino, tatlong Sexbomb Girls, Wilma Doesnt, Justin Jose at marami pang iba.

 

 

***

 

 

SA kanyang Instagram post, nag-apologize si Alwyn Uytingco sa kanyang ex-wife na si Jennica Garcia.

 

 

Last week, for the first time ay nagsalita na si Jennica sa kanilang paghihiwalay at mga pinagdaanan nito noong nakaraang buwan, na aminadong nagkasunud-sunod ang mga dagok sa kanyang buhay.

 

 

Caption nga ni Alwyn sa photo na pinost kasama si Jennica,Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sayo. Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo. Mahal na mahal kita.

 

 

Kabi-kabila naman ang natanggap na nega comment ni Alwyn sa kanyang IG post, na karamihan ay ayaw na silang magkabalikan pa ng dating asawa.

 

 

Well, abangan lang natin kung ano ang magiging reaksyon dito ni Jennica, na mukhang unti-unti nang nakaka-move on at busy sa kanyang pagbabalik-teleserye sa GMA Network.

(ROHN ROMULO)

PhilHealth, inilunsad na ang COVID-19 vaccine indemnification

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang indemnification package sa mga makakaranas ng seryosong side effect matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine.

 

 

Ang indemnification o bayad danyos ay isa sa mga probisyon ng COVID-19 Vaccination Program Act (Republic Act No. 11525).

 

 

Layunin nito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga indibidwal na makakaranas ng seryosong side effect dahil sa bakuna laban sa coronavirus.

 

 

Sa ilalim ng COVID-19 Vaccine Injury Compensation Package, na pinirmahan noong June 15, mayroong 22 “adverse events of special interest” na kwalipikado sa bayad danyos.

 

 

Nagkakahalaga ng P100,000 ang compensation package para sa vaccine recipients na mao-ospital, magkakaroon ng permanent disability, at mamatay dahil sa bakuna.

 

 

“Ang claim na (for hospitalization) ito should correspond to the remaining charges on top of the existing PhilHealth benefits, at other benefits na manggagaling sa ibang health insurance or HMO’s,” ani PhilHealth Vice President Dr. Shirley Domingo.

 

 

“(For permanent disability or deaths) paid once per beneficiary.”

 

 

Bago makatanggap ng compensation package, kailangan masiguro na nabakunahan ang indibidwal sa vaccination program ng gobyerno.

 

 

Bukod dito, dapat wala pang certificate of product registration ang bakunang itinurok sa kanya.

 

 

At kailangan mapatunayan sa causality assessment na ang COVID-19 vaccine ang nagdulot ng seryosong adverse effect sa indibidwal.

 

 

“That will be done kung may question (sa report). Ibibigay kasi sa amin ang documents ng claim and we will use that to assess. If we need further clarication, then we get experts advice for causality.”

 

 

Hindi naman papayagang makatanggap ng compensation package ang mga nakatanggap na ng bayad danyos mula sa COVAX Facility.

 

 

REQUIREMENTS

Kabilang sa mga dokumentong kailangan para makatanggap ng vaccine injury compensation package ay ang:

 

Hospitalization

  1. Proof of COVID-19 Vaccination (vaccine card or slip
  2. Vaccine Injury Claim Form
  3. Vaccine Injury Assessment Survey
  4. Statement of Account per admission
  5. Medical Certificate
  6. Official Receipt (indicating deductions from PhilHealth benefits, private insurers, and/or HMOs, and out-of-pocket payments for hospital bills.

 

Permanent Disability

  1. Proof of COVID-19 Vaccination (vaccine card or slip)
  2. Vaccine Injury Claim Form
  3. Medical Certificate
  4. Vaccine Injury Assessment Survey
  5. Other documents that may be required to support the disability claim which can include a physical examination report describing the disabling manifestation and signed by a duly licensed physician

 

Death

  1. Proof of COVID-19 Vaccination (vaccine card or slip)
  2. Vaccine Injury Claim Form
  3. Vaccine Injury Assessment Survey
  4. Certified True Copy of the principal’s Death Certificate

 

Ang mga papayagang makakuha ng bayad danyos ay: 1) taong nabakunahan, 2) ligal na asawa at mga anak, 3) at ligal na magulang.

 

COVERAGE

Hanggang March 2, 2026 epektibo ang pagbibigay ng bayad danyos ng pamahalaan.

 

 

Pero maaari pa itong ma-extend, depende sa magiging desisyon ng pangulo.

 

 

Kaya ayon Domingo, posible ring magamit ang compensation package kapag may nagkaroon ng seryosong side effect ang mga mababakunahan ng pina-planong booster shot o ikatlong dose.

