IBANG level na rin ang lalim ng faith ng actor na si Wendell Ramos bilang isang Katoliko.
Noon pa namin siya nakakausap at kapag nakaka-kuwentuhan namin siya, pansin na namin kung gaano siya ka-devoted Catholic.
The way he speaks at kung paano ang pananaw niya sa buhay at pamilya. Si Wendell ‘yun habang nagkaka-edad, talagang inayos niya ang pamilya niya at sey nga niya, nagagawa niyang umiwas kung may tukso man dahil sa faith niya.
Bukod dito, hindi na lang sa kanyang work as an actor, nakapag-put-up na rin siya ng business, ang sarili niyang meat shop na tinawag niyang ‘Wendeli Meat House.’
Nagulat kami na nagagawa rin niyang mag-choir sa church. At kahit pandemic, kumakanta pa rin siya sa loob ng simbahan kasama ang ibang miyembro ng choir. Commitment na raw niya ito.
Sey niya, “It’s a privilege to serve God. Above all, serving God is joy and happiness.”
Ang dating kasamahan ni Wendell ng maraming taon sa Bubble Gang ay halatang masaya sa nakikita niya sa kaibigan.
Napa-comment si Ogie sa Instagram ni Wendell nang, “Hallelujah.”
***
FINALLY ay magma-materialize na ang collaboration or partnership sa pagitan ng APT Entertainment Inc. at Cignal TV Inc. Noong 2019 pa nang magkapirmahan sila ng kontrata, pero dahil sa pandemic, naudlot ito.
Pero sabi nga ng C.E.O. at President ng APT Entertainment Inc. na si Direk Mike Tuviera, parang tumayming pa raw na ngayon pa lang masisimulan ang BuKo Channel dahil sa ngayon, ang kailangan talaga ng manonood ay ang mga feel-good o makakapagpatawa.
Ang Buko Channel ay opisyal na magbubukas ngayong August 2, 2021 sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2. Puwede ding ma-access ang BuKo sa Cignal Play app, available sa App Store at Google Play.
Para sa Cignal postpaid and prepaid subscription inquiries, bumisita sa http://cignal.tv. Ang Cignal Plan ay available for Prepaid 100 and Postpaid 250, habang ang SatLite Plan starts at P49.
May tatlo itong klase, ang BuKo Originals tulad ng #MaineGoals na isang lifestyle-oriented show ni Maine Mendoza. Gayundin ang Kusina ni Mamang na hosted ni Pokwang, at ang kuwelang News Patol na magre-report ng mga patolang balita.
Ang Tawang Pinoy Klasiks naman ay mga well-loved Pinoy comedy classics gaya ng Iskul Bukol, Wow Mali, Bubble Gang, OGAG, Loko Moko, Tropang Trumpo, at iba pang comedy TV hits. Sa Throwback Tawanan naman, ang ibat-ibang sikat na comedy series at game shows ulad ng Pidol’s Wonderland, Celebrity Samurai, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, at marami pang iba.
Sa pagkakaroon ng BuKo Channel, hindi na kami magugulat kung mas mapapanood si Maine rito bilang isa sa artist ng Triple A. Kinumpirma rin ng ani Direk Mike na marami silang naka-line-up na shows o concept for Maine.
Ayon dito, “Marami po kaming naka-line-up for Maine and ang pina-prioritize namin yung mga passion projects niya or medyo gusto niya na hindi siya nabibigyan ng chance to fulfill.
“Si Maine kasi, very creative.”
Pero dahil may present sitcom daw si Maine sa GMA-7 naman, mukhang hindi raw ‘yun ang ipa-prioritize muna nila kay Maine na magawa.
Sabi rin ni Direk Mike, sobrang excited nga raw si Maine for BuKo Channel at sa mga artists ng Triple A, isa si Maine sa una nilang kinausap talaga.
***
CONSULTANT na sa GMA-7, specifically sa GMA Artist Center ang mag-partner at dating mga head ng ABS-CBN Star Magic na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.
May reliable source kami na ayon dito, tuloy na tuloy na nga raw ang dalawa bilang mga consultants ng GMAAC at alam nga nito, ngayong Linggo sila officially na as consultants.
Positibo naman daw itong tinitingnan ng mga taga-GMAAC at tila nagustuhan nila na para raw kay Mr. M, dapat mga talents ng GMAAC talaga ang priority sa mga shows in-terms of casting, instead na mag-outsourcing pa.
Abangan na lang natin kung ano ang magiging mga pagbabago.
(ROSE GARCIA)