• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 13th, 2021

SHARON, ‘di lang si Direk DARRYL ang pinasalamatan pati na ang staff at crew ng ‘Revirginized’

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ILANG linggo na lang at mapapanood na sa Vivamax ang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta na mula sa malikot na panulat at direksyon ni Darryl Yap.

 

 

Ni-repost ni Sharon sa kanyang Instagram ang pinost na photo ng kanyang leading man na si Marco Gumabao na may caption ng mahabang mensahe ng mga papuri sa kontrobersyal na direktor.

 

 

Ayon kay Mega, “ang mga pelikula ni Direk Daryll Yap ay laging sa unang tingin akala mo puro kalokohan at wala lang kuwenta. Dun mali ang mga nag-iisip ng ganon.   “Dahil and tatak ni Direk Da ay laging kalokohan ang simula, biglang sa dulo maaantig pala ang puso mo, may mapupulot kang aral.

 

 

“Isa na si Direk Da sa pinakanirerespeto kong direktor sa Industriya. Bata pa, magaling, original, bago. At alam nyo bang may nagbulong sa akin na itago na lang natin sa initials na “lablab” (hahahaha! Oo pati ako nagtataka bakit di siya kasali sa trailer! Pero duda ko kasi iba rin ang role nya dito at tinago muna ni Direk. 1M times ko pa gusto makatrabaho lablab ko pati si Direk!) – na ang I.Q. ni Direk ay nasa GENIUS levels? (Konti na lang di pa ako umabot Direk! Hahahaha!).”

 

 

Paniwala pa ng premyadong aktres, “Kaya alam niya ang ginagawa niya. Buong-buo ang tiwala ko kay Direk sa shooting namin. Di lang dahil laging “boss” ang tingin ko sa direktor ko kahit mas bata sakin o baguhan lang. pag umoo ako sa isang project, given na yun. Siya ang autoridad. Puede lang ako magsuggest o maglambing bilang artista pero wala akong karapatan magdemand.   “Ganyan dapat ang pagtrato sa Direktor at SA LAHAT ng kasama sa paggawa sa pelikula mula direk ng cinematography, cameramen, boom men, sound, art dept., prod. design, lahaaat hanggang talents/extras/co-stars, at utility.

 

 

“Lahat kasi tumutulong na gawan ka ng magandang pelikula. Dapat lang pakisamahan at respetuhin din sila. Bata pa ako ganon na ako.

 

 

“Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng staff at crew na bumuo ng “Revirginized.” Galing sa kaila-ilaliman ng puso ko. Napamahal talaga kayong lahat sa akin, at ang dasal ko ay mabigyan pa tayo ng Diyos ng madaming projects together bago ako mag-retire na ng husto.

 

 

“Kahit atatampo ako lagi sa Viva mahal ko si Direk Da at lahat ng nasa “Revirginized!” Mahalaga kayo sa puso ko. Di ko kayo makakalimutan hanggang sa huling hininga ko dahil minahal at inalagaan niyio ako!

 

 

“Si Carmela ay nakatatoo na sa puso ko at abot-langit ang pasasalamat ko na nakilala ko sya at naportray ng sa tingin ko naman ay maipagmamalaki niya.”

 

 

At dahil sa naturang pelikula na pagbabalik niya sa Viva Films, inamin ni Sharon na nagkaroon siya ng tatlong tunay na kaibigan.

 

 

Caption niya, “Marco & me. “Revirginized” streaming August 6 on Vivamax! This movie gave me three new friends I now truly love and value: Direk Daryll, @therealrosannaroces and my Pawi, @gumabaomarco , all of whom now mean so much to me. Thank you, Direk! “Most of all, again, thank you for my CARMELA!!! I love her truly! @therealrosannaroces @vincentimentsofficial #pawiandpawi.”

 

 

Marami na ngang excited na mapanood ang Revirginized simula sa Vivamax at mapapanood din sa Amerika sa pamamagitan ng TFC at iwanttv. Maghihintay din ng abiso ang iba pa nating kababayan sa iba’t-ibang panig ng mundo kung paano nila mapapanood ang pinag-uusapang pelikula ni Sharon dahil ayaw nilang magpaiwan.

(ROHN ROMULO)

JOEM, naniniwalang makababangon muli ang ABS-CBN ‘pag nabigyan ng bagong prangkisa; ini-enjoy ang pagiging ama

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG taon na ang nakalipas mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito.