 

 

“As long as andoon sa period of coverage ng law… pwede siya i-extend ng pangulo depending on the recommendation of that Permanent Committee as specified in the law.”

 

 

Kung maaalala, isa sa hininging requirement ng vaccine manufacturers para makapag-supply ng bakuna sa Pilipinas ang pagkakaroon ng indemnification fund.

 

 

Ibig sabihin, gobyerno ang sasagot sakaling makaranas ng seryosong side effect ang mga mababakunahan at hindi ang vaccine manufacturer.

 

 

May inisyal na pondong P500-million ang pamahalaan para sa unang taon ng implementasyon ng naturang bayad danyos. (Daris Jose)

‘Candyman’ Reboot from Producer Jordan Peele Unveils New Unsettling Trailer

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE upcoming horror film Candyman from director Nia DaCosta and producer Jordan Peele has just revealed a new trailer.

 

 

Watch below: https://www.youtube.com/watch?v=TPBH3XO8YEU

 

 

The new horror film centered on a painter becomes obsessed with the urban legend of the hook-handed killer, the Candyman.

 

 

Candyman is a reboot of the 1992 film of the same name from director Bernard Rose. It centers on an urban legend about a hook-handed spirit that can be summoned by saying its name, Candyman, five times in front of the mirror.

 

 

This “spiritual sequel” to the original film is set a decade after the last of the Cabrini Towers were torn down. Visual artist Anthony McCoy and his girlfriend Brianna have just moved into a luxury loft condo in Cabrini.

 

 

Experiencing an artist’s block in his career, Anthony becomes obsessed with the urban legend of Candyman after hearing its true story from a Cabrini old-timer. Turning the macabre details of the story into the subject of his latest, Anthony unknowingly opens a door to a past that will unravel his own sanity.

 

 

Jordan Peele is best known for directing Get Out and Us— gripping horror films that are infused with social commentaries. Meanwhile, director Nia DaCosta will also be joining the Marvel Cinematic Universe as the director of the upcoming Captain Marvel sequel titled The Marvels.

 

 

The film’s cast includes Yahya Abdul-Mateen II, Teyonah Parris, Nathan Stewart-Jarrett, and Colman Domingo. It will be released on August 27.

 

 

For more information, visit the film’s official website.

(ROHN ROMULO)

BEA, mas matunog at hula ng karamihan na magiging Kapuso na

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG dami na ngang naku-curious kung sino ang award-winning actress na magiging isang Kapuso na. 

 

 

Dalawa ang naiisip — si Judy Ann Santos o si Bea Alonzo?

 

 

Pero sa dalawa, mas matunog talaga na si Bea ang hula ng karamihan na magiging isang Kapuso.

 

 

Ang isa lang nagiging kuwestiyon sa ilang nakakausap namin, bakit daw “award-winning?”

 

 

Tila para sa kanila kahit na may mga awards na rin si Bea sa pagiging actress, hindi pa ito sapat to labelled award-winning, mas pa raw siguro na “Box-Office.”

 

 

Pero still, personally, kumbinsido kami na si Bea ang bagong pipirma sa Kapuso network. Last year pa namin ito alam. At ang kuwento pa na nakarating sa amin last year, ayaw lang ni Bea na right after na ipasara ang ABS-CBN ay lipat na siya agad.

 

 

Parang naging daan na rin ito for her to at least, take a break nga naman. At bongga rin naman si Bea na nagawa niyang palakihin ang kanyang sariling You Tube channel.

 

 

So, with Bea as Kapuso, maganda ito para sa network at gayundin sa mga Kapuso stars na makakasama niya sa iba’t-ibang projects na.

 

 

***

 

 

KAPUSO pa rin si LJ Reyes.

 

 

Muli siyang pinapirma ng network at for 17 years nga, nananatiling Kapuso ang actress.

 

 

Ayon kay LJ, “I’m happy, I’m very grateful. It’s a long time to be in the business. I still wish to do more years here and to do more meaningful projects. 

 

 

“I’m very grateful and I’m looking forward working with GMA for a very long time.”

 

 

Kung may ibang hindi na ni-renew or hindi na nag-renew sa GMA, si LJ ay very proud daw sa pagiging Kapuso niya since 2004.

 

 

     “Alam niyo, palagi kong sinasabi why I’m proud to be Kapuso, it’s not just the growth that I experienced not just in my career but also in my life’s decision. 

 

 

     “They’re just here to support you. Gusto mong maging nanay, sige. Noong sinabi ko na mag-aral, they support me as student and artista. Ganoon talaga ‘yung pakiramdam ko sa GMA. Ramdam ko talaga na they’re family to me.”

(ROSE GARCIA) 

Action-drama series ni COCO, mapapanood na sa 41 countries sa Africa

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBANG klase rin naman talaga ang widely-followed series na FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Starting this July 1 ay mapapanood na ang action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin sa 41 countries sa Africa.

 

 

So ibig sabihin malayo pa talaga ang tatakbuhin ng FPJAP dahil sa bagong development as far as the series is concerned.

 

 

Big deal itong airing ng FPJAP sa Africa dahil maraming madadagdag na bagong viewers sa Coco Martin led series na ito.

 

 

You don’t get aired in 41 countries in Africa kung pipitsugin show ka. For sure, naging interested ang Africa sa series dahil sa phenomenal success ng FPJAP sa Pilipinas.

 

 

Five years na ito sa ere and it is still growing strong. Stars have come and gone sa series in the last five years pero nanatili pa rin itong paborito ng audience all over.

 

 

At kahit pa nawalan ng prangkisa ang Kapamilya Network, patuloy pa rin naman napapanood ang programa via Facebook, iWant and other platforms.

 

 

Patuloy na gumaganda at lalong nagiging exciting ang every episode ng FPJAP. Tapos tila magkakaroon pa ng love angle between Jane de Leon and Coco sa kwento.

 

 

Kaya huwag kalilimutan manood ng FPJAP every night.

 

 

***

 

 

HAPPY kami for our friend na si Shandii Bacolod who is staging a directorial comeback via a BL series titled Love at the End of World.

 

 

Bida sa series na ito si Rex Lantano who first worked with Shandii sa What Home Feels Like (which starred Bembol Roco) tapos naulit sa Culion. Both films were line-produced by Shandii.

 

 

Excited si Rex sa BL series dahil maganda ang role as Sam,  ang lead actor ng series.

 

 

“Ang ganda ng script. This is my biggest break ever kaya I am very challenged and I am preparing hard. Siyempre I want to give my best and prove na tama ang desisyon nila na ipagkatiwala sa akin ang role,” pahayag ni Rex sa aming phone interview.     Kasama rin sa series sina Nicco Fowler at Gold Azeron.

 

 

Katatapos lang ni Rex mag-taping ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan best friend na naman muli ang kanyang role.

 

 

Kelan kaya namin mapapanood si Rex na magbida sa isang episode ng MMK?     Sana soon.

(RICKY CALDERON)

Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte

Posted on: July 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.

 

 

Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang kurapsyon.

 

 

Inuna ng fighting senator na kuwestiyunin ang Department of Health (DOH) kung saan tinanong nito kay DOH Secretary Francisco Duque kung saan napunta ang mga perang ginagastos para sa pandmenya.

 

 

Ikinalungkot pa ng senador na bakit pa sa kurapsyon pa sila nagtatalo dahil mas kailangan ng bansa ang lider na lumalaban dito.

 

 

Magugunitang nitong Lunes ng gabi ng galit na hinamon ng Pangulo ang senador na kapwa kapartido sa PDP-Laban na ituro sa kaniya ang opisina na may nangyayaring kurapsyon.

 

 

Agad aniyang bibigyan ng pangulo ng aksyon ang opisina at sakaling walang maituro ang senator ay ikakampanya ng pangulo na huwag iboto si Pacquiao.

 

 

Manny kay Duterte: ‘Di ako sinungaling’

 

 

Samantala agad ding nagbigay ng pahayag ang Senador sa akusasyon sa kanya:

 

 “Hindi ako sinungaling”. Ito ang sagot ni Sen. Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro ang mga korap na tanggapan at opisyal ng gobyerno.

 

 

Sa pahayag ng tanggapan ni Pacquiao, tinatanggap umano niya ang hamon ng Pangulo kasabay ng pasasalamat na binigyan siya ng pagkakataon na magbigay ng mga impormasyon para sa kampanya ng administrasyon kontra korapsyon.

 

 

Subalit bwelta niya, hindi siya sinungaling.

 

 

Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni’t hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,” wika ng senador.

 

 

Una namang sinilip at binusisi ni Pacquiao ang lahat ng mga binili ng Department of Health (DOH) na rapid test kits, PPE, mask at iba pa. Hinamon din niya si Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng ginagastos dito.

 

 

Tanong pa ng Senador saan napunta ang pera na inutang ng gobyerno para sa pandemya.

 

 

“Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon kami magtatalo, dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,“ ayon pa kay Pacquiao. (Daris Jose)