• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 6th, 2021

IATF niluwagan ang panuntunan sa pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng PH

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Niluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga panuntunan sa interzonal travel para sa mga fully-vaccinated person kabilang na ang mga senior citizens.

 

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na base sa IATF Resolution 124-B na ang mga interzonal travelers na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay maaaring ipakita na lamang ang kanilang COVID-19 vaccination proof imbes na ang kanilang COVID-19 test results.

 

 

Ayon sa IATF Resolution 124-B na ang mga indibidwal ay maikokonsidera na fully vaccinated dalawang linggo matapos na matanggap ang ikalawang dose ng bakuna at kapag ang bakuna ay mayroong emergency use authorization o Compassionate Special Permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA) o mula sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).

 

 

Kung walang vaccination card ay maaring ipakita ang certificate of quarantine completion na mula sa Bureau of Quarantine.

 

 

Lahat din aniya ng mga bumabiyahe ay kailangan din na sumailalim sa health and exposure screening protocols pagdating nila sa kanilang desitnasyon. (Daris Jose)

Pres. Duterte posibleng samahan ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics – PSC

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malaki ang posibilidad na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte para saksihan ang pagsabak ng mga atletang Filipino sa Tokyo Olympics mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, isa ang pangulo sa tatlong opisyal ng gobyerno na nakatakdang sumama sa 19 atletang maglalaro sa Olympics.

 

Bukod sa pangulo, kabilang din dito sina training director Marc Velasco at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino para magbigay ng anumang pangangailangan ng mga atleta.

 

 

Tiwala rin si Ramirez na sa 19 na mga manlalaro ng bansa ay malaki ang tsansa ng bansa na makakuha ng gintong medalya.

PH experts: Mix and match ng COVID-19 vaccines dapat ‘parehong platform’

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi raw mamadaliin ng Pilipinas ang clinical trial para sa mix and match ng mga bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ayon sa Department of Health, nag-pulong na ang all expert panel ng ahensya matapos aprubahan sa Germany ang pagtuturok ng AstraZeneca at mRNA vaccines bilang una at ikalawang dose.

 

 

Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa nila ang report ng manufacturers ng mga bakunang ginamit sa pag-aaral.

 

 

Pero sa ngayon ang inirerekomenda raw ng mga Pilipinong dalubhasa ay ang mix and match ng mga bakunang may parehong platform.

 

 

“There are mRNA, viral vector vaccines, at iba pa,” ani Vergeire.

 

 

Bukod sa ulat ng vaccine manufacturers, hinihintay din daw ng DOH ang resulta ng isang malaking pag-aaral sa vaccine mix and match na nakatakdang ilabas sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Pati na ang mga datos tungkol sa pag-aaral ng bakuna sa mga bata.

 

 

Binigyang diin ni Vergeire na sa ilalim ng emergency use authorization ng mga bakuna sa Pilipinas, hindi pa inirerekomenda ang mix and match.

 

 

Gayundin ang pagbabakuna sa mga menor de edad, matapos simulan ng Indonesia ang pagtuturok ng Sinovac vaccines sa mga bata.

DOH: ‘Bentahan ng COVID-19 vaccines’ iniimbestigahan na ng NBI

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hihintayin na lang daw ng Department of Health (DOH) na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccines.

 

 

Pahayag ito ng ahensya matapos maaresto ang isang nurse at dalawang indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta ng 300 doses ng bakunang Sinovac.

 

 

“Iniimbestigihan na ito ngayon ng NBI at ayaw naming i-preempt whatever their findings would be,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Ang imbentaryo namin everyday, so our LGU’s submits to vaccine cluster nationally and regionally after itong imbentaryo ng mga bakuna na nagamit versus yung bakunang mayroon sila. May mga tao rin tayong nagmo-monitor ng logistics.”

 

 

Muling pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag tangkilikin ang mga ibinibentang bakuna dahil sa ngayon libreng ipinapamahagi ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines.

 

 

Umapela rin ang opisyal sa mga sangkot sa bentahan ng bakuna na intindihin ang pangangailangan ng bansa sa bakuna, lalo na’t limitado pa rin ang pandaigdigang supply.

 

 

“Intindihin natin na marami pa sa ating mga kababayan ang nababakunahan at hindi ito ang panahon para pagkakitaan natin ang isang bagay na mahalaga sa mga Pilipino.”

 

 

Nilinaw na ni Manila Mayor Isko Moreno na kahit empleyado ng Gat Andres Bonifacio Medical Center ang naarestong nurse, ay hindi naman vaccine supply ng lungsod ang pinaniniwalaang naibenta nito.

Obiena nag-uwi muli ng gold medal sa sinalihan nito sa Sweden

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakakuha ng gold medal si pole vaulter EJ Obiena bago ag pagsabak nito sa Tokyo Olympics.

 

 

Nanguna kasi ito sa Taby Stav Gala Street Pole Vault na ginanap sa Stockholm, Sweden .

 

 

Naitala nito ang 5.80 meter mark sa nasabing torneo kung saan tinalo niya sa torneo si 2016 Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

 

 

Noong nakaraang araw ay nagwagi ng silver medal si Obiena ng magtala ito ng 5.87 meter sa torneo na ginanap sa Poland.

 

 

Kabilang si Obiena sa 19 na Filipino atleta na sasabak sa Tokyo Olympics  na magsisimula sa Hulyo 23.

Movie nina DANIEL at CHARO, magku-compete sa ‘74th Locarno Film Festival’ sa Switzerland

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG first feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland, kung saan magkakaroon ito ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section.

 

 

Ang Kun Maupay Man It Panahon ang nag-iisang competing film mula sa Pilipinas ngayong taon sa Locarno, isang A-List international film festival na nagsisilbing platform para sa auteur cinema.

 

 

Ang Cineasti del Presente section para sa unang o ikalawang feature film ng emerging global talents ay igagawad ang Pardo d’oro at award para sa directing pati na rin ang mga parangal para sa Best Actor at Best Actress.

 

 

Pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Rans Rifol, at Charo Santos-Concio, ang drama tungkol sa pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Lungsod ng Tacloban sa Leyte ay nasa Waray na dialect.

 

 

Pagkatapos naminsala ang Yolanda noong Nobyembre 2013, hinahanap ni Miguel (Padilla) ang dalawang babae sa kaniyang buhay: ang kaibigang si Andrea (Rifol) at nanay na si Norma (Santos-Concio). Nais ni Miguel na lumikas sa malaking siyudad bago pa dumating ang kasunod na bagyo.

 

 

Isinulat ang Kun Maupay Man It Panahon ni Manatad na taga-Tacloban kasama sina Giancarlo Abrahan V at Jérémie Dubois. Ang mga producer nito ay sina Josabeth Alonso, Vincent Wang, at Armi Rae Cacanindin na sinabing, “After seven years, finally, we’ve come to this!”

 

 

Noong 2019, pinili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Kun Maupay Man It Panahon para sa FDCP Project Market habang noong 2021, pinili ito ng FDCP FilmPhilippines Office upang tanggapin ang International Co-production Fund (ICOF) na may halagang PHP 2.5 million.

 

 

“We are tremendously proud of the journey of ‘Kun Maupay Man It Panahon,’ which is a milestone in Philippine regional cinema. FDCP is honored to have supported Carlo Francisco Manatad’s journey from the development and production of this project until now when it’s ready to be shown to the world. We thank Locarno for giving it a world premiere and express our heartfelt gratitude to all international film labs, programs, and organizations for believing in and extending support to a Filipino regional film,” wika ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

 

 

Ang production companies sa likod ng Kun Maupay Man It Panahon ay Cinematografica, planc., iWantTFC, Globe Studios, Black Sheep, Quantum Films, and CMB Films mula sa Pilipinas, House on Fire mula sa France, AAND Company mula sa Singapore, KawanKawan Media mula sa Indonesia, at Weydemann Bros. mula sa Germany.

 

 

Napili rin ang Kun Maupay Man It Panahon ng Sorfund Pitching Forum, Talents Tokyo, Cannes Cinefondation L’Atelier, at Hanoi Project Market at developed ito sa La Fabrique des Cinema du Monde, Torino Film Lab Feature Lab 360, Semaine de la Critique Next Step, at EAVE Ties that Bind.

 

 

Nakatanggap din ito ng suporta mula sa Aide aux cinemas du monde na managed ng Centre national du cinema et de l’image animee at Institut francais, Torino Film Lab | Creative Europe – MEDIA Programme of the European Union, Brot fur die welt – Bread for the World Protestant development service, Visions Sud Est na suportado ng SDC (Swiss Agency for Development and Cooperation), Doha Film Institute, Asian Cinema Fund for Script Development, Talents Tokyo Next Masters Support Program, at Berlinale World Cinema Fund, isang initiative ng German Federal Cultural Foundation at Berlin International Film Festival ng may pakikipagtulungan sa Federal Foreign Office at may karagdagang suporta mula sa Goethe-Institut.

 

 

Ang Kun Maupay Man It Panahon co-producers ay sina Ling Tiong, Yulia Evina Bhara, Milena Klemke, Yvonne Wellie, Jakob D. Weydemann, at Jonas Weydemann habang executive producers sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Roldeo Endrinal, Jamie Lopez, Ginny Monteagudo-Ocampo, Olivia Lamasan, Quark Henares, Jan Pineda, Alonso, Cacanindin, at Arleen Cuevas.

 

 

Ang iba pang miyembro ng production team ay sina Patricia Sumagui (line producer), Lim Teck Siang (director of photography), Whammy Alcazaren (production Designer), Benjo Ferrer III (editor), Andrew Florentino (music), Roman Dymny (sound design), Sam Manacsa (art director), at Thesa Tang (wardrobe).

 

 

Ang Locarno Film Festival, na idaraos mula Agosto 4 hanggang 14, ay nagpapalabas ng arthouse films mula noong 1946. Noong 2015, nagkaroon ng premiere ang short film ni Manatad na Junilyn Has sa Pardi di Domani section ng Locarno.

 

(ROHN ROMULO)

P10.4 bilyon nawawalang ayuda itinanggi ng DSWD

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tahasang itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang akusasyon ni Senador Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyong pondo buhat sa ‘social amelioration program (SAP)’.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa ang ahensya na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa SAP fund.

 

 

“Nais din natin bigyan diin na wala pong nawawalang pondo hinggil sa SAP implementation,” ayon kay Dumlao.

 

 

Ipinaliwanag ng opisyal na noong Abril, tinapos na nila ang paggamit sa mga ‘financial service providers (FSPs) na naka-partner nila sa pamamahagi ng SAP.  Ang natitirang pondo para sa mga benepisyaryo ay ibi­nigay umano nila ‘manually’ lalo na sa mga nagkaroon ng isyung teknikal.

 

 

“Ang FSPs, kabilang ang Starpay, ay ni-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo kanilang natanggap ay ni-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries,” ayon kay Dumlao.

 

 

Ipinaliwanag ng opisyal na noong Abril, tinapos na nila ang paggamit sa mga ‘financial service providers (FSPs) na naka-partner nila sa pamamahagi ng SAP.  Ang natitirang pondo para sa mga benepisyaryo ay ibi­nigay umano nila ‘manually’ lalo na sa mga nagkaroon ng isyung teknikal.

 

 

“Ang FSPs, kabilang ang Starpay, ay ni-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo kanilang natanggap ay ni-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries,” ayon kay Dumlao. (Daris Jose)

ARCHDIOCESE NG LIPA, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA TAAL EVACUEES

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal.

 

 

Batay sa inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas.

 

 

Pinaalalahan ang mga parokya sa pagpapatupad ng mga health guidelines at protocols kasabay ng pagtanggap sa mga evacuees.

 

 

Sinasabing dapat ay may 20 metro kwadrado na pagitan ang bawat pamilya na may 3 hanggang 5 miyembro habang inatasan din ang mga Simbahan na maglaan ng maayos na palikuran at sanitation booth.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan din ng Arkidiyosesis na maghanda ang mga Parokya ng sapat na food and non food items at nakahandang tumugon ang tanggapan ng LASAC sakaling magkaroon ng kakulangan nito.

 

 

Naka antabay din ang Simbahan sa mga posibilidad na maaring maging epekto ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

 

 

Una nang binuksan para sa mga evacuees ang parokya ng Our Lady of Miraculous Medal sa Agoncillo, Batangas.

 

 

Batay sa datos nasa 14,000 residente na ang apektado ng paglikas mula ng itaas ng PHILVOCS ang alert level 3 sa bulkan.

 

 

Magugunitang Enero ng taong 2020 nang huling pumutok ang bulkang taal kung saan tinatayang nasa mahigit 235,655 na pamilya ang naapektuhan. (GENE ADSUARA)

PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.

 

 

“The PSC Board agreed to give the same financial assistance to our Para athletes,” ani  Agustin. “Kung ano ang suporta ng ating pamahalaan sa mga national athletes, ganoon din ang ating ibinibigay sa mga para athletes.”

 

 

Matapos ang Tokyo Olympics, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8,  papagitna ang Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

 

May limang qualifiers na ang bansa para sa T­okyo Paralympics sa katauhan nina Para swimmer Gary Bejino, Para taek­wondo jin Allain Ganapin, Jerold Magliwan at Janette Acevedo ng Para athletics at Ernie Gawilan ng Para swimming.

 

 

Kabuuang 539 events ang nakalatag sa 22 sports Tokyo Paralympics.

LRT 1 East Extension may libreng sakay ng 2 linggo

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magbibigay ng libreng sakay ng dalawang (2) linggo ang bagong bukas na Light Rail Transit 2 (LRT2) East Extension kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang inagurasyon noong July 1.

 

 

Sinabi ni Duterte sa mga sumasakay na libre ang sakay simula at galing sa dalawang (2) estasyon ng Marikina at Antipolo.

 

 

Mula sa Santolan, magtutuloy-tuloy na ang biyahe hanggang Antipolo. Magkakaron ito ng 320,000 mula sa dating 240,000 na pasahero mula sa kahabaan ng Recto sa Manila hanggang Antipolo City.

 

 

Dati rati ang travel time kung sakay ng pampublikong sasakyan ay aabot ng tatlong (3) oras subalit kung sakay ng LRT 2 East Extension, ito ay tatagal lamang ng 40 na minuto galing Recto papuntang Masinag sa Antipolo.

 

 

“Indeed, this project will improve mobility and ensure transportation connectivity, especially in the busy eastern part of Metro Manila. Now our commuters can travel faster, be more productive at work and enjoy quality time with their loved ones, especially in the middle of this health crisis,” wika ni Tugade.

 

 

Nagkaron ng karagdagang 3.70 kilometers sa dating 13.8 kilometers ang nasabing railway system. Inaasahang magsisimula ang operasyon ngayon Lunes, ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Reynaldo Berroya.

 

 

Dagdag pa ni Duterte na siya ay nagagalak dahil naging bahagi siya ng proyektong ito na naging isang tanda ng isang matatag na pangako na magbibigay ang kaniyang administrasyon ng isang ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis at komportableng transportasyon sa lahat ng mamayan.

 

 

Pinasalamatan din niya si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade kasama ang pribadong sektor para sa pagtatapos ng nasabing proyekto kahit na may mga balakid dahil sa pandemya. Nagpasalamat din siya kay Public Works Secretary Mark Villar dahil sa kanyang sipag at tiyaga na masiguro na matatapos ang proyektong ito sa gitna ng pandemya.

 

 

“Your efforts and determination show that our government stops at nothing to carry on with its mandate to serve the people’s interest no matter the circumstances” dagdag ni Duterte.

 

 

Siniguro rin niya ang publiko na ang mga pagunlad na ito ay magiging sagot sa mga pagsubok ngayon 21st century at sa darating pa na panahon para ang mga mamayan ay makatumugon sa mga bagay na hindi inaasahang mga challenges na darating pa sa lahat ng oras.

 

 

“Let me assure you that we will fully reap the benefits of our Build, Build, Build Program as we continue to overcome the pandemic and gradually reopen our economy. I encourage everyone to help the government in creating an environment that will allow the safe reopening of economic activities,” saad ni Duterte.

 

 

Ang nasabing bagong estasyon ay makakaatulong sa mga mag-aaral na may 40 percent na bahahgi ng ridership dahil ang mga drop-off points ay malapit sa University Belt sa Maynila kung saan karamihan sa mga colleges at universities ay nakatayo.

 

 

Sa ngayon, mayron na itong 13 estasyon na binubuo ng Antipolo, Marikina, Santolan, Katipunan, Anonas, Araneta Center-Cubao, Betty Go-Belmonte, Gilmore, J. Ruiz, V. Mapa, Pureza, Legarda at Recto. (LASACMAR)