 

 

Pero kahit na walang prangkisa ang network ay patuloy pa rin si Joem Bascon sa pagtratrabaho sa network.

 

 

Joem had been working sa ABS-CBN since he was 19 and after 15 years ay hindi raw niya akalain na daranasin ng network ang shutdown. Malungkot man ang nangyari, thankful pa rin si Joem na patuloy na nakapagbibigay nang saya ang network via teleseryes at iba pang uri ng palabas.

 

 

Naniniwala si Joem na kahit na nagkaproblema ang ABS-CBN, darating din ang panahon na muli itong makababangon if ever mabigyan ng bagong prangkisa.

 

 

“Malaki ang naitulong ng TV network sa bawat pamilyang Pilipino. Hindi naman titigil ang ABS-CBN sa pagbibigay serbisyo sa ma Pilipino.

 

 

Kahit na dumaan tayo sa krisis, ipagpapatuloy pa rin ng ABS-CBN ang paglilingkod sa bawat Pilipino in whatever platform na pwede gamitin,” sabi pa ni Joem.

 

 

Habang wala pang show sa Kapamilya channel, paggawa muna ng pelikula ang pinagkakaabalahan ni Joem. Katatapos lang niya ng The Other Wife under the direction of Prime Cruz para sa Viva Films. Ka-partner niya sa movie sina Lovi Poe at Rhen Escano.

 

 

Ini-enjoy rin muna ng actor ang pagiging ama sa anak nila ni Meryll Soriano who was born last December.

 

 

“Masaya, kalmado, sobrang saya. Hindi ko siya mapu-put into words. Ini-enjoy ko every moment,” pagde-describe ni Joem sa pagiging brand new father niya.

 

 

Second time nina Joem at Lovi na magkasama rito sa The Other Wife.

 

 

Mababago raw ang pagtingin natin sa baliw na pag-ibig once mapanood natin ang pelikula. Kakaibang sexy thriller ito at hindi rin ito ordinaryong affair movie na napanood ninyo na.

 

 

Magaganap ang global premiere ng The Other Wife sa July 16  sa KTX.ph, iWant TFC, TFC, IPTV at VIVAMAX.

 

 

***

 

 

TAHIMIK pa rin si Aljur Abrenica sa paghihiwalay nila ni Kylie Padilla.

 

 

Hindi nagbibigay nang anumang pahayag si Aljur as of this writing.

 

 

Si Robin Padilla pa lang ang nagsalita at nagsabi na naiintindihan niya kung may third party involved sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur dahil natural daw sa isang lalaki na matukso.

 

 

Siyempre may hindi nagkagusto sa ginawang pagtatanggol ni Robin kay Aljur, kung sakaling true nga may third party involved sa hiwalayan nila ni Kylie.

 

 

Ang dating kasi ay parang kinukunsinti ni Robin ang “pambabae” ni Aljur kasi there was a time na hindi rin naging “faithful” si Robin before.

 

 

Pero there are always three sides to a story – in this case, ‘yung version ni Kylie, ‘yung version ni Aljur at ‘yung totoong pangyayari kung bakit sila naghiwalay.

 

 

It is up to us kung kaninong version ang paniniwalaan natin. Since hindi naman nagsasalita si Aljur at hindi rin tayo sure kung magsasalita siya, hindi natin malalaman his side of the story.

 

 

Sa ngayon ay ‘yung kwento lang ni Kyle ang alam natin.

 

 

And then, the true story of breakup from another source na siyang makapagbibigay linaw sa mga tanong kung ano talaga ang cause ng hiwalayan.

 

 

For now, maganda na rin kung may agreement sina Kylie at Aljur kung paano nila aalagaan ang kanilang mga anak. May arrangement ba sila ng visitation rights? Pwede bang hiramin ni Aljur ang mga bata if he wants too?

 

 

Mas maganda rin na hindi magpalitan nang maanghang na salita sina Kylie at Aljur for the sake of their kids.

 

 

Mukhang cordial naman ang kanilang paghihiwalay.

(RICKY CALDERON)

Metro Manila nagpa-flat trend na sa COVID-19 – OCTA

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakapagtala na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraan ang mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa indepen­dent na OCTA Research Group.

 

 

Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng ­Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril 21. Nangangahulugan ito na hindi nakapagtala ng mataas na pagbabago sa rehiyon sa mga nakalipas na linggo.

 

 

Nakitaan din ng ‘flat trends’ sa Davao City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Baguio City at Calamba City.

RIDER DEDBOL SA TRAILER TRUCK

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 33-anyos na rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Amhangel Yaris, 33, ng sa 41 Samat St. Santo Domingo, Quezon city.

 

 

Sa ulat na isinumite ni traffic investigator P/Cpl. Dino Supolmo kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, mabilis na tinatahak ng biktima, sakay ng Yamaha Aerox motorcycle ang kahabaan ng 10th Avenue patungong A. Bonifacio dakong alas-2:45 ng madaling araw habang tumatahak naman sa 5th Street ang trailer truck galing ng C-5 Road patungong EDSA.

 

 

Pagsapit sa kanto ng 10th Avenue at 5th Street, sumalpok ang biktima sa kaliwang bahagi ng trailer truck na naging dahilan upang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo at lumagapak sa sementadong lansangan.

 

 

Sa halip namang huminto para tulungan ang biktima, mabilis na pinaharurot ng driver ng trailer truck ang minamanehong sasakyan patungo sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Iniutos na ni Col. Mina ang pagsusuri sa mga nakakabit na close circuit television (CCTV) camera sa lugar na posibleng nakahagip sa insidente upang matukoy ang plate number ng sasakyang nakasalpukan ng nasawing biktima. (Richard Mesa)

Ads July 13, 2021

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Vaccination stickers sa mga bahay, suportado ng DOH

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalaan na kabitan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na ang mga nakatira ay mga ‘fully-vaccinated’ na kontra sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung isa ito sa istratehiya ng mga lokal na pamahalaan na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna, wala siyang nakikitang uri ng diskriminasyon dito.

 

 

Nauna nang nagpatupad ng estilong ito ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong.

 

 

Iginiit ni Vergeire na patuloy na boluntaryo ang pagpapabakuna ng publiko ngunit madiin ang paghikayat nila na samantalahin ang libreng bakuna sa ‘vaccination program’ bilang proteksyon sa sarili at sa mga kasamahan sa bahay.

 

 

“Sa mga communications handle natin, pilit natin ini-encourage ang ating mga kababayan na magpabakuna. Pinapakita at pinaparinig natin sa kanila kung ano ang pwedeng maging benepisyo ng bakunang ito para sila ay makumbinse,” ayon pa sa opisyal.  (Daris Jose)

VICE, nilinaw na walang galit sa mga artistang lumilipat ng ibang network

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ni Vice Ganda na wala siyang galit sa mga artistang lumilipat ng ibang network tulad nga ng naging issue sa kanya recently kung saan ay naging kontrobersyal ang sinasabing tweet niya na pinabulaanan naman niya agad.

 

 

     “Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng pinapalabas n’yong tsimis sa social media. Hoy 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho n’yo. Cheap n’yo,” paglilinaw ni Vice Ganda last Saturday sa episode ng It’s Showtime.

 

 

Matatandaang naintriga si Vice recently nang maakusahang nagparinig siya kay Bea Alonzo dahil sa kanyang tweet. Nakunan ng screenshot ang nasabing tweet na diumano’y binura na ng TV host/comedian. Mabilis niyang pinabulaanan ang nasabing post at kinondena ang mga taong nagpakalat ng fake news.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Vice na unti-unti na siyang sumasaya ngayon matapos ang pagsasara ng ABS-CBN last year.

 

 

“Dati sobra akong nalulungkot, talagang nadudurog puso ko. Pero ngayon, sumasaya na ko. Parang, the pain that I felt before is giving me strength right now. My God, isang taon na po ang nakakalipas pero nakatindig pa rin tayo ha,” ani Vice.

 

 

Sabi pa ni Vice, maraming nag-akala na tutumba na ang network pero heto nga’t dahan-dahan itong bumangon kahit sa maliliit na paraan lamang.

 

 

***

 

 

MAY payo si Robin Padilla sa anak na si Kylie Padilla ngayong hiwalay na ito sa asawang si Aljur Abrenica ay magbalik sa showbiz.

 

 

“Sabi ko, ‘mahirap ‘yung ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos, wala kang gagawin. Dapat mag-ensayo ka, ibalik mo ‘yung fighting (form) mo, kasi ‘yun ang nakalimutan mo,’” sey ni Robin sa interview sa kanya ni Ogie Diaz.

 

 

Kinausap daw niya ang anak kamakailan at pinayuhang lumaban ulit.

 

 

     “Kinausap ko ‘yan, nun’g isang beses lang, nandito kami, bago mag-Father’s Day, sabi ko sa kanya, ‘lumaban ka ulit.’ Fighter kasi ‘yan, eh.”

 

 

Hanggang diyan lang daw ang kaya niyang ipayo at hindi na siya magbibigay ng advice tungkol sa marriage nito.

 

 

     “Pagdating sa marriage, ano ba ang maia-advice ko, eh failure rin kami ng mama niya. Anon’g credibility ko?”

 

 

But if there’s one thing, pinayuhan ni Binoe si Kylie na maging Muslim na lang din na tulad niya si Aljur.

 

 

     “Sabi ko nga, ‘pag-Muslim-in mo na lang si Aljur,’” sambit niya.

 

 

Si Binoe ang nag-reveal sa naturang panayam kay Ogie na may ibang babae si Aljur na naging dahilan ng hiwalayan. And as we all know, ang mga Muslim ay allowed na magkaroon ng mahigit sa isang asawa.

 

 

Pero sa kabila nito, pabor pa rin naman si Binoe kung magkakaayos ang mag-asawa.

 

 

     “Pero sana, huwag tumagal. Kung magbabalikan sila, ‘wag nilang patagalin. Kailangan, kaagad.”

(ROSE GARCIA)

Tulong sa mga sibilyang nadamay sa pagbagsak ng C-130 tiniyak ng PAF

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) ang tulong para sa mga sibilyan na nadamay sa pagbagsak ng C-130 aircraft kabilang ang isang 13-anyos na lalaki, isang buntis at dalawang sibilyan na kasalukuyang ginagamot sa hospital.

 

 

Nabatid na personal na pinuntahan at pinasalamatan ni PAF Wing Commander, Tactical Operations Wing Western Mindanao na si Colonel Dennis Estrella ang mga sugatang sibilyan sa ospital na ngayon  ay nasa recovery stage na.

 

 

Binisita rin ni Estrella ang mga sibilyan na unang rumesponde sa pagbagsak ng C-130 aircraft sa Patikul, Sulu upang bigyang pagkilala ang kabayanihan sa pagtulong na mailigtas ang mga sundalo na naipit sa gitna ng aksidente.

 

 

Aniya, ito ay bahagi ng pagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat ni Phl Air Force Chief, Lieutenant General Allen Paredes sa mga residente at sibilyan na nagpakita ng malasakit at tapang upang tulungan at sagipin ang mga sundalo.

 

 

Samantala,  sinabi pa ni  Estrella na isasailalim nila sa ‘Search and Rescue’ training ang mga sibilyan na agad rumesponde sa insidente upang mabigyan ng pormal na kaalaman at  makatulong pa ang mga ito sa kanilang komunidad. (Gene Adsuara)

4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay City Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa..

 

 

Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P5,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 13 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P1,500 cash, 3 cellphones, pouch, motorsiklo at assorted keys.

 

 

Sa Malabon, timbog si Jomar Rapiz, 37, (User/Listed), carpentry/automotive ng No. 103 Atis Road, Brgy Potrero matapos makuhan ng isang cal. 38 revolver na may anim na bala at limang transparent platis sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa p4.6 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P31,280 ang halaga ng mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLT Jospeh Alcazar at Sub-Station 1 sa isinagawang monitoring at surveillance operation sa Atis Road, Brgy. Potrero dakong 1:05 ng hapon. (Richard Mesa)

Pope Francis binati ang mga mananampalataya sa Angelus prayer habang nasa ospital

Posted on: July 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binati ni Pope Francis ang mga mananampalataya habang ito ay nasa pagamutan.

 

 

Isinagawa nito ang lingguhan Angelus prayer sa balkunahe mismo ng Gemelli University Hospital sa Roma kung saan siya naka-confine at nagpapagaling.

 

 

Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan dahil sa naipagpatuloy ang pagsisilbi sa Maykapal.

 

 

Napagtanto niya habang nananatili sa pagamutan na mahalaga ang nasabing accesible health care na libre at ito ay para sa lahat ng tao.

 

 

Ipinagdasal din ng 84-anyos na Santo Papa ang Haiti matapos na mabaril at mapatay ang kanilang pangulo.

 

 

Inasahan na rin na makakalabas na rin ito sa pagamutan sa mga susunod na araw.

 

 

Maguguntiang sumailalim si Pope Francis sa symptomatic stenotic diverticullitis isang pamamaga sa kaniyang large colon.