NAG–TRENDING sa Twitter ang trailer ng Revirginized, ang upcoming movie ni Megastar Sharon Cuneta, under the direction of Darryl Yap.
Lumabas ang trailer last Sunday and for sure, marami ang na-curious dito kaya nag-trending. Nang unang lumabas ang balita na may gagawin movie si Sharon with Daryl Yap ay marami ang nagulat, especially ang mga Sharonians.
Iniisip nila na hindi bagay sa kanilang idol na magpadirek kay Daryl Yap dahil laging may kakabit na kontrobersiya ang mga projects nito.
Pero siya Sharon na mismo ang nagpalis nang agam-agam ng kanyang mga fans when she said na hindi dapat magulat ang mga ito sa Revirginized.
Yes, the movie is different from all the movies na nagawa na niya before but bilang aktres, may karapatan naman siya na mag-experiment sa mga projects na gagawin niya.
Nagustuhan niya ang script ng Revirginized kaya niya ito tinanggap. At naniniwala si Shawie na magandang comeback vehicle ito for her sa Viva Films.
Napanood namin ang trailer and yes, kakaibang Sharon nga ang mapapanood natin sa pelikula. First time natin mapapanood si Sharon uttering those kinds of dialogues na hindi natin mai-imagine na gagawin niya.
But she is just playing a role and it’s nice to see her do something edgy, out of the ordinary na nakasanayan na natin.
After watching the trailer, mas lalo kaming na-curious na mapanood ang pelikula kasi kakaiba ang dating nito sa amin. Bihira natin mapanood si Sharon in a comedy. And Revirginized borders on the risqué.
“Risque” means slightly indecent and liable to shock, especially by being sexually suggestive.
Pero welcome change naman ito for Sharon. At may reminder na siya sa kanyang mga fans na huwag ma-shocked dahil pelikula lang naman ito.
Besides, babalik din naman siya ng projects na wholesome ang dating. Pagbigyan na natin si Ate Shawie to do something “shocking” for a change.
No wonder, nag-trending ang Revirginized dahil kakaiba ito. Abangan natin ang movie when it streams sa Vivamax on August 6.
***
IMPRESSIVE ang performance ni Paolo Gumabao sa launching movie niya na Lockdown.
Ito ang biggest role ni Paolo and he acquitted himself well. Mahusay ang kanyang pagganap for a newcomer. Worthy of an acting nomination, if not the award itself.
May frontal nudity si Paolo sa Lockdown at walang kiyeme siyang sumabak sa mga ito. Sa audition pa lang daw ay alam na niya na may mga ganoong maseselan na eksena at willing naman siya na gawin ang mga ito.
Ayon naman kay Direk Joel Lamangan, sa mga actor na nag-audition, tanging si Paolo ang matapang na tinanggap ang hamon ng nudity at frontal exposure.
‘Yung ibang actor daw ay hindi willing mag-frontal. Kung pwede raw dayain na lang. Pero necessary sa takbo ng kwento ng cybersex ang nudity kaya si Paolo ang napili ng production na magbida.
Pati ang ibang co-stars ni Paolo, who are playing cybersex workers, ay may frontal nudity rin.
Pero maganda ang kwento nig Lockdown, na sinulat ni Troy Espiritu, dahil ipinakita rito ang kapalarang sinapit ng maraming mga Pilipino, kabilang ang mga OFWs dahil sa pandemya.
Maraming nawalan ng trabaho. Walang makain ang ibang tao tapos mahirap magkasakit kung wala kang pera.
Bilang si Danny (ang karakter niya sa movie), napilitan si Paolo na pumasok bilang sex worker sa isang cybersex den para maipagamot ang kanyang amang may sakit.
“Kaya, sana, people should watch ‘Lockdown’ kasi lahat ng ipinakita namin dito is a reflection of reality, kung ano talaga ang nangyayari ngayon sa totoong buhay,” sabi ni Paolo.
Produced by the For the Love of Arts Films, the uncut version of Lockdown is streaming worldwide on July 23, 2021 through ktx.ph, upstream.ph and RAD (iamrad.app)
(RICKY CALDERON